623 Paanong ang Ganoong Disposisyon ay Maaangkop sa Paglilingkod sa Diyos?

Bawat isa sa inyo, sa lahat ng ginagawa mo,

dapat ipagtanggol ang mga interes ng iglesia.

At ‘di ka dapat kumapit sa sarili mong interes.

Bilang taong naglilingkod,

‘di ka dapat kumilos mag-isa

at pinapanghina ang bawat isa.

Yaong gumagawa niyan

ay ‘di nararapat maglingkod sa Diyos!


I

Ganoong tao’y may napakasamang disposisyon;

walang katiting na pagkatao’ng natitira sa kanila,

sila’y mga hayop,

isandaang porsyentong Satanas,

inaatake pa nga’ng isa’t isa sa bahaginan,

sadyang naghahanap ng dahilan

para makipagtalo,

namumula’ng mukha sa walang kwentang bagay,

na walang panig ang handang sumuko,

malihim at nag-iingat,

nagbabantay sa bawat isa.


Bawat isa sa inyo, sa lahat ng ginagawa mo,

dapat ipagtanggol ang mga interes ng iglesia.

At ‘di ka dapat kumapit sa sarili mong interes.

Bilang taong naglilingkod,

‘di ka dapat kumilos mag-isa

at pinapanghina ang bawat isa.

Yaong gumagawa niyan

ay ‘di nararapat maglingkod sa Diyos!


II

Ang disposisyong ito ba’y

angkop sa paglilingkod sa Diyos?

Gawain mo ba’y kayang tustusan

ang mga kapatid mo?

‘Di mo kayang gabayan ang iba

sa tamang landas ng buhay.

Pinupunuan mo pa sila ng katiwalian mo.

Ang kakila-kilabot mong konsensya,

bulok sa kaibuturan.

Paanong ‘di mo nasasaktan ang iba?

‘Di ka pumapasok sa realidad,

ni gumagawa ng anumang katotohanan.


Inilalantad mo sa iba’ng

maladiyablo mong kalikasan.

Sadyang wala kang kahihiyan.

Mga kapatid na ito’y ‘pinagkatiwala sa ‘yo,

ngunit dinadala mo sila sa impiyerno!

‘Di ka ba isang taong may konsensiyang bulok na?

Talagang wala kang hiya!


Bawat isa sa inyo, sa lahat ng ginagawa mo,

dapat ipagtanggol ang mga interes ng iglesia.

At ‘di ka dapat kumapit sa sarili mong interes.

Bilang taong naglilingkod,

‘di ka dapat kumilos mag-isa

at pinapanghina ang bawat isa.

Yaong gumagawa niyan

ay ‘di nararapat maglingkod sa Diyos!


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maglingkod Gaya ng Ginawa ng mga Israelita

Sinundan: 622 Ang mga Bunga ng Maalab na Paglilingkod sa Diyos

Sumunod: 624 Hindi Pinupuri ng Diyos Yaong mga Naglilingkod na Katulad ni Pablo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito