98 Walang Makalalayo mula sa Salita ng Diyos

Gagamitin ng Diyos ang Kanyang salita,

para maghari sa sansinukob at tao.


Pinadarama ng Banal na Espiritu sa tao.

Payapa sila’t matatag ang puso

matapos basahin ang salita ng Diyos,

habang hungkag ang damdamin ng wala nito.

Ganyan kalakas ang salita ng Diyos.

Matapos basahin, sila’y lumakas.

Nanlalata sila pag di nakakabasa.

Salita Niya’y nananaig sa lupa.

Sa hinaharap ito ang direksyon:

Ang magtamo ng salita, may landas sa lupa.

Anuman ang kanilang propesyon,

‘di makakasulong pag ito ay wala,

mapipilitang hanapin tunay na daan.

Pag narinig mo ‘to, ito ang kahulugan:

Taglay ang katotohanan, lalakad ka sa mundo;

wala kang mararating ‘pag wala ito.


Ang ila’y pagod na sa Kanyang gawain.

Gayunman salita Niya’y di maiwan.

Mahina man, dapat silang umasa ro’n.

Suwail ma’y di nila ‘to maiwan.

Pag salita Niya’y nagpapakita ng lakas,

Siya’y naghahari; salita Niya’y di nila maiwan.

Kanyang salita’y malalaman ng lahat.

Saka lang lalaganap gawain N’ya sa mundo.

Sa hinaharap ito ang direksyon:

Ang magtamo ng salita, may landas sa lupa.

Anuman ang kanilang propesyon,

‘di makakasulong pag ito ay wala,

mapipilitang hanapin tunay na daan.

Pag narinig mo ‘to, ito ang kahulugan:

Taglay ang katotohanan, lalakad ka sa mundo;

wala kang mararating ‘pag wala ito.


Pag nakamtan ng Diyos luwalhati,

nagpapakita ng lakas salita N’ya.

Salita Niya noon pa ay magkakatotoo.

Sa gayon, luluwalhatiin Siya sa lupa,

Salita Niya’y maghahari sa lupa.

Sa hinaharap ito ang direksyon:

Ang magtamo ng salita, may landas sa lupa.

Anuman ang kanilang propesyon,

‘di makakasulong pag ito ay wala,

mapipilitang hanapin tunay na daan.

Pag narinig mo ‘to, ito ang kahulugan:

Taglay ang katotohanan, lalakad ka sa mundo;

wala kang mararating ‘pag wala ito,

wala ito, wala ito, wala ito.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian

Sinundan: 97 Ginagamit ng Diyos ang mga Salita para Lupigin ang Buong Sansinukob sa mga Huling Araw

Sumunod: 99 Lahat ay Nakakamtan sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito