166 Dalawang Libong Taon ng Pananabik

Na ang Diyos ay nagkatawang-tao

niyayanig ang relihiyosong mundo,

nagugulong pangrelihiyong kaayusan,

at ginigising lahat ng kaluluwang

nananabik sa pagpapakita ng Diyos.

Sinong ‘di namamangha dito?

Sino ang hindi nasasabik na makita ang Diyos?

Ilang taon ang ginugol ng Diyos sa piling ng tao,

ngunit ‘di ito namalayan ng tao.

Ngayon, ang Diyos Mismong nagpakita para

muling ibalik ang dati Niyang pagmamahal sa tao.


Matapos Niyang lumisan mula sa Judea,

naglaho ang Diyos nang walang bakas.

Nasabik ang mga taong makita Siyang muli,

ngunit ‘di nila kailanman inasahan

ang makasama Siyang muli dito at ngayon.

Paanong hindi nito maibabalik

ang mga alaala ng lumipas?

Dalawang libong taon na ang nagdaan,

Nakilala ni Simon na anak ni Jonah

ang Panginoong Jesus,

at nakasalong kumain sa iisang hapag.

Pinalalim ng mga taon ng pagsunod

ang pagmamahal niya sa Kanya.

Minahal niya si Jesus hanggang

sa kaibuturan ng kanyang puso.

Maraming taon ang ginugol ng Diyos

sa piling ng tao, ngunit ‘di ito namalayan ng tao.

Ngayon, ang Diyos Mismong nagpakita para

muling ibalik ang dati Niyang pagmamahal sa tao,

para muling ibalik ang dati Niyang pag-ibig sa tao.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 10

Sinundan: 165 Walang Nakababatid sa Pagparito ng Diyos

Sumunod: 167 Si Cristo ay Ating Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

998 Ang Mensahe ng Diyos

ⅠNakaraa’y lumipas na,huwag na ditong kumapit pa.Nanindigan kayo kahapon.Maging tapat sa Diyos ngayon.Ito’ng dapat n’yong malaman.Kahit...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito