922 Walang Tao o Bagay na Makakahigit sa Awtoridad at Kapangyarihan ng Diyos

1 Kahit na tinitingnan ni Satanas si Job nang may inggit sa mga mata, hindi ito nangahas na hipuin ni isang buhok sa katawan ni Job nang walang pahintulot ng Diyos. Kahit pa likas na masama at malupit si Satanas, matapos ibaba ng Diyos ang Kanyang utos dito, wala nang nagawa si Satanas kundi sumunod sa kautusan ng Diyos. Hindi nangangahas si Satanas na salungatin ang anumang mga salita ng Diyos na si Jehova. Para kay Satanas, ang bawat salita mula sa bibig ng Diyos ay isang utos at isang batas ng kalangitan, isang pagpapahayag ng awtoridad ng Diyos—dahil sa likod ng bawat salita ng Diyos ay ipinahihiwatig ang kaparusahan ng Diyos para sa mga lumalabag sa mga utos ng Diyos, at sa mga sumusuway at sumasalungat sa mga batas ng kalangitan.

2 Ang mga pagkilos ni Satanas tungo kay Job ay isang maliit na paglalarawan lamang ng katiwalian nito sa tao, at nang isinakatuparan ni Satanas ang mga pagkilos na ito, ang mga itinakdang hangganan ng Diyos at ang Kanyang ibinabang mga utos kay Satanas ay isang maliit na paglalarawan lamang ng mga prinsipyo sa likod ng lahat ng ginagawa nito. Dagdag pa rito, ang tungkulin at papel ni Satanas sa bagay na ito ay isang maliit na paglalarawan lamang ng tungkulin at papel nito sa gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang lubos na pagsunod ni Satanas sa Diyos sa panunukso nito kay Job ay isang maliit na paglalarawan lamang kung paanong hindi nangahas si Satanas na kumontra nang kahit kaunti sa Diyos sa gawain ng pamamahala ng Diyos.

3 Sa lahat ng bagay, kasama na si Satanas, walang tao o bagay ang makakalabag sa mga batas ng kalangitan at mga utos na itinakda ng Lumikha, at walang tao o bagay ang nangangahas na labagin ang mga batas at utos ng kalangitan na ito, dahil walang tao o bagay ang maaaring bumago o tumakas mula sa kaparusahan na ipinapataw ng Lumikha sa mga sumusuway sa mga ito. Tanging ang Lumikha lamang ang makakapagtatag ng mga batas at mga utos ng kalangitan, tanging ang Lumikha lamang ang may kapangyarihan na ipatupad ang mga ito, at tanging ang kapangyarihan lamang ng Lumikha ang hindi malalabag ng sinumang tao o bagay. Ito ang natatanging awtoridad ng Lumikha, at kataas-taasan ang awtoridad na ito sa lahat ng bagay, at kaya imposibleng sabihin na “ang Diyos ang pinakadakila at pangalawa si Satanas.” Maliban sa Lumikha na nagtataglay ng natatanging awtoridad, wala nang iba pang Diyos!

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Sinundan: 921 Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos

Sumunod: 923 Hindi Malalampasan ni Satanas ang Awtoridad ng Diyos Kailanman

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito