130 Ibang Panahon, Ibang Gawaing Pagka-Diyos
Ⅰ
Sa mga huling araw, ito ang pangunahing katotohanan
na “ang Salita ay nagiging tao” na isinakatuparan ng Diyos.
Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawain sa lupa,
pinangyayari ng Diyos na makilala Siya ng tao,
pinangyayari na ang tao ay makipag-ugnayan sa Kanya,
at ginagawang makita ng tao ang Kanyang aktwal na gawa.
Ginagawa Niyang makita nang malinaw ng tao
na kung minsan ay ginagawa Niya o hindi
na magpakita ng mga tanda at kababalaghan.
Ito ay batay sa kapanahunan.
Ipinakikita nito na kaya ng Diyos
na magpakita ng mga tanda at kababalaghan,
ngunit binabago Niya ang Kanyang paggawa
batay sa Kanyang gawain at sa panahon.
Dahil ito’y sa ibang kapanahunan
at ibang yugto ng gawain ng Diyos, mga gawang
ginagawang malinaw ng Diyos ay iba-iba.
Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi
sa mga tanda, kababalaghan o himala,
kundi sa Kanyang tunay na gawain
sa bagong panahon, sa bagong panahon.
Ⅱ
Sa kasalukuyang yugto ng gawain,
hindi Niya ipinakikita ang mga tanda
o kababalaghang ginawa Niya
sa kapanahunan ni Jesus, dahil iba
ang Kanyang gawain sa panahong iyon.
Hindi ginagawa ngayon ng Diyos ang gawaing iyon.
At iniisip ng iba na hindi Niya kayang gawin iyon
o hindi Siya Diyos dahil hindi Niya ginagawa.
Hindi ba iyan kamalian?
Kaya ng Diyos na magpakita
ng mga tanda’t kababalaghan,
ngunit gumagawa Siya sa ibang panahon
kaya’t hindi Niya ginagawa ang gayong gawain.
Dahil ito’y sa ibang kapanahunan
at ibang yugto ng gawain ng Diyos, mga gawang
ginagawang malinaw ng Diyos ay iba-iba.
Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi
sa mga tanda, kababalaghan o himala,
kundi sa Kanyang tunay na gawain
sa bagong panahon, sa bagong panahon.
Ⅲ
Ah, nakikilala ng tao ang Diyos
sa paraan ng paggawa ng Diyos.
Nililikha ng kaalamang ito sa tao ang paniniwala
sa Diyos, sa Kanyang gawain at gawa.
Dahil ito’y sa ibang kapanahunan
at ibang yugto ng gawain ng Diyos, mga gawang
ginagawang malinaw ng Diyos ay iba-iba.
Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi
sa mga tanda, kababalaghan o himala,
kundi sa Kanyang tunay na gawain sa bagong panahon,
sa bagong panahon, sa bagong panahon.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon