206 Hindi Ko na Muling Iiwan ang Diyos
1 Matapos akong maging mananampalataya sa Diyos, naghanap ako ng mga kayamanan, tinalikuran ko Siya upang bumalik sa mundo. Ginugol ko ang aking mga araw sa pagmamadali para sa laman, pinapagod kapwa ang isip at katawan ko. Sa mga panahong iyon na wala ang Diyos, pagdurusa ang aking kasama. Nahulog ako sa kadiliman, at napuno ng takot ang aking puso. Nagsimula lamang akong magnilay sa aking sarili pagkatapos ng mahigpit na pagkakastigo at disiplina ng Diyos. Hindi pa ako sumunod sa Kanya nang masigasig; hindi ko pinahalagahan kailanman ang Kanyang mga salita. Sa pagtalikod ko sa pananampalataya at pagiging matuwid, sinaktan ko ang puso ng Diyos. Tinanong ko ang aking sarili: Nasaan ang aking budhi? Wala akong paggalang sa Diyos; sa kabila ng paglabag ko sa Kanyang disposisyon, nanatili akong malimutin.
2 Sa pamamagitan ng Kanyang paghatol at pagkastigo, nakamtan ko ang malinaw na pagtingin sa aking kalikasang magtaksil sa Diyos. Yumuko ako sa harap Niya, nagapi ng pagsisisi, puno ng pagkakonsensya at kahihiyan. Ang aking katigasan ng ulo at pagiging mapanghimagsik ay lubos na nakasakit sa Diyos; paano ko buburahin sa aking puso ang lahat ng mga nakakahiyang bagay na nagawa ko? Ang Kanyang awa at pag-ibig ang nagbigay sa akin ng pagkakataong magsisi, nagpapahintulot sa akin na bumalik sa Kanyang bahay at muling gampanan ang aking tungkulin. Nang matikman ko ang dalisay na pag-ibig ng Diyos, mas nadama ko kung gaano kalaki ang utang na loob ko sa Kanya. Naramdaman kong ang Kanyang disposisyon ay may pagiging matuwid at pagkamaharlika, pati na rin ng awa at mapagmahal na kabaitan. Binigyan ko ang aking sarili ng bagong layunin: ang magsimulang muli, suklian ang pag-ibig ng Diyos, at magpatotoo sa Kanya.