205 Mga Tanikala
1 Labis kong pinahahalagahan ang aking katayuan sa puso ng ibang tao. Gusto kong tinitingala ako ng iba at nasisiyahan ako sa mataas na pagtingin sa akin. Tinitiis ko lamang ang kahihiyan at nagsisikap upang makaungos at mas manguna kaysa sa iba. At naging mga tanikala ko ang mga ito na laging gumagapos sa akin.
2 Maraming taon na akong naniniwala sa Diyos, ngunit nakikipagkompetensiya pa rin ako at gustong-gusto kong nagyayabang. Puno ng pagyayabang, ipinapangaral ko ang mga espirituwal na teoriya upang bitagin at linlangin ang iba. Sa aking pagkukunwari, nagkasala ako sa disposisyon ng Diyos noong una, at kinapootan at tinanggihan Niya ako. Nahulog ako sa kadiliman at labis na natikman ang pagdurusa ng pagkagapos sa katanyagan at kapalaran.
3 Tumatagos ang mga salita ng Diyos sa puso ko gaya ng isang dobleng-talim na espada, ibinubunyag ang aking kalikasan at inilalantad ang aking pangit na kaluluwa. Nakikita ko na ang pagmamataas, pagpapahalaga sa sarili, at ang pagnanasa para sa kapangyarihan ay naging likas sa akin. Sa pagmamadaling magkaroon ng posisyon sa anumang paraan, nawalan ako ng konsiyensiya at katwiran.
4 Si Cristo ay kataas-taasan at marangal, subalit Siya ay mapagpakumbaba at hindi kailanman nagyayabang. Ako’y alabok, mababa at hamak, subalit ako’y palalo at nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba. Sa pagkaalam na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid, banal at kaibig-ibig, wala akong mapagtaguan ng aking kahihiyan. Damang-dama ko kung gaano ako katiwali; wala ako ni katiting na pagkakatulad sa tao.
5 Sa pagdanas ng paghatol ng mga salita ng Diyos, nagpatirapa ako sa harapan Niya. Buo ang pasya ko na gumawa ng serbisyo sa Kanya at tuparin ang aking tungkulin, ang aking mga paa’y matatag na nakalapat sa lupa. Sa pagtalikod sa aking laman at pagsasagawa sa katotohanan, nalilinis ang aking satanikong disposisyon. Iniligtas ako ng paghatol at pagkastigo ng Diyos; pinasasalamatan at pinupuri ko ang Diyos!