207 Nalupig Ako ng mga Salita ng Diyos

1 Maraming taon akong naniwala sa Panginoon, ngunit hindi ko alam hanapin ang katotohanan. Kumakapit sa seremonya ng relihiyon, ang pananampalataya ko ay malabo at mahirap unawain. Kaunti lang ang naunawaan ko sa Biblia, kaya inakala kong kilala ko ang Diyos. Ako’y gumugol at nagdusa para sa Panginoon upang magantimpalaan at makoronahan. Ang puso ko’y puno ng mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos. Ninasa kong tamasahin ang Kanyang biyaya at mga pagpapala. Nang mamasdan ko ang mga pagbigkas ng Anak ng tao na nagkatawang-tao, ginamit ko ang mga nakasulat sa Biblia upang sukatin ang gawain ng Diyos. Kumapit ako sa mga kuru-kuro sa relihiyon, inaakalang ito ay katapatan sa Panginoon. Paanong naiba ang mga kilos ko sa mga kilos ng mga Fariseo?

2 Matapos mahatulan ng mga salita ng Diyos, mukhang nagising ako mula sa panaginip. Nakita ko kung paano ko nawala ang aking konsiyensiya at katwiran dahil sa aking pagmamataas. Nang wala ang katotohanan, madalas kong nililimitahan ang Diyos gamit ang aking mga kuru-kuro at imahinasyon, ikinakaila at gumagawa ng mga paghatol tungkol kay Cristo na para bang Siya ay isang karaniwang tao. Nang magapi lamang ako ng mga salita ng Diyos ko namasdan ang pagpapakita Niya. Nasuklam ako sa sarili ko sa pagiging masyadong mapagmataas at bulag upang makilala ang Diyos. Ang mga isipin ng aking pagsuway at pagsalungat noon ay pumupuno sa akin ng panghihinayang. Yumuyukod sa harap ng Diyos, nadarama ko ang sukdulang panghihinayang. Nagpasya akong hanapin ang katotohanan at isabuhay ang pagkakatulad sa tao. Determinado akong sumunod sa Diyos, at hindi magpapahinga hanggang sa makamit ko ang katotohanan.

Sinundan: 206 Hindi Ko na Muling Iiwan ang Diyos

Sumunod: 208 Isang Pagpapala ang Paghatol ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito