Tanong 9: Ang Biblia ay isang patotoo sa Panginoon, at ang pundasyon ng ating pananampalataya. Sa loob ng dalawang libong taon na ito, nakabatay na sa Biblia ang pananampalataya ng lahat ng nananalig. Kaya naniniwala ako na kinakatawan ng Biblia ang Panginoon. Ang ibig sabihin ng pananalig sa Panginoon ay pananalig sa Biblia, ang pananalig sa Biblia ay pananalig sa Panginoon. Anuman ang mangyari, hindi tayo maaaring lumihis sa Biblia. Paano tayo mananampalataya kung wala ang Biblia? Matatawag pa ba itong pananampalataya sa Panginoon? Sabihin n’yo sa akin, ano ang mali sa pagsampalataya sa ganitong paraan?

Sagot: Maraming naniniwala na kumakatawan ang Biblia sa Panginoon, kumakatawan sa Diyos at na ang paniniwala sa Panginoon ay kapareho ng paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay kapareho ng paniniwala sa Panginoon. Pinagpantay ng mga tao ang kahalagahan ng Biblia at ng Diyos. May mga tao pa nga na tinatanggap ang Biblia nang hindi tinatanggap ang Diyos. Iniisip nila na pinakamakapangyarihan ang Biblia, at nagsisikap pa nga na ipagpalit ang Diyos sa Biblia. May mga pinuno pa nga ng relihiyoso na tinatanggap ang Biblia nang hindi tinatanggap si Cristo, at sinasabi na ang mga nangangaral tungkol sa ikalawang pagparito ng Panginoon ay mga erehe. Ano ba talaga ang isyu rito? Kitang-kita na ang mga relihiyon ay umabot na sa punto na ang tanging kinikilala nila ay ang Biblia at bigo silang manalig sa pagbalik ng Panginoon—hindi sila maliligtas. Mula rito malinaw na, ang mga relihiyon ay naging isang grupo ng mga anticristo, na kumakalaban sa Diyos at itinuturing na kaaway ang Diyos. Hindi maitatanggi na maraming pinuno ng relihiyon ang mga mapagkunwaring Fariseo. Lalo na ang mga nagsasabi na “yaong mga nangangaral tungkol sa ikalawang pagparito ng Panginoon ay mga erehe,” lahat sila ay anticristo at walang pananalig. Tila maraming tao ang hindi nakakaalam kung ano talaga ang pananampalataya sa Panginoon. Ang tawag nila sa kanilang pananalig sa malabong Diyos na ito ay nakasanayang pananampalataya at nananalig pa nga sa Biblia sa halip na sa Diyos. Ikinakaila at hinuhusgahan pa nila ang Cristong nagkatawang-tao sa mga huling araw. Binabalewala at kinalilimutan nila ang anumang katotohanang ipinapahayag ni Cristo. Ano ang problema rito? Medyo malalim na tanong ito! Noong panahon na ginawa ni Jesus ang Kanyang gawain, hindi ba kumilos din sa gayong paraan ang mga Judio? Bago nagpakita si Cristo para isagawa ang Kanyang gawain, ibinatay ng lahat ng tao ang kanilang pananampalataya sa Diyos sa Biblia. Walang makapagsabi kung kaninong pananampalataya ang totoo at kanino ang mali, at tiyak na walang makapagsabi kung sino ang tunay na sumusunod sa Diyos at sino ang kumokontra sa Kanya. Bakit nang maging tao ang Panginoong Jesucristo at isagawa Niya ang Kanyang gawain, nahayag ang bawat uri ng tao? Dito nakasalalay ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Kapag nagpakita ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo sa mga huling araw, at gumawa ng Kanyang gawain, maririnig ng matatalinong dalaga ang Kanyang tinig at makikita ang mga yapak ng Diyos; kaya, natural, dadalhin sila sa harapan ng luklukan ng Diyos. Tungkol naman sa mga mangmang na dalagang iyon, dahil iginigiit nila ang Biblia at bigo silang kilalanin na ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo sa mga huling araw ay talagang ang Diyos, kaya sila ay mahahayag at itatakwil. Sa ngayo’y mahigpit pa rin silang nakakapit sa tinatawag nilang pananampalataya, ngunit pagdating ng mga kalamidad, sila ay mananaghoy at magngangalit ang kanilang mga ngipin. Mula rito makikita natin, yaon lamang mga kumakapit sa Biblia at bigong tanggapin ang katotohanan, yaong mga nananalig lang sa Diyos na nasa langit ngunit bigong tanggapin ang Cristong nagkatawang-tao ay pawang mga walang pananalig at tiyak na aalisin ng Diyos. Totoo ’yan! Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol dito.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mula sa panahon ng pagkakaroon ng Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang pananalig sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuting sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang dugong bumubuhay sa kanila, at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at mayroon pang itinuturing itong mas mataas kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari pa rin silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga kilalang kabanata at kasabihan mula sa Biblia, parang nawalan na rin sila ng buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).

Naniniwala sila sa pag-iral Ko sa loob lamang ng saklaw ng Biblia, at ipinapantay nila Ako sa Biblia; kung wala Ako wala ang Biblia, at kung wala ang Biblia wala Ako. Hindi sila nagbibigay ng pansin sa pag-iral o mga kilos Ko, ngunit sa halip ay nag-uukol ng sukdulan at espesyal na pansin sa bawat salita ng Banal na Kasulatan. Marami pa ang naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban kung ito ay hinulaan ng Banal na Kasulatan. Nagbibigay sila ng sobrang pagpapahalaga sa Banal na Kasulatan. Masasabing nakikita nilang napakahalaga ang mga salita at mga pagpapahayag, hanggang sa ginagamit nila ang mga bersikulo mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang sinasabi Ko at upang kondenahin Ako. Ang hinahangad nila ay hindi ang daan ng pagiging-magkaayon sa Akin o ang daan ng pagiging-magkaayon sa katotohanan, ngunit ang daan ng pagiging-magkaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala silang anumang hindi umaayon sa Biblia ay, walang pagbubukod, hindi Ko gawain. Hindi ba ang ganitong mga tao ay ang masusunuring mga inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Fariseong Hudyo ang batas ni Moises upang parusahan si Jesus. Hindi nila hinangad ang pagiging-magkaayon sa Jesus ng panahong iyon, ngunit masusing sinunod ang eksaktong sinabi ng batas, hanggang—matapos Siyang kasuhan ng hindi pagsunod sa batas ng Lumang Tipan at pagiging hindi ang Mesiyas—sa huli ipinako nila sa krus ang walang-salang Jesus. Ano ang pinakadiwa nila? Hindi ba’t hindi nila hinangad ang daan sa pagiging-magkaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Banal na Kasulatan habang hindi nagbibigay pansin sa kalooban Ko o sa mga hakbang at mga kaparaanan ng gawain Ko. Hindi sila mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong mahigpit na kumapit sa mga salita; hindi sila mga taong naniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniwala sa Biblia. Sa pinakadiwa, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang mapangalagaan ang mga interes ng Biblia, upang mapanatili ang dangal ng Biblia, at upang maprotektahan ang reputasyon ng Biblia, humantong sila sa pagpako nila sa krus sa mahabaging Jesus. Ginawa nila ito alang-alang lamang sa pagtatanggol sa Biblia, at alang-alang sa pagpapanatili ng katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya ginusto nilang talikdan ang kinabukasan nila at ang handog para sa kasalanan upang kondenahin si Jesus, na hindi umayon sa doktrina ng Banal na Kasulatan, sa kamatayan. Hindi ba sila mga manghihibo sa bawat salita ng Banal na Kasulatan?

At ano naman ang mga tao ngayon? Dumating si Cristo upang ilabas ang katotohanan, subalit mas gugustuhin nilang paalisin Siya mula sa mundong ito upang makamit nila ang pagpasok sa langit at makatanggap ng biyaya. Mas gugustuhin pa nilang lubos na ikaila ang pagdating ng katotohanan upang mapangalagaan ang mga interes ng Biblia, at mas gugustuhin pa nilang muling ipako sa krus ang Cristong nagbalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang pag-iral ng Biblia. Paanong matatanggap ng tao ang pagliligtas Ko kung mapaghangad ng masama ang puso niya at laban sa Akin ang kalikasan niya?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo).

Ngayong nabasa na natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sama-sama tayong magnilay-nilay: Ano ang ibig sabihin ng manalig sa Panginoon? Ano ang ibig sabihin ng manalig sa Biblia? Ano ang kaugnayan ng Biblia sa Panginoon? Ano ang nauna, ang Biblia o ang Panginoon? Kung gayon sino ang gumagawa ng gawain ng pagliligtas? Kung gayon, maaari bang humalili ang Biblia sa Panginoon sa paggawa ng Kanyang gawain? Maaari bang katawanin ng Biblia ang Panginoon? Kung pikit-matang sasampalataya ang mga tao sa Biblia at sasamba sa Biblia, ibig bang sabihin ay nananalig at sumasamba sila sa Diyos? Ang paniniwala ba sa Biblia ay katumbas ng pagsunod at pagkakaroon ng karanasan sa salita ng Diyos? Ang paniniwala ba sa Biblia ay nangangahulugan na sinusundan ng isang tao ang landas ng Panginoon? Kaya kung mas pahahalagahan ng mga tao ang Biblia kaysa anupamang bagay, ibig bang sabihin ay dinadakila nila ang Diyos, na nagpipitagan at sumusunod sila sa Panginoon? Walang sinumang nakakakita ng katotohanan sa mga isyung ito. Sa loob ng libu-libong taon, pikit-mata nang sinamba ng mga tao ang Biblia at pinagpantay ang kahalagahan ng Biblia at ng Panginoon. Ginagamit pa ng ilan ang Biblia para humalili sa Panginoon at sa Kanyang gawain, ngunit walang tunay na nakakakilala sa Panginoon at sumusunod sa Kanya. Kumapit ang mga Fariseo sa Biblia, ngunit ipinako pa rin nila sa krus ang Panginoong Jesus. Ano ang isyu? Ang pag-unawa ba sa Biblia ay pagkilala sa Diyos? Ang pagkapit ba sa Biblia ay pagsunod sa landas ng Panginoon? Eksperto ang mga Fariseo sa pag-intindi sa teksto ng Biblia, ngunit hindi nila kilala ang Diyos. Sa halip, ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus na nagpahayag ng katotohanan at gumawa ng nakatutubos na gawain. Nalimutan na ba talaga natin ito? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng tunay na kilalanin ang Diyos? Nararapat bang ituring na pagkilala sa Diyos ang kakayahan lang na ipaliwanag ang Biblia at unawain ang kaalaman sa Biblia? Kung gayon, bakit hinusgahan at kinontra ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus kahit nang ipaliwanag nila ang Biblia? Ang susi kung talagang kayang kilalanin at sundin ng isang tao ang Diyos ay kung kilala at sinusunod niya ang nagkatawang-taong Cristo o hindi. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay inihahayag ang buong sangkatauhan, ito ang hindi natatanto ng karamihan. Ang sumpa ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo ay testamento sa katotohanan na tinatrato ng Diyos ang lahat nang may kabanalan. Tulad ng nilinaw, kung hindi sinusunod at sinasamba ng isang tao ang Panginoon ngunit pikit-mata lamang na nananalig at sumasamba sa Biblia, hindi siya tatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung ang pananampalataya ng tao ay binubuo lamang ng pagsunod sa Biblia at walang lugar sa puso nila para sa Panginoon, kung hindi nila kayang dakilain ang Panginoon at sundin ang Kanyang mga salita, kung hindi nila kayang tanggapin at sundin ang gawain at patnubay ng Diyos, lahat kayo, sasabihin n’yo ba na ang gayong tao ay isang mapagkunwaring Fariseo? Ang gayong tao ba ay isang anticristo, isang tao na ginawang kaaway si Cristo? Kaya, kung kakapit lamang ang tao sa Biblia, hindi nito ibig sabihin na natamo na niya ang katotohanan at buhay. Maling sambahin at pikit-matang sundin ang Biblia, sa paggawa nito tiyak na hindi tatanggapin ng isang tao ang pagsang-ayon ng Panginoon. Naging tao ang Diyos at nagpahayag ng katotohanan upang padalisayin at iligtas ang tao, at sagipin siya mula sa impluwensya ni Satanas upang sundin niya ang Diyos, sambahin ang Diyos at makamit siya ng Diyos sa huli. Ito ang layunin at kahulugan ng paggawa ng Diyos na nagkatawang tao ng Kanyang gawain. Ang susi sa ating pananampalataya ay paghahanap ng katotohanan, at pagsunod at pagkakaroon ng karanasan sa salita ng Diyos. Sa paraang ito lamang natin matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at makikilala ang Panginoon. Sa gayon, maaari na nating katakutan ang Diyos, at dakilain ang Panginoon sa ating puso. Gayundin, magkakaroon tayo ng tunay na pananampalataya at pagsunod sa Kanya. Ito ang tunay na kahulugan ng ating pananampalataya sa Panginoon. Sa pamamagitan lamang ng pagsampalataya sa ganitong paraan natin matatanggap ang pagsang-ayon ng Panginoon. Mula rito, malinaw na nakikita ng lahat na ang paniniwala sa Biblia ay hindi katumbas ng paniniwala sa Diyos.

Kaya ano ang kaugnayan ng Biblia sa Panginoon? Tungkol sa tanong na ito, napakalinaw ng sinabi ng Panginoong Jesus. “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay(Juan 5:39–40). Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus, napakalinaw na ang Biblia ay isang patotoo lamang ng Diyos, isang talaan lamang ito ng gawain ng Diyos noong araw. Ang Biblia ay hindi kumakatawan sa Diyos, dahil ang Biblia ay may limitadong salaysay lamang ng mga salita at gawain ng Diyos. Paano maaaring kumatawan sa Diyos ang limitadong salaysay na ito ng mga salita at gawain ng Diyos? Ang Diyos ang Lumikha na nagpupuno sa lahat ng bagay, Siya ang Panginoon ng lahat ng bagay. Ang buhay ng Diyos ay walang limitasyon at hindi mauubos. Ang kasaganaan ng Diyos, ang kadakilaang hindi maaarok ng tao kailanman. At ang limitadong talaan ng mga salita at gawain ng Diyos na matatagpuan sa Biblia ay isang patak lang sa malawak na karagatan ng buhay ng Diyos. Paano kakatawanin ng Biblia ang Diyos? Paano makakapantay ang Biblia sa Diyos? Kayang iligtas ng Diyos ang tao, kaya bang iligtas ng Biblia ang tao? Kayang ipahayag ng Diyos ang katotohanan, kaya bang gawin iyon ng Biblia? Kaya ng Diyos na bigyang-liwanag, paliwanagan at gabayan ang tao anumang oras, magagawa ba ’yan ng Biblia? Talagang hindi! Kaya ng Diyos na bigyang-liwanag, paliwanagan at gabayan ang tao anumang oras, magagawa ba ’yan ng Biblia? Siyempre, hindi! Kaya, hindi maaaring kumatawan ang Biblia sa Diyos! Ipinapantay ng tao ang Biblia sa Diyos at iniisip na maaaring kumatawan ang Biblia sa Diyos. Hindi ba ito paghamak at paglapastangan sa Diyos? Kung ipapalit ng tao ang Biblia sa gawain ng Diyos, ito ay pagtanggi at pagkakanulo sa Diyos. Ang Diyos ay Diyos, ang Biblia ay Biblia. Hindi maaaring kumatawan ang Biblia sa Diyos, ni hindi nito kayang humalili sa gawain ng Diyos. Ang Biblia ay isang talaan lamang ng gawain ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos sa Biblia ay katotohanan. Ipinapakita nito ang disposisyon ng Diyos sa buhay, at maaaring magpakita ng kalooban ng Diyos. Ngunit bawat yugto ng gawain ng Diyos ay kumakatawan lamang sa hinihiling at kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan sa loob ng kapanahunang iyon. Hindi ito kumakatawan sa mga salita at gawain ng Diyos sa ibang mga kapanahunan.

Hinggil sa tunay na pangyayaring nakapaloob sa Biblia, sa tingin ko puwede nating tingnan ang isang talata mula sa Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Biblia: na ito’y walang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang patotoo sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo—hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 4).

Masasabi na ang kanilang itinala ay ayon sa antas ng kanilang pinag-aralan at kakayahan ng tao. Ang kanilang itinala ay mga karanasan ng mga tao, at bawat isa ay may sariling paraan ng pagtatala at pagkaalam, at bawat talaan ay naiiba. Kaya, kung sinasamba mo ang Biblia bilang Diyos napakamangmang at napakahangal mo! Bakit hindi mo hinahanap ang gawain ng Diyos sa ngayon? Gawain ng Diyos lamang ang makapagliligtas sa tao. Hindi maililigtas ng Biblia ang tao, maaari nilang basahin ito nang ilang libong taon at wala pa ring magiging pagbabago sa kanila kahit katiting, at kung sasambahin mo ang Biblia hinding-hindi mo makakamtan ang gawain ng Banal na Espiritu(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 3).

Ang pagturing ng mga tao sa Biblia ay isang pagkahumaling at pananampalataya, at walang sinuman ang nagbibigay ng ganap na kalinawan tungkol sa nakapaloob na kuwento o diwa ng Biblia. Kaya ngayon ang mga tao ay mayroon pa ring di-mailarawang diwa ng kahiwagaan pagdating sa Biblia, at mas nahuhumaling pa sila rito, at nagkakaroon pa nga ng higit na pananalig rito. … Sa ganito kabulag na paniniwala sa Biblia, sa ganitong pagtitiwala sa Biblia, wala na silang hangad na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa mga kuru-kuro ng mga tao, iniisip nila na ang Biblia lamang ang maaaring maghatid ng gawain ng Banal na Espiritu, sa Biblia lamang nila makikita ang mga yapak ng Diyos, sa Biblia lamang nakatago ang mga hiwaga ng gawain ng Diyos, ang Biblia lamang—hindi ang ibang mga aklat o tao—ang makapaglilinaw ng lahat tungkol sa Diyos at sa kabuuan ng Kanyang gawain. Ang Biblia ay maaaring maghatid ng gawain ng langit sa lupa, at ang Biblia ay maaaring kapwa simulan at tapusin ang mga kapanahunan. Sa mga kuru-kuro na ito, wala nang kagustuhan ang mga tao na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Kaya, gaano man kalaki ang naging tulong ng Biblia sa mga tao noong araw, ito ay naging isang balakid sa pinakabagong gawain ng Diyos. Kung wala ang Biblia, maaaring hanapin ng mga tao ang mga yapak ng Diyos sa ibang lugar, ngunit ngayon, nakapaloob na ang Kanyang mga yapak sa Biblia, at naging doble ang hirap ng pagpapalawak ng Kanyang pinakabagong gawain, at tila isa itong paakyat na paglalakbay. Lahat ng ito ay dahil sa kilalang mga kabanata at kasabihan mula sa Biblia, at dahil na rin sa iba’t ibang mga propesiya sa Biblia. Ang Biblia ay naging idolo sa isipan ng mga tao, ito ay naging isang palaisipan sa kanilang mga utak, at sadyang hindi nila kayang paniwalaang makagagawa ang Diyos ng gawaing nasa labas ng Biblia, hindi nila kayang paniwalaan na matatagpuan ng mga tao ang Diyos nang labas sa Biblia, at mas lalong hindi nila magawang paniwalaan na maaaring lumihis ang Diyos sa Biblia sa huling gawain at magsimulang muli. Hindi ito sukat maisip ng mga tao, hindi sila makapaniwala rito, at hindi rin nila ito makita sa kanilang isipan. Ang Biblia ay naging isa nang malaking balakid sa pagtanggap ng mga tao sa bagong gawain ng Diyos, at pagpapahirap sa pagpapalawak ng Diyos ng bagong gawaing ito.” “Kung sabagay, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangang maging ayon sa Biblia ang gawain ng Diyos? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaring lumayo ang Diyos sa Biblia at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung magsasagawa Siya nang isinasaalang-alang ang araw ng Sabbath at nang ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, at sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya hindi isinagawa ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Biblia?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).

Ang paghahanap at pagsisiyasat sa katotohanan patungkol sa tanong kung ang Biblia ba ay maaaring kumatawan sa Diyos at kung ano ang kaugnayan ng Biblia sa Diyos ay napakahalaga. Kailangan muna nating malaman: Anong uri ng Diyos ang Diyos? Ang Diyos lamang ang makapagligtas sa sangkatauhan at makakagabay sa sangkatauhan. Ang Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Halos lahat ay kinikilala ito. Ngayo’y pag-isipan natin ito: Paano ba ginawa ang Biblia? Nang matapos ng Diyos ang Kanyang gawain, isinulat ng mga taong ginamit Niya ang kanilang patotoo at mga karanasan, at ang mga patotoo at karanasang ito ay tinipon kalaunan upang mabuo ang Biblia. Kaya masasabi natin nang may matinding katiyakan na ang Biblia ay isang talaan lamang ng gawain ng Diyos noong araw, isang patotoo lamang tungkol sa gawain ng Diyos. Hindi maaaring kumatawan ang Biblia sa Diyos, ni hindi ito maaaring humalili sa lugar ng Diyos upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa tao. Kung ang pananampalataya ng tao ay batay lamang sa pagbabasa ng Biblia at hindi sa karanasan niya sa gawain ng Diyos, hindi niya kailanman matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at hindi siya maliligtas. Bakit ko nasabi ’yan? Dahil patuloy ang pag-usad ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Sa gayon, hindi dapat tayo magtuon sa isa o dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Kailangan nating sundan ang mga yapak ng gawain ng Diyos hanggang makumpleto ng Diyos ang Kanyang gawain na iligtas ang sangkatauhan. Sa ganitong paraan lamang natin matatanggap ang lubos na pagliligtas ng Diyos at makakapasok sa masayang hantungan ng sangkatauhan. Ang plano ng pangangasiwa ng Diyos sa kaligtasan ay may tatlong yugto ng gawain: ang gawain ng Kapanahunan ng Batas, ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kapanahunan ng Kaharian. Nauunawaan na ngayon ng lahat na ang Kapanahunan ng Kautusan ang panahon na gumamit ang Diyos ng mga batas para gabayan ang buhay ng tao. Ang Kapanahunan ng Biyaya ay noong gawin ng Diyos ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Ipinako sa krus ang Panginoong Jesus para tubusin ang sangkatauhan mula sa kapangyarihan ni Satanas, patawarin sila sa kanilang mga kasalanan, at maging karapat-dapat silang humarap sa Diyos, manalangin sa Diyos, ay makausap Siya. Patungkol sa gawain ng paghatol sa Kapanahunan ng Kaharian, ito ang mismong gawain na lubusang linisin, iligtas, at gawing sakdal ang buong sangkatauhan. Kung magdaraan lang ang sangkatauhan sa gawain ng Kapanahunan ng Batas at ng Kapanahunan ng Biyaya ngunit bigo silang tanggapin ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw, hindi sila lubusang maliligtas at makakamtan ng Diyos. Bakit ganito? Nakikita nating lahat na sa Kapanahunan ng Biyaya ang gawain ng Panginoong Jesus ay tubusin lang ang sangkatauhan. Sa panahong ito, ang pananalig sa Panginoon ay tinulutan lamang tayo na mapatawad sa ating mga kasalanan, para maging karapat-dapat na manalangin sa Diyos, at matamasa ang lahat ng biyaya ng Diyos, ngunit bigo tayo na magkamit ng kadalisayan sa panahong ito. Dahil likas tayo na makasalanan at madalas magkasala, magrebelde at kumontra sa Diyos, nangako ang Panginoong Jesus na paparito Siyang muli, at ipapahayag Niya ang lahat ng katotohanan na nagliligtas sa sangkatauhan sa mga huling araw upang linisin ang lahat ng nakikinig sa tinig ng Diyos at dinadala sa harapan ng luklukan ng Diyos. Tulad ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay isang ganap na katuparan ng talata sa Juan: “Kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan.” Kaya ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kasalukuyang abala ang Makapangyarihang Diyos sa gawain ng paghatol sa mga huling araw, at dinadalisay at ginagawang sakdal ang lahat ng humarap sa Kanyang luklukan, ginagawang sakdal ang matatalinong dalagang iyon na nagbalik sa Kanya matapos marinig ang Kanyang tinig para maging mga mananagumpay upang madala sila sa kaharian ng Diyos. Ang katotohanan na gumawa ang Diyos ng tatlong yugto ng kaligtasan ay nagtutulot sa atin na makita na laging nagsisikap ang Diyos na gabayan at iligtas ang sangkatauhan. Bawat yugto ng gawain ng Diyos ay mas mataas at mas malalim kaysa nakaraan. Patungkol sa Biblia, isang aklat lamang ito na kailangang nating basahin na mga alagad ng Diyos. Hindi magagawa ng Biblia ang gawain ng Diyos, na gabayan at iligtas ang sangkatauhan.

Ang Biblia ay isang talaan lamang ng gawain ng Diyos. Nang makumpleto ng Diyos ang gawain, itinala ng tao ang Kanyang mga salita at gawain at tinipon ang mga ito upang mabuo ang Biblia. Bagama’t kailangang-kailangan ang Biblia sa pananampalataya ng tao, sa pagtanggap lamang sa gawain ng Banal na Espiritu maaaring tunay na maunawaan ng tao ang Biblia at ang katotohanan. Totoo ’yan. Kaya, dahil sa ating pananampalataya sa Panginoon ay kailangan natin sundang mabuti ang mga yapak ng Cordero, tanggapin at sundin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sa ganitong paraan lamang natin matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at ang pagliligtas at kasakdalan ng Diyos. Kung nagbabasa lang tayo ng Biblia ngunit bigong tanggapin ang mga salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi tayo mapapadalisay at maliligtas. Ang totoo, kahit nakatala pa ang lahat ng salita ng Diyos sa Biblia, kung hindi sa gawain ng Banal na Espiritu, hindi pa rin natin kakayaning unawain at malaman ng tao ang salita ng Diyos. Para maunawaan ang katotohanan, kailangang maranasan natin at masunod ang mga salita ng Diyos, kailangan nating matanggap ang kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu. Sa gayon lang natin maaaring maunawaan ang salita ng Diyos, maunawaan ang katotohanan, matanto ang realidad ng katotohanan at magawa siyang sakdal ng Diyos. Patungkol dito, kailangan nating maunawaan ang isang katotohanan: Bilang isang nananalig, ano ang susi sa ating kaligtasan? Ang gawain ng Banal na Espiritu ang susi, ang kasakdalan ng Banal na Espiritu. Ngayon, sino ang Banal na Espiritu? Hindi ba ang Banal na Espiritu mismo ang Diyos? Ang Biblia ay isang talaan lamang ng gawain ng Diyos noong araw. Kaya paano ito posibleng makahalili sa Diyos Mismo? Kaya tulad ng sinabi ko, Diyos lamang ang makapagliligtas sa tao, hindi kayang iligtas ng Biblia ang tao. Kung ang ating pananampalataya ay binubuo lamang ng pagsunod sa Biblia at hindi ng pagtanggap ng mga salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, kung hindi natin susundin ang mga yapak ng gawain ng Diyos, tayo ay pababayaan at aalisin. Sa Kapanahunan ng Batas, maraming nabigong tanggapin ang gawain ng Panginoong Jesus, sila’y inalis. Yaong mga nananalig sa Panginoong Jesus ngunit bigong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay pababayaan at aalisin din. Masasabi na ang mga taong ito ay bulag at hindi nila kilala ang Diyos. Ang tanging magagawa nila ay pagdusahan ang pinakamalalang epekto ng darating na mga kalamidad, na nananaghoy at nagngangalit ang kanilang mga ngipin.

Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan ang pinakamahalagang gawain sa plano ng Diyos na pangasiwaan ang kaligtasan ng buong sangkatauhan. Ito rin ang huling yugto ng gawain ng Diyos na lubusang padalisayin, iligtas at gawing sakdal ang sangkatauhan. Kaya kung susundin lang ng mga nananalig ang unang dalawang yugto ng gawaing inilarawan sa Biblia ngunit bigo silang tanggapin ang gawain ng pagdalisay at pagliligtas na ginawa ni Cristo sa mga huling araw, hindi sila maliligtas at makakapasok sa kaharian ng Diyos kailanman. Ilang taon mang sumampalataya ang mga taong ito sa Panginoon, mawawalan ito ng kabuluhan, dahil lahat ng tumatanggi sa kaligtasan sa katapusan ng pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos ay mga kalaban ng Diyos, mga mapagkunwaring Fariseo silang lahat. Talagang walang kaduda-duda ito. Kahit tinanggihan ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus batay sa Biblia at sa mga huling araw, tatanggihan ng mga elder at pastor ang gawain ng Makapangyarihang Diyos batay sa Biblia, walang saysay ang kanilang mga argumento. Dahil hindi nila ibinabatay ang kanilang mga argumento sa salita ng Diyos, kundi sa titik ng Biblia. Patungkol sa Diyos, gaano man karami ang mga dahilan ng isang tao, sinumang bigong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay isang kalaban at taksil sa Diyos. Sa mga mata ng Diyos, masasama silang lahat, hindi sila kikilalanin ng Diyos kailanman. Ang mga anticristo at walang pananalig na ito sa na inilantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay kakailanganing tiisin ang kaparusahan ng mga kalamidad na darating nang nananaghoy at nagngangalit ang mga ngipin. Itinakwil at inalis na silang lahat ng Diyos magpakailanman, at hindi kailanman muling magkakaroon ng pagkakataong makita ang Diyos at matanggap ang Kanyang pagsang-ayon. Totoo ’yan. Dito, mauunawaan natin ang isang katotohanan: Hindi maaaring basta-basta na lang katawanin ng Biblia ang Diyos, at tiyak na hindi ito makakahalili sa gawain ng Diyos. Ang Diyos ay Diyos, ang Biblia ay Biblia. Kaya, dahil nananalig tayo sa Diyos, kailangan nating maranasan ang gawain ng Diyos at sundan ang pagsulong ng gawain ng Diyos, kailangan nating kainin at inumin ang mga salitang ipinapahayag ng Diyos sa mga huling araw, at kailangan nating tanggapin at sundin ang lahat ng katotohanang ipinapahayag ng Diyos. Ito ang tunay na kahulugan ng pananampalataya sa Diyos. Tuwing nagiging tao ang Diyos para gumawa, kailangan Niyang itakwil at alisin ang mga taong sumusunod lang sa Biblia ngunit bigong kilalanin at sundin ang Diyos. Kaya, masasabi natin nang may tiwala, “Ang pananampalataya sa Diyos ay kailangang nakaayon sa Biblia, ang pagsunod sa Biblia ay tunay na pananampalataya sa Diyos, ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos,” ang mga paggigiit na ito ay puro maling pagkaintindi. Sinumang naggigiit niyon ay bulag at hindi kilala ang Diyos. Kung pangingibabawin ng tao ang Biblia sa lahat ng iba pang bagay at ihahalili ang Biblia sa Diyos, hindi ba siya naglalakad sa landas ng mga Fariseo? Sumunod ang mga Fariseo sa Biblia sa pagkontra sa Diyos, dahil dito ay isinumpa sila ng Diyos. Hindi ba ito totoo?

mula sa iskrip ng pelikulang Sino ang Aking Panginoon

Sinundan: Tanong 8: Sa loob ng 2,000 taon, pinagtibay ng mga relihiyon ang pininiwala na ang Biblia ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, na lahat ng iyon ay salita ng Diyos, kaya kinakatawan ng Biblia ang Panginoon. Yaong mga nagkakaila na ang Biblia ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos at ang Kanyang salita ay talagang huhusgahan at tatawaging erehe (heretic) ng mga relihiyon. Ang pagkaunawa ko ba rito ay mali?

Sumunod: Tanong 1: Nagpapatotoo kayo na nagbalik na ang Panginoong Jesus na walang iba kundi ang Makapangyarihang Diyos na nagpahayag ng katotohanan sa paggawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Paano naging posible ’yan? Talagang paparito ang Panginoon para dalhin tayo sa kaharian ng langit, paano Niya tayo maiiwan para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Palagay ko sa pananalig sa Panginoong Jesus at pagtanggap sa gawain ng Banal na Espiritu, nararanasan na natin ang gawain ng paghatol ng Diyos. May patunay sa salita ng Panginoong Jesus: “Kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung ako’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol(Juan 16:7–8). Palagay namin matapos mabuhay na mag-uli at umakyat sa langit ang Panginoong Jesus, noong Pentecostes bumaba ang Banal na Espiritu para magsagawa sa mga tao. Iyan ang dahilan kaya sinisi ng mga tao ang kanilang sarili dahil sa kanilang mga kasalanan, sa pagkamatuwid at paghatol. Kapag nangumpisal at nagsisisi tayo sa harap ng Panginoon, talagang nararanasan natin ang paghatol ng Panginoon. Naniniwala tayo na bagama’t ang gawain ng Panginoong Jesus ay gawain ng pagtubos, matapos umakyat sa langit ang Panginoong Jesus, ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu na bumaba noong Pentecostes ay dapat maging gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kung hindi ito naging gawain ng paghatol, paano nangyaring “kanyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol”? Bilang nga nananalig sa Panginoong, madalas tayong antigin, pagsabihan at disiplinahin ng Banal na Espiritu. Kaya, sa harap ng Panginoon, lagi tayong umiiyak at nagsisisi sa Panginoon. Ang maraming mabubuting asal na ibinubunga nito ay kung paano tayo nabago ng ating pananampalataya sa Panginoon. Hindi ba ito ang resulta ng pagdanas ng paghatol ng Diyos? Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na binabanggit n’yo, iba pa ba ito sa gawain ng Panginoong Jesus?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito