24. Ang mga Araw ng Pangangaral Ko sa Unang Hanay

Ni Ayden, Myanmar

Noong Enero ng 2021, dalawa sa mga kasamahan kong sundalo ang nagbahagi sa akin ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos. Tapos, sa pamamagitan ng mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, natutunan ko na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan, at natutunan ko rin ang kahalagahan ng mga pagkakatawang-tao ng Diyos. Hindi ko kailanman naisip na ang Diyos ay personal na magkakatawang-tao upang magpakita at gumawa sa gitna ng sangkatauhan. Ito ay isang malalim na misteryo, at ito rin ang tunay na pagmamahal at pinakadakilang kaligtasan ng Diyos para sa sangkatauhan. Labis akong naantig. Hindi ko kailanman inakala na maririnig ko ang tinig ng Diyos at makikita ang Kanyang pagpapakita at gawain. Pakiramdam ko ay napakapalad ko, at dahil dito ay lalo kong nagustuhang dumalo sa mga pagtitipon. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pakikipagbahaginan sa mga kapatid, nakita ko na ang pangangaral ng ebanghelyo ay responsabilidad ng lahat at ito ang hinihingi ng Diyos sa atin. Ang pangangaral ng ebanghelyo ay pagpapatotoo sa Diyos, pagdadala sa mga tao sa harap ng Diyos, tinutulutan silang makamit ang katotohanan at ang kaligtasan ng Diyos, habang nagdaragdag din sa listahan ng mabubuting gawa ng isang tao. Kung hindi ko ginawa iyon, mapapabayaan ko ang aking tungkulin bilang isang nilikha at hindi ako magiging karapat-dapat na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Sa sandaling naunawaan ko ang lahat ng iyon, talagang nasabik akong ibahagi ang ebanghelyo. Nais ko ring gumawa kasama ang Diyos at ibahagi ang ebanghelyo ng kaharian sa mas maraming tao. Pagkatapos niyon, isinasagawa ko ang pagbabahagi ng ebanghelyo tuwing may libreng oras ako. Pagkatapos, noong Oktubre, inilipat ako sa brigada na nagkataong may isang brother na nagngangalang Nyon, na nananampalataya rin sa Makapangyarihang Diyos. Nakipagtulungan ako sa kanya para ibahagi ang ebanghelyo sa mga kapwa ko sundalo. Minsan, inimbitahan ko ang humigit-kumulang 20 pang sundalo na dumalo at makinig sa sermon namin, at nagpatotoo kami ni Brother Nyon sa kanila tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng paghahanap at pagsisiyasat, tinanggap ng humigit-kumulang 20 na mga sundalong ito ang ebanghelyo sa huli. Natuwa ako at nagkaroon ako ng higit na kumpiyansa sa pagbabahagi ng ebanghelyo.

Panahon iyon ng digmaang sibil sa Myanmar nang inilipat ako sa unang hanay. Nakita ko ang ilang larawan ng mga sibilyan na nabubugbog at nasusugatan, at sinabi rin sa amin ng ilan sa mga nailigtas mula sa mga kampo ng kalaban na pagkatapos nilang mahuli, kailangan nilang magluto para sa mga sundalong kaaway, at pinaglalaban-laban din sila ng mga sundalong iyon. Binabaril at pinapatay ng mga ito ang mga tumanggi. Nasunog din ang ilang bahay ng mga sibilyan dahil sa bakbakan, at kinailangan nilang manirahan nang nagtatago sa gubat. At sa tuwing nakikipaglaban ang mga sundalo o inaatake ang isang pamayanan, may mga sugatang pinapauwi at naoospital. Lubos akong nakisimpatiya sa kanila nang makita ko ang lahat ng iyon. Iniisip ko, malamang ay hindi sila nananampalataya sa Diyos, at kung walang pananalig, hindi nila alam kung nasa kaninong mga kamay ang kapalaran ng mga tao, o kung sino ang kanilang maaasahan para makakuha ng proteksyon. Kung maibabahagi ko ang ebanghelyo sa kanila at madadala sila sa harap ng Diyos, magagawa nilang manalangin sa Diyos at basahin ang Kanyang mga salita para maunawaan ang katotohanan, at magkakamit sila ng proteksyon ng Diyos. Nagkaroon ng kaunting bigat sa puso ko dahil sa mga isiping ito. Gusto kong pumunta sa pamayanan para ipangaral ang ebanghelyo at dalhin sila sa harap ng Diyos. Ngunit hindi ako pamilyar sa kalupaan ng unang hanay, at hindi ko alam kung saan nagtatago ang mga kalaban na sundalo. Ang lumabas para ipangaral ang ebanghelyo sa gayong sitwasyon, kung makakatagpo ako ng mga hukbo ng kalaban, may posibilidad na mahuli o mapatay ako. Natakot talaga ako. Nagdasal ako sa Diyos para itanong kung ano ang dapat kong gawin? Pagkatapos, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Alam mong ang lahat ng bagay sa iyong kapaligiran ay naroon dahil sa Aking pahintulot, Ako ang nagsasaayos nitong lahat. Tingnan ito nang malinaw at bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa kapaligirang ibinigay Ko na sa iyo. Huwag matakot, ang Makapangyarihang Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong sanggalang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 26). Napagtanto ko na natatakot akong lumabas at ipangaral ang ebanghelyo at mahuli o mapatay ng mga puwersa ng kaaway dahil wala akong tunay na pagkaunawa sa walang hanggang kapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang paghahari sa lahat, at wala akong pananalig. Natutunan ko rin na lahat ng sitwasyong ito na kinaharap ko araw-araw, malaki at maliit, ay lahat pinamunuan at isinaayos ng Diyos. Madakip man ako o hindi ng kaaway ay nasa mga kamay rin ng Diyos. Gaano man kadelikado ang sitwasyon, kung hindi ito pahihintulutan ng Diyos, hindi nila ako makukuha. At kung isang araw ay talagang makuha ako ng kalaban, mabuhay man ako o mamatay ay ganap na nakasalalay sa Diyos. Dapat akong magpasakop sa sitwasyong itinakda ng Diyos. Ang mailipat sa unang hanay ay naglalaman din ng mabuting kalooban ng Diyos. Naninirahan sa gayon kamapanganib na kapaligiran ang mga sibilyan doon nang walang sinuman na nagbabahagi ng ebanghelyo sa kanila. Hindi pa nila narinig ang tinig ng Diyos. Marahil ay may mga tao roon na gustong iligtas ng Diyos. Dapat kong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, ipangaral ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, upang madala sila sa harap ng Diyos. Nang mapagtanto ko ito, hindi na ako sobrang natakot. Nadama kong handa akong sumandal sa Diyos at mangaral ng ebanghelyo sa kapaligirang iyon.

Pagkatapos ay nagsimula akong mangaral ng ebanghelyo sa mga lokal na mamamayan, pero naharap ako sa mga panibagong suliranin. Ang mga tao roon ay nagsasalita ng wikang Dai. Simple at pang-araw-araw na pananalita lang ang alam ko, tulad ng “Kumain ka na ba?” at “Saan ka pupunta?” Hindi ko kayang ibahagi sa kanila ang ebanghelyo. Nabalisa talaga ako. Gusto kong mangaral, pero hindi ko alam ang wika at talagang nahirapan ako. Nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, gusto kong ibahagi ang ebanghelyo pero hindi ko alam ang wika. Gabayan Mo po ako at nawa’y magbukas ka ng isang landas para sa akin.” Minsan sa isang online na pagtitipon, nagbahagi ang isang sister ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, na talagang nakatulong sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ginagawang perpekto ng Diyos yaong mga tunay na nagmamahal sa Kanya, at lahat ng naghahangad sa katotohanan, sa maraming iba’t ibang kapaligiran. Binibigyan Niya ng kakayahan ang mga tao na maranasan ang Kanyang mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang kapaligiran o pagsubok, at upang sa gayon ay magtamo ng pagkaunawa sa katotohanan, tunay na kaalaman tungkol sa Kanya, at upang sa huli ay matamo ang katotohanan. … Yaong mga hindi lumalakad sa maliwanag na landas ng paghahangad sa katotohanan ay mamumuhay magpakailanman sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, sa walang hanggang kasalanan at kadiliman, at nang walang pag-asa. Kaya ba ninyong unawain ang kahulugan ng mga salitang ito? (Dapat kong hangarin ang katotohanan at gampanan ang aking tungkulin nang buong puso at pag-iisip ko.) Kapag nahaharap ka sa isang tungkulin, at ipinagkakatiwala ito sa iyo, huwag mong isipin kung paano iiwasan ang pagharap sa mga paghihirap; kung mahirap harapin ang isang bagay, huwag mo itong isaisantabi at balewalain. Dapat mo itong harapin. Dapat mong tandaan sa lahat ng oras na kasama ng mga tao ang Diyos, at kailangan lang nilang manalangin at maghanap sa Kanya kung mayroon silang anumang paghihirap, at na sa piling ng Diyos, walang bagay na mahirap. Dapat kang magkaroon ng ganitong pananampalataya. Yamang nananampalataya ka na ang Diyos ang Namumuno sa lahat ng bagay, bakit nakararamdam ka pa rin ng takot kapag may nangyayari sa iyo, at na wala kang anumang maaasahan? Nagpapatunay ito na hindi ka umaasa sa Diyos. Kung hindi mo Siya ituturing bilang suporta mo at Diyos mo, hindi Siya ang Diyos mo. Sa tunay na buhay, anumang sitwasyon ang iyong hinaharap, dapat kang madalas na lumapit sa harap ng Diyos upang manalangin at hanapin ang katotohanan. Kahit na nauunawaan mo ang katotohanan at mayroon kang nakakamit na anuman tungkol sa kahit isang bagay lang bawat araw, hindi ito magiging oras na nasayang!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Nang mabasa ko ang siping iyon, naging malalim na nakabaon sa puso ko na ang Diyos ay kasama ko. Sa harap ng mga paghihirap, kailangan ko lang na taos-pusong manalangin at sumandal sa Diyos, at gagabayan Niya ako. Walang imposible sa Diyos, kaya dapat akong magkaroon ng pananalig. Ang pangangaral ng ebanghelyo ay tungkulin ko. Hindi ako pwedeng umurong dahil lang sa hindi ko alam ang wika. Kailangan ko pa ring gawin ang lahat ng aking makakaya. Dahil pinili kong ipalaganap ang ebanghelyo para palugurin ang Diyos, gaano man kahirap ito, kailangan kong sumandal sa Kanya at tuparin ang aking tungkulin. Nang mapag-isipan ko ang mga bagay na ito, nadama kong handa akong magsumikap para dito, at sa tuwing bago ako lumabas para mangaral, nagdarasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako. Sinimulan kong makipag-usap sa mga taganayon, pinapatugtog ang Dai evangelical at mga recording ng patotoo para sa kanila. Habang pinapatugtog ang mga ito, nakikinig din ako nang mabuti, at kapag tapos na ang recording, nakikipagbahaginan ako sa mga tao at nagdaragdag ng kaunti gamit ang Dai na natutunan ko na. Pagkatapos gumawa sa gayong paraan sa loob ng dalawa o tatlong araw, siyam na tao ang tumanggap sa ebanghelyo. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos, at nagkaroon ako ng higit na panananampalataya na ipalaganap ang ebanghelyo.

Isang araw, nag-post ang mga hukbo ng kalaban ng video sa WeChat. Nakita ko na pagkatapos mahuli ang aming mga sundalo, pinapahirapan nila ang mga ito. Ang ilan sa mga ito ay pinutulan ng mga kamay, ang ilan ay pinutulan ng mga paa, at nilalaslas nila ang lalamunan ng mga ito, tulad ng pagkatay sa isang baboy. Kinukuha pa nga nila ang puso ng mga ito gamit ang mga kutsilyo. Nang makita ko iyon, natakot talaga ako. Iniisip ko, “Gabi-gabi akong pumupunta sa pamayanan para ibahagi ang ebanghelyo—mabibihag ba ako ng kaaway? Kung mahuhuli nga nila ako, paano kung abusuhin nila ako tulad ng ginawa sa ibang sundalo, o pahirapan ako hanggang sa mamatay?” Nang maisip ko ito, natakot akong lumabas at mangaral ulit. Napagtanto ko noon na wala ako sa tamang kalagayan, kaya’t nagdasal ako at inialay ang puso ko sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako. Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng kaunting kumpiyansa at lakas. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpeperpekto sa mga tao, at hindi nila ito nakikita, hindi ito nadarama; sa gayong mga sitwasyon, kinakailangan ang iyong pananampalataya. Kinakailangan ang pananampalataya ng mga tao kapag may isang bagay na hindi nakikita ng mata lamang, at kinakailangan ang iyong pananampalataya kapag hindi mo mapakawalan ang iyong sariling mga kuru-kuro. Kapag hindi malinaw sa iyo ang gawain ng Diyos, ang kinakailangan mong gawin ay manampalataya at manindigan at tumayong saksi. Nang umabot si Job sa puntong ito, nagpakita sa kanya ang Diyos at nangusap sa kanya. Ibig sabihin, sa pananampalataya mo lamang makikita ang Diyos, at kapag mayroon kang pananampalataya gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung walang pananampalataya, hindi Niya ito magagawa. Ipagkakaloob sa iyo ng Diyos ang anumang inaasam mong makamtan. Kung wala kang pananampalataya, hindi ka magagawang perpekto at hindi mo makikita ang mga kilos ng Diyos, lalo na ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat. Kapag nananampalataya kang makikita mo ang Kanyang mga kilos sa iyong praktikal na karanasan, magpapakita sa iyo ang Diyos, at bibigyang-liwanag at gagabayan ka Niya sa iyong kalooban. Kung wala ang pananampalatayang iyon, hindi iyan magagawa ng Diyos. Kung nawala na ang pag-asa mo sa Diyos, paano mo mararanasan ang Kanyang gawain? Kung gayon, kapag lamang mayroon kang pananampalataya at hindi ka nagkikimkim ng mga pagdududa sa Diyos, kapag lamang mayroon kang tunay na pananampalataya sa Kanya anuman ang gawin Niya, saka ka Niya bibigyang-liwanag at tatanglawan sa iyong mga karanasan, at saka mo pa lamang makikita ang Kanyang mga kilos. Nakakamtan ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Nakakamtan lamang ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagpipino, at kapag walang pagpipino, hindi magkakaroon ng pananampalataya. Ano ang tinutukoy ng salitang ‘pananampalataya’? Ang pananampalataya ay ang tunay na paniniwala at tapat na pusong dapat taglayin ng mga tao kapag hindi nila nakikita o nahahawakan ang isang bagay, kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa mga kuru-kuro ng tao, kapag hindi ito kayang abutin ng tao. Ito ang pananampalatayang binabanggit Ko(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Natutunan ko na kapag nahaharap tayo sa mga pagsubok at paghihirap, kung wala tayong pananalig at hindi tayo aktibong nakikipagtulungan, hindi makakagawa sa atin ang Diyos at hindi Niya tayo magagawang perpekto. Kapag mas hindi natin nakikita ang isang bagay, mas lalong kailangan nating magkaroon ng pananalig sa Diyos, at ang tanging paraan para magkaroon ng pananalig ay ang dumaan sa mga pagsubok. Ang magbahagi ng ebanghelyo habang nakikipaglaban sa unang hanay, ang maharap sa panganib na mabihag ng mga hukbo ng kaaway ay isang pagsubok, isang hamon sa akin. Wala akong katotohanan, at wala akong tunay na pagkaunawa sa walang hanggang kapangyarihan at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Hindi ako tunay na naniwala na ang Diyos ang naghahari sa lahat, kaya wala akong pananalig. Nahaharap sa isang mapanganib na kapaligiran habang ipinangangaral ang ebanghelyo, natakot akong mabihag at mapahirapan hanggang mamatay, kaya hindi ako nangahas na lumabas at mangaral. Hindi ko tunay na maibigay ang puso ko sa Diyos. Sa katunayan, isinasaayos ng Diyos ang ganitong uri ng sitwasyon upang maibigay Niya sa akin ang higit pang katotohanan, upang mahanap ko ang katotohanan, maisagawa ito, at makilala ang walang hanggang kapangyarihan ng Diyos, ang Kanyang paghahari sa kapalaran ng sangkatauhan, at ang katunayan na ang buhay at kamatayan ko ay nasa mga kamay Niya. Ngayong nahaharap ako sa ganoong uri ng mapanganib na kapaligiran, kinailangan kong tunay na maranasan at malampasan ito, at iyon ang tanging paraan para makita ko ang mga gawa ng Diyos at magkaroon ako ng tunay na pananalig. Sa sandaling naunawaan ko ang kalooban ng Diyos, sumigla nang husto ang puso ko, at hindi na ako gaanong natakot.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na mas lalo pang nakapagbibigay-motibasyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May plano ang Diyos para sa Kanyang bawat tagasunod. Ang bawat isa sa kanila ay may kapaligiran, na iniaayos ng Diyos para sa tao, para isagawa ang kanyang tungkulin, at mayroong biyaya at pabor ng Diyos na dapat tamasahin ng tao sa kanya. Mayroon din siyang mga espesyal na sitwasyon, na binalangkas ng Diyos para sa tao, at maraming pagdurusang kailangan nilang maranasan—hindi ito isang madaling paglalakbay na gaya ng iniisip ng tao. Bukod pa riyan, kung kinikilala mo na isa kang nilikha, dapat mong ihanda ang iyong sarili na magdusa at magbayad ng halaga alang-alang sa pagtupad ng iyong responsabilidad na ipalaganap ang ebanghelyo at alang-alang sa maayos na pagganap sa iyong tungkulin. Maaaring ang kabayaran ay ang pagdanas ng ilang pisikal na karamdaman o paghihirap, o pagdusahan ang mga pag-uusig ng malaking pulang dragon o ang mga maling pagkaunawa ng mga taong makamundo, gayundin ang mga paghihirap na pinagdaraanan ng isang tao kapag nagpapalaganap ng ebanghelyo: ang maipagkanulo, mabugbog at mapagalitan, makondena—ang dumugin pa nga at malagay sa panganib ang buhay. Posible, habang nagpapalaganap ng ebanghelyo, na mamamatay ka bago matapos ang gawain ng Diyos, at na hindi ka na mabubuhay upang masilayan ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos. Dapat kang maging handa rito. Hindi ito para takutin kayo; ito ay katotohanan. … Paano namatay ang mga disipulo ng Panginoong Jesus? Sa mga disipulo, may mga pinukol ng bato, ipinakaladkad sa kabayo, ipinakong patiwarik, pinaghiwa-hiwalay ng limang kabayo ang katawan—sinapit nila ang lahat ng uri ng kamatayan. Ano ang dahilan ng kanilang kamatayan? Naaayon ba sa batas ang pagpatay sa kanila dahil sa kanilang mga krimen? Hindi. Sila ay kinondena, binugbog, binulyawan, at pinatay dahil ipinalalaganap nila ang ebanghelyo ng Panginoon at tinanggihan ng mga tao ng mundo—ganyan kung paano sila minartir. … Ang totoo, ganito namatay ang kanilang mga katawan at sumakabilang-buhay; ito ang paraan nila ng paglisan sa mundo ng tao, ngunit hindi nangangahulugan iyon na ganoon rin ang kanilang kinahinatnan. Anuman ang paraan ng kanilang kamatayan at paglisan o kung paano man ito naganap, hindi ito ang paraan ng Diyos sa pagtukoy sa pangwakas na mga kahihinatnan ng mga buhay na iyon, ng mga nilikhang iyon. Ito ay isang bagay na dapat mong malinaw na makita. Sa kabaligtaran, ginamit nila mismo ang mga kaparaanang iyon upang kondenahin ang mundong ito at upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos. Ginamit ng mga nilikhang ito ang kanilang napakahalagang buhay—ginamit nila ang huling sandali ng kanilang buhay upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos, upang magpatotoo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at upang ipahayag kay Satanas at sa mundo na tama ang mga gawa ng Diyos, na ang Panginoong Jesus ay Diyos, na Siya ang Panginoon, at ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Kahit hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay, hindi nila kailanman itinatwa ang pangalan ng Panginoong Jesus. Hindi ba ito isang anyo ng paghatol sa mundong ito? Ginamit nila ang kanilang mga buhay upang ipahayag sa mundo, upang tiyakin sa mga tao na ang Panginoong Jesus ay ang Panginoon, na ang Panginoong Jesus ay Cristo, na Siya ang katawang-tao ng Diyos, na ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya para sa buong sangkatauhan ay nagpapahintulot sa sangkatauhan na patuloy na mabuhay—hindi nagbabago ang katotohanang ito magpakailanman. Yaong mga naging martir dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus, hanggang sa anong punto nila tinupad ang kanilang tungkulin? Hanggang sa pinakahuling punto ba? Paano naipakita ang pinakahuling punto? (Inialay nila ang kanilang buhay.) Tama iyan, buhay nila ang kanilang naging kabayaran. Pawang panlabas na mga bagay ang pamilya, kayamanan, at ang materyal na mga bagay sa buhay na ito; ang tanging bagay na may kaugnayan sa sarili ay ang buhay. Sa bawat nabubuhay na tao, ang buhay ang bagay na pinaka-karapat-dapat na pakaingatan, ang pinakamahalagang bagay at, sa katunayan, nagawa ng mga taong ito na ialay ang pinakamahalagang pagmamay-ari nila—ang buhay—bilang patunay at patotoo sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Hanggang sa araw na sila ay mamatay, hindi nila itinatwa ang pangalan ng Diyos, at hindi rin nila itinatwa ang gawain ng Diyos, at ginamit nila ang kanilang mga huling sandali ng buhay upang magpatotoo sa pag-iral ng katunayang ito—hindi ba ito ang pinakamataas na anyo ng patotoo? Ito ang pinakamahusay na paraan ng pagganap ng isang tao sa kanyang tungkulin; ito ang pagtupad ng isang tao sa kanyang pananagutan. Nang pagbantaan at takutin sila ni Satanas, at, sa huli, kahit pa nang ipabayad sa kanila ang kanilang mga buhay, hindi nila tinalikdan ang kanilang responsabilidad. Ito ang kahulugan ng pagtupad ng isang tao sa tungkulin hanggang sa pinakasukdulang punto. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Ibig Ko bang sabihin na gamitin ninyo ang ganoon ding paraan upang magpatotoo sa Diyos at upang maipalaganap ang Kanyang ebanghelyo? Sadyang hindi kinakailangang gawin mo ang ganoon, ngunit dapat mong maunawaan na ito ay iyong pananagutan, na kung kinakailangan ng Diyos na gawin mo ito, dapat mo itong tanggapin bilang iyong obligasyon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ay Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). Napagtanto ko na lahat tayo na nakakasunod sa Diyos ay dahil sa Kanyang paghahari at pagsasaayos, at nagtatakda rin Siya ng mga kondisyon kung saan nagagawa ng bawat isa sa atin ang ating tungkulin. Sa pangangaral ng ebanghelyo, nakatakda tayong humarap sa lahat ng uri ng sitwasyon at panganib. Ang ilan ay pinapahiya, ang ilan ay binubugbog at sinisigawan, ang ilan naman ay ipinapasa sa awtoridad ni Satanas at pinagmamalupitan, at ang iba ay namamatay pa nga. Ngunit anuman ang sitwasyon, isa akong nilikha, at dapat kong tuparin ang aking tungkulin sa lahat ng oras. Ang pangangaral ng ebanghelyo ang misyon ko sa buhay, ang responsabilidad ko. Gaano man ito kapait o kahirap, kahit kailangan kong magbayad ng buhay ko, dapat kong gawin ang aking tungkulin at tuparin ang aking responsabilidad. Naisip ko ang mga disipulo na sumunod sa Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Naharap din sila sa maraming panganib para ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon. Ang ilan ay binugbog at sinigawan, ang ilan ay ikinulong, at ang ilan ay ipinako sa krus, pinahirapan hanggang sa halos mamatay na habang nananatili silang ganap na buhay. Pero hindi sila nagreklamo o tumalikod sa kanilang responsabilidad at tungkulin. Sa huli, sumunod sila hanggang kamatayan, nagpapatotoo sa mga gawa ng Diyos at sa dakilang kapangyarihan ng Diyos gamit ang mismong buhay nila, ipinapahiya ang diyablong si Satanas. Hindi sila namatay dahil sa may ginawa silang masama, kundi iyon ay upang magpatotoo sa pangalan ng Diyos, at na ang Panginoong Jesus ang Panginoon ng sangnilikha. Nagbayad sila ng sarili nilang buhay para ibahagi ang ebanghelyo ng Diyos at magpatotoo sa Kanya. Iyon ang pinakamakabuluhang bagay. Tinupad nila ang kanilang responsabilidad. Sinasang-ayunan ng Diyos ang gayong uri ng nilikha, at bagamat namamatay ang kanilang katawan, ang kanilang mga kaluluwa ay nasa mga kamay ng Diyos at nasa ilalim ng pagsasaayos ng Diyos. Pinagnilayan ko rin ang sarili ko. Kapag may kinalaman sa kamatayan, natatakot ako at ayaw kong lumabas para ibahagi ang ebanghelyo. Iniisip ko pa rin ang pansarili kong kaligtasan—ang tunay kong minamahal ay ang sarili kong buhay. Inakala kong kaya kong kontrolin ang aking kapalaran, na hangga’t hindi ako lumalabas at nangangaral, hindi ako mahaharap sa panganib o kamatayan. Pero ngayon, naiintindihan ko na, hindi ako magiging ligtas dahil lang sa hindi ako nagbahagi ng ebanghelyo. Itinalaga ako sa posisyon na magbantay, na likas na mapanganib, at maaari akong matambangan. At saka, kapag lumalabas kami para kumuha ng tubig o bumili mula sa mga lokal, mapanganib din iyon. Maaari kaming atakihin ng mga sundalong kaaway anumang oras. Ang buhay ko ay hindi isang bagay na kaya kong kontrolin nang mag-isa. Mahuli man kami ng kaaway ay ganap na nasa mga kamay ng Diyos. Kung hindi Niya ito pahihintulutan, hindi ako mabibihag kahit na lumabas ako para mangaral. Kung talagang hahayaan ng Diyos na may mangyari, maaari pa rin akong matambangan o mabihag ng kalaban kahit na hindi ako lumabas para mangaral. Isa akong nilikha na dapat magpasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos. Anuman ang mangyari, dapat kong ipagpatuloy ang pangangaral ng ebanghelyo at gawin ang aking tungkulin. Kung palagi akong magdadahilan para hindi maibahagi ang ebanghelyo at hindi makapagpatotoo sa Diyos, hindi ginagawa ang aking tungkulin, mabubuhay pa rin ako sa laman, subalit, para sa Diyos, mawawalan ako ng silbi bilang isang nilikha, at magiging walang saysay ang buhay ko. Sa huli, palalayasin ako ng Diyos, at hindi ako maliligtas. Sa unang hanay, mapanganib ang lumabas para mangaral sa mga pamayanan, pero alang-alang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos at pagpapalawig nito, hindi ako pwedeng kumapit sa buhay, bagkus ay dapat kong harapin nang tama ang posibilidad ng kamatayan, at kung kinakailangan, magbayad ng buhay ko para makapagpatuloy sa pangangaral, nang sa gayon, matutupad ang responsabilidad ko. Iyon ang patotoo, at iyon ang pinakamainam na paraan para magawa ang tungkulin ko. Naunawaan ko rin na isa akong nilikha at tagasunod ng Diyos. Kahit anong mapanganib na sitwasyon ang kakaharapin ko, ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ang misyon ko sa buhay at isang tungkuling dapat kong tuparin. Hinding-hindi ako pwedeng tumigil sa pagbabahagi ng ebanghelyo, anumang oras. Pagkatapos niyon, may dalawa pa akong brother, sina Nicholas at Arthur, na napasama ko sa akin sa pangangaral.

Isang araw, pumunta kami sa isang pamayanan at sampung tao ang dumating para makinig sa aming pangangaral. Nakipagbahaginan kami sa kanila tungkol sa kung paano magiging protektado sa mga sakuna: “Palaki nang palaki ang mga sakuna ngayon, tulad dito, kung saan palagi kaming nasa digmaan, at ang tubig ay nabahiran na ng dugo. Nariyan din ang pandemya…. Sa lahat ng sakunang ito, sino ba talaga ang makakapagligtas sa atin? Tanging ang Tagapagligtas, ang nag-iisang tunay na Diyos, na lumikha ng langit at lupa at lahat ng bagay, ang makapagliligtas sa atin.” Pagkatapos, nagpatugtog kami ng ilang recording ng mga sermon para sa kanila na tumatalakay tungkol sa bakit isinisilang, tumatanda, nagkakasakit, at namamatay ang mga tao, kung paano matamo ang proteksyon ng Diyos sa mga sakuna, kung paano tinitiwali ni Satanas ang mga tao, at kung paano gumagawa ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Mayroon ding ilang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Narito ang mga tunay na nangyari: Bago umiral ang mundo, ang arkanghel ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Mayroon itong kapangyarihan sa lahat ng anghel sa langit; ito ang awtoridad na ibinigay rito ng Diyos. Maliban sa Diyos, ito ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Kalaunan, matapos likhain ng Diyos ang sangkatauhan, sa lupa naman ay nagsagawa ng mas malaki pang pagtataksil ang arkanghel laban sa Diyos. Sinasabi Ko na ipinagkanulo nito ang Diyos dahil nais nitong pamahalaan ang sangkatauhan at lampasan ang awtoridad ng Diyos. Ang arkanghel ang nanukso kay Eba na magkasala, at ginawa ito dahil nais nitong itatag ang kaharian nito sa lupa at patalikurin ang sangkatauhan sa Diyos at sa halip ay sundin nila ang arkanghel. Nakita ng arkanghel na maaari itong sundin ng napakaraming bagay—magagawa iyon ng mga anghel, gayundin ng mga tao sa ibabaw ng lupa. Ang mga ibon at hayop, mga puno, kagubatan, kabundukan, mga ilog, ang lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa ay nasa pangangalaga ng mga tao—ibig sabihin, nina Adan at Eba—samantalang sinunod nina Adan at Eba ang arkanghel. Sa gayon ay hinangad ng arkanghel na lampasan ang awtoridad ng Diyos at pagtaksilan ang Diyos. Pagkatapos niyon, pinamunuan nito ang maraming anghel na maghimagsik laban sa Diyos, na kalaunan ay naging iba’t ibang uri ng maruruming espiritu. Hindi ba sanhi ng katiwalian ng arkanghel ang pag-unlad ng sangkatauhan hanggang sa araw na ito? Naging ganito lamang ang sangkatauhan ngayon dahil pinagtaksilan ng arkanghel ang Diyos at ginawang tiwali ang sangkatauhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman Kung Paano Umunlad ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw). “Una sa lahat, dapat maunawaan ng mga tao kung saan nanggagaling ang pighati ng kapanganakan, katandaan, sakit at kamatayan sa tanang buhay nila at kung bakit dinaranas ng tao ang mga bagay na ito. Hindi ba’t umiiral na ito nang unang likhain ang tao? Saan nanggaling ang mga pasakit na ito? Nagkaroon ng ganitong mga pasakit pagkatapos na tuksuhin at gawing tiwali ni Satanas ang tao at ang tao ay maging imoral. Ang kapighatian ng laman ng tao, ang mga problema, at kahungkagan, at lahat ng masasalimuot na bagay sa mundo ng tao—lumitaw lahat ito matapos gawing tiwali ni Satanas ang tao. Pagkatapos na gawing tiwali ni Satanas ang tao, sinimulan na ni Satanas na pahirapan ang tao, kaya lalo pang nalugmok ang tao, lalong tumindi ang kanyang sakit, lalong tumindi ang kanyang kapighatian, at lalo siyang nagkaroon ng pakiramdam na hungkag at miserable ang mundo, na imposibleng patuloy na mabuhay sa mundong ito, at na ang mabuhay sa mundong ito ay lalong nagiging walang kapag-a-pag-asa. Kaya ang pasakit na ito ay pawang dulot ni Satanas sa tao, at nangyari ito pagkatapos na gawing tiwali ni Satanas ang tao at ang tao ay maging imoral(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kabuluhan ng Pagtikim ng Diyos ng Pagdurusa sa Mundo). “Darating ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 65). Nakinig sila sa mga salitang ito at naisip na maganda ang mga ito. Sabi ng ilan, “Hindi pa kami nakarinig ng mga gayong salita. Kahanga-hanga ang mga ito, lubos na nakakaantig.” Sabi naman ng ilan, “Maraming salamat sa pagpunta at sa pagbabahagi ng ebanghelyong ito, na tinutulutan kaming marinig ang tinig ng Diyos.” At sabi ng iba, “Sana bumalik kayo.” Tinanggap ng sampung taong iyon ang ebanghelyo noong araw na iyon pagkatapos makinig. Sinabi ko sa kanila na babalik kami sa gabing iyon, at hinikayat silang isama rin ang kanilang mga kaibigan at kamag-anak. Nagsama sila ng higit sa isang dosenang tao nang gabing iyon. Matapos pakinggan ng mga taong iyon ang mga recording ng sermon at ang mga salita ng Diyos, tinanggap nilang lahat ang ebanghelyo at nangakong dadalo sila para makinig kapag may oras sila sa gabi. Masayang-masaya ako. Mula noon, patuloy kaming nangangaral sa umaga tuwing may oras kami, at dinidiligan namin sila sa gabi. Pagkatapos ng pagdidilig, palihim kaming bumabalik sa aming mga puwesto. Matapos ang halos isang buwan nang ganoon, lahat sila ay napakatatag sa kanilang mga pagtitipon, at talagang nakatuon. Nagsasama rin sila ng ibang tao para makinig sa mga sermon. Parami nang parami ang tumanggap ng ebanghelyo. Nang makita ang kinalabasang ito, talagang natuwa at naantig ako. Ang kakayahan kong ipangaral ang ebanghelyo sa unang hanay at dalhin ang mga sibilyang iyon sa harap ng Diyos ay lahat dahil sa patnubay ng Diyos, at talagang napayapa ang pakiramdam ko.

Isang gabi, pumunta ako sa pamayanan para diligan ang ilang bagong mananampalataya. Noong pabalik na ako, nakasalubong ko ang isang komander ng kompanya na nagpapatrolya na may kagamitang pang-night vision. Nakita niya ako, at, sa pag-aakalang isa akong kaaway na dumating para tambangan sila, tinipon niya ang ilang sundalo para hulihin ako. Akmang magpapaputok na sila nang mabilis akong tumawag. Nakilala ako ni Brother Shawn, kung hindi ay nagpaputok na sana sila. Kinabukasan, sinabi sa akin ni Brother Shawn, “Muntik ka nang mabaril kagabi. Buti na lang nakilala ko ang boses mo.” Naantig talaga ako nang marinig ko iyon, at nagdasal ako, nagpapasalamat sa Diyos sa Kanyang proteksyon. May naisip ako na mga salita ng Diyos: “Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Nakita ko na ang Diyos ang naghahari at kumokontrol sa lahat. Ang puso at espiritu ng mga tao ay nasa mga kamay Niya. Buhay man o patay ang isang bagay, lahat ay nag-iiba at nagbabago ayon sa mga iniisip ng Diyos. Kung mabubuhay man tayo o mamamatay ay pinamumunuan at isinasaayos din ng Diyos. Paputukan man ako o hindi kagabi ng mga kasamahan kong sundalo ay nasa mga kamay rin ng Diyos. Ang pagkakatagpo ko kay Brother Shawn ay nasa ilalim din ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Nagkataong nakilala niya ang boses ko, kaya hindi sila nagpaputok. Lahat ito ay inorden ng Diyos. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos, at labis na naantig. Nararamdaman ko ang pagmamahal at proteksiyon ng Diyos sa akin, at nakita ko rin kung gaano kamangha-mangha ang Kanyang mga gawa. Pagkatapos niyon, kami ng dalawang brother na iyon ay nagpatuloy sa pagpunta sa pamayanan para ipalaganap ang ebanghelyo. Ibinahagi namin ang ebanghelyo sa limampu’t pitong tao, lahat sila ay sumapi sa iglesia. Talagang nagpapasalamat ako sa patnubay ng Diyos.

Makalipas ang ilang panahon, halos tapos na ang pangangaral ng ebanghelyo sa lugar na iyon, at dahil dito, nag-isip ako kung saan sunod na pupunta. Ang kinalabasan, noong araw ding iyon, inilipat ang yunit namin sa ibang pamayanan na may dalawang nayon sa loob nito. Talagang masaya ako na patuloy akong nakakapangaral ng ebanghelyo sa isang bagong lugar. Mapanganib din talaga sa pamayanang iyon—maaaring umatake ang mga hukbo ng kaaway anumang oras. Nakatuklas kami ng landmine pagkarating namin. Medyo natakot ako, nangamba ako na magpapanggap na sibilyan ang mga hukbo ng kaaway at bigla na lang lilitaw mula sa kung saan. Kung kaunti lang kami o lalabas kami nang mag-isa, nang walang armas, at makakatagpo namin sila, sasamantalahin nila ang pagkakataong patayin o hulihin kami. Pero pagkatapos ng karanasan ko sa dating lokasyon, nakita ko ang mga kamangha-manghang gawa ng Diyos, at alam ko na ang pangangaral ng ebanghelyo ay responsabilidad ko. Kahit anong mangyari, kailangan kong sumunod dito. Sa isiping iyon, hindi na ako gaanong napipigilan, at patuloy akong lumalabas para ibahagi ang ebanghelyo sa tuwing may oras ako. Pagpunta namin sa pamayanan, nagdala kami ng mga baril, hindi nangahas na maging pabaya. Sinimulan naming ibahagi ang ebanghelyo sa kinatawang pinuno ng nayon kasama ang kanyang asawa at ina, pinapatugtog ang mga recording ng sermon para sa kanila. Tinatalakay ng mga recording na iyon ang tungkol sa kung paano nilikha ng Diyos ang langit at lupa at ang lahat ng bagay sa simula, kung paano nagsimulang maging masama ang sangkatauhan, gayundin ang mga sakuna at digmaan sa mga huling araw at kung paanong ang mga ito ay mga tanda ng pagparito ng Panginoon. Bumalik na ang Panginoong Jesus sa katawang-tao upang iligtas ang sangkatauhan. Siya ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Ipinapahayag niya ang katotohanan, ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan upang makatakas tayo sa kasamaan at makatakas sa mga sakuna. Makakamit lang natin ang pagliligtas ng Diyos at makakapasok sa kaharian ng langit kung lalapit tayo sa harap ng Makapangyarihang Diyos. Nakinig sila sa patotoong ito at sinabi ng lahat na kahanga-hanga ito. Sinabi ng kinatawang pinuno ng nayon, “Kukuha lang ako ng notebook para isulat ang sinabi mo para mas marami akong mababasa mamaya.” Sabi ko, “Huwag kang mag-alala, babalik kami bukas. Maaari ka bang mag-imbita ng ibang tao na makikinig din?” Sumagot siya, “Maganda at tama iyang sinasabi mo. Ako ang kinatawang pinuno ng nayon, kaya dapat kong tawagin ang mga taganayon para sama-sama nila itong pakinggan.” Kinabukasan, nagsama siya ng iba pang tao para makinig sa sermon namin. Sa huli, 94 na tao mula sa dalawang nayong iyon ang tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagsasaayos sa akin na pumunta roon upang maibahagi ko ang ebanghelyo at matupad ang aking tungkulin, na siyang pagtataas ng Diyos. Nadama ko ang labis na pasasalamat sa Diyos!

Ang pagdaanan ang lahat ng iyon ay nagbigay sa akin ng personal na karanasan na ang Diyos ang namumuno sa kapalaran ng mga tao, at na ang buhay at kamatayan natin ay nasa mga kamay Niya. Nagbigay din ito sa akin ng mas praktikal na pagkaunawa sa walang hanggang kapangyarihan at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Noong hindi pa ako dumating sa unang hanay, alam kong delikado ang pagiging sundalo, at nagdasal ako at inilagay ang buhay at kamatayan ko sa mga kamay ng Diyos. Pero hanggang sa maranasan ko talaga ito, hindi ko nakita kung gaano kaliit ang pananalig ko sa Diyos. At sa tuwing nahaharap ako sa isang mapanganib na sitwasyon, at natatakot ako at walang pananalig, ang mga salita ng Diyos ang nagpatibay at gumabay sa akin, binibigyan ako ng pananalig at lakas. Iyon lang ang dahilan kung bakit hindi ako umurong at hindi ko tinalikuran ang aking tungkulin. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng ganoong karanasan. Saan man ako mapunta sa hinaharap, gaano man kamapanganib ang lugar, ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos ang misyon ko sa buhay. Kailangan kong magkaroon ng pananalig sa Diyos, ibigay ang puso ko sa Kanya, at gawin ang aking tungkulin bilang isang nilikha. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan: 23. Kung Paano Ko Natutunan na Magpatotoo sa Diyos

Sumunod: 25. Matapos Akong Isumbong

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito