646 Ang Pinakamagandang Bagay sa Tao

1 Gumagawa ang Diyos upang pamahalaan ang sangkatauhan, iligtas ang sangkatauhan, at sa gayon ay nagkaroon ng tungkulin ang sangkatauhan; at anumang tungkulin ang ginagampanan ng tao, ito ang pinakamaganda at pinakamatwid na bagay sa tao. Ang mga nilalang ng Diyos ay nabubuhay sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, tinatanggap ang lahat ng ibinibigay ng Diyos, lahat ng nagmumula sa Diyos, kaya nga dapat nilang tuparin ang kanilang mga responsibilidad at obligasyon—ito ang kanilang tungkulin. Ang magampanan ng sangkatauhan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos ay mas matwid, maganda, at marangal kaysa anupamang ibang nagawa habang nabubuhay sa mundo ng tao; walang anuman sa sangkatauhan ang mas makabuluhan o karapat-dapat, at walang anumang nagbibigay ng mas malaking kabuluhan at halaga sa buhay ng isang nilalang ng Diyos, kaysa pagganap sa tungkulin ng isang nilalang ng Diyos.

2 Ang magampanan ng isang nilalang ng Diyos ang kanilang tungkulin, mapalugod ang Lumikha, ang pinakamagandang bagay sa sangkatauhan, at isang bagay na dapat ipagdiwang ng sangkatauhan. Anumang ipinagkatiwala ng Lumikha sa mga nilalang ng Diyos ay dapat nilang tanggapin nang walang kundisyon; para doon sa sangkatauhang gumaganap ng tungkulin ng mga nilalang, wala nang ibang mas pinagpala, kamangha-mangha, o karapat-dapat na ipagdiwang—ito ay isang positibong bagay. Sa panig ng Lumikha, handa Siyang ipagkatiwala ang tagubiling ito sa bawat isa sa inyo; at sa panig ng sangkatauhang nilalang, dapat ay masayang tanggapin ng mga tao ang tungkuling ito, tratuhin ito bilang obligasyon nila sa buhay, bilang halagang dapat nilang isabuhay sa buhay na ito. Walang transaksyon dito, hindi ito isang pakikipagtumbasan.

3 Yamang dapat gampanan ng mga tao ang tungkulin ng mga nilalang, muling nakagawa ang Lumikha ng mas dakilang gawain sa sangkatauhan: ibinibigay Niya ang katotohanan sa sangkatauhan, na tinutulutan silang matamo ang katotohanan mula sa Kanya habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at sa gayon ay naiwawaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at nalilinis. Sa gayon, napapalugod nila ang kalooban ng Diyos at natatahak ang tamang landas sa buhay, at, sa huli, magagawa nilang matakot sa Diyos at itaboy ang kasamaan, makamit ang ganap na kaligtasan, at hindi na mapasailalim sa mga pagpapahirap ni Satanas. Ito ang pangunahing epektong nais ng Diyos na makamit ng sangkatauhan sa huli sa pagganap sa kanilang tungkulin. Samakatwid, habang ginagampanan ng sangkatauhan ang kanilang tungkulin, hindi lamang nila tinatamasa ang halaga at kabuluhang hatid ng pagganap sa tungkulin ng isang tao sa buhay ng tao bilang isang nilalang; nalilinis at naliligtas sila, at, sa huli, nakakapamuhay sila sa liwanag ng mukha ng Lumikha.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)

Sinundan: 645 Ang mga Pagkabigo’t mga Sagabal ay mga Pagpapala mula sa Diyos

Sumunod: 647 Tayo ay Nailigtas Dahil Pinili Tayo ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito