20 Natatanaw na ang Milenyong Kaharian
Ⅰ
Dumating na ang nagkatawang-tao na Anak ng tao.
Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao,
inuumpisahan ang Kapanahunan ng Kaharian sa pamamagitan ng Kanyang salita,
at sinisimulan ang paghatol mula sa Sambahayan ng Diyos.
Bumabalik ang mga tao ng Diyos sa trono,
sumasamba kay Cristo ng mga huling araw.
Sinasabi ng Diyos ang katotohanan araw-araw,
nagdadala sa sangkatauhan ng lahat ng pag-asa.
Mula sa langit ay dumating na ang bagong Jerusalem,
natutuwa ang buong sansinukob.
Nakakamit ng Diyos ang kaharian, na dumarating sa lupa,
natatanaw na ang Milenyong Kaharian,
natatanaw na ang Milenyong kaharian.
Ⅱ
Nagdurusa ang relihiyon sa kagutumang espirituwal;
ang paghahanap ng tunay na daan ay ipinapatupad ngayon.
Pinanabikan natin ang Anak ng tao,
nalulupig tayo kapag naririnig ang tinig ng Diyos.
Tinatanggap natin ang paghatol mula sa mga salita ng Diyos,
nililinis at ibinibigay ng mga ito ang bagong buhay sa atin.
Ginagawa ng Diyos ang Tsina na isang modelong lugar,
upang magsanay ng mga kawal na mapagtatagumpayan.
Mula sa langit ay dumating na ang bagong Jerusalem,
natutuwa ang buong sansinukob.
Nakakamit ng Diyos ang kaharian, na dumarating sa lupa,
natatanaw na ang Milenyong Kaharian,
natatanaw na ang Milenyong kaharian.
Ⅲ
Nakakawala ang mga tao ng Diyos sa madidilim na puwersa,
napagtatagumpayan ang impluwensiya ni Satanas.
Nakagawa na ang Diyos ng isang grupong nagtatagumpay,
ang Kanyang dakilang gawain ay natapos na ngayon.
Napakawalan na ang poot ng Diyos,
darating na rito ang malalaking sakuna.
Wawasakin ng Diyos ang masasamang tao,
nagpakita na ang bagong langit at lupa.
Mula sa langit ay dumating na ang bagong Jerusalem,
natutuwa ang buong sansinukob.
Nakakamit ng Diyos ang kaharian, na dumarating sa lupa,
natatanaw na ang Milenyong Kaharian,
natatanaw na ang Milenyong kaharian.
Ⅳ
Ang mga tao ng Diyos ay nilinis ng mga salita ng Diyos,
at namumuhay tayo sa patnubay ng Diyos.
Inaakay tayo sa Milenyong Kaharian,
tinatamasa natin ang mga pagpapala ng kaharian.
Mula sa langit ay dumating na ang bagong Jerusalem,
natutuwa ang buong sansinukob.
Nakakamit ng Diyos ang kaharian, na dumarating sa lupa,
natatanaw na ang Milenyong Kaharian,
natatanaw na ang Milenyong kaharian.
Isinasakatuparan ng salita ng Diyos ang lahat ng bagay,
ipinapakita nitong Siya ay marunong at makapangyarihan sa lahat.
Naghahari ang salita ng Diyos sa buong mundo,
narito na ang Milenyong Kaharian,
narito na ang Milenyong Kaharian.