302 Hindi Maarok ang mga Paraan ng Diyos

Kita namin ang Iyong kamahalang matayog sa langit.

Hindi kami lalapit sa Iyong harapan nang walang paggalang.

Sinong makaaalam sa Iyong kalooban, sinong mangangahas damhin ang galit Mo?

Sinong nagnanais sa kamahalan Mo, kailan ito darating?

Dito kami nakahimlay, nakaduyan sa Iyong mga kamay,

nagtatamasa ng pag-ibig Mong tulad ng sa isang ina,

kahit takot kami sa galit Mo.

O, Ikaw ang inang aming tinitingala,

amang aming minamahal at iginagalang.

Mga puso namin ay nagtatago sa Iyo, ngunit hindi kami mangangahas na lumalayo.

At o, sa aming puso ay dama naming malapit Ka,

dama naming malapit na malapit Ka.

Hindi namin namamalayang nadarama naming Ikaw ay di-maaarok.

O, kung gayon ay maigagalang Ka lang namin mula sa malayo.

O, maigagalang Ka lang namin mula sa malayo.


Mahal Ka ng aming mga puso pero takot pa rin kami sa Iyo,

anong saysay ng mga salita?

Paano maihahayag ng gayong mga damdamin ang mga simbuyo ng tao?

Tanging magagawa namin ay humarap sa Iyo nang walang dala,

at simpleng magsumamo sa Iyo, parang bata at takot.

Ibinibigay Mo ang aming bawat pangangailangan, anuman iyon.

Umaahon ang walang hanggang pagpupuri mula sa masasaya naming puso.

O, ibinigay Mo ang lahat nang walang pag-iimbot, walang hinihingi, walang daing.

Bihira naming makita ang mukha Mo, ngunit lahat ng Iyo ay napasa amin.

O, kami mismo ay napakaraming karumihan,

ngunit matagal na panahon Mo nang natamo ang aming buong pagkatao.

O, paanong makikita ng makamundong mga mata ang mga katotohanang naisakatuparan noong unang panahon,

o, mga katotohanang Iyong naisakatuparan noong unang panahon?


Mula noong unang panahon, sa buong mundo,

lahat ng bagay ay nakalantad sa paningin Mo.

Natatahimik kami, walang nangangahas na pumantay sa Iyo.

Walang patid ang pagdaloy ng Iyong salita.

At kung gaano laki ang yaman Mo, walang makapagsasabi.

Sinong mangangahas na purihin ang Iyong kaaya-ayang kagandahan gamit ang simpleng salita?

At sinong mangangahas awitin nang basta-basta ng Iyong kaamuan?

O, sa isang saglit ay malayo Ka sa amin, tapos nasa gitna na namin,

malayo, tapos lumalapit, ngayon malayo, ngayon malapit.

O, wala pang nakakakita sa Iyong mga yapak, o sa nakakakita sa Iyong anino.

Masayang alaala lamang ang naiwan sa amin.

O, kay tamis ng lasang nananatili.

O, kay tamis ng lasa ng Iyong presensyang nananatili.


Magpakailanman tulad ng langit at lupa,

sinong may alam sa sakop ng Iyong mga gawa?

Isang butil lang sa dalampasigan ang nakikita namin,

tahimik na naghihintay na gamitin Mo.

Sing hamak ng langgam,

paano kami makapapantay sa Iyong kadakilaan?

O, sagana ang Iyong pagdalisay, napakasagana sa awa.

Kita namin ang Iyong katuwirang nakatago sa Iyong awa, o,

o, katuwirang nakatago sa Iyong banal na kamahalan,

nakikita iyong nakatago sa Iyong pagmamahal at mga gawa.

O, sinong makakabilang sa Iyong mga gawa, napakarami na.

O, sinong makakabilang, napakarami na.

O, sinong makakabilang sa Iyong mga gawa, napakarami na.

O, sinong makakabilang, napakarami na nila.

Sinundan: 301 Sana’y Palagi Kang Manatili sa Aking Puso

Sumunod: 303 Ang Pagsunod kay Cristo ay Inorden ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito