102 Sana Maantig Muli ng Diyos ang Ating mga Espiritu
Ⅰ
O Diyos! Sana ang Iyong Espiritu
ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa mundo,
upang ang aking puso ay lubos na bumaling sa Iyo,
upang maantig ang aking espiritu,
at maaari kong makita ang Iyong kagandahan
sa aking espiritu at sa aking puso,
at silang nasa mundo ay maaaring makita ang Iyong ganda.
O Diyos, sana maantig muli ng Iyong Espiritu ang aming mga espiritu.
Antigin ang aming mga espiritu,
upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan
at hindi ito kailanman magbabago.
O, antigin Mo kaming muli, o, antigin kaming muli, o Diyos.
Antigin ang aming mga espiritu,
upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan.
at hindi ito kailanman magbabago, o Diyos!
Ⅱ
Ang unang ginagawa ng Diyos ay subukin ang ating mga puso.
Aantigin Niya ang ating mga espiritu
kapag ibinubuhos natin ang ating mga puso sa Kanya.
Tanging sa espiritu natin maaaring makita
na ang Diyos ay dakila, Siya ay napakaganda at kataas-taasan.
Ito ang landas ng Espiritu sa tao.
O Diyos, sana maantig muli ng Iyong Espiritu ang aming mga espiritu.
Antigin ang aming mga espiritu,
upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan
at hindi ito kailanman magbabago.
O, antigin Mo kaming muli, o, antigin kaming muli, o Diyos.
Antigin ang aming mga espiritu,
upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan.
at hindi ito kailanman magbabago.
O Diyos, sana maantig muli ng Iyong Espiritu ang aming mga espiritu.
Antigin ang aming mga espiritu,
upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan
at hindi ito kailanman magbabago.
O, antigin Mo kaming muli, o, antigin kaming muli, o Diyos.
Antigin ang aming mga espiritu,
upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan
at hindi ito kailanman magbabago, o Diyos, o Diyos.