101 Kung Hindi Ako Iniligtas ng Diyos
Kung hindi ako iniligtas ng Diyos, inaanod pa rin ako sa daigdig, mahapding nagsisikap sa kasalanan, nang walang anumang pag-asa sa buhay. Kung hindi ako iniligtas ng Diyos, niyuyurakan pa rin ako ng mga diyablo, tinatamasa ang mga kasiyahan ng kasalanan, hindi nalalaman ang landas ng pantaong buhay. Maawain sa akin ang Makapangyarihang Diyos; tumatawag sa akin ang tunog ng mga salita Niya. Naririnig ko ang tinig ng Diyos at itinaas na sa harap ng trono Niya. Sa bawat araw ay kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, at naunawaan ko na ang maraming mga katotohanan. Nakikita ko ang matinding lalim ng katiwalian ng sangkatauhan. Tunay na kailangan natin ang pagliligtas ng Diyos. Dinadalisay at nililigtas ako ng katotohanan ng Diyos. Muli’t muli, ako ay hinatulan at pinino, at nagbago ang aking disposisyon sa buhay. Nang matikman ko ang katuwiran at kabanalan ng Diyos saka ko lang nalaman ang Kanyang kariktan. Kinatatakutan ng aking puso ang Diyos at iniiwasan ang kasamaan, at nagsasabuhay ako ng kaunting pagkakatulad sa tao. Nakita ko na ang Diyos nang harapan; natikman ko na ang Kanyang tunay na pagmamahal. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, tinatanggap ko ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw. Matapat kong tinutupad ang aking tungkulin, at masaya at payapa ang aking puso. Nabubuhay tayo sa harap ng Diyos nang may pagmamahalan, nang may patnubay at mga pagpapala Niya. Isinasagawa ko ang katotohanan, sinusunod ang Diyos, at nagsasabuhay ng isang tunay na buhay. Ang gawain ng Diyos ay totoo at buhay. Ang Diyos ay marangal at kaibig-ibig. Nakikita ang Kanyang pagmamahal at kariktan, nais kong ilaan ang aking buhay sa Kanya. Hahanapin ko ang katotohanan at mamahalin Siya magpakailanman; tutuparin ko ang aking tungkulin upang gantihan ang Kanyang pagmamahal.