952 Ang Paghihimagsik ng Tao ang Pumupukaw sa Galit ng Diyos

Kapag niyayanig ng Kanyang poot

ang mga bundok at ilog,

hindi na tutulungan ng Diyos ang duwag na tao.

Sa galit, di Niya sila pagsisisihin,

di na Siya aasa, parurusahan Niya sila.

Kulog dadagundong, parang galit na alon,

parang gumuguhong kabundukan.

Dahil tao’y nagrerebelde, sila’y mamamatay.

Lahat ng nilikha, ay lilipulin ng kulog at kidlat.

Buong sangkatauhan ay lalayo sa Diyos

dahil sa Kanyang galit.

Dahil tao’y nagkasala na laban

sa diwa ng Espiritu N’ya,

nagalit ang Diyos sa paghihimagsik ng tao.


Ang sansinukob ay biglang mahuhulog sa kaguluhan,

nilikha’y di mababawi pinagmulang hininga ng buhay.

Ang tao ay hindi makakatakas sa dagundong ng kulog;

sa kalagitnaan ng kidlat, ang kawan ng tao ay

mabubuwal sa batis, tatangayin ng malakas na agos,

bubuhos mula sa kabundukan.

At agad-agad, sa hantungan ay may daigdig ng tao,

inaanod na mga bangkay sa dagat.

Buong sangkatauhan ay lalayo sa Diyos

dahil sa Kanyang galit.

Dahil tao’y nagkasala na laban sa diwa ng Espiritu N’ya,

nagalit ang Diyos sa paghihimagsik ng tao.


Buong sangkatauhan ay lalayo sa Diyos

dahil sa Kanyang galit.

Dahil tao’y nagkasala na laban sa diwa ng Espiritu N’ya,

nagalit ang Diyos sa paghihimagsik ng tao.

Nguni’t sa ligtas na lupain, ibang mga tao ay nag-aawitan

sa gitna ng kasiyahan at awitan,

tinatamasa ang mga pangakong tinupad ng Diyos,

na tinupad ng Diyos para lamang sa kanila.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 17

Sinundan: 951 Ang Disposisyon ng Diyos ay Hindi Kumukunsinti sa Pagkakasala

Sumunod: 953 Ganyang Magalit ang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito