361 Ang Panlilinlang ng Tao sa Diyos ay Laganap sa Kanilang mga Gawa

Maraming taong nais

na tunay na mahalin ang Diyos,

ngunit mga puso nila’y ‘di kanila,

sarili nila’y ‘di kayang pigilan.


I

Marami ang mahal ang Diyos

sa mga pagsubok Niya,

ngunit ‘di nila maunawaang Siya’y umiiral.

Minamahal lang nila Siya sa kahungkagan,

hindi dahil sa Kanyang pag-iral.

Maraming naghahandog ng puso sa Kanya,

ngunit ‘di nila pansin,

puso nila’y inaagaw ni Satanas

sa tuwing may pagkakataon,

tapos ay tatalikuran nila Siya.


Nais ng Diyos na tao ay maging

taimtim sa Kanyang harapan.

Wala Siyang ibang hinihingi

kundi Siya ay seryosohin.

Ang Kanyang kahilingan ay ibalik

ang katapatan ng tao,

sa halip na linlangin nila Siya.


II

Marami ang mahal ang Diyos

‘pag binibigay Niya ang salita Niya,

ngunit ‘di nila mahal sa espiritu ang salita Niya,

kundi ginagamit ‘to bilang pag-aari ng lahat,

ibinabalik ito kung kailan nila gusto.

Tao’y hinahanap ang Diyos sa gitna ng pasakit,

sa Kanya’y umaasa ‘pag may pagsubok.

Tinatamasa Siya ‘pag mapayapa,

ngunit ‘pag may panganib, itinatatwa,

‘pag abala nalilimutan Siya.

‘Pag ‘di abala,

basta-basta kung kumilos para sa Kanya.

Wala pang nagmahal sa Kanya

nang buong buhay nila.


Nais ng Diyos na tao ay maging

taimtim sa Kanyang harapan.

Wala Siyang ibang hinihingi

kundi Siya ay seryosohin.

Ang Kanyang kahilingan ay ibalik

ang katapatan ng tao,

sa halip na linlangin nila Siya.


III

Ang kaliwanagan ng Diyos, Kanyang pagtanglaw,

Kanyang pagsisikap ay laganap sa lahat ng tao,

ngunit gayon din ang katotohanan ng kilos ng tao

at kanilang panlilinlang sa Kanya.

Sa mabulaklak nilang salita’y ‘di Siya nalinlang,

matagal na Niyang nakilatis ang tao.

Sinong may alam kung gaano karaming karumihan

o kamandag ni Satanas sa kanila?

Mas nasasanay ang tao araw-araw.

Kaya’t sila’y manhid na

sa mga pahirap ni Satanas,

walang interes sa "sining

ng malusog na pamumuhay."


Nais ng Diyos na tao ay maging

taimtim sa Kanyang harapan.

Wala Siyang ibang hinihingi

kundi Siya ay seryosohin.

Ang Kanyang kahilingan ay ibalik

ang katapatan ng tao,

sa halip na linlangin nila Siya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 21

Sinundan: 360 Tunay Ba Kayong Nabubuhay sa Salita ng Diyos?

Sumunod: 362 Hindi Tinutulutan ng Diyos na Lokohin Siya ng Sinumang Nilalang

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito