360 Tunay Ba Kayong Nabubuhay sa Salita ng Diyos?
Ⅰ
Ngayo’y nandito na sa isang kisap-mata.
At sa gabay ng Aking Espiritu,
tao’y nabubuhay sa liwanag Ko,
‘di iniisip ang kahapon.
Sino’ng ‘di pa nabuhay sa kasalukuyan,
o gumugol ng mga araw at buwan
na naninirahan sa kaharian?
Sino’ng ‘di pa nanahan sa ilalim ng araw?
Kaharian ma’y dumating na sa tao,
init nito’y walang may alam.
Tao’y labas lang ang nakikita,
‘di alam ang diwa nito.
Kayo ba’y namumuhay sa Aking liwanag?
Namumuhay sa Aking mga salita?
Sino ang ‘di iniisip kanilang inaasam?
O nahahapis sa tadhana?
Sino ang ‘di nagpupunyagi sa dagat ng pighati?
Sino ang ‘di nagnanais lumaya?
Pinagkakaloob ba ang biyaya sa
pagsisikap ng tao sa lupa?
Matupad kaya mga nais niya?
Ⅱ
‘Pag kaharian Ko’y mabuo, sino’ng ‘di magagalak?
Mga bansa’y may takas ba?
Makakatakas ba’ng malaking pulang dragon?
Kautusan Ko’y dinig sa kosmos,
tinutupad sa sansinukob.
Aking awtoridad, hayag sa lahat.
Ngunit tao’y ‘di pa lubos nalaman ito.
‘Pag mga utos Ko’y mabunyag
katapusan ng gawain Ko’y nalalapit.
‘Pag tao’y pinamumunuan Ko, bilang Diyos Mismo,
kaharian Ko’y lubos nang mananaog sa lupa.
Kayo ba’y namumuhay sa Aking liwanag?
Namumuhay sa Aking mga salita?
Sino ang ‘di iniisip kanilang inaasam?
O nahahapis sa tadhana?
Sino ang ‘di nagpupunyagi sa dagat ng pighati?
Sino ang ‘di nagnanais lumaya?
Pinagkakaloob ba ang biyaya sa
pagsisikap ng tao sa lupa?
Matupad kaya mga nais niya?
Ⅲ
Ngayon, ang tao’y magsisimula sa bagong landas.
Nagsimula na sila ng bagong buhay,
ngunit wala pang ni isang tunay na nakaranas
mabuhay sa lupa gaya ng sa langit.
Kayo ba’y namumuhay sa Aking liwanag?
Namumuhay sa Aking mga salita?
Sino ang ‘di iniisip kanilang inaasam?
O nahahapis sa tadhana?
Sino ang ‘di nagpupunyagi sa dagat ng pighati?
Sino ang ‘di nagnanais lumaya?
Pinagkakaloob ba ang biyaya sa
pagsisikap ng tao sa lupa?
Matupad kaya mga nais niya?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 25