913 Hindi Kayang Arukin ng Sinuman ang Awtoridad at Kapangyarihan ng Diyos
Ⅰ
Minsang bigkasin ang mga salita ng Diyos,
ang Kanyang awtoridad na ang namumuno at
ang ipinangako Niya’y nagiging tunay sa bawat hakbang.
Mga pagbabago’y nagsisimula sa lahat ng bagay sa paligid.
Ito ang mga himala sa mga kamay ng Maylalang.
Gaya ng tagsibol: damo’y luntian,
bulaklak namumukadkad, usbong lumalabas,
at ibon umaawit; matao ang bukid.
Awtoridad at kapangyarihan ng Diyos,
di napipigil ng panahon,
ng lugar, tao, at bagay, ni ng anuman.
Awtoridad at kapangyarihan N’ya, ‘di maguniguni ng tao.
Dama nilang mahirap itong arukin o lubos na maunawaan.
Ⅱ
Pag naganap ng Diyos pangako N’ya,
lahat ng bagay sa langit at lupa ay pinanunumbalik
at nagbabago ayon sa Kanyang mga kaisipan.
Sa pagbibigay Niya ng pangako,
lahat ng bagay may katuparan.
Lahat ng nilalang ay inaayos
sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan.
Ginagampanan ng bawat isa ang bahagi nila;
ginagawa nila ang tungkulin nila.
Ito’y pagpapamalas ng awtoridad ng Diyos.
Gaya ng tagsibol: damo’y luntian,
bulaklak namumukadkad, usbong lumalabas,
at ibon umaawit; matao ang bukid.
Awtoridad at kapangyarihan ng Diyos,
di napipigil ng panahon,
ng lugar, tao, at bagay, ni ng anuman.
Awtoridad at kapangyarihan N’ya, ‘di maguniguni ng tao.
Dama nilang mahirap itong arukin o lubos na maunawaan.
Ⅲ
Bawat pagpapamalas ng awtoridad ay perpektong
pagpapakita ng mga salitang binigkas Niya,
na sa lahat ng tao’t bagay ipinakita.
Lahat ng nagawa ng Kanyang awtoridad,
walang katulad sa ganda’t walang kamalian.
Gaya ng tagsibol: damo’y luntian,
bulaklak namumukadkad, usbong lumalabas,
at ibon umaawit; matao ang bukid.
Awtoridad at kapangyarihan ng Diyos,
di napipigil ng panahon,
ng lugar, tao, at bagay, ni ng anuman.
Awtoridad at kapangyarihan N’ya, ‘di maguniguni ng tao.
Dama nilang mahirap itong arukin o lubos na maunawaan.
Ⅳ
Kanyang kaisipa’t Kanyang salita,
Kanyang gawa, awtoridad,
lahat bumubuo ng larawang, maganda, walang katulad.
Sa lahat ng mga nilalang, wika ng tao ay ‘di kayang
ipaliwanag ang kahalagahan at kabuluhan nito.
Ang awtoridad na gamit ng Diyos
sa paghahari sa lahat ng bagay,
at ang kapangyarihan ng Diyos,
pinapakita sa lahat ng bagay na ang Diyos
nasa lahat ng dako’t sa lahat ng oras.
Kapag nasaksihan mong nasa lahat ng bagay ang awtoridad
at kapangyarihan ng Diyos, makikita mong ang Diyos
ay nasa lahat ng lugar at sa lahat ng oras.
Awtoridad at kapangyarihan ng Diyos,
di napipigil ng panahon,
ng lugar, tao, at bagay, ni ng anuman.
Awtoridad at kapangyarihan N’ya, ‘di maguniguni ng tao.
Dama nilang mahirap itong arukin o lubos na maunawaan.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I