283 Buhay ng Tao’y Lubusang Nasa Ilalim ng Kataas-taasang Kapangyarihan ng Diyos
I
Kung ang isang tao’y
naniniwala lamang sa kapalaran
ngunit ‘di nakakaalam,
kung ang isang tao’y
naniniwala lamang sa kapalaran
ngunit ‘di nakakakilala,
kung ang isang tao’y naniniwala lamang
sa kapalaran ngunit ‘di nakakapagpasakop,
‘di matanggap kataas-taasang kapangyarihan
ng Lumikha sa kapalaran ng sangkatauhan,
ang buhay nila’y magiging isang trahedya,
ang buhay nila’y mawawalan ng saysay,
buhay nila’y mawawalan ng kabuluhan,
‘di mapapasailalim sa Kanyang kapamahalaan,
‘di nila kayang maging nilalang
sa tunay na kahulugan ng kasabihan,
at matamasa ang pagsang-ayon ng Lumikha.
Ang taong alam ang pagiging
kataas-taasan ng Diyos, dapat sila’y positibo.
Ang taong kita ang pagiging
kataas-taasan ng Diyos,
‘di sila dapat maging pasibo.
Habang tinatanggap lahat ay itinatadhana,
wasto ang pagkaunawa nila sa kapalaran:
Ang buong buhay ng tao
ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos.
II
Kapag ginunita ng isang tao
ang yugto ng kanyang paglalakbay,
kapag lumingon siya
sa bawat daang kanyang tinahak,
nakikita niyang sa bawat hakbang
Diyos ang gumagabay sa kanyang daan,
maayos man o mahirap ang landas.
Ang Planong ito’y maingat na isinaayos ng Diyos.
Naakay sa ngayon ang tao nang ‘di niya alam.
Kaylaking pagpapala na matanggap ang
Kanyang pagliligtas,
na tanggapin ang kataas-taasan ng Lumikha.
Ang taong alam ang pagiging
kataas-taasan ng Diyos, dapat sila’y positibo.
Ang taong kita ang pagiging
kataas-taasan ng Diyos,
‘di sila dapat maging pasibo.
Habang tinatanggap lahat ay itinatadhana,
wasto ang pagkaunawa nila sa kapalaran:
Ang buong buhay ng tao
ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos.
III
Kung maunawaan ng tao
ang kataas-taasan ng Diyos,
tunay nilang hahangarin na magpasakop
sa bawat plano ng Diyos,
at sumunod sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos.
Kung maunawaan ng tao
ang kataas-taasan ng Diyos,
magkakaroon sila ng determinasyon at tiwala
na tumigil sa pagrebelde sa Diyos,
at tanggapin ang Kanyang pangangasiwa.
Ang taong alam ang pagiging
kataas-taasan ng Diyos, dapat sila’y positibo.
Ang taong kita ang pagiging
kataas-taasan ng Diyos,
‘di sila dapat maging pasibo.
Habang tinatanggap lahat ay itinatadhana,
wasto ang pagkaunawa nila sa kapalaran:
Ang buong buhay ng tao
ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III