282 Patiunang Itinalaga ng Diyos Tadhana ng Tao Noon Pa Man

Pagdating sa tadhana, lahat ay malaya.

Pagdating sa tadhana, lahat ay may kanya-kanya.

Kaya walang magulang na makakapigil sa tadhana ninuman

o makakaimpluwensya man lang sa tungkulin n’ya.

Wala maliban sa pagtatalaga ng Lumikha

ang may kinalaman sa tadhana ng isa.

Walang makakapigil sa kinabukasan ninuman,

naitalaga noon pa, kahit magulang walang magagawa.


Ang pamilya kung saan ang isa’y isinilang

ay kundisyon sa pagtupad ng misyon niya.

Ang kapaligirang kinalalakihan

ay patiuna ring kalagayan.

Sa anumang paraan hindi rito

naaalaman ang kapalaran ninuman

kung sa’n ang misyon nila’y naisasakatuparan.

Walang magulang ang nakatutulong

sa pagtupad ng misyon ng anak.

At ‘di siya matutulungan ng kanyang kamag-anak.

Kung paano tinutupad ng isa ang misyon niya

at kung saang kapaligiran ginagampanan papel n’ya,

ay ‘tinatalaga ng tadhana nila, na walang makakapigil.

Wala maliban sa pagtatalaga ng Lumikha

ang may kinalaman sa tadhana ng isa.

Walang makakapigil sa kinabukasan ninuman,

naitalaga noon pa, kahit magulang walang magagawa.


Walang ibang kundisyong makakaimpluwensya

sa misyon ng tao na Lumikha lang ang nagtalaga.

Lahat ng tao’y gumugulang sa kapaligiran niya,

lahat sila’y lumalaki nang mag-isa.

Wala maliban sa pagtatalaga ng Lumikha

ang may kinalaman sa tadhana ng isa.

Walang makakapigil sa kinabukasan ninuman,

naitalaga noon pa, kahit magulang walang magagawa.


Isa-isang hakbang, sila’y sumusulong nang kanya-kanya.

Isa-isang hakbang, tinutupad ang kanilang tadhana.

Isa-isang hakbang, pumapasok sila sa lipunan.

Isa-isang hakbang, papel nila ay ginagampanan.

Isa-isang hakbang, pananagutan ay ginagawa,

alang-alang sa itinadhana ng Lumikha.

Isa-isang hakbang, ito’y ‘di nila pagkukusa,

alang-alang sa kapangyarihan ng Lumikha.

Itinalaga ng Diyos tadhana ng tao noon pa.

Wala maliban sa pagtatalaga ng Lumikha

ang may kinalaman sa tadhana ng isa.

Walang makakapigil sa kinabukasan ninuman,

naitalaga noon pa, kahit magulang walang magagawa.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

Sinundan: 281 Hindi Mapipigilan ng Sangkatauhan ang Kanilang Sariling Kapalaran

Sumunod: 283 Buhay ng Tao’y Lubusang Nasa Ilalim ng Kataas-taasang Kapangyarihan ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito