311 Walang Tunay na Pananampalataya kay Cristo ang Tao
Ⅰ
Kapakumbabaan ni Cristo ‘di mo hinahangaan
kundi katanyagan ng mga pastol na bulaan.
Ayaw mo ang kariktan o karunungan ni Cristo,
kundi silang mahahalay sa maruming mundo.
Kahit ngayon puso mo’y naaakit pa sa kanila,
sa reputasyon, sa posisyon nila,
at naaakit sa kanilang impluwensya.
Nilalabanan mo’t tinatanggihan gawain ni Cristo.
Sabi ng Diyos wala kang
pananalig na kilalanin si Cristo.
Ⅱ
Tinatawanan mo pasakit ni Cristo
na walang mahimlayan,
ngunit hinahangaan mo mga
nagnanakaw ng handog at mabisyo.
Ayaw mong magdusa sa tabi ni Cristo,
kundi masaya kang umanib doon
sa mga anticristong walang ingat,
na walang bigay sa’yo kundi
laman, letra’t kontrol lang.
Kahit ngayon puso mo’y naaakit pa sa kanila,
sa reputasyon, sa posisyon nila,
at naaakit sa kanilang impluwensya.
Nilalabanan mo’t tinatanggihan gawain ni Cristo.
Sabi ng Diyos wala kang
pananalig na kilalanin si Cristo.
Ⅲ
Sinundan mo Siya dahil napilitan ka,
puso mo’y puno ng matatayog na larawan,
salita’t kamay nilang maimpluwensya.
Sila, sa puso n’yo, bayani magpakailanman.
Ngunit ‘di gano’n ‘yon para sa Cristo ngayon.
Kahit ngayon puso mo’y naaakit pa sa kanila,
sa reputasyon, sa posisyon nila,
at naaakit sa kanilang impluwensya.
Nilalabanan mo’t tinatanggihan gawain ni Cristo.
Sabi ng Diyos wala kang
pananalig na kilalanin si Cristo.
Ⅳ
Walang halaga si Cristo sa puso mo,
di nararapat igalang kailanman,
dahil Siya’y ordinaryo,
halos walang impluwensya,
dahil Siya’y hindi matayog.
Kaya, sabi ng Diyos wala kang
pananalig na kilalanin si Cristo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?