310 Napakarami Ninyong Elemento ng Kawalan ng Paniniwala kay Cristo
I
Ngayo’y malaki pa rin ang nananatiling
kawalan ng paniniwala sa inyo.
Tingnang mabuti,
tiyak matatagpuan ninyo’ng kasagutan.
Saka mo aamining,
sa Diyos ika’y walang paniniwala.
Siya’y ‘yong nililinlang,
nilalapastanga’t ipinagkakanulo.
Ikaw ang siyang taksil sa Kanya.
Saka mo mapagtatantong
si Cristo’y ‘di tao kundi ang Diyos.
Pagdating ng panahon,
igagalang, katatakutan,
at mamahalin mo si Cristo.
Sa ngayon, sa puso nyo’y
trenta porsyento lang ang may pananalig,
habang ang sitenta porsyento
ay puno ng pagdududa.
Kayo ay hindi minamaliit ng Diyos.
Lubha lamang ang kawalan ng pananalig n’yo,
kayraming ‘di dalisay na bagay
ang kailangang himayin.
Mga ito’y nagpapamalas
na kayo’y walang pananampalataya.
Ito’y tanda ng inyong pagtatakwil kay Cristo,
at kayo’y nabansagang taksil kay Cristo.
Ito’y mga tabing,
hadlang na makilala n’yo si Cristo,
isang hadlang upang kayo ay makamit ni Cristo,
isang balakid sa pagkakatugma ninyo sa Kanya,
at patunay na ‘di kayo inaayunan ni Cristo.
II
Lahat ng gawa at sinasabi ni Cristo
ay may pananagutan
upang kayo’y mabigyan ng kuru-kuro’t
palagay sa Kanya
na mula sa inyong lubos
na kawalan ng pananalig.
Kayo ay hanga at takot
sa ‘di namamasdang Diyos sa langit,
ngunit kay Cristo, walang pagmamalasakit.
‘Di ba ito rin ay kawalan ng inyong pananalig?
Hangad n’yo lang ay ang Diyos na siyang
gumawa ng gawain sa nakalipas,
ngunit hindi hinaharap
ang Cristo ng kasalukuyan.
Ito’ng “pananalig”
habangbuhay na nakahalo sa puso n’yo,
ang hindi paniniwala sa Cristo ng kasalukuyan.
Kayo ay hindi minamaliit ng Diyos.
Lubha lamang ang kawalan ng pananalig n’yo,
kayraming ‘di dalisay na bagay
ang kailangang himayin.
Mga ito’y nagpapamalas
na kayo’y walang pananampalataya.
Ito’y tanda ng inyong pagtatakwil kay Cristo,
at kayo’y nabansagang taksil kay Cristo.
Ito’y mga tabing,
hadlang na makilala n’yo si Cristo,
isang hadlang upang kayo ay makamit ni Cristo,
isang balakid sa pagkakatugma ninyo sa Kanya,
at patunay na ‘di kayo inaayunan ni Cristo.
Ngayon ang panahon
upang suriin ang lahat sa buhay n’yo!
Kapaki-pakinabang sa inyo ang gawin ito!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?