235 Pagsisisi at Panibagong Pagsisimula

1 Bakit hindi ako nagising? Inilagay ko lang ang lahat sa paghahangad ng katayuan at pangalan. Nakatuon lamang ako sa gawain at pangangaral, ngunit hindi ko isinagawa o naranasan ang mga salita ng Diyos. Bakit hindi ako nagising? Nagpakasipag ako para lamang sa mga gantimpala. Puno ng maluluhong hangarin at kahilingan, masyado akong naging makasarili at kasuklam-suklam. Napakaraming beses nanawagan sa akin ang mga salita ng Diyos, pinatigas ko ang puso ko at nagbulag-bulagan ako. Puno ng makasariling mga pagnanasa ang puso ko, paano ko mapapansin ang mga payo ng Diyos? Diyos ko! Nasaktan Kang masyado sa mga kilos ko. Hiyang-hiya akong mamuhay sa Iyong presensya, na nagtatamasa ng pag-ibig Mo. Hindi ko matiis na lingunin ang mga bagay ng nakaraan, puro pagkasuwail at kapangitan ko iyon. Talagang mayabang, pa-importante, walang pakundangan, at padalus-dalos ako, binigyan ko ng laya ang aking masamang disposisyon. Binabagabag ng mga kasalanan ko ang aking konsiyensya, itinatangis ko ang aking mga pangungumpisal, paano ako makakabawi sa nasayang kong panahon?

2 Sa pamamagitan lamang ng paghatol ko nakita na isa akong ipokrito. Sumumpa ako ng walang-maliw na pag-ibig nang napakaraming beses, subalit hindi ko matagalan ang isang pagsubok. Nagsisi at nagdasal ako nang napakaraming beses, sinasabing nagbago na ako, subalit kasinungalingan iyan. Sa pamamagitan lamang ng paghatol ko malinaw na nakita na kung walang pagsasagawa ng katotohanan, malalantad ako kalaunan. Sa pamamagitan ng mga pagsubok na labis kong pinagsisihan, kinamuhian ko ang matindi kong katiwalian at hindi ako makatao. Nagpapatirapa ako sa harap ng Diyos, puno ako ng pagsisisi, paninibaguhin ko ang sarili ko para aliwin ang puso ng Diyos. Diyos ko! Nasaktan Kang masyado sa mga kilos ko. Hiyang-hiya akong mamuhay sa Iyong presensya, na nagtatamasa ng pag-ibig Mo; nais ko lamang ituon ang puso ko sa maayos na pagganap sa aking tungkulin. Hindi na Kita muling bibiguin. Nais kong ilagay ang sarili ko sa mga kamay Mo, sumunod sa Iyong mga plano at panuntunan. Ipinapasiya kong isagawa ang katotohanan, tanggapin ang Iyong paghatol at paglilinis, at gampanan ang aking tungkulin nang wasto para masuklian ang pag-ibig Mo sa akin!

Sinundan: 234 Maging Bagong Tao at Aliwin ang Puso ng Diyos

Sumunod: 236 Sa Wakas ay Isinasabuhay Ko Na ang Wangis ng isang Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

85 Kasama Ka Hanggang Wakas

ⅠNagpapaanod ako’t nilalakbay ang mundo,pakiramdam ay wala sa sarili at sa loob ay walang-kakayanan.Ginising ng Iyong mga malalambing na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito