236 Sa Wakas ay Isinasabuhay Ko Na ang Wangis ng isang Tao

1 Ang pagsunod sa mga makamundong uso ay ginawa akong tuso at mapanlinlang. Labis akong naging maingat sa pakikitungo sa iba; kailanman ay hindi naging madali sa akin ang pagsasabi ng totoo. Kumilos ako ayon sa mga pilosopiya para sa pamumuhay, at pakubling kumilos habang naniniwalang marangal ako. Binigyang kasiyahan ko ang aking kayabangan, ngunit hindi ko maitago ang hilakbot sa aking puso. Hinahatulan at inilalantad ng mga salita ng Diyos ang satanikong kalikasan ng sangkatauhan. Katulad ng paggising mula sa isang panaginip, napagtanto kong hindi ako nabubuhay tulad ng dapat sa isang tao; naging buhay ko ang pagsisinungaling, kabuktutan, at pandaraya. Kung walang tapat at mabuting puso, anong dignidad o integridad ang mayroon? Mga diyablo ang mga taong mapanlinlang na kailangang palayasin at alisin ng Diyos. Namumuhi ako dahil kulang ako sa katauhan, at desidido akong maging bagong tao.

2 Ang diwa ng Diyos ay matapat at matuwid, at sinusuri Niya ang lahat. Hindi makaliligtas sa paningin Niya ang panlilinlang ng tao; malalantad ito sa huli. Minamahal ng mga tapat na tao ang katotohanan at may mga pagpapala at proteksiyon sila ng Diyos. Ngayong nauunawaan ko na ang katotohanan, pinunit ko ang aking balatkayo at handang maging tapat na tao. Sa paraang simple at hayagan, sinusuri ko ang sarili ko at inilalantad, at hindi na ako takot na pagtawanan. Patas na ako ngayon sa aking pananalita, hindi umaasa sa mga damdamin at walang halong anumang lihim na motibo. Wala akong panlilinlang sa harapan ng Diyos at isinuko ko ang puso ko sa Kanya. Tapat kong ginagampanan ang tungkulin ko, walang hinihinging kapalit, at ang tanging layon ay mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Masarap sa pakiramdam na isagawa ang katotohanan; maalwan ang aking puso. Wala nang pumipigil sa akin na maging matapat na tao at gampanan ang aking tungkulin. May takot ako sa Diyos at iwinawaksi ang kasamaan, at isinasabuhay ko ang wangis ng isang tao. Salamat sa pagliligtas sa akin ng paghatol at pagkastigo ng Diyos!

Sinundan: 235 Pagsisisi at Panibagong Pagsisimula

Sumunod: 237 Palagi Kong Iniisip Kung Gaano Kaibig-ibig ang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito