100 Naghihintay ang Pag-ibig ng Diyos

Naging tao Ka at ipinapahayag Mo ang katotohanan upang iligtas ang sangkatauhan. Ang lahat ng salita Mo ay katotohanan, at ginigising ng mga ito ang puso ng mga tao. Sa malalakas na hangin at ulan, kasa-kasama Ka namin, binabantayan kami bawat araw at gabi. Ibinuhos Mo ang huling patak ng dugo ng puso Mo para maligtas ang sangkatauhan. Tinitiis Mo nang walang mga daing o pagsisisi ang aming paghihimagsik at mga maling pagkakaunawa. Ngunit ilang tao ang nakauunawa sa Iyong puso? At ilan ang nagising at nagbigay ng kanilang mga puso sa Iyo? Napakarami Mong mga alalahanin at kabalisahan, at labis na napapabuntong-hininga para sa Iyong mga pag-aalala. Napakaraming hirap at pait, tinitiis Mong lahat ang mga ito nang mag-isa. Hinahatulan at inilalantad ng Iyong mga salita ang mga tao, at ibinubunyag ng mga ito ang Iyong pagmamahal. Nagdusa ka ng matinding kahihiyan upang iligtas ang sangkatauhan. Ilang taon ng pagbabantay? Ilang taon ng paghihintay? Para lamang makakamit ng isang grupo ng mga taong tunay na nagmamahal sa Iyo. Ang mabubuti Mong layunin at tapat na pag-ibig ang bumuhay muli sa aking manhid na puso. Paano naman ako muling magiging mapaghimagsik? Paano naman ako muling masisiraan ng loob o uurong? Ang Iyong pag-asam at paghihintay ay masyado nang matagal. Paano kong matitiis na hayaan Kang maghintay pa nang mas matagal, na saktan Ka pang lalo? Sa huling bahagi nitong takbuhin, nais kong sundan Ka nang malapitan sa Iyong likuran, hindi tumitigil kailanman. Handa akong gawin ang buo kong makakaya upang hanapin ang katotohanan, nang sa gayon ay maaari kong makamit ang katotohanan at buhay. Gaano man kabigat o katindi ang pag-uusig at mga paghihirap, buo ang pasya kong sumunod sa Iyo. Ang magawang ibigin Ka at maging isang mabuting patotoo sa Iyo ang hangarin ng puso ko sa buhay na ito.

Sinundan: 99 Tunay na Pag-ibig sa Tao

Sumunod: 101 Kung Hindi Ako Iniligtas ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito