99 Tunay na Pag-ibig sa Tao

1 Ipinahahayag Mo ang katotohanan; ipinagkakaloob Mo sa tao ang daan ng buhay na walang hanggan. Tinitiis Mo ang sakit na matanggihan; nakikibahagi Ka sa mga paghihirap ng tao. Lumalakad Ka kasama ng mga iglesia; pinapastol Mo ang Iyong hinirang na mga tao. Namumuhay Ka kasama ng tao; nagdurusa Ka kaagapay ng tao. Sakit at paghihirap sa loob ng maraming araw, taon, at dekada—ibinubuhos Mo ang lahat ng pag-ibig Mo upang makuha Mo ang puso ng tao. Bawat araw ay nangungusap Ka ng mga bagong salita upang tustusan ang tao ng katotohanan. Ang mabalasik Mong mga salita ay puno ng tunay na pag-ibig. Ang Iyong paghatol at mga pagsubok ay upang gawing perpekto ang tao. Sa pamamagitan ng Iyong paghatol, nalinis ang katiwalian. Nararanasan ko ang pag-ibig Mo; pag-aari Mo ang puso ko.

2 Maraming taong naniwala ako sa Iyo, ngunit hindi Kita kailanman nakilala. Puno ako ng mga kuro-kuro, at habol ko lamang ang biyaya Mo. Tinanggap ko ang gawain Mo, ngunit hindi Kita inibig kailanman. Tunay na nawala ang pakiramdam ko at hindi ako karapat-dapat na tawaging tao. Ikaw ay maawain at mapagpaubaya, at ginagawa Mo ang lahat ng Iyong makakaya upang ako’y iligtas. Ang paghatol at pagpipino Mo ay parehong pag-ibig Mo. Sa pamamagitan ng paghatol Mo, nakikilala ko ang Iyong pagiging matuwid. Isinasabuhay ko ang bagong wangis ng tao, at ang pag-ibig ko sa Iyo ay mas dalisay. Nakikita ko ang pagiging kaibig-ibig Mo; ang puso ko’y sa Iyo. Nagpapasakop ako sa Iyong pangangasiwa, at wala akong panghihinayang o daing. Iniibig Kita at nagpapatotoo sa Iyo. Magiging tapat ako sa Iyo buong buhay ko.

Sinundan: 98 Ang Pag-ibig ng Diyos ay Pinaparangalan Magpakailanman

Sumunod: 100 Naghihintay ang Pag-ibig ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito