245 Nais Ko Lamang Mahalin ang Diyos Habang Buhay
Ⅰ
Ako’y nanalig sa Diyos nang mahabang panahon,
nguni’t grasya Niya’y akin lang tinamasa.
‘Di ko Siya tunay na minahal, nagpagal lamang ako’t nagdusa
upang ipagpalit para sa biyaya ng kaharian Niya.
At sa paghatol ng salita ni Cristo, nagising ako sa katotohanan:
Tiwaling tao’y malilinis sa paghatol;
sa puwersa ni Satanas tao ay maililigtas.
Nguni’t ako’y lubhang ginawang tiwali ni Satanas,
konsyensya’t katinuan ko ay nawala,
iniimbot ang biyaya, ‘di ‘sinasagawa ang Kanyang salita,
‘pinagpapalit ang pagdurusa sa walang hanggang buhay.
‘Di ko isinaalang-alang ang kalooban ng Diyos
at ‘di isinabuhay ang Kanyang salita.
Sa pakikipagtawaran sa Diyos sa pananalig ko,
dinadaya at sinusuway ko Siya.
Sa paghatol ng Diyos, nalaman ko Siya ay matuwid at banal.
Nakamtan ko ang Kanyang kaligtasan,
nais ko lamang Siya mahalin habang buhay.
Ⅱ
Ang paghatol lamang at pagbunyag
ng Kanyang salita’y nagmulat sa’kin sa katotohanan:
ako’y mapagmataas, makasarili, baluktot at mapanlinlang,
mapanghamak, ‘di gaya ng tao.
Kung ‘di ako dumaan sa paghatol, bilang tiwali,
pa’no ko makikilala o susundin ang Diyos?
Kung ‘di Siya kilala at ‘ginagalang,
pa’no magiging karapat-dapat na mabuhay sa harap Niya?
Sa paghatol ng Diyos, nalaman ko Siya ay matuwid at banal.
Nakamtan ko ang Kanyang kaligtasan,
nais ko lamang Siya mahalin habang buhay.
Ⅲ
Dahil sa Kanyang paghatol, pagpipino’t pagsubok,
alam ko na’ng tunay ang Kanyang pagmamahal.
Kahit ako’y nagdusa, katiwalian ko’y malilinis sa wakas.
Sa pag-alam sa Kanyang katuwira’t kabanalan,
umusbong ang pusong may takot sa Diyos.
Sa tungkulin ko’t pagsasagawa ng katotohanan,
isinasabuhay ko ngayon ang wangis ng tao!