244 Ang Pagliligtas ng Diyos sa Tao ay Napakatotoo

1 Pagkatapos kong maranasan ang paghatol ng mga salita ni Cristo, nagising sa wakas ang puso ko: nakita ko kung gaano kalalim ang katiwalian ko—na nagmula talaga ako kay Satanas. Katayuan at karangalan lamang ang hinahanap ko, palaging ninanais na gamitin ang kapangyarihan ng isang hari; nabubuhay ako sa aking mga kuro-kuro at imahinasyon, ngunit naniniwala pa rin na taglay ko ang katotohanan at palaging umaasang makatanggap ng mga pagpapala ng Diyos kapalit ng aking pagsusumikap at pagdurusa. Pinagninilayan ko ang aking mga saloobin at gawa at nakikita ko kung gaano ako kamapagmataas at kamangmang. Kung wala ang paghahayag at paghatol ng mga salita ng Diyos, hindi ko makikilala ang sarili ko; salamat sa paghatol ng Diyos kaya ako ay tunay na nakapagsisi.

2 Mabagsik ang mga salita ng Diyos, tumutusok ang mga ito sa aking puso at tumatagos sa kaibuturan ng aking kaluluwa. Bagama’t dumaranas ako ng sakit, nauunawaan ko sa puso ko na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan. Napakataas at marangal ng Diyos, subalit Siya ay mapagpakumbaba at nagkukubli ng sarili; nakadarama ako ng hindi matatakasang hiya at yumukod ako sa harap ng Diyos nang may lubos na pagsisisi. Napagpasyahan kong ipagpatuloy ang pagiging matapat, tanggapin ang katotohanan, at matutong sundin ang Diyos; kung hindi ko matatanggap ang katotohanan at paghatol, hindi ako karapat-dapat na tawaging tao. Kung maglalakas loob pa rin akong maghimagsik, siguradong malalabag ko ang disposisyon ng Diyos; kung sadya kong kakalabanin ang Diyos, talagang isa ako sa mga masasama, sa mga walang konsiyensiya at katwiran.

3 Sa pagdanas ng paghatol ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang maraming katotohanan. Nakita kong madilim at masama ang sanlibutan dahil hawak ni Satanas ang kapangyarihan. Ang satanikong disposisyon ng tao ang nagtuturo sa tao na gumawa ng kasamaan, magkasala, at labanan ang Diyos; puno ng satanikong disposisyon ang sangkatauhan at dapat na alisin sa huli. Tanging ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang makapaglilinis at makapagliligtas sa sangkatauhan. Talagang dahil sa biyaya ng Diyos na nakakaya kong tanggapin ang Kanyang paghatol; ang makakain, makainom, at magtamasa ng Kanyang mga salita ang pinakadakilang pagpapala sa aking buhay. Nakikita kong kaibig-ibig ang Diyos, at habang-panahon akong magpapasalamat sa Kanya at pupurihin Siya.

Sinundan: 243 Wala Nang Iba Pang Kinakailangan ang Aking Puso

Sumunod: 245 Nais Ko Lamang Mahalin ang Diyos Habang Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito