171 Ninanais ng Puso

1 Habang sumasailalim ako sa pag-uusig ng CCP, natikman ko ang hamon ng paniniwala sa Diyos. Kapag dumadalo ako sa mga pagtitipon o nangangaral ng ebanghelyo, nahaharap ako sa pagka-aresto at pagkakulong anumang oras. Kailan magiging akin ang aking tahanan, kung saan kami makakapagtipon at makapagdarasal sa Diyos nang normal? Kailan ko ipapalaganap ang ebanghelyo at mapapatotohanan ang Diyos nang hindi natatakot na maaresto? Kailan kaya ako hindi na muling tatakas, at gagawin ang aking tungkulin nang payapa? Kailan magkakatotoo ang kalayaang manalig, karapatang pantao at demokrasya? Ah, pinakaaasam kong palayain na kaagad ang aking mga kapatid mula sa piitan! Ah, nawa’y mabigyan ng katarungan ang mga kapatid kong pinaslang! Kaysama ng bansang ito na pinamumunuan ng mga demonyo; nasaan ang liwanag sa buhay ng tao? Sa pagsunod kay Cristo, kailangan kong matunog na patotohanan ang Diyos, gaano man ito kahirap.

2 Habang sumasailalim ako sa pag-uusig at pagdurusa, nakikita ko na ang CCP ang kumakatawan kay Satanas. Pinaghahanap nito si Cristo at inuusig at pinapatay ang mga Kristiyano; walang humpay ang panggagaway nito. Imposible ang kalayaang manalig sa Tsina habang ang CCP ang nasa kapangyarihan. Sinusunod ko si Cristo at hinahanap ang katotohanan at buhay—paano ko iintindihin ang sarili kong buhay? Lahat ng salita ni Cristo ay katotohanan, at nakatanim nang malalim ang mga ito sa puso ko. Sa huling sandali, mangangaral at magpapatotoo ako sa Diyos, hindi alintana kung gaano man kalala ang mga paghihirap. Gaano man kasugid ang CCP, gumagawa pa rin ito ng serbisyo sa pagperpekto sa mga tao ng Diyos. Nakagawa na ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay na lahat ay nagpapatotoo sa Kanya. Habang mas tumatanda ang mga tao ng Diyos, mas lumalaki ang pagkasira ni Satanas. Siguradong matutupad ang mga salita ng Diyos. Kinikilala ko na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at sumusunod ako sa Diyos nang may pusong bakal.

Sinundan: 170 Patotoo ng Buhay

Sumunod: 172 Pagsasabuhay sa Ating Misyon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito