439 Papasukin ang Diyos sa Puso Mo
Makakapasok lang ang Diyos sa puso mo
kung bubuksan mo ‘to sa Kanya.
Makikita mo lang kung
anong mayro’n at ano ang Diyos
at kalooban Niya para sa iyo
kung Siya’y nasa ‘yong puso na.
Kaya’t iyong puso’y buksan mo! Puso’y buksan mo!
Ⅰ
Sa sandaling ‘yon, matutuklasan mong
mahalaga’ng lahat ng tungkol sa Diyos,
na kung ano Siya’y kahala-halaga.
Kumpara do’n, ang tao, mga bagay
at pangyayari sa buhay mo,
oo, pati ang ‘yong mga minamahal—
‘di man lang dapat banggitin.
Makikita kung ga’no sila kababa’t kaliit.
Lahat ng iba pa, lahat ng iba pa’y
magiging walang saysay sa’yo,
‘di magpapabayad o hahalina sa’yo.
Diyos lang walang iba,
Siya lang walang iba ang hahalina sa’yo.
Makakapasok lang ang Diyos sa puso mo
kung bubuksan mo ‘to sa Kanya.
Makikita mo lang kung
anong mayro’n at ano ang Diyos
at kalooban Niya para sa iyo
kung Siya’y nasa ‘yong puso na.
Kaya’t iyong puso’y buksan mo! Puso’y buksan mo!
Ⅱ
Makikita mo’ng kadakilaa’t
kataasan ng Diyos sa pagpapakumbaba Niya;
pati ang walang hanggang karununga’t
pagpapahintulot Niya,
kahit sa bagay na wari mo’y maliit,
makikita mo’ng pag-unawa Niya sa iyo,
at Kanyang tiyaga’t pagtitiis.
Pagmamahal sa Kanya ang bunga nito.
Madarama mong tao’y namumuhay
sa mundong marumi sa araw na ‘yon,
na walang karapat-dapat mabanggit—
mga pangyayari sa buhay mo, pati mga mahal mo,
pag-ibig nila, malasakit at proteksiyon.
Tanging Diyos ang mahal mo—
tanging pinahahalagahan!
Makakapasok lang ang Diyos sa puso mo
kung bubuksan mo ‘to sa Kanya.
Makikita mo lang kung
anong mayro’n at ano ang Diyos
at kalooban Niya para sa iyo
kung Siya’y nasa ‘yong puso na.
Kaya’t iyong puso’y buksan mo! Puso’y buksan mo!
Ⅲ
Kay dakila ng pagmamahal ng Diyos,
at kay banal Niya—sa Diyos walang panlilinlang,
kasamaan, inggit, at alitan,
tanging katuwiran at pagiging tunay.
Tao’y dapat manabik at magsikap
sa lahat ng mayroon at ano ang Diyos.
Makakapasok lang ang Diyos sa puso mo
kung bubuksan mo ‘to sa Kanya.
Makikita mo lang kung
anong mayro’n at ano ang Diyos
at kalooban Niya para sa iyo
kung Siya’y nasa ‘yong puso na.
Kaya’t iyong puso’y buksan mo! Puso’y buksan mo!
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III