607 Ang Pinakakaunting Kinakailangan Upang Maging Isang Taong Naglilingkod sa Diyos
1 Mula pa sa simula ng gawain Niya sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang kalagayan sa buhay. Ang layunin Niya ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay maisasakatuparan nang maayos; ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao na maglilingkod sa Kanya. Dapat maunawaan ng bawat taong naglilingkod sa Diyos ang kalooban Niya. Sa pamamagitan ng Kanyang gawaing ito, mas nakikita ng mga tao ang karunungan ng Diyos at ang Kanyang kapangyarihan na higit sa lahat, at ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa lupa.
2 Ang Diyos ay tunay na dumating sa lupa upang gawin ang Kanyang gawain, makipag-ugnayan sa mga tao, upang mas malinaw nilang malaman ang Kanyang mga gawa. Ngayon, kayo, itong grupong ito ng mga tao, ay mapalad na nakapaglilingkod sa tunay na Diyos. Ito ay hindi matuos na pagpapala para sa inyo—tunay ngang itinatag kayo ng Diyos. Sa pagpili ng isang tao na maglilingkod sa Kanya, ang Diyos ay laging may sariling mga prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi nangangahulugan, gaya ng naiisip ng tao, na ito ay tungkol lamang sa pagkakaroon ng sigasig. Ngayon nakikita ninyo na ang sinumang naglilingkod sa presensiya ng Diyos ay ginagawa ito dahil nasa kanila ang patnubay ng Diyos at gawa ng Banal na Espiritu, at dahil sila ang mga taong naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang pinakamababang kondisyon para sa lahat ng nagsisilbi sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon