561 Paano Suriin ang Iyong Kalikasan
1 Para malaman mo ang kalikasan mo ngayon, kailangan mong magsagawa ng ilang bagay. Una, kailangan mong magkaroon ng malinaw na pagkaunawa kung anong gusto mo. Hindi ito tumutukoy sa gusto mong kainin o isuot; sa halip, tumutukoy ito sa mga uri ng bagay na kinasisiyahan mo, mga bagay na kinaiinggitan mo, mga bagay na sinasamba mo, mga bagay na hinahanap mo, at mga bagay na pinagtutuunan ng puso mo. Sa kalikasan ng mga tao, may karaniwang katangian ang mga bagay na gusto nila. Ibig sabihin, gusto nila ang mga tao, mga pangyayari at mga bagay na kinaiinggitan ng iba dahil sa mga panlabas na kaanyuan, gusto nila ang mga tao, mga pangyayari at mga bagay na magaganda, at gusto nila ang mga tao, mga pangyayari at mga bagay na nagagawa ang ibang sambahin sila dahil sa kanilang mga kaanyuan. Itong mga bagay na kinagigiliwan ng mga tao ay magaganda, maniningning, maririkit, at mariringal. Sinasamba ng lahat ng tao ang mga ito. Makikita na ang mga tao ay hindi nagtataglay ng anumang katotohanan, at wala ring wangis ng mga tunay na tao. Wala ni katiting na kabuluhan sa pagsamba sa mga bagay na ito.
2 Ang gusto mo, ang pinagtutuunan mo, ang sinasamba mo, ang kinaiinggitan mo, at ang iniisip mo sa iyong puso araw-araw ay lahat kinakatawan ang iyong kalikasan. Sapat na ito para patunayan na kinagigiliwan ng kalikasan mo ang kasamaan, at sa mga seryosong sitwasyon, masama at wala nang lunas ang kalikasan mo. Ang suriin ang kalikasan mo sa ganitong paraan ay ang siyasatin mo ang kinagigiliwan mo at ang tinatalikdan mo sa buhay mo. Sa pamamagitan lamang ng pagsusuri sa likas na pagkatao ng mga tao mo malalaman ang diwa at katiwalian ng tao at mauunawaan kung saan talaga nabibilang ang mga tao, ano talaga ang kulang sa mga tao, ano ang dapat nilang isangkap sa kanilang sarili, at paano sila dapat mamuhay na kawangis ng tao. Hindi madaling tunay na suriin ang likas na pagkatao ng isang tao, at hindi ito magagawa nang hindi nararanasan ang mga salita ng Diyos o nagkakaroon ng tunay na mga karanasan.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao