803 Kapag Nakilala Mo ang Diyos, Saka Mo Lamang Siya Tunay na Masasamba

1 Walang natatangi, lahat na talagang kilala ang Diyos ay sinasamba at iginagalang Siya sa tuwing nakikita nila Siya; silang lahat ay nauudyukang yumukod at sumamba sa Kanya. Sa kasalukuyan, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay gumagawa, mas higit ang pagkaunawa na mayroon ang mga tao tungkol sa Kanyang disposisyon at kung ano ang mayroon Siya at ano Siya, mas higit na pahahalagahan nila ang mga ito at mas higit nilang igagalang Siya. Sa pangkalahatan, mas mababaw ang pagkaunawa ng mga tao, mas lalo silang pabaya, kung kaya itinuturing nilang tao ang Diyos. Kung talagang kilala at nakikita ng mga tao ang Diyos, mangangatog sila sa takot. “Siya na dumarating kasunod ko ay lalong makapangyarihan kaysa sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak”—bakit sinabi ito ni Juan? Kahit sa kaibuturan wala siyang napakalalim na pagkaunawa, alam niyang kagila-gilalas ang Diyos.

2 Kung hindi alam ng mga tao ang diwa ni Cristo ni hindi nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, hindi nila makakayang tunay na sambahin ang praktikal na Diyos. Kung nakikita lamang nila ang ordinaryo at normal na panlabas na anyo ni Cristo, subalit hindi alam ang diwa Niya, kung gayon madali para sa kanila na ituring si Cristo bilang isang ordinaryong tao lamang. Maaaring magtaglay sila ng walang-paggalang na saloobin sa Kanya, at madadaya Siya, tutulan Siya, suwayin Siya, at hatulan Siya. Maaari silang maging mapagmatuwid-ng-sarili at hindi seryosohin ang Kanyang mga salita at gawain; maaari pa ngang pagmulan sila ng mga kuru-kuro, mga pagkondena at paglapastangan laban sa Diyos. Para malutas ang mga usaping ito dapat malaman ang diwa at ang pagka-Diyos ni Cristo. Ito ang pangunahing aspeto ng pagkilala sa Diyos; ito ang kailangang tamuhin ng lahat ng mananampalataya saDiyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: 802 Tanging Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magkamit sa Diyos

Sumunod: 804 Ang Resulta ng Pagkakakilala sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito