9 Naganap na ang Kaharian ng Pagkamatuwid ni Cristo
Ang mga tao ng Diyos ay umaawit ng mga papuri sa Kanya,
sapagkat naganap na ang Kanyang kaharian.
Ⅰ
Ang kidlat ay nagningning mula sa Silangan tungo sa Kanluran,
at ang Anak ng tao ay bumaba sa lupa.
Si Cristo ng mga huling araw ay nagpahayag ng katotohanan,
at ito ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao.
Ang paghatol ng mga huling araw ay nagsimula na
sa Sambahayan ng Diyos, sa Sambahayan ng Diyos,
at ang katotohanan ay ilalantad ang lahat ng tao sa lupa.
Ang Makapangyarihang Diyos ay naghahari at pinupuno ang buong mundo
ng katarungan at pagiging matuwid.
Ang matuwid na kaharian ni Cristo
ay naganap nang lubusan sa lupa.
Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay malakas na umaawit
ng papuri sa Kanya sa kawalang-hanggan.
Ⅱ
Walang sinumang makatatakas sa matuwid na paghatol ng Diyos.
Ang lahat ng masasama at mga hindi naniniwala,
ay maaalis sa pamamagitan ng mga paghihirap, mga pagsubok at sakit.
Ngunit tinatanggap ng mga tao ng Diyos ang paghatol at pagkastigo.
Nalinis ang kanilang katiwalian, at sa lahat ng paghihirap
tapat sila sa Diyos, tapat sila sa Diyos,
kahit sa sandali ng kamatayan; matatag silang sumusunod kay Cristo.
Ang Makapangyarihang Diyos ay naghahari at pinupuno ang buong mundo
ng katarungan at pagiging matuwid.
Ang matuwid na kaharian ni Cristo
ay naganap nang lubusan sa lupa.
Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay malakas na umaawit
ng papuri sa Kanya sa kawalang-hanggan.
Ⅲ
Nalupig na ng Diyos si Satanas
at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay.
Ang lahat ng tunay na nagmamahal sa Diyos
ay tiyak na lalakad sa loob ng Kanyang liwanag.
Ang kaharian ng pagkamatuwid ni Cristo
ay nabibilang sa mga taong nagmamahal sa Diyos.
Ang masigabong palakpakan ay umaalingawngaw para sa kaharian ni Cristo,
at ang pitong kulog ay niyayanig ang parehong langit at lupa.
Ang puwersa ng gawain ng Diyos ay lubhang malakas at malawak.
Walang anuman at sinuman ang makapipigil dito.
Lilipulin ng malaking sakuna ang buong masamang sangkatauhan,
at ibubunyag nito, ibubunyag nito
kung gaano kamatuwid ang Diyos, kung gaano Siya kabanal.
Ang Makapangyarihang Diyos ay naghahari at pinupuno ang buong mundo
ng katarungan at pagiging matuwid.
Ang matuwid na kaharian ni Cristo
ay naganap nang lubusan sa lupa.
Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay malakas na umaawit
ng papuri sa Kanya sa kawalang-hanggan.
Ⅳ
Naisagawa ang kalooban ng Diyos sa lupa,
nawasak ang malaking pulang dragon.
Lumalaganap ang mga salita ng Diyos sa buong mundo,
niyayanig ang lahat ng bansa at lahat ng lupain.
Ang lahat ay nagbagong-anyo sa pamamagitan ng sariling mga salita ng Diyos,
lumitaw na ang bagong langit at lupa.
Nakamit ng pamamahala ng Diyos ang tagumpay,
sa wakas ay natamo na Niya ang lahat ng kaluwalhatian.
Naganap na ang kaharian ni Cristo.
Ang matuwid na kaharian ni Cristo
ay naganap nang lubusan sa lupa.
Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay malakas na umaawit
ng papuri sa Kanya sa kawalang-hanggan.