77 Ang Paghatol ng Diyos ay Nagpapakita ng Kanyang Katuwiran at Kabanalan
Ⅰ
Ang sinasabi ng Diyos ngayo’y upang
maghatol sa sala’t pagiging ‘di tuwid ng tao,
sumpain ang paghihimagsik nila,
at kastiguhin panlilinlang at kabuktutan nila.
Kung ang sinasabi’t ginagawa’y
di hanay sa kalooban Niya, sila’y hahatulan.
Hahatulan Niya’ng pagsuway bilang kasalanan.
‘To’y gawaing nagpapakita ng kabanalan Niya.
Nagsasalita’ng Diyos sa prinsipyo ng paghatol.
Sa pagsumpa sa paghihimagsik,
pagbubunyag sa kapangitan nila’t
sa paghatol sa ‘di pagiging tuwid nila,
pinapakita Niya’ng disposisyon Niyang tuwid.
Ibig sabihin ng kabanalan Niya’y Siya’y matuwid.
Gawain Niyang paghusga’t pagsakop
ayon sa tiwali niyong disposisyon.
Tanging praktikal na gawaing ‘to
‘pinapakita nang malinaw kabanalan Niya.
Dahil sa paghatol na ‘to, nagawa mong makita ‘to:
Diyos ay matuwid at banal.
Siya’y banal at matuwid—kaya’t
nahatulan ka Niya at dinala’ng poot Niya sa’yo,
at dinala’ng poot Niya sa’yo.
Ⅱ
Maihahayag Niya’ng katuwiran Niya
‘pag nakikita pa’no ang tao’y naghihimagsik,
maihahayag Niya’ng kabanalan Niya
‘pag nakikita’ng karumihan sa tao.
Sapat na ‘yon upang ipakitang Siya’y banal na Diyos,
na walang kaunting bahid ng dungis,
na Siya’y Diyos mismo na banal,
ngunit namumuhay rin sa maruming lupain.
Kung Siya’y regular na taong dinudungisan
ang sarili kasama’ng iba;
kung ‘di Siya matuwid o wala
ni isang elemento ng kabanalan,
di Siya kwalipikadong manghusga
sa pagiging ‘di tuwid ng tao,
ni kwalipikadong manghusga sa lahat ng tao.
Papa’nong ang isang taong napakarumi nakakahatol
sa taong kasing-dumi nila?
Dahil sa paghatol na ‘to, nagawa mong makita ‘to:
Diyos ay matuwid at banal.
Siya’y banal at matuwid—kaya’t
nahatulan ka Niya at dinala’ng poot Niya sa’yo,
at dinala’ng poot Niya sa’yo.
Ang nag-iisang may karapatang manghusga
ng tao’y ang banal na Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig