59 Ang Gawain ng Paghatol at Pagkastigo ay Mas Malalim Kaysa sa Gawain ng Pagtubos
Ngayon panaho’y nabago na,
umunlad gawain ng Diyos.
Rebelyon at karumihan ng tao’y
malilinis sa paghatol.
I
Sa panahon ng gawain ng pagtubos,
biyaya’y dapat Niyang ipakita sa tao,
upang tao’y matubos mula sa kasalana’t
mapatawad dahil sa biyaya.
Nilalantad ngayon ng Diyos kawalang-katarungan
sa pagkastigo, paghatol,
paggamit ng salita upang hampasin,
disiplinahi’t ilantad ang tao,
upang tao’y mailigtas.
Mas malalim ‘to kaysa pagtubos.
II
Biyaya sa Panahon ng Biyaya’y
sapat na sa pagtamasa ng tao.
Ngayong tao’y nakaranas na ng biyaya,
‘di niya na ‘to matatamasa.
Gawaing ‘to’y lampas na sa oras nito.
Ngayon ‘nililigtas Niya’ng tao sa paghatol ng salita.
Sa paghatol, pagkastigo’t pagpipino,
disposisyon ng tao’y binabago.
Di ba ‘to dahil sa mga salitang sinabi ng Diyos?
Nilalantad ngayon ng Diyos kawalang-katarungan
sa pagkastigo, paghatol,
paggamit ng salita upang hampasin,
disiplinahi’t ilantad ang tao,
upang tao’y mailigtas.
Mas malalim ‘to kaysa pagtubos.
III
Bawat yugto ng ginagawa’y ayon sa
pag-unlad ng sangkatauha’t ang panahon.
Lahat ng gawain ay makahulugan,
ginagawa para sa huling pagliligtas.
Ito’y upang tao’y may mabuting hantungan
at mahati ayon sa uri sa huli.
Nilalantad ngayon ng Diyos kawalang-katarungan
sa pagkastigo, paghatol,
paggamit ng salita upang hampasin,
disiplinahi’t ilantad ang tao,
upang tao’y mailigtas.
Mas malalim ‘to kaysa pagtubos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4