58 Ano ang Maaaring Gawin Upang Baguhin ang Makasalanang Kalikasan ng Tao?
I
Kasalanan ng tao’y mapapatawad
sa paghandog sa kasalanan,
ngunit tao’y ‘di matigil sa pagkakasala,
at ‘di mabago ang kalikasan niya
upang ito’y ‘di na makasalanan.
Pagpako sa Diyos sa krus
ay nagbigay kapatawaran sa tao,
ngunit sa katiwalian ni Satanas
tao’y patuloy na namumuhay.
Tao’y dapat ganap na mailigtas
sa kanyang disposisyong maka-satanas,
nang kanyang makasalanang kalikasan
ay malilipol, ‘di kailan babalik,
nang disposisyon ng tao’y mababago.
Dapat maunawaan ng tao’ng
landas ng buhay, paglago’t
pagbago ng disposisyon niya.
Dapat kumilos siya ayon sa daang ito,
upang pagbago’y unti-unting mangyayari.
Tapos sa liwanag makapamumuhay,
at kumikilos ayon sa kalooban ng Diyos,
at iwinawaksi ang tiwaling disposisyon.
Siya’y kakalas mula sa impluwensya ni Satanas,
lalaya sa kasalanan.
Saka lang tao’y magiging
ganap na ligtas, ganap na ligtas.
II
Sa yugto ng gawaing ito ng Diyos,
ginagamit Niya ang salita
sa pagbunyag sa tiwaling disposisyon ng tao,
upang masunod niya’ng tamang landas
sa mga ginagawa niya.
Yugtong ito’y mas makahulugan
kaysa sa nauna rito.
Ito’y mas mabunga rin—
sa ngayon ito’y gawain ng salita.
Salita’y nagtutustos sa tao’t
nagbabago sa disposisyon niya.
Gawaing ‘to’y mas masusi.
Pagkakatawang-tao sa mga huling araw
nagkukumpleto sa kahulugan
ng pagkakatawang-tao Niya,
tumatapos sa plano Niya sa kaligtasan ng tao.
Dapat maunawaan ng tao’ng
landas ng buhay, paglago’t
pagbago ng disposisyon niya.
Dapat kumilos siya ayon sa daang ito,
upang pagbago’y unti-unting mangyayari.
Tapos sa liwanag makapamumuhay,
at kumikilos ayon sa kalooban ng Diyos,
at iwinawaksi ang tiwaling disposisyon.
Siya’y kakalas mula sa impluwensya ni Satanas,
lalaya sa kasalanan.
Saka lang tao’y magiging ganap na ligtas,
ganap na ligtas,
ganap na ligtas, ganap na ligtas.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4