96. Paglaya mula sa Kumunoy ng Pera, Kasikatan, at Pakinabang

Ni Xiaoli, Tsina

Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga manggagawa. Ang mga magulang ko ay mga taong totoo at matino na walang espesyal na mga abilidad, at minamaliit sila ng aming mga kamag-anak at kaibigan. Naisip ko, “Hindi ako puwedeng maging katulad ng mga magulang ko, na namumuhay nang walang narating at minamaliit. Magsusumikap ako para magtagumpay at magtatrabaho nang husto para magkaroon ng karera. Gusto kong maging sentro ng atensyon at purihin ako ng lahat kapag binabanggit nila ako.”

Noong 2017, nakapagtapos ako sa kolehiyo, at pumasok ako sa isang real estate company bilang isang property consultant. Noong panahong iyon, masigla ang bentahan ng lupa at bahay, at sa unang buwan ko bilang intern, madali akong nakabenta ng tatlong bahay. Ang bonus at komisyon para sa pagbebenta ng isang bahay ay katumbas na ng isang buwang sahod ng mga kaklase ko, at naisip ko, “Nakahanap ako ng ganito kalaking pagkakakitaang trabaho pagkatapos na pagkatapos kong gumradweyt. Ako ang pinakamatagumpay sa lahat ng kaklase ko. Pagkalipas ng dalawang taon, kapag kumita na ako ng mas maraming pera, hahangaan ako ng mga kaklase at kaibigan ko.” Noong Marso 2018, tumaas uli ang presyo ng mga bahay, at biglang tumindi ang sigasig ng mga tao sa pagbili ng mga bahay. Bumibili ng mga bahay ang lahat ng kasamahan ko at ang maraming malalaking investor sa industriya. Plano nilang gamitin ang mga credit card para mamuhunan sa real estate bago tumaas ang mga presyo, maghintay ng ilang taon para tumaas nang husto ang presyo ng mga bahay, at pagkatapos ay ibenta ito sa halagang doble ng ibinayad nila. Nang makita ito, inggit na inggit ako. Natakot akong baka hindi ako makasabay sa pagdagsang ito sa bentahan ng bahay, at na kung patuloy na tataas ang mga presyo ng bahay, lalong liliit ang tsansa kong makabili. Natakot ako na kung palalampasin ko ang ginintuang pagkakataong ito, hindi ko na malalaman kung kailan ko pa makakamit ang layon kong higitan ang iba. Isa pa, kung malalaman ng mga kamag-anak at kaibigan ko na nakabili ako ng bahay, tiyak na magbabago ang tingin nila sa akin at pupurihin nila ako dahil sa pagiging maabilidad. Kaya nagpasya akong kumuha ng loan at bumili ng bahay. Noong panahong iyon, nananampalataya na ang nanay ko sa Makapangyarihang Diyos, at nang marinig niyang nagpaplano akong bumili ng bahay, pinayuhan niya ako, “Malapit nang matapos ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan sa mga huling araw, at patuloy na lalaki ang mga sakuna. Kapag dumating ang mga sakuna, madadala mo ba ang mga materyal na bagay na ito? Mas mahalagang manampalataya sa Diyos, magbasa pa ng Kanyang mga salita, at hangarin ang buhay. Isa pa, wala tayong ganoong kalaking pera sa pamilya natin, kaya saan ka kukuha ng pera pambili ng bahay?” Pero noong panahong iyon, hindi ako nakinig sa anumang sinabi niya, at inisip kong makitid ang pananaw niya. Naisip ko na hindi pa tiyak kung kailan darating ang mga sakuna, at na dahil bata pa ako, ang pinakamahalagang bagay sa ngayon ay ang humanap ng mga paraan para kumita ng pera at mamukod-tangi. Kaya, kumuha ako ng loan para bumili ng bahay. Kalaunan, para maiwasang maliitin ako ng mga kasamahan ko at para ipagmayabang ang katayuan ko sa harap ng mga kliyente, kumuha ako ng isa pang loan para bumili ng kotse. Inisip ko na sa panahon ngayon, ang pagkakaroon ng kotse at bahay ang pamantayan ng isang matagumpay na buhay, at na doon lang irerespeto ang isang tao saanman siya magpunta. Kalaunan, pinuri ako ng mga kamag-anak at kaibigan, sinasabing, “Asensado ka na; huwag mo kaming kalilimutan kapag yumaman ka na!” Nang marinig ko ito, natuwa ako, at labis na nasiyahan ang aking banidad. Upang magmukhang isang tao na kumikita ng maraming pera at nakapagtatamo ng malalaking bagay, gumastos din ako nang walang pakundangan, ipinepresenta ang sarili ko bilang isang tao na may katamtamang tagumpay. Sa lahat ng malalaking restawran at lugar ng libangan, saanman pumupunta ang mayayaman, naroon ako. Gumastos ako ng daan-daan, maging libo-libong yuan sa mga membership card na parang umiinom lang ng tubig. Sa ganoong paraan, pagkasahod ko, ipinambabayad ko agad iyon sa utang ko sa credit card at mga buwanang hulog. Minsan, wala akong maipon, at kailangan ko pa ngang mag-abono, kaya patuloy na nagpapatong-patong ang mga bill ko sa credit card. Noong una, nag-aalala ako kung ano ang mangyayari kapag hindi ko nabayaran ang mga utang ko. Pero naisip ko na sa mga abilidad ko, ang kumita ng pera ay hindi magiging problema, at isa pa, may bahay naman ako na maituturing na ari-arian, na maibebenta ko pagkalipas ng ilang taon kapag tumaas ang presyo at kikita ako nang malaki. Sa ganitong matibay na sandalan, ano pa ang dapat kong ikatakot? Kaya hindi ko na iyon ipinag-alala.

Pero laking gulat ko, noong katapusan ng 2019, lubusang dinurog ng isang aksidente ang maganda kong pangarap. Isang araw pagkatapos ng trabaho, lumabas ako para makipag-inuman kasama ang tatlong katrabaho, at habang pauwi, nagpatakbo nang matulin ang drayber bilang katuwaan. Dahil sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya, hindi siya nakapagpreno sa tamang oras, at lumihis ang kotse sa kalsada at bumangga sa isang bahay. Wasak na wasak ang kotse noon din, at isinugod kaming apat sa ospital. Sa huli, pumutok ang bituka ng drayber at nagkaroon ng pagdurugo sa bituka, at nabalian naman ng buto sa gulugod ang pasahero sa harap. Sa kabutihang-palad, nakaupo ako sa likuran ng drayber, at ako ang may pinakamagaan na pinsala sa aming apat, nabalian lang ako ng buto sa kanang braso. Pero hindi ganoon kasuwerte ang katrabaho kong nakaupo sa tabi ko. May poste ng kuryente sa harap ng bahay, at biglang kinabig ng drayber ang manibela pakaliwa para iwasan ang bahay. Bilang resulta, bayolenteng humampas sa poste ang katrabaho ko na nasa likurang upuan, pumutok ang kanyang atay, at namatay siya noon din. Kinikilabutan ako sa tuwing naiisip ko iyon. Kasabay nito, talagang nakaramdam ako ng takot at pagiging mapalad. Ang ikinatakot ko ay kung gaano talaga karupok ang buhay ng tao, kung paanong ang buhay at kamatayan ay maaaring mangyari sa isang iglap, at walang sinumang makapagsasabi kung ano ang mangyayari sa susunod na segundo. Sa kabutihang-palad para sa akin, kung kinabig ng drayber ang manibela pakanan o kung nakaupo ako sa puwesto ng katrabaho ko, ako sana ang namatay. Pakiramdam ko, kahit hindi ko nakikita, isinaayos ito ng Langit, binibigyang-daan akong makaligtas sa sakunang ito. Pagkatapos niyon, humingi ng kabayaran ang pamilya ng namatay. Nag-ambagan kaming tatlo ng 800,000 yuan para sa kabayaran upang maayos ang usapin. Noong panahong iyon, umabot na sa 300,000 yuan ang utang ko. Sa tuwing naiisip ko ang loan sa kotse, ang hulugan sa bahay, at ang daan-daang libong bill sa credit card, talagang nalulumbay ako. Naisip ko, “Paano na ang magiging buhay ko sa hinaharap?” Pagkatapos masiraan ng loob sa ilang panahon, nagpasya akong magpakatatag at ipagpatuloy ang pagbebenta ng mga bahay para kumita ng pera at mabayaran ang mga utang ko. Pero pagkatapos na pagkatapos niyon, ang biglaang pandaigdigang pandemya ng COVID-19 sa simula ng 2020 ay nagbigay na naman ng isa pang nakamamatay na dagok sa buhay ko. Dahil sa matagalang lockdown sa lungsod, ang lahat ay naka-quarantine sa bahay, walang tao sa sales office, at biglang huminto ang bentahan. Kalaunan, para makatipid, binayaran lang ng kompanya ang 50% ng sahod ng mga empleyado. Naisip ko, “Tapos na. Wala na akong magagawa para makabawi sa pagkakataong ito. Ni hindi ito sasapat kahit para sa buwanang hulog ko sa kotse at bahay, at nariyan pa ang daan-daang libong bill sa credit card na iisipin. Kung titigil ako sa pagbabayad, kukunin ng bangko ang bahay at isusubasta ito, at kung hindi ko mababayaran ang utang ko, maba-blacklist ang credit record ko, at mawawala sa akin ang lahat.” Naisip kong ibenta ang bahay na kabibili ko lang, pero nataon naman na nagdeklara ng bankruptcy ang developer at tumakas, iniwang hindi tapos ang mga bahay at ang turnover ay naantala nang walang katiyakan. Para mabayaran ang buwanang hulog sa kotse at bahay, wala akong ibang magawa kundi kumuha ng maraming installment plan sa mga credit card ko. Mula noon, nabigatan ako sa matataas na interes, at nalugmok ang buhay ko sa kumunoy ng pagkakautang.

Noong panahong iyon, nasiraan ako ng loob, nawalan ng lakas ng loob na mabuhay, at lubos na nawalan ng pag-asa sa buhay. Madalas kong naiisip, “Ano pa ang saysay ng pagbili ng kotse at bahay? Ngayon, nakatengga lang ang kotse, at hindi tapos ang bahay at hindi maibenta. Kung namatay ako sa aksidenteng iyon sa kotse, ano ang saysay ng pagkakaroon ng kotse at bahay?” Sa aking pagdurusa, muling ipinangaral sa akin ng nanay ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sabi niya, “Nasa mga kamay ng Diyos ang lahat ng buhay ng mga tao. Dapat kang lumapit sa harap ng Diyos at basahin nang taimtim ang Kanyang mga salita, at anumang paghihirap o pasakit ang mayroon ka, dapat mong sabihin sa Diyos at hilingin sa Kanyang tulungan kang malampasan ang paghihirap na ito.” Nang panahong iyon, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na madalas bigkasin ng nanay ko sa akin: “Sasapit ang lahat ng uri ng sakuna, sunod-sunod; daranas ng mga sakuna ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang mangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga ito sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga ito sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang penomenon ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa di-mabilang na bansa at tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 65). Matagal nang sinabi ng Diyos na patuloy na lalaki ang mga sakuna, at ngayon ay natupad na ang mga salitang ito. Madalas akong kausapin noon ng nanay ko tungkol sa pananalig sa Diyos, pero palagi akong walang pakialam, nagpipilit na bumili ng bahay at kotse, at nagsisikap na mamukod-tangi para makamit ang paghanga ng iba. Pero hindi nangyari ang mga bagay ayon sa gusto ko. Ang pag-asa kong gamitin ang bahay para mabayaran ang mga loan ko ay nawasak, at nabigatan ako sa malalaking utang. Dahil kumalat na ang pandemya sa buong mundo at sampu-sampung libong tao ang namamatay araw-araw, patuloy na lumalala ang klima, at sunod-sunod na sumisiklab ang mga sakuna at giyera sa mundo, talagang naramdaman ko na dumating na ang malalaking kalamidad ng mga huling araw. Kung hindi pa rin ako mananampalataya sa Diyos, isang araw ay baka masadlak din ako sa sakuna. Hindi ko na puwedeng ipagpatuloy ang pagpupumilit kong tahakin ang maling landas, at nagpasya akong masikap na basahin ang mga salita ng Diyos. Kalaunan, sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang ilang katotohanan, nakahanap ng sandigan ang puso ko, at nagkaroon ako ng pag-asang patuloy na mabuhay.

Dahil pansamantalang inalis ang mga lockdown, unti-unting bumalik sa normal ang trabaho ko. Dahil kumuha ako ng mga installment plan para sa maraming credit card, naiipon ang napakalalaking interes bawat buwan, at halos nauubos ang buwanang sahod ko sa pagbabayad nito. Noon ko lang napagtanto na kahit mukhang binabawasan ng installment plan ng bangko ang bigat ng babayaran ko noon, sa totoo lang ay isa itong labis na pagpapatubo! Pakiramdam ko ay nahulog ako sa walang hanggang hukay ng pagkakautang, at na kung magpapatuloy ang mga bagay nang ganito, hindi ko kailanman matatapos ang pagbabayad, at igugugol ko ang natitirang bahagi ng buhay ko sa pagsubok na bayaran ang mga utang ko. Habang tinitingnan ang mga buwanang bill, hindi ko mapigilang umiyak. Sa aking pasakit, tumawag ako sa Diyos, “O Diyos, alam kong ang pananampalataya sa Iyo ang tamang landas sa buhay, at handa akong taimtim na hangarin ang katotohanan. Pero ngayon, mayroon akong mga aktuwal na paghihirap at hindi ko alam kung paano lulutasin ang mga ito. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pakiusap, magbukas Ka ng daan para sa akin.” Kalaunan, nagkataong nakita ko online na puwedeng kumita ng pera sa pag-e-edit ng mga video, kaya sinubukan kong mag-edit ng mga video online. Laking gulat ko, biglang sumikat ang isa sa mga video na ipinost ko. Pagkatapos niyon, ipinagpatuloy ko ang pag-e-edit ng mga video at pagpo-post ng mga ito sa mga platform, at sa loob ng tatlong buwan, kumita ako ng halos 100,000 yuan, na lubos na nagpagaan sa bigat ng problema ko sa pera. Labis akong naantig. Tunay kong naranasan ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Dininig ng Diyos ang mga panalangin ko at tinulungan akong malampasan ang mga paghihirap ko. At nagkaroon ako ng mas maraming oras para makipagtipon at magbasa ng Kanyang mga salita. Kaya, nagbitiw ako sa trabaho nang walang pag-aatubili, at naglaan ako ng mas maraming oras para dumalo sa mga pagtitipon habang nag-e-edit ng mga video. Hindi nagtagal pagkatapos kong magbitiw, isinaayos ng lider na gumawa ako ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, at talagang nasabik ako. Dumadalo ako sa mga pagtitipon at ginagawa ang mga tungkulin ko sa araw, at nag-e-edit ako ng mga video sa gabi para kumita ng pambayad sa mga utang ko. Kalaunan, dumami ang mga artikulong kailangang suriin, at wala na akong mahanap na oras para mag-edit ng mga video. Mula sa pagpo-post ng video kada dalawang araw, naging isang beses na lang kada limang araw, at minsan, kapag holiday, may mga kliyenteng apurahang nagpapagawa ng video, pero dahil hindi nila ako makontak, naghahanap sila ng iba, at nawawalan ako ng maraming order. Nang makita kong unti-unting lumiliit ang kita ko, nagsimulang magbago ang puso ko. Naisip ko, “Talagang nakaaabala sa oras ko ang tungkulin ko. Sa wakas ay nakuha ko na ang pagkakataong ito para kumita, at baka ito na ang tanging tuntungan ko para makabangon. Kung itutuloy ko ito nang isa o kalahating taon pa, hindi ko lang mababayaran ang lahat ng utang ko, magiging malaya rin ako sa pinansyal at muling hahangaan ng mga kaibigan at kamag-anak ko. Kung palalampasin ko ang pagkakataong ito na kumita, sino ang makaaalam kung gaano katagal pa akong maghihintay? Hindi ko ito basta-basta mapapakawalan. Isa pa, kapag kumita lang ako ng sapat na pera, saka lang mapapanatag ang loob ko na gampanan nang maayos ang mga tungkulin ko. Kung hindi, mananatili akong namomroblema sa utang at hindi ako makatutuon sa mga tungkulin ko.” Kalaunan, kahit ginagawa ko ang mga tungkulin ko araw-araw, sa puso ko, patuloy kong iniisip kung paano gumawa ng iskrip para sa mga video. Pagkauwi ko, uupo ako sa harap ng kompyuter para mag-ipon ng mga materyales at mag-edit ng mga video, at hindi na ako nag-aabalang maglaan ng oras para magsuri ng mga artikulong ipinadala ng mga kapatid sa akin. Wala akong naipasang kahit isang artikulo sa loob ng tatlong buwan.

Isang araw noong Pebrero 2023, inimbitahan ako ng isang video platform na gumawa ng video. Natapos ko ang video sa loob lang ng apat na oras, at laking gulat ko, pagka-post ng video, bigla itong sumikat, at sa loob ng pitong araw, kumita ako ng netong 130,000 yuan, na naging daan para mabayaran ko ang kalahati ng utang ko. Naisip ko, “Sa ganitong bilis ng pagkita ng pera, kung magsusumikap pa ako nang anim na buwan, mababayaran ko na ang lahat ng utang ko, at pagkatapos ay makakamit ko uli ang kasikatan at pakinabang, at makukuha ang paghanga ng mga kaibigan at kamag-anak ko. Makababalik ako sa dati kong marangya at hinahangaang pamumuhay. Hindi ko mapalalampas ang ganitong pambihirang pagkakataon! Kailangan kong samantalahin ang lahat ng oras para kumita, at bawasan ang oras na ginugugol ko sa mga tungkulin ko.” Pero nang mag-isip ako sa ganitong paraan, hindi ako mapalagay. Naalala ko noong baon ako sa utang, wala nang mapuntahan, at pakiramdam ko ay mas mabuti pang mamatay na lang. Ang biyaya ng Diyos ang umakay sa akin sa landas ng pananalig. Nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanyang buksan ang isang daan para sa akin at tulungan akong malampasan ang mga paghihirap ko, at nagpasya akong manampalataya nang wasto sa Diyos at hangarin ang katotohanan. Ngayon, nagbukas ang Diyos ng isang daan para sa akin at tinulungan akong mabayaran ang malaking bahagi ng utang ko. Kung ipagpapatuloy ko ang paghahangad sa pera, kasikatan, at pakinabang, hindi ba’t nililinlang ko ang Diyos? Naisip ko rin kung paanong sinubukan ko ang lahat ng paraan para kumita ng pera sa paghahangad ng kasikatan at pakinabang, at sa huli, hindi lang ako nabigong kumita, kundi malaki pa ang nawala sa akin dahil sa aksidente sa sasakyan. Ngayon, kumita ako ng halos pang-isang taong halaga ng pera mula sa isang video na tinapos ko sa loob lang ng apat na oras. Ang lahat ng ito ay dahil sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Nakita ko na ang halagang kikitain ng isang tao sa buong buhay niya ay pauna nang inorden lahat ng Diyos. Kapag hindi pa panahon para kumita siya, kahit magbanat pa siya ng buto sa pagkita ng pera, mawawala ito sa iba’t ibang paraan. Pero kapag tamang panahon na para kumita siya, makukuha niya ito nang halos walang kahirap-hirap. Gusto kong laging umasa sa sarili kong mga abilidad para kumita ng maraming pera, pero kung hindi ako nakatadhanang magkaroon ng maraming pera, kahit gaano pa ako magsumikap, mawawalan lang ito ng saysay sa huli. Nang maisip ko ito, nagdasal ako agad, “O Diyos, ang lahat ng kinikita ko ngayon ay dahil nagbukas Ka ng daan para sa akin upang mabawasan ang utang ko, na nagpapahintulot sa aking manampalataya nang wasto sa Iyo at gawin ang mga tungkulin ko, pero sa harap ng tukso ng pagkita ng pera, hindi ko lang talaga ito mabitawan. Gabayan Mo nawa ako at tulungang maunawaan ang Iyong mga layunin at makahanap ng landas ng pagsasagawa.”

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at nalaman ko kung paano magsagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Matagal nang sinabi ng Diyos sa mga tao na dapat silang makontento sa pagkain at damit. Anumang hanapbuhay ang isagawa mo, huwag mo itong ituring na isang propesyon, at huwag mo itong tingnan bilang isang tuntungan o isang paraan upang maging prominente o magkamal ng kayamanan at mamuhay nang maginhawa. Anuman ang trabaho o propesyong iyong isagawa, sapat nang tingnan mo ito bilang isa lamang pamamaraan upang mapanatili ang iyong kabuhayan. Kung kaya nitong panatilihin ang iyong kabuhayan, dapat mong malaman kung kailan ka titigil at hindi na maghahangad ng mga kayamanan. Kung ang pagkita ng dalawang libong yuan kada buwan ay sapat na upang makabili ng pagkain mo nang tatlong beses sa isang araw at ng mga pangunahing pangangailangan sa buhay, dapat ka nang tumigil doon at huwag nang sumubok na palawakin ang saklaw ng iyong trabaho. Kung mayroon kang anumang espesyal na pangangailangan, puwede kang tumanggap ng karagdagang part-time na trabaho o ng isang pansamantalang trabaho upang makaraos—katanggap-tanggap iyon. Ito ang hinihingi ng Diyos sa mga tao: Anumang propesyon ang iyong isagawa, kailangan man nito ng kaalaman o ng anumang teknikal na kasanayan, o kung kailangan nito ng anumang pisikal na trabaho, basta’t makatwiran at legal ito, kaya mo ito, at mapananatili ng propesyong ito ang iyong kabuhayan, sapat na iyon. Huwag mong gawing batong tuntungan ang propesyong iyong isinasagawa upang matupad ang sarili mong mga adhikain at pagnanais alang-alang sa pagbibigay-kasiyahan sa iyong buhay sa laman, sa gayon ay hinahayaan ang iyong sariling mahulog sa tukso o sa alanganin, o dinadala ang iyong sarili sa landas na walang balikan. Kung ang pagkita ng dalawang libong yuan kada buwan ay sapat na upang mapanatili ang iyong personal na buhay o ang buhay ng iyong pamilya, dapat mong ipagpatuloy ang trabahong iyon at gamitin ang natitirang panahon upang magsagawa ng pananampalataya sa Diyos, dumalo sa mga pagtitipon, gawin ang iyong mga tungkulin at maghangad sa katotohanan. Ito ang iyong misyon, ang halaga at kabuluhan ng buhay ng isang mananampalataya. … Kung nais mong magkaroon ng mga gantimpala para sa iyong pananampalataya sa Diyos, kung nais mong matamo ang katotohanan, nakasalalay ito sa sarili mong mga pagsisikap na magkaroon ng panahon at lakas. Isa itong usapin ng pagpapasya. Hindi ka pinagbabawalan ng Diyos na magpanatili ng normal na buhay. Sapat na ang iyong kita upang mabayaran ang pagkain at tirahan, pinananatili ang pag-iral ng iyong katawan at ang mga aktibidad ng iyong buhay. Sapat na ito upang matustusan ang patuloy mong pag-iral. Ngunit hindi ka kontento; palagi mong ninanais na kumita nang mas malaki. Pagkatapos ay maaagaw ng halaga ng salaping ito ang iyong lakas at panahon. Para saan inaagaw ang mga iyon? Upang mapataas ang kalidad ng iyong pisikal na buhay. Habang pinatataas mo ang kalidad ng iyong pisikal na buhay, nababawasan ang natatamo mo mula sa pagsampalataya sa Diyos, at nawawala ang panahon mo para sa paggawa ng mga tungkulin, okupado na ito. Ano ang umookupa rito? Okupado ito sa paghahangad ng magandang pisikal na buhay, ng pisikal na kasiyahan. Sulit ba ito? (Hindi.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (20)). “Sa mundo, ang bawat propesyong isinasagawa ng mga tao ay nauugnay sa katanyagan, pakinabang, at pisikal na kasiyahan. Ang dahilan kung bakit kumikita ang mga tao ng mas maraming pera ay hindi upang makamit ang isang partikular na halaga, kundi upang mapabuti ang kanilang pisikal na kasiyahan sa pamamagitan ng pagkita ng perang iyon, at para rin maging mayayamang taong kilala ng publiko. Sa ganitong paraan, magkakaroon sila ng katanyagan, pakinabang, at posisyon, na pawang lumalagpas sa saklaw ng mga pangunahing pangangailangan. Ang anumang halagang binabayaran ng mga tao ay para sa pisikal na kasiyahan, wala sa mga ito ang may kabuluhan; ang lahat ng ito ay walang saysay, tulad ng isang panaginip. Ang napapala nila sa huli ay pawang kahungkagan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (20)). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang landas ng pagsasagawa. Hindi ko dapat ituring ang karera ko bilang tuntungan para subukang umangat nang mabilis o makabangon, at dapat maging kontento na lang ako na may sapat na damit at pagkain. Ang layunin ng Diyos ay para makapamuhay ako nang normal upang magkaroon ako ng mas maraming oras at lakas para gawin ang tungkulin ko at hangarin ang katotohanan, at para maiwasan kong mahulog uli sa kumunoy ng paghahangad ng pera, kasikatan, at pakinabang. Nang makita ko kung gaano kalaki ang kita sa pag-e-edit ng video at na mabilis kong nabayaran ang marami sa utang ko sa paggawa nito, ginusto kong kumita ng mas malaking pera sa pag-e-edit ng video—hindi lang para mabayaran ang utang ko, kundi para makabangon din at makuha uli ang paghanga ng mga kaibigan at kamag-anak ko. Kaya ibinuhos ko ang buong isip at oras ko sa pag-e-edit ng mga video, at hindi ko na inisip o isinaalang-alang ang mga tungkulin ko. Nakaramdam ako ng paglaban sa puso ko kapag abala ako sa mga tungkulin ko, dahil gusto ko lang gamitin ang mas maraming oras para kumita ng pera. Para matugunan ang pagnanais ko, ginamit ko ang lahat ng oras at lakas ko sa pagkita ng pera. Hindi ko inisip ang mga tungkulin ko, at nawalan ako ng maraming pagkakataon na makamit ang katotohanan. Kung ipagpapatuloy ko ang ganito, kumikita ng sampung libo at gusto ng isandaang libo, kumikita ng isandaang libo at gusto ng higit pa, magiging walang katapusan ang mga pagnanais ko at hindi kailanman masisiyahan. Ang kahahantungan ko lang ay maging sunud-sunuran sa pera, kasikatan, at pakinabang, at mahuhulog na naman ako sa kumunoy ng pera, kasikatan, at pakinabang. Kahit pa mangyaring makamit ko ang pera, kasikatan, at pakinabang sa hinaharap, mapapalayo lang ako sa Diyos, hihinto sa paggawa ng tungkulin ko at mabibigong maunawaan ang katotohanan. Ano ang saysay ng pamumuhay nang ganito? Sa pagbabalik-tanaw noong ako ay walang magawa at walang pag-asa, ang gabay ng salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng pag-asang mabuhay, at nang harapin ko ang napakalaking utang at wala nang mapuntahan, nagbukas ang Diyos ng daan para sa akin, na nagbigay-kakayahan sa aking kumita ng pera at lutasin ang mga tunay kong paghihirap, at magkaroon ng oras at lakas na gawin ang tungkulin ko. Pero ngayon, sa harap ng tukso ng pera, gusto ko na namang kumita ng malaking pera at mamukod-tangi. Naging pabasta-basta pa ako sa tungkulin ko at inantala ang gawain. Malinaw na matutupad ko naman nang maayos ang tungkulin ko nang hindi naaantala ang pagbabayad ng utang, pero hindi ako nakontento, at sa harap ng paulit-ulit na mga tukso na kumita ng pera, isinantabi ko ang aking tungkulin. Talagang wala akong konsensiya! Nilabag ko ang pasyang ginawa ko sa Diyos; ang lahat ng sinabi ko ay panlilinlang sa Kanya! Talagang hindi ako karapat-dapat mabuhay! Hindi na ako puwedeng patuloy na maghabol sa malaking pera at kailangan kong ilaan ang lakas ko sa aking tungkulin. Makahahanap ako ng oras para mag-edit ng mga video para kumita at mabayaran ang mga utang ko basta’t hindi nito mahahadlangan ang aking tungkulin. Kalaunan, nagsimula akong makaramdam ng pasanin sa aking tungkulin. Natapos kong suriin ang mga natambak na artikulo, at nagawa kong ibuhos ang aking puso sa mga pagtitipon.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos, at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa pinakaugat ng pagkapit ko sa kayamanan, kasikatan, at pakinabang. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa katunayan, gaano man kaengrande ang mga adhikain ng tao, gaano man kamakatotohanan ang mga pagnanais ng tao o gaano man maaaring kaangkop ang mga ito, ang lahat ng gustong matamo ng tao, ang lahat ng hinahanap ng tao, ay hindi mapaghihiwalay na nauugnay sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang mahalaga sa bawat tao sa buong buhay nila, at ang mga ito ay mga bagay na binabalak na ikintal ni Satanas sa tao. Ano ang dalawang salitang ito? Ang mga ito ay ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Gumagamit si Satanas ng isang napakabanayad na paraan, isang paraan na lubos na naaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, at na hindi masyadong agresibo, para magdulot sa mga tao na tanggapin nila nang hindi nila namamalayan ang mga paraan at batas nito ng pananatiling buhay, makagawa ng mga layon sa buhay at direksyon sa buhay, at magtaglay ng mga adhikain sa buhay. Gaano man tila katayog pakinggan ang mga paglalarawan ng mga tao sa kanilang mga adhikain sa buhay, ang mga adhikain na ito ay palaging umiikot lamang sa kasikatan at pakinabang. Ang lahat ng hinahabol ng sinumang dakila o sikat na tao—o, sa katunayan, ng sinumang tao—sa buong buhay niya ay nauugnay lang sa dalawang salitang ito: ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng kasikatan at pakinabang, may kapital sila para magtamasa ng mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang magsaya sa buhay. Iniisip nila na sa sandaling mayroon na silang kasikatan at pakinabang, may kapital na sila para maghangad ng kasiyahan at makibahagi sa walang-pakundangang pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito na ninanais nila, ang mga tao ay masaya at di-namamalayang ibinibigay kay Satanas ang kanilang mga katawan, puso, at maging ang lahat ng mayroon sila, kasama na ang kanilang kinabukasan at kapalaran. Ginagawa nila ito nang walang reserbasyon, ni wala ni isang sandali ng pagdududa, at hindi kailanman nalalaman na bawiin ang lahat ng minsang mayroon sila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling isuko na nila ang kanilang sarili kay Satanas at maging tapat dito sa ganitong paraan? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila ay ganap at lubos na nalugmok sa putikang ito, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa kasikatan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang kung ano ang maliwanag, ang makatarungan, o ang mga bagay na iyon na maganda at mabuti. Ito ay dahil masyadong malakas ang pang-aakit sa mga tao ng kasikatan at pakinabang, at ang mga ito ay mga bagay na puwedeng hangarin ng mga tao nang walang katapusan sa buong buhay nila at maging sa magpasawalang hanggan. Hindi ba’t ito ang aktuwal na sitwasyon?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Matapos basahin ang mga salita ng paglalantad ng Diyos, naunawaan ko na ang ugat ng palagian kong pagnanais na kumita ng mas maraming pera at hangaan ay dahil mahigpit akong nakagapos sa “kasikatan” at “pakinabang.” Mula pagkabata, nakita kong minamaliit ng mga kamag-anak at kaibigan ang mga magulang ko, at naramdaman kong talagang walang dignidad ang mamuhay nang ganito, at kaya nagpasya akong kailangan kong magsumikap para umasenso at tingalain ako. Namuhay ako sa mga lason ni Satanas na “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa,” at “Mamukod-tangi.” Nang makita ko ang iba na namumuhunan sa pagbili ng mga bahay at nagtatamo ng parehong kasikatan at pakinabang, ninais ko ring gamitin ang paraang ito para mamukod-tangi at makamit ang paghanga ng mga kaibigan at kamag-anak. Malinaw na wala akong kakayahang pinansyal, pero hindi ako nag-atubiling kumuha ng loan para bumili ng bahay at kotse, at gumastos din ako nang malaki sa pamimili, madalas pumunta sa iba’t ibang mamahaling lugar at bumibili ng mga luho, ipinepresenta ang sarili ko bilang isang taong matagumpay. Kahit na mukhang masagana at walang katapusang marangya ang buhay ko, sa likod nito ay nabibigatan ako sa mga bayarin na may mataas na interes. Para makuha ang paghanga ng iba, naging napakamapagpaimbabaw ko at paulit-ulit kong tinanggihan ang pagliligtas ng Diyos. Kumuha ako ng mga loan para bumili ng kotse at bahay, naiipon ang daan-daang libong utang, at pagkatapos ay dumanas ako ng dobleng dagok ng aksidente sa sasakyan at ng pandemya. Ginugol ko ang mga araw ko sa pagpiga ng isip ko kung paano mangungutang sa iba para mabayaran ang ibang utang. Noong panahong iyon, tuliro ako dahil sa utang at pumuti ang buhok ko sa pag-aalala. Pakiramdam ko ay mas mabuti pang mamatay na lang. Matapos kong manampalataya sa Diyos, nagbukas Siya ng daan para sa akin, binibigyan ako ng mas maraming oras para sa mga pagtitipon at para gawin ang mga tungkulin ko, pero nang makakita ako ng pagkakataong kumita ng pera, ginusto kong hangarin ang pera, kasikatan, at pakinabang. Sa karanasang ito, patuloy kong hinangad ang pera, kasikatan, at pakinabang, at kahit na bugbog-sarado na ako sa hirap, hindi ko pa rin alam kung paano tumalikod. Naging lubhang matigas ang kalooban ko! Sa harap ng pagliligtas at pagtataas ng Diyos, hindi lang sa hindi ko ito pinahalagahan, kundi inisip ko pang inaantala ng mga tungkulin ko ang pagkita ko ng pera, at muntik ko nang mapalampas ang pagkakataong hangarin ang katotohanan at mailigtas. Sa wakas ay napagtanto ko na ang paghahangad ng pera, kasikatan, at pakinabang ay isang landas na walang balikan, at na kung hindi ako magbabago, magiging ganap akong kasama ni Satanas sa kamatayan.

Nagnilay-nilay ako, “Anong klaseng buhay ang tunay na may halaga at makabuluhan?” Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi lamang basta nagbabayad ng halaga ang Diyos para sa bawat tao sa mga dekada mula sa kanilang pagsilang hanggang sa kasalukuyan. Tulad ng pagtingin dito ng Diyos, nakarating ka na sa mundong ito nang maraming beses, at muling isinilang nang maraming beses. Sino ang namamahala rito? Ang Diyos ang namamahala rito. Hindi mo malalaman ang mga bagay na ito. Tuwing dumarating ka sa mundong ito, personal na gumagawa ng mga pagsasaayos ang Diyos para sa iyo: Isinasaayos Niya kung ilang taon ka mabubuhay, ang uri ng pamilya kung saan ka isisilang, kung kailan ka magkakaroon ng pamilya at propesyon, gayundin kung ano ang gagawin mo sa mundong ito at kung paano ka maghahanapbuhay. Nagsasaayos ang Diyos ng paraan para makapaghanapbuhay ka, upang maisakatuparan mo ang iyong misyon sa buhay na ito nang walang hadlang. … Habang sumusunod ka sa Diyos, nagdudusa ka man o nagbabayad ng halaga, ang totoo ay nakikipagtulungan ka sa Diyos. Anuman ang ipagawa sa atin ng Diyos, nakikinig tayo sa mga salita ng Diyos, at nagsasagawa ayon sa mga ito. Huwag maghimagsik laban sa Diyos o gumawa ng anumang bagay na ikalulungkot Niya. Para makipagtulungan sa Diyos, kailangan mong magdusa nang kaunti, at kailangan mong talikuran at isantabi ang ilang bagay. Kailangan mong talikuran ang kasikatan, pakinabang, katayuan, pera, at mga makamundong kasiyahan—kailangan mo pa ngang talikuran ang mga bagay na tulad ng pag-aasawa, trabaho, at kinabukasan mo sa mundo. Alam ba ng Diyos kung natalikuran mo na ang mga bagay na ito? Nakikita ba ng Diyos ang lahat ng ito? (Oo.) Ano ang gagawin ng Diyos kapag nakita Niya na natalikuran mo na ang mga bagay na ito? (Maaalo ang Diyos, at masisiyahan Siya.) Hindi lamang masisiyahan ang Diyos at magsasabing, ‘Nagbunga na ang mga halagang ibinayad Ko. Handang makipagtulungan sa Akin ang mga tao, mayroon silang ganitong determinasyon, at nakamit Ko na sila.’ Nalulugod man ang Diyos o masaya, nasisiyahan o naaaliw, hindi lamang gayong saloobin ang taglay ng Diyos. Kumikilos din Siya, at nais Niyang makita ang mga resultang nakakamtan ng Kanyang gawain, kung hindi ay mawawalan ng kabuluhan ang hinihingi Niya sa mga tao. Ang biyaya, pagmamahal, at habag na ipinapakita ng Diyos sa tao ay hindi lamang isang uri ng saloobin—katunayan din ang mga iyon. Anong katunayan iyon? Iyon ay na inilalagay ng Diyos ang Kanyang mga salita sa iyong kalooban, binibigyang-liwanag ka, upang makita mo kung ano ang kaibig-ibig sa Kanya, at kung tungkol saan ang mundong ito, upang ang puso mo ay mapuspos ng liwanag, na nagtutulot sa iyo na maunawaan ang Kanyang mga salita at ang katotohanan. Sa ganitong paraan, nang hindi mo nalalaman, natatamo mo ang katotohanan. Gumagawa ang Diyos ng napakaraming gawain sa iyo sa napakatotoong paraan, na nagbibigay sa iyo ng kakayahang matamo ang katotohanan. Kapag natamo mo ang katotohanan, kapag natamo mo ang buhay na walang hanggan na siyang pinakamahalagang bagay, natutugunan ang mga layunin ng Diyos. Kapag nakikita ng Diyos na hinahangad ng mga tao ang katotohanan at handa silang makipagtulungan sa Kanya, masaya Siya at kontento. Sa gayon ay nagkakaroon Siya ng isang saloobin, at habang taglay Niya ang saloobing iyon, gumagawa Siya, at sinasang-ayunan at pinagpapala Niya ang tao. Sinasabi Niya, ‘Gagantimpalaan kita ng mga pagpapalang nararapat sa iyo.’ At pagkatapos ay matatamo mo na ang katotohanan at ang buhay. Kapag mayroon kang kaalaman sa Lumikha at natamo mo ang Kanyang pagpapahalaga, makadarama ka pa rin ba ng kahungkagan sa puso mo? Hindi na. Madarama mo na kontento ka na at may kagalakan. Hindi ba’t ito ang kahulugan ng pagkakaroon ng halaga ng buhay ng isang tao? Ito ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang buhay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagbabayad ng Halaga Para Makamit ang Katotohanan ay Mayroong Malaking Kabuluhan). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pamilyang kinabibilangan ko at ang panahon kung kailan ako mananampalataya sa Diyos at gagawin ang mga tungkulin ko ay matagal nang isinaayos lahat ng Diyos. Ang pag-aalaga at proteksyon ng Diyos ang nagpahintulot sa aking makaligtas sa aksidenteng iyon sa sasakyan, at ang Diyos ang nagbukas ng daan para sa akin, na nagpahintulot sa aking muling makita ang liwanag matapos makulong sa lambong ng pagkakautang, at magkaroon ng pagkakataong tuparin nang maayos ang mga tungkulin ng isang nilikha. Kung wala ang proteksyon ng Diyos, matagal na sana akong napinsala ni Satanas. Binigyan din ako ng direksyon sa buhay ng mga salita ng Diyos, na nagpapahintulot sa aking maunawaan na ang paghahangad lamang sa katotohanan at pagtupad nang maayos sa aking mga tungkulin para bigyang-kasiyahan ang Diyos ang tunay na makabuluhan at may halaga. Natamasa ko nang labis ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos! Sa pag-iisip nito, nagpasya akong ilaan ang sarili ko nang buong puso sa aking mga tungkulin, at basta’t hindi nahahadlangan ang aking tungkulin, makahahanap pa rin ako ng oras para mag-edit ng mga video para kumita ng kaunting pera—sapat lang para mabayaran ang aking buwanang hulog at mga gastusin sa buhay.

Makalipas ang dalawang buwan, nahalal ako bilang lider ng iglesia. Nakita ko na ang pagiging lider ay may kaakibat na mas maraming trabaho at alalahanin kaysa sa pagsusuri ng mga artikulo, at nangangailangan din ito ng mas maraming oras at lakas. Mangangahulugan ito na patuloy na mababawasan ang mga pagkakataon kong kumita ng pera. Pero sa pagkakataong ito, handa akong unahin ang mga tungkulin ko, kaya inilaan ko ang sarili ko sa aking mga tungkulin. Laking gulat ko, makalipas ang tatlong buwan, habang inaasikaso ko ang refund ng aking personal income tax sa telepono ko, nakita ko na ang refund na 20,000 yuan ay direktang idineposito sa account ko, na sakto para malutas ang isyu ng hulog ko sa bahay sa loob ng mahigit kalahating taon. Tunay kong naranasan na kapag nagpasakop ka sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos at ginawa mo ang tungkulin ng isang nilikha sa abot ng iyong makakaya, magbubukas ng daan ang Diyos para magkaroon ka ng damit at pagkain at makapagpatuloy sa buhay.

Matapos pagdaanan ang karanasang ito, naunawaan ko na ang mga materyal na bagay tulad ng pera, kasikatan, at pakinabang ay pansamantala lang, at na ang paghahangad at pagkakamit ng katotohanan ay mas mahalaga, may halaga, at makabuluhan. Handa akong ilaan ang mas maraming oras at lakas ko sa aking mga tungkulin, at hangaring tuparin nang maayos ang aking mga tungkulin para suklian ang pag-ibig ng Diyos!

Sinundan: 95. Makakamit Ba ang Kaligayahan sa Paghahangad ng Perpektong Buhay May Asawa?

Sumunod: 97. Itinuwid Ko ang Aking mga Maling Pananaw sa Pananampalataya sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito