83. Tunay na Pag-ibig Ba ang Pagmamahal Ko sa Aking Anak na Babae?

Ni Qiu Yan, Tsina

Lumaki ako sa probinsya, at dahil hindi gaanong nakapag-aral ang mga magulang ko, wala silang magawa kundi magpakapagod sa bukid mula bukangliwayway hanggang takipsilim. Madalas sabihin sa akin ng tatay ko, “Sa pamilya natin, ang tiyuhin mo lang ang may narating dahil nag-aral siya nang mabuti at naging mataas na opisyal sa lungsod. Hindi ako nag-aral nang mabuti noong bata pa ako, kaya pagsasaka lang ang ikinabubuhay ko ngayon. Kailangan mong mag-aral nang mabuti sa hinaharap—huwag kang tumulad sa akin na walang kinabukasan.” Nang makita ko ang tiyuhin ko na bumalik sa nayon sakay ng magarang kotse, at pinupuri siya ng lahat at tinitingnan nang may paghanga, inggit na inggit ako. Pagkatapos, tiningnan ko ang kawalang-pakialam ng mga taganayon sa tatay ko, at napagtanto ko na sa pag-aaral lang makaaangat ang isang tao at irerespeto saanman siya magpunta. Nagpasya ako na kailangan kong mag-aral nang mabuti para mamukod-tangi ako sa hinaharap, at makamit ang paghanga ng iba. Nag-aral ako nang mabuti, nagbubuhos ng ilang ulit na pagsisikap kaysa sa iba, pero hindi naging maayos ang resulta ng high school entrance exam ko at nakapasok lang ako sa isang ordinaryong vocational school. Ang mas hindi inaasahan ay nang gumradweyt ako, nagpatupad ang gobyerno ng mga tanggalan, pagbabawas ng tauhan, at mga polisiyang nakatuon sa episyensya, pinakakamit ko sa kanya ang mga iyon para sa akin, at tinatrato ko siya bilang kasangkapan para mamukod-tangi ako. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko, at wala na akong pag-asang mamukod-tangi pa sa buhay. Pagkatapos kong mag-asawa, nagtrabaho bilang manwal na trabahador ang asawa ko dahil sa katamtaman lang ang antas ng kanyang pinag-aralan, at pangkaraniwan lang ang kalidad ng pamumuhay namin. Sa pagtingin sa mga kamag-anak at kaibigan ko, nakita ko na ang mga may pinag-aralan at may mga degree ay namumuhay nang glamoroso at nakatataas na uri, at madalas pumupunta sa mga mamahaling lugar. Nang ihambing ko ang sarili ko rito, mas lalo kong naramdaman na kung walang mataas na antas ng edukasyon, hindi magtatagumpay ang isang tao sa lipunang ito, at na magiging ganito na lang palagi ang buhay ko. Kaya naramdaman ko na sa hinaharap, kailangan kong turuan nang mabuti ang anak ko at tulungan siyang makakuha ng mataas na degree, para makapagbigay siya ng karangalan sa aming pamilya. Sa ganoong paraan, magkakaroon din ako ng karangalan.

Nang apat na taong gulang na ang anak kong babae, tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Noong panahong iyon, dumadalo ako sa mga pagtitipon dalawang beses sa isang linggo, at sa natitirang oras, kasama ko ang anak ko sa pag-aaral ng mga English flashcard, pagbigkas ng mga klasikong tula, at tinuturuan ko siya ng simpleng addition at subtraction. Gusto kong magkaroon siya ng pagmamahal sa pag-aaral mula sa murang edad. Nang nasa ikatlong baitang siya, sinimulan ko siyang turuan sa English at math, umaasa na mahihigitan ng mga marka niya ang sa mga kasabayan niya para nang sa gayon, sa hinaharap, makapasok siya sa isang magandang unibersidad, makahanap ng magandang trabaho, at mamuhay nang may karangalan at tagumpay. Madalas kong sabihin sa anak ko na mag-aral nang mabuti para mamukod-tangi siya sa hinaharap. Tinitingnan niya ako nang may pagkalito sa bawat pagkakataon, tila hindi gaanong nakauunawa, pero atubili siyang sumusunod sa ipinagagawa ko sa kanya. Minsan kapag nakikita kong napapagod na siya sa kaaaral, matiyaga kong ipinapaliwanag kung bakit kailangan niyang mag-aral, at na sa pamamagitan lang ng matataas na marka siya magkakaroon ng magandang kinabukasan at mga oportunidad sa trabaho. Pagkapanganak sa anak ko, inilagak ko ang lahat ng pag-asa ko sa kanya. “Responsabilidad at obligasyon ng mga magulang na turuan nang mabuti ang kanilang anak. Maaaring hindi niya ako naiintindihan ngayon, pero paglaki niya, mauunawaan niya ang aking masisidhing layunin.”

Noong nasa ikalimang baitang siya, napakababa ng mga marka ng anak ko sa math. Kahit na matiyagang nagpapaliwanag ang guro niya, tumutulong ang mga kaklase niya sa pagtuturo, at sinisikap niya nang husto na gawin ang mga pagsasanay nang siya lang, palagi pa ring hindi kasiya-siya ang mga resulta ng eksaminasyon niya. Minsan ay bumabagsak pa siya. Nang makita ko ito, labis akong nabahala at istrikto kong sinabi sa anak ko, “Kung walang matataas na marka, hindi ka makapapasok sa pangarap mong paaralan at wala kang mararating. Sa paningin ng iba, wala kang kuwenta at magiging bigo ang buong buhay mo. Kailangan mong humanap ng paraan para mabilis na mapataas ang mga marka mo sa math kahit ano pa ang mangyari. Kung hindi, hindi kita palalampasin.” Kiming tumingin sa akin ang anak ko, takot na takot magsalita, namumutla ang mukha sa takot. Nang makita ko siyang ganoon, lumambot ako nang kaunti—nagsisikap naman siya, at ang mabababang marka niya sa math ay hindi dahil sa ayaw niyang matuto. Naisip ko kung sumobra na ba ako. Pero pagkatapos ay naisip ko, “Kung hindi ako maghihigpit ngayon, baka wala siyang maging magandang oportunidad sa trabaho kalaunan. Mas gusto ko pang kamuhian niya ako ngayon kaysa wala siyang kinabukasan.” Pagkatapos magtanong-tanong, nakahanap ako ng guro na may marami nang taon ng karanasan para pribadong turuan ang anak ko. Kapag oras na ng pribadong pagtuturo sa anak ko, itinitigil ko ang aking gawain at nakikinig din ako. Inililista ko ang mga bahaging hindi naiintindihan ng anak ko, at pag-uwi namin, ipinarerebyu ko ang mga iyon sa kanya. Kapag hindi pa rin niya magawa, nagagalit ako at pinapagalitan siya nang malakas, sinasabing, “Sa tingin mo ba ay makapapasok ka sa magandang paaralan kung mananatili kang ganyan?” Napapaatras sa takot ang anak ko, nangingilid ang luha ng sama ng loob sa mga mata niya. Lumalambot ang puso ko, at naiisip ko, “Baka dapat ay hayaan ko na lang ang mga bagay-bagay—matututuhan niya kung ano ang kaya niya. Paano kung magkadepresyon siya sa huli dahil sa lahat ng presyur na ito?” Pero pagkatapos ay naisip ko agad, “Ang pagluluwag sa edukasyon niya ngayon ay direktang makaaapekto sa kinabukasan niya. Kailangan kong tuparin ang responsabilidad ko bilang magulang.” Kaya patuloy ko siyang itinutulak na mag-aral. Sadyang introvert ang anak ko sa una pa lang, at sa presyur na inilapat ko, lalo pang bumaba ang tiwala niya sa sarili. Madalas siyang nagigising bigla dahil sa bangungot, lalo pang bumaba ang mga marka niya, at lumamig nang lumamig ang relasyon naming dalawa. Labis akong nabahala nang makita ko ito. Sa isang banda, nag-aalala ako na makaaapekto sa kinabukasan niya ang mababang marka niya, pero sa kabilang banda, nabibiyak din ang puso ko para sa kanya at nakokonsensiya ako sa sobrang pagbibigay ng presyur sa kanya. Nagbuhol-buhol ang nagtatalong mga emosyong ito, at hindi ko alam ang gagawin. Paulit-ulit kong iniisip, “Pagmamahal ba ang pagtrato ko nang ganito sa anak ko? Kung oo, hindi ba dapat maging malaya at maginhawa ang pakiramdam niya? Pero malinaw kong nararamdaman na lalo siyang nagiging miserable at bumababa ang tiwala niya sa sarili. Hindi na nga tumaas ang mga marka niya—kundi lalo pa itong bumaba, at lagi siyang biglaang nagigising ngayon dahil sa bangungot. Mali kaya ang paraan ko ng pagtuturo sa anak ko?” Hindi ko alam ang gagawin, kaya walang humpay akong nanalangin, hinihiling sa Diyos na gabayan akong maunawaan ang mga problema ko.

Isang araw, nabasa ko ang mga salita ng Diyos, at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa katunayan, gaano man kaengrande ang mga adhikain ng tao, gaano man kamakatotohanan ang mga pagnanais ng tao o gaano man maaaring kaangkop ang mga ito, ang lahat ng gustong matamo ng tao, ang lahat ng hinahanap ng tao, ay hindi mapaghihiwalay na nauugnay sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang mahalaga sa bawat tao sa buong buhay nila, at ang mga ito ay mga bagay na binabalak na ikintal ni Satanas sa tao. Ano ang dalawang salitang ito? Ang mga ito ay ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Gumagamit si Satanas ng isang napakabanayad na paraan, isang paraan na lubos na naaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, at na hindi masyadong agresibo, para magdulot sa mga tao na tanggapin nila nang hindi nila namamalayan ang mga paraan at batas nito ng pananatiling buhay, makagawa ng mga layon sa buhay at direksyon sa buhay, at magtaglay ng mga adhikain sa buhay. Gaano man tila katayog pakinggan ang mga paglalarawan ng mga tao sa kanilang mga adhikain sa buhay, ang mga adhikain na ito ay palaging umiikot lamang sa kasikatan at pakinabang. Ang lahat ng hinahabol ng sinumang dakila o sikat na tao—o, sa katunayan, ng sinumang tao—sa buong buhay niya ay nauugnay lang sa dalawang salitang ito: ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng kasikatan at pakinabang, may kapital sila para magtamasa ng mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang magsaya sa buhay. Iniisip nila na sa sandaling mayroon na silang kasikatan at pakinabang, may kapital na sila para maghangad ng kasiyahan at makibahagi sa walang-pakundangang pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito na ninanais nila, ang mga tao ay masaya at di-namamalayang ibinibigay kay Satanas ang kanilang mga katawan, puso, at maging ang lahat ng mayroon sila, kasama na ang kanilang kinabukasan at kapalaran. Ginagawa nila ito nang walang reserbasyon, ni wala ni isang sandali ng pagdududa, at hindi kailanman nalalaman na bawiin ang lahat ng minsang mayroon sila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling isuko na nila ang kanilang sarili kay Satanas at maging tapat dito sa ganitong paraan? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila ay ganap at lubos na nalugmok sa putikang ito, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan na sa loob ng maraming taon, ganap pala akong namuhay sa ilalim ng panlilinlang ni Satanas. Naalala ko kung paano itinanim sa isipan ko ng mga magulang ko mula pagkabata, at itinuring ko ang “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa” at “Mamukod-tangi at magbigay karangalan sa iyong mga ninuno” bilang mga layon ng aking paghahangad. Para mamukod-tangi, nagsikap ako nang ilang ulit na mas matindi kaysa sa iba noong estudyante pa ako, para lang bumagsak sa high school entrance exam at kinalaunan ay hindi nakahanap ng magandang trabaho. Kaya, nawalan ako ng pag-asa sa sarili at nawalan ako ng kumpiyansa sa buhay. Nang makita ang ekspresyon ng kawalang magawa sa kanyang mukha, naisip ko, Para linangin ang interes niya sa pag-aaral, sinimulan kong magkintal ng kaalaman sa kanya mula sa murang edad, ipinataw ko ang mga pananaw ko sa kanya nang hindi siya isinaalang-alang, Nang magsimula siyang pumasok sa eskuwela at nakita kong mababa ang mga marka niya sa math, pinilit ko siyang magpaturo nang pribado para tumaas ang mga marka niya, at nang hindi tumaas ang kanyang mga marka, nagalit ako at pinagalitan siya. Hindi ako naging maunawain o mapagsaalang-alang sa kanya kahit kaunti. Dahil patuloy ako sa pagbibigay ng presyur sa kanya, nabigatan ang mura niyang puso sa matinding stress, at lalong lumayo ang loob namin sa isa’t isa. Sa panlabas, mukhang ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kabutihan niya, pero sa totoo lang, ipinipilit ko sa kanya ang mga sarili kong pangarap na hindi ko natupad, at para na ring natanggal ako bago pa man ako opisyal na makapagsimula sa trabaho. Talagang wala akong pagkatao! Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, nakaramdam ako ng matinding pagsisisi. Ayaw ko nang patuloy na maloko at mapinsala ni Satanas.

Nagpatuloy ako sa paghahanap, at binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kahit gaano man hindi nasisiyahan ang isang tao sa kanyang kapanganakan, pag-abot sa hustong pag-iisip, o pag-aasawa, alam ng bawat isang dumaan na sa mga ito na hindi mapipili ng isang tao kung saan at kailan siya ipapanganak, ano ang hitsura niya, sino ang kanyang mga magulang, at sino ang kanyang kabiyak, bagkus ay kaya lang niyang tanggapin ang kalooban ng Langit. Subalit kapag dumating na ang panahon upang magpalaki ang mga tao ng susunod na henerasyon, kanilang ipinapasa ang lahat ng kanilang di-natupad na mga pagnanais sa unang bahagi ng kanilang buhay sa kanilang mga anak, umaasa na mapupunan ng kanilang mga supling ang lahat ng kabiguan na naranasan nila sa unang bahagi ng kanilang mga buhay. … Alam ng mga tao na sila ay kulang sa abilidad at walang narating sa buhay na ito, na hindi na sila magkakaroon ng ibang pagkakataon o ibang pag-asa na mamukod-tangi sa iba, at wala na silang magagawa kundi ang tanggapin ang kanilang mga kapalaran. At kaya ibinubunton nila ang lahat ng kanilang inaasam, ang kanilang di-natupad na mga ninanais at adhikain, sa susunod na henerasyon, umaasa na makakatulong sa kanila ang kanilang supling na makamit ang kanilang mga pangarap at matupad ang kanilang mga ninanais; na ang kanilang mga anak na babae at mga anak na lalaki ay magdadala ng karangalan sa pangalan ng pamilya, magkakamit ng prominenteng katayuan, o magiging mayaman o bantog. Sa madaling salita, nais nilang makita na namamayagpag sa malalaking tagumpay ang kanilang mga anak. Ang mga plano at pantasya ng mga tao ay perpekto; hindi ba nila alam na ang bilang ng mga anak na mayroon sila, ang hitsura, mga kakayahan ng kanilang mga anak, at iba pa, ay hindi nila mapagpapasyahan, lalong wala sa kanilang mga kamay ang kapalaran ng kanilang mga anak? Ang mga tao ay hindi mga panginoon ng kanilang sariling mga kapalaran, subalit umaasa sila na mababago nila ang mga kapalaran ng mas nakababatang henerasyon; wala silang kapangyarihan na takasan ang kanilang sariling mga kapalaran, subalit sinusubukan nilang manipulahin ang mga kapalaran ng kanilang mga anak na babae at lalaki. Hindi kaya nasosobrahan ang tiwala nila sa kanilang mga sarili? Hindi ba ito kahangalan at kamangmangan ng tao?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Kung anong trabaho ang ginagawa ng isang tao, kung ano ang ginagawa niya para mabuhay, at kung gaano karaming yaman ang mayroon siya sa buhay ay hindi nakasalalay sa kanyang mga magulang, sa kanyang mga talento, o sa kanyang mga pagsisikap at ambisyon—ito ay nakasalalay sa paunang pag-orden ng Lumikha(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang tunay kong kalagayan. Talagang inilagak ko sa anak ko ang mga pagnanais ko na hindi natupad, umaasang mamumukod-tangi siya at matutupad ang mga pagnanais ko. Kaya ginawa ko ang lahat para kontrolin ang tadhana niya sa pamamagitan ng sarili kong pagsisikap. Sa katunayan, ang tadhana ng bawat tao ay nasa mga kamay ng Diyos, pero hindi ko nauunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Namuhay ako sa mga walang-katotohanang ideya na “Kayang baguhin ng kaalaman ang iyong kapalaran” at “Ang kapalaran ng isang tao ay nasa kanyang kamay,” at palagi kong gustong kontrolin ang kinabukasan ng anak ko. Naisip ko ang lahat ng trabahador sa paligid ko na may kaalaman, pero hindi naman nagbago ang tadhana nila dahil doon. Isa akong malinaw na halimbawa. Palagi kong sinusubukang baguhin ang tadhana ko sa pamamagitan ng kaalaman, pero pagkagradweyt ko, natanggal agad ako sa trabaho, at wala man lang akong pagkakataong makapasok sa trabaho o magamit ang pinag-aralan ko. Nakita ko na ang tadhana ng isang tao ay wala sa sarili nilang mga kamay, pero nag-ilusyon akong subukang kontrolin ang tadhana ng anak ko. Napakamapagmataas ko at napakamangmang, at talagang masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko! Ang tadhana at karera ng anak ko ay paunang inorden ng Diyos, at hindi ito mga bagay na mababago sa pamamagitan ng pagsisikap ng tao o pag-aaral. Naisip ko ang kaibigan ng asawa ko na, kahit elementarya lang ang natapos, ay nakapagbukas ng ilang chain store sa buong bansa, at maraming gradweyt sa kolehiyo ang naghahanap ng trabaho doon. Dahil sa matinding kaibahang ito, mas malinaw kong nakita na hindi kayang baguhin ng kaalaman ang tadhana ng isang tao, at na dapat ay hayaan ko ang natural na takbo ng pag-aaral ng anak ko. Pagkatapos niyon, hindi ko na pinilit ang anak ko na mag-aral ayon sa mga gusto ko, at itinigil ko na rin ang pag-enrol sa kanya sa mga cram class. Sa halip, ipinagkatiwala ko ang lahat tungkol sa kanya sa mga kamay ng Diyos. Ipinangaral ko rin ang ebanghelyo sa anak ko. Kapag may oras siya, nakikipagtipon siya sa mga kapatid na kaedad niya, at patuloy na bumuti ang kalagayan ng kanyang isipan.

Kalaunan, nabasa ko ang pinakabagong mga salita ng Diyos, at mas malinaw kong nakita ang mga problema ko. Naunawaan ko rin kung anong mga responsabilidad ang dapat talagang gampanan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa loob ng personal na kamalayan ng mga magulang, iniisip, pinaplano, at itinatakda nila ang iba’t ibang bagay tungkol sa kinabukasan ng kanilang mga anak, at bilang resulta, nagkakaroon sila ng mga ganitong ekspektasyon. Sa udyok ng mga ekspektasyong ito, iginigiit ng mga magulang na mag-aral ng iba’t ibang kasanayan ang kanilang mga anak, na mag-aral ang mga ito ng teatro at sayaw, o sining, at iba pa. Iginigiit nila na ang kanilang mga anak ay maging mga indibidwal na may mahuhusay na talento, at para ang mga ito ay maging mga nakatataas, hindi mga nakabababa. Iginigiit nila na maging mga opisyal na may mataas na ranggo ang kanilang mga anak, at hindi maging mga kawal lamang; iginigiit nila na ang kanilang mga anak ay maging manager, CEO, at executive, na nagtatrabaho para sa mga nangungunang 500 kumpanya sa buong mundo, at iba pa. Ang lahat ng ito ay mga personal na ideya ng mga magulang. … Ang mga inaasam ng kanilang mga magulang sa mga anak nila ay ganap na nakabatay sa kung paano tinitingnan ng isang taong nasa hustong gulang ang mga bagay-bagay, pati na rin sa mga pananaw, perspektiba, at mga kagustuhan ng isang taong nasa hustong gulang na tungkol sa mga usapin ng mundo. Hindi ba’t pansariling saloobin lang ito? (Oo.) Kung pagagandahin mo ang pagsasalarawan dito, maaari mong sabihin na pansariling saloobin lang ito, ngunit ano ba talaga ito? Ano ang iba pang pakahulugan dito? Hindi ba’t ito ay pagiging makasarili? Hindi ba’t ito ay pamimilit? (Ganoon na nga.) Gusto mo ang isang partikular na propesyon, gusto mong maging isang opisyal, yumaman, maging tanyag at matagumpay sa lipunan, kaya pinahahangad mo rin sa mga anak mo na maging ganoong uri ng tao at pinapatahak mo sila sa ganoong landas. Pero magugustuhan ba ng mga anak mo na mamuhay sa ganoong kapaligiran at gawin ang ganoong trabaho sa hinaharap? Angkop ba sila roon? Ano ang kanilang tadhana? Ano ang kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos para sa kanila? Alam mo ba ang mga bagay na ito? May ilang taong nagsasabi na: ‘Wala akong pakialam sa mga bagay na iyon, ang mahalaga ay ang mga bagay na gusto ko, bilang kanilang magulang. Mag-aasam ako para sa kanila batay sa sarili kong mga kagustuhan.’ Hindi ba’t masyadong makasarili iyon? (Oo.) Masyadong makasarili ito! Kung pagagandahin ang pagsasalarawan dito, ito ay pansariling saloobin lang, ito ay pagpapasya nang sila lamang, pero ano ba ito, sa realidad? Ito ay sobrang makasarili! Hindi isinasaalang-alang ng mga magulang na ito ang kakayahan o mga talento ng kanilang mga anak, wala silang pakialam sa mga pagsasaayos ng Diyos sa bawat tadhana at buhay ng tao. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga bagay na ito, ipinipilit lang nila sa kanilang mga anak ang sarili nilang mga kagustuhan at plano bunga ng sarili nilang mga inaakala. Sinasabi ng ilang tao: ‘Kung hindi ko gagawin ang mga pagsasaayos na ito, maaapektuhan ang kinabukasan nila. Bata pa sila at walang muwang, at sa oras na makaunawa sila, magiging huli na ang lahat. Bilang isang magulang, kailangan kong mag-alala para sa mga anak ko at isaayos ang lahat para sa kanila. Responsabilidad ito ng isang magulang!’ Walang mali sa pahayag na ito, pero kung ang mga plano at pagsasaayos mo ay hindi ang kailangan ng mga anak mo, kundi mga bagay na ipinipilit mo sa kanila, kung gayon, hindi iyon angkop. … Kahit na ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak mula sa murang edad na, ‘Kailangan mong mag-ingat kapag nakikisalamuha ka sa ibang tao,’ ituturing lamang nila ito bilang isang uri ng doktrina. Magagawa lang nilang tunay na kumilos batay sa payo ng mga magulang nila kapag tunay na nila itong naunawaan. Kapag hindi nila nauunawaan ang payo ng kanilang mga magulang, kahit paano pa sila turuan ng kanilang mga magulang, mananatili pa rin itong isang uri ng doktrina para sa kanila. Samakatwid, kapag iniisip ng ilang magulang, ‘Masyadong mapagkompitensya ang lipunang ito, at namumuhay ang mga tao sa ilalim ng matinding presyur; kung hindi ko pag-iigihan ang edukasyon ng mga anak ko mula sa murang edad at hindi ko titiyakin na makakakuha sila ng matatag na kaalaman, magdurusa sila ng pasakit at paghihirap sa hinaharap,’ mapaninindigan ba ang ideyang ito? (Hindi.) Pinapapasan mo sa iyong mga anak ang presyur na ito nang maaga para mabawasan ang paghihirap na daranasin nila sa hinaharap, pinapapasan sa kanila ang presyur na ito simula sa edad na wala pa silang anumang nauunawaan. Talaga bang may mararating sila dahil tiniis nila ang presyur na ito? Kung mabigo silang magtamo ng anumang wastong kasanayan o kaalaman, hindi ba’t magiging walang silbi ang lahat ng ito? Ang pagpapapasan sa kanila ng presyur mula sa murang edad ay hindi kapaki-pakinabang sa kanilang pisikal at mental na kalusugan. Kung magdulot ito ng ilang karamdaman at mga kahihinatnan, hindi ba’t pamiminsala iyon sa kanila? Talaga bang ginagawa mo ito para sa sarili nilang kapakanan? Hindi naman talaga masama na hindi sila nakakaunawa. Kahit papaano, makakapamuhay sila nang ilang taon sa isang komportable, simple, at masayang paraan. Kung, mula sa murang edad, ay makikilatis na nila ang mga bagay na ito at magsisimulang pasanin ang mga presyur na ito, hindi naman talaga iyon magiging isang mabuting bagay para sa kanila(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (18)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko kung gaano kakitid at kamakasarili ang pagmamahal ko sa anak ko. Para matamo ang sarili kong layon na mamukod-tangi, na nagiging dahilan para lalo siyang maging mailap gumawa ng mga plano para sa kinabukasan niya nang hindi isinasaalang-alang ang mga abilidad o kakayahan niya, at gumamit ng puwersahang pamamaraan para pag-aralin siya, nagbibigay ng presyur at mga paglilimita. Kapag nakikita kong hindi tumataas ang mga marka niya, sinisigawan ko siya na parang nawawala ako sa sarili, at bilang resulta, nawala sa kanya ang kagalakan ng pagkabata at nag-aalis sa kanya ng kalayaan at espasyo. Ang lahat ng ginawa ko ay pumipigil at gumagapos sa kanya. Gustong-gusto ko ng kasikatan at pakinabang, at palagi kong gustong mamukod-tangi, kaya nang hindi maisakatuparan ang sarili kong mga pagnanais, ipinataw ko ang mga ito sa anak ko, pinipilit siyang tuparin ang mga pagnanais ko, at binibigyan siya ng labis na presyur sa pag-aaral. Hindi ko kailanman inilagay ang sarili ko sa sitwasyon niya para isaalang-alang kung ano ang gusto niya o kung saan siya magaling. Kahit na nakita kong lalo siyang nagiging introvert at pababa nang pababa ang tingin niya sa sarili dahil sa pagbibigay ko ng presyur, iginigiit ko pa rin na maabot niya ang mga inaasahan ko, na naging dahilan para mamuhay siya sa patuloy na pagdurusa. Napakalupit at napakamakasarili ko talaga! Bata pa ang anak ko, nasa edad na mahilig maglaro, pero puwersahan kong ikinintal ang mga satanikong pilosopiya at batas sa kanya, pinupuwersa siyang pasanin ang mga presyur at pasakit na hindi naman niya dapat pasanin. Ang ginawa ko sa anak ko ay hindi talaga pagmamahal, kundi isang uri ng pinsalang sikolohikal. Kung talagang mahal ko ang anak ko at may pananagutan ako sa kanya, dapat ay tinuruan ko siya ayon sa kanyang mga interes at abilidad, ginagabayan siya nang tama sa halip na ipinapataw ang sarili kong mga pagnanais sa kanya. Sa pagninilay sa mga ikinilos ko, nakaramdam ako ng matinding pagsisisi, at napagtanto kong wala akong pagkatao. Hindi ko na puwedeng ipataw ang mga hindi angkop na inaasahang ito sa kanya.

Mula noon, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang responsabilidad na dapat kong tuparin bilang isang ina. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa pamamagitan ng paghimay sa diwa ng mga inaasahan ng mga magulang sa kanilang mga anak, makikita natin na ang mga inaasahang ito ay makasarili, na sumasalungat ang mga ito sa pagkatao, at na walang kinalaman ang mga ito sa mga responsabilidad ng mga magulang. Kapag ipinipilit ng mga magulang ang lahat ng uri ng inaasahan at hinihingi sa kanilang mga anak, naglalagay sila ng napakaraming karagdagang presyur sa mga ito—hindi ito pagtupad sa kanilang mga responsabilidad. Kung gayon, ano ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga magulang? Kahit papaano, dapat nilang turuan ang kanilang mga anak na maging matatapat na tao na nagsasalita ng totoo at gumagawa ng mga bagay sa matapat na paraan, at turuan ang mga ito na maging mabait at hindi gumawa ng masasamang bagay, ginagabayan ang mga ito sa isang positibong direksyon. Ang mga ito ang kanilang mga pinakapangunahing responsabilidad. Dagdag pa rito, dapat nilang gabayan ang kanilang mga anak sa pag-aaral ng praktikal na kaalaman at mga kasanayan, at iba pa, batay sa kakayahan at mga kondisyon ng mga ito. Kung nananampalataya sa Diyos at nauunawaan ng mga magulang ang katotohanan, dapat nilang idulot na ang kanilang mga anak ay magbasa ng mga salita ng Diyos at tumanggap sa katotohanan, upang makilala ng mga ito ang Lumikha, at maunawaan na ang mga tao ay nilikha ng Diyos at na umiiral ang Diyos sa sansinukob na ito; dapat nilang akayin ang kanilang mga anak sa pananalangin sa Diyos at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos upang makaunawa ang mga ito ng ilang katotohanan, upang paglaki ng mga ito ay magawa ng mga ito na manampalataya sa Diyos, sumunod sa Diyos, at gawin ang tungkulin ng isang nilikha sa halip na hangarin ang mga makamundong kalakaran, masilo sa iba’t ibang komplikadong ugnayan ng mga tao, at maakit, gawing tiwali, at mawasak ng iba’t ibang masasamang kalakaran ng mundong ito. Ang mga ito talaga ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga magulang. Ang mga responsabilidad na dapat nilang tuparin ay, sa kanilang papel bilang mga magulang, ang magbigay sa kanilang mga anak ng positibong gabay at angkop na tulong bago umabot ang mga ito sa hustong gulang, pati na rin ang maagap na pangangalaga sa pisikal na buhay ng mga ito hinggil sa mga pang-araw-araw na pangangailangan. Kung magkasakit ang kanilang mga anak, dapat silang ipagamot ng mga magulang kung kinakailangan; hindi nila dapat, dahil sa takot na maantala ang pag-aaral ng kanilang mga anak, pilitin silang pumasok sa paaralan at ipagwalang-bahala ang pagpapagamot. Kapag kailangang magpagaling ng kanilang mga anak, dapat pahintulutang magpagaling ang mga ito, at kapag kailangang magpahinga ng mga ito, dapat pahintulutang magpahinga ang mga ito. Ang pagtiyak sa kalusugan ng kanilang mga anak ay kinakailangan; kung mahuli sa pag-aaral ang mga anak, makakahanap ang mga magulang ng paraan para makabawi pagkatapos. Ang mga ito ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga magulang. Sa isang banda, dapat nilang tulungan ang kanilang mga anak na magtamo ng matatag na kaalaman; sa kabilang banda, dapat nilang gabayan at turuan ang kanilang mga anak upang matahak ng mga ito ang tamang landas, at tiyakin ang kalusugang pangkaisipan ng mga ito upang hindi maimpluwensiyahan ang mga ito ng hindi mabubuting kalakaran at ng masasamang gawain ng lipunan. Kasabay nito, dapat din nilang idulot na ang kanilang mga anak ay mag-ehersisyo nang angkop upang matiyak ang pisikal na kalusugan ng mga ito. Ang mga ito ang mga bagay na dapat gawin ng mga magulang, sa halip na sapilitang ipataw ang anumang hindi makatotohanang inaasahan o hinihingi sa kanilang mga anak. Dapat tuparin ng mga magulang ang kanilang mga responsabilidad pagdating sa mga bagay na kailangan ng kanilang mga anak para sa kanilang espiritu at sa mga bagay na kailangan sa pisikal na buhay ng mga ito. Dapat nilang sabihin sa mga ito ang ilang karaniwang kaalaman, tulad ng dapat kumain ang mga ito ng maligamgam na pagkain at hindi ng malalamig na pagkain, na kapag malamig ang panahon ay dapat silang magsuot ng makapal para maiwasan ang ginawin o sipunin, tinutulungan ang mga ito na matutong pangalagaan ang sariling kalusugan ng mga ito. Dagdag pa rito, kapag may lumitaw na ilang pang-bata at wala pa sa gulang na ideya tungkol sa kinabukasan ng mga ito, o ilang mapusok na kaisipan, sa mga murang isipan ng kanilang mga anak, dapat bigyan ang mga ito ng mga magulang ng tamang gabay sa sandaling matuklasan ito, itinatama ang mga pang-batang pantasya at mapusok na bagay na iyon upang makatahak ang kanilang mga anak sa tamang landas sa buhay. Ito ang pagtupad sa kanilang mga responsabilidad. Ang pagtupad sa kanilang mga responsabilidad ay nangangahulugan, sa isang banda, ng pangangalaga sa pamumuhay ng kanilang mga anak, at sa kabilang banda, ng paggabay at pagtatama sa mga kaisipan ng kanilang mga anak, at pagbibigay sa mga ito ng tamang gabay hinggil sa mga kaisipan at pananaw ng mga ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (18)). “Habang lumalaki ang kanilang mga anak, ang mga responsabilidad at obligasyon na dapat tuparin ng mga magulang ay ang hindi gipitin ang kanilang mga anak, gapusin ang mga ito, o pakialaman ang mga pagpapasya ng kanilang mga anak, sunod-sunod na dinadagdagan ang pasanin. Sa halip, habang lumalaki ang kanilang mga anak, anuman ang personalidad at kakayahan ng kanilang mga anak, ang responsabilidad ng mga magulang ay ang gabayan sila patungo sa isang positibo at kanais-nais na direksiyon. Kapag lumilitaw ang mga kakaiba at hindi wastong pananalita, pag-uugali, o pag-iisip sa kanilang mga anak, dapat magbigay sa tamang oras ang mga magulang ng espirituwal na payo at patnubay sa pag-uugali, at pagtutuwid. Tungkol naman sa kung handa bang mag-aral ang kanilang mga anak, gaano kahusay mag-aral ang mga ito, gaano ka-interesado sa pagkatuto ng kaalaman at mga kasanayan, at kung ano ang kayang gawin ng mga ito sa paglaki, ang mga bagay na ito ay dapat iayon sa kanilang mga likas na kaloob at kagustuhan, at sa direksiyon ng kanilang mga hilig, upang bigyang-daan sila na lumaki nang malusog, malaya, at matatag sa proseso ng kanilang pagpapalaki—ito ang responsabilidad na dapat tuparin ng mga magulang. Bukod pa rito, ito ang saloobin na dapat taglayin ng mga magulang sa paglaki, pag-aaral, at propesyon ng kanilang mga anak, sa halip na ipilit ang sarili nilang mga kahilingan, ambisyon, kagustuhan, at maging mga pagnanais sa kanilang mga anak para maisakatuparan ng mga ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (16)). Mula sa mga salita ng Diyos, natutuhan ko na ang responsabilidad ng isang magulang ay gabayan ang kanilang mga anak na matuto nang normal batay sa kanilang kakayahan at mga kalakasan, magbigay ng positibo at aktibong paggabay kapag may lumilitaw na mga problema sa kanilang paglaki, disiplinahin sila kapag may nagawa silang mali, at turuan silang kumilatis sa pagitan ng mga positibo at negatibong bagay. Tungkol naman sa magiging buhay ng bata sa hinaharap, kung anong klaseng tao sila paglaki o kung anong karera ang pupursigihin nila ay nasa ilalim lahat ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at dapat tanggapin ng mga magulang ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at magpasakop dito. Nang matiyak ko ang aking responsabilidad, alam ko na kung paano tuturuan ang aking anak. Kapag hindi abala ang anak ko sa eskuwela, nagbabasa kami ng mga salita ng Diyos at nakikinig ng mga himno nang magkasama. Kapag may mga problema siya sa kanyang pag-aaral, mahinahon ko siyang tinuturuan at sinasabi ring huwag siyang mapresyur. Sa hindi inaasahan, bahagyang tumaas ang mga marka ng anak ko. Kalaunan, nakita kong mahilig magpinta ang anak ko, kaya in-enroll ko siya sa isang painting class. Nagkaroon siya ng sariling mga libangan, at bumuti rin ang kalagayan ng kanyang pag-iisip. Nagkalapit din kami nang nagkalapit ng anak ko.

Isang araw pagkatapos ng eskuwela, pauwi galing sa pagsundo sa anak ko, may nakita akong isang nanay na sinisigawan ang kanyang anak na babae, pinupuna ito dahil sa mabababa nitong marka. Nanginginig sa takot ang batang babae. Sa sandaling iyon, tahimik na bumulong ang anak ko sa tainga ko, “Ma, salamat sa pagliligtas ng Diyos, hindi na ako nagdurusa. Dati ay ganyan ka rin kalupit sa akin, pero hindi ka na ganyan ngayon, at naging mabuting nanay ka na.” Nang marinig ko siyang sabihin ito, nakaramdam ako ng init sa puso ko, at halos maiyak ako. Napuno ng pasasalamat sa Diyos ang puso ko. Ang mga salita ng Diyos ang nagpatanto sa akin na ang tadhana ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos. Higit pa rito, ang mga salita ng Diyos ang nagpakita sa akin kung ano ang tunay na responsabilidad ng mga magulang sa kanilang mga anak. Hindi ko na pinilit ang anak ko na mag-aral, at ginawa ako nitong isang mabuting nanay sa kanyang paningin. Mahina akong bumulong sa anak ko, “Dapat tayong parehong magpasalamat sa Diyos sa Kanyang pagliligtas.”

Nag-aaral na ngayon ang anak ko sa isang nursing school, at kahit na minsan ay pinag-uusapan namin ang mga isyu sa pagtatrabaho sa hinaharap, payapa ang puso ko, at nananampalataya ako na ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos. Anuman ang maging sitwasyon sa pagtatrabaho ng anak ko, handa akong magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Ang pagbabagong ito at ang mga nakamit na ito ay dahil lahat sa gabay ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 82. Mga Pagninilay sa Ideyang “Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao”

Sumunod: 84. Matapos Magkasakit ang Asawa Ko

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito