82. Mga Pagninilay sa Ideyang “Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao”

Ni Cheng Zhi, Tsina

Noong bata pa ako, madalas kong nakikita ang tatay ko na tinutulungan ang ibang mga pamilya sa mga gampanin nila, at kahit sino pa ang lumapit sa kanya na may kailangan, lagi siyang pumapayag na tumulong. Minsan, kahit na abala siya sa mga usaping pampamilya, masyado siyang nahihiyang tumanggi sa iba, kaya kinalaunan ay naging gustong-gusto siya ng mga tao. Naisip ko, “Ang pag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan ay nagkakamit ng paghanga at pagsang-ayon. Gusto kong maging isang mabuting tao tulad ng tatay ko paglaki ko.” Paglaki ko, dahil mahilig akong magbutingting ng mga kagamitang de-kuryente, sa tuwing may sirang radyo, TV, o ilaw sa kapitbahay, lumalapit sa akin ang mga kapitbahay para humingi ng tulong, at hindi ko sila basta-basta tinatanggihan. Naisip ko na kapag humihingi ng tulong sa akin ang iba, ibig sabihin nito ay pinagkakatiwalaan at pinahahalagahan nila ako, at na hindi ko sila dapat biguin. Matapos matagpuan ang Diyos, nagsimula akong gumawa ng mga tungkulin sa iglesia. Dahil may kaunti akong alam sa mga kompyuter, kaya kong ayusin ang karamihan sa mga karaniwang problema, at saanman ako magpunta, hinihiling ng mga kapatid na tulungan ko sila sa mga isyu sa kompyuter. Pumapayag ako sa bawat pakiusap, sa pakiramdam na dahil lumapit sa akin ang mga kapatid, nagtitiwala sila sa akin, kaya kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko para tumulong at hindi sila biguin. Kalaunan, itinalaga akong gawin ang mga tungkulin ko sa ibang lugar, at paminsan-minsan kapag umuuwi ako, sinasabi sa akin ng asawa ko na may ilang kapatid na gustong tulungan ko silang kumpunihin ang mga kompyuter nila, sinasabing dahil mahusay ang mga kasanayan ko, hinihintay nila ang pagbabalik ko para ayusin ang mga iyon. Pagkarinig nito, mas lalo kong naramdaman na nagtitiwala sa akin ang mga kapatid, at kahit abala ako sa mga tungkulin, inuuna kong tulungan sila sa mga problema sa kompyuter.

Noong Marso 2024, bumalik ako sa aking bayang sinilangan para diligan ang mga baguhan. Pero dahil kasisimula ko pa lang magsanay, hindi ko pa alam kung paano lutasin ang ilang problema at paghihirap na kinakaharap nila, at kailangan kong mas magsangkap ng mga katotohanan tungkol sa mga pangitain. Alam ng mga kapatid na nakabalik na ako, kaya kapag nagkakaproblema ang mga kompyuter nila, lahat sila ay lumalapit sa akin para sa mga solusyon. Isang araw, habang sinisikap kong unawain ang mga isyu ng mga baguhan at nagsasangkap ng mga katotohanan sa sarili ko, naghahandang makipagbahaginan sa mga baguhan sa susunod na pagtitipon, isang brother ang lumapit sa akin na nagsasabing may problema ang kompyuter niya at kailangan niyang tulungan ko siyang ayusin ito. Medyo nabagabag ako, naisip ko, “Kailangang apurahang malutas ang mga problema ng mga baguhan, at kailangan ko pang magsangkap ng mga katotohanan sa aking sarili tungkol sa mga pangitain. Kapos sa oras, pero kung direkta akong tatanggi, hindi ba madidismaya nito ang brother? Papangit kaya ang tingin niya sa akin, sasabihing wala akong pagmamahal?” Kaya isinantabi ko ang aking mga tungkulin at sumama sa brother para asikasuhin ang isyu ng kompyuter niya, na inabot hanggang alas-onse o alas-dose ng gabi para tuluyang maayos. Bandang tanghali kinabukasan, nagmamadali siyang bumalik, sinasabing nagkakaproblema na naman ang kompyuter niya at hiniling niya sa akin na tingnan itong muli. Gusto ko sanang sabihin na wala akong oras at humanap na lang siya ng iba na mag-aayos nito, pero naipit ang mga salita sa lalamunan ko. Naisip ko, “Nagtitiwala siya sa akin na aayusin ang kompyuter. Paano ko siya hahayaang umalis na dismayado?” Kaya muli kong isinantabi ang aking mga tungkulin para kumpunihin ang kompyuter. Pagkatapos ng masusing pagsusuri at pagkukumpuni, nagamit na nang normal ang kompyuter. Masayang sinabi ng brother, “Panatag ang loob ko kapag nandito ka.” Natuwa ako nang husto nang marinig ko ito, at naramdaman kong mataas ang tingin sa akin ng mga kapatid at na isa akong taong mapagkakatiwalaan sa mga puso nila. Pero dahil tinulungan ko ang brother na kumpunihin ang kompyuter, hindi ako nakapagsangkap sa sarili ko ng mga katotohanan sa pangitain na dapat sana ay nagawa ko, hindi nalutas sa tamang oras ang mga problema ng mga baguhan, at bahagya akong nakonsensiya, naisip ko, “Kahit na natugunan ko ang mga pangangailangan ng brother, naantala ko naman ang sarili kong mga tungkulin. Naaayon ba sa mga layunin ng Diyos ang ginawa ko?” Sa isa pang pagkakataon, isang sister ang maagang-maagang pumunta sa bahay ko, sinasabing hindi makakonekta nang maayos sa internet ang kompyuter niya, at hiniling niyang tingnan ko ito. Sinabi rin niya na ngayong nakabalik na ako, mas madali nang humiling sa akin na ayusin ang kompyuter niya. Medyo nabagabag ako, naisip ko, “Nagsisiyasat ng gawain ang mga lider kamakailan, at nakita nilang may ilang hindi pa nalulutas na mga kuru-kuro at problema ang ilang baguhan na responsabilidad kong diligan. Hinihimok nila akong mabilis na sangkapan ang sarili ko ng mga katotohanan sa pangitain, at kailangang apurahang malutas ang mga isyu ng mga baguhan; saan ako kukuha ng oras para ayusin ang kompyuter ng sister? Isa pa, hindi naman apurahang kailangan ng sister ang kompyuter niya, at puwedeng ipasa ang isyung ito sa mga kapatid na dalubhasa sa pagkukumpuni ng kompyuter.” Gusto kong tanggihan ang sister, pero hindi ko magawang sabihin, iniisip na, “Masayang pumunta rito ang sister para hanapin ako. Kung tatanggi ako, hindi ba’t talagang madidismaya siya? Ano na lang ang iisipin niya sa akin kung ganoon?” Kaya, pumunta ako para tulungan siyang ayusin ang kompyuter niya, at inabot ito hanggang pagkalipas ng alas-diyes ng gabi bago tuluyang natapos ang pagkukumpuni. Dahil tinulungan ko ang sister sa kompyuter niya, wala akong naging oras para pagnilayan ang mga isyu ng mga baguhan, kaya hindi ganoon kaganda ang naging mga resulta ng pagtitipon. Sa ganitong paraan, sa tuwing lumalapit sa akin ang mga kapatid para humingi ng tulong, lagi kong isinasantabi ang pangunahin kong gawain para kumpunihin ang mga kompyuter nila. Kahit alam kong lubha nitong naaantala ang sarili kong mga tungkulin, sa tuwing lumalapit sila sa akin, lagi akong hiyang-hiya na tumanggi.

Nagbukas ako ng damdamin at nakipagbahaginan sa asawa ko tungkol sa kalagayan ko, at ipinanood niya sa akin ang isang video ng patotoong batay sa karanasan. Dito, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang ‘Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao’ ay ikinikintal ng pamilya o lipunan sa bawat tao bilang isa sa mga anyo ng wastong asal na dapat taglayin ng mga tao sa kung paano sila umaasal. Kung taglay mo ang wastong asal na ito, sinasabi ng mga tao na ikaw ay marangal, kagalang-galang, may integridad, at na ginagalang at tinitingala ka ng lipunan. Dahil ang pariralang ‘Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao’ ay nagmumula sa mga tao at kay Satanas, ito ay nagiging bagay na ating hinihimay at kinikilatis, at lalo pa ay nagiging bagay na ating tinatalikdan. Bakit natin kinikilatis at tinatalikdan ang pariralang ito? Suriin muna natin kung tama ba ang pariralang ito at kung tama ba ang isang taong sumusunod dito. Talaga bang marangal na maging isang taong tinataglay ang moralidad na ‘gawin nila ang lahat ng makakaya nila para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa kanila ng ibang tao’? Taglay ba ng gayong tao ang katotohanang realidad? Taglay ba niya ang pagkatao na dapat taglayin ng mga nilikha at ang mga prinsipyo ng sariling pag-asal na dapat nilang sundin na sinasabi ng Diyos? Nauunawaan ba ninyong lahat ang pariralang ‘Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao’? Ipaliwanag muna ninyo sa sarili ninyong mga salita kung ano ang ibig sabihin ng pariralang ito. (Nangangahulugan ito na kapag ipinagkatiwala sa iyo ng isang tao ang isang gampanin, dapat ay ibuhos mo ang buong lakas mo para magawa iyon.) Ganito ba dapat? Ang kahulugan ng pariralang ‘Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao’ ay na kung ipinagkatiwala sa iyo ng isang tao ang isang gampanin, nangangahulugan itong mataas ang tingin niya sa iyo, may tiwala siya sa iyo, at iniisip niyang mapagkakatiwalaan ka, at sa gayon, anuman ang ipagawa sa iyo ng taong iyon, dapat kang pumayag, at gawin ito nang mahusay at naaangkop ayon sa kanilang mga hinihingi, at pasayahin at paluguran sila—kung gayon, isa kang mabuting tao. Ang implikasyon nito ay na ang pamantayan ng pagtutukoy kung isa ka bang mabuting tao ay kung masisiyahan ang taong nagkatiwala sa iyo ng isang gampanin. Maipapaliwanag ba ito sa ganitong paraan? (Oo.) Kung gayon, hindi ba’t madaling maituring na mabuting tao sa paningin ng iba at kilalanin ng lipunan? (Oo.) Ano ang ibig sabihin ng ‘madali’ ito? Ang ibig nitong sabihin ay na napakababa ng pamantayan at talagang hindi marangal(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (14)). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, naisip ko kung paano ako naimpluwensiyahan ng tatay ko mula pagkabata. Nakita ko na kapag lumalapit ang mga kanayon sa tatay ko para humingi ng tulong, mas gugustuhin pa niyang isantabi ang mga bagay-bagay sa sarili niyang pamilya para wastong pangasiwaan ang mga suliranin ng iba, na sa huli ay kumuha ng tiwala ng mga nasa paligid niya. Kaya, naisip ko na ang pag-asal ayon sa ideyang “Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao” ang dahilan kung bakit nagiging mapagkakatiwalaan at mabuti ang isang tao. Dahil mahilig akong magbutingting ng mga kagamitang de-kuryente, sa tuwing nasisira ang mga ilaw, radyo, TV, o iba pang kagamitan ng sinuman, kung lalapit sila sa akin, lagi kong gagawin ang lahat ng makakaya ko para tumulong na makumpuni ang mga bagay na ito. Naniwala ako na ito ang tanging paraan para mapanindigan ko ang tiwala ng iba sa akin. Sa tuwing inaayos ko ang mga gamit ng ibang tao at naririnig ang kanilang papuri at pasasalamat, masayang-masaya ako, at pakiramdam ko na sa puso nila ay isa akong mapagkakatiwalaan at mabuting tao. Pagkatapos manampalataya sa Diyos, namuhay pa rin ako ayon sa pananaw na ito. Nagdidilig ako ng mga baguhan, at dahil kasisimula ko pa lang magsanay, marami akong kakulangan at hindi ako makapagbahagi nang malinaw tungkol sa ilang katotohanan, kaya kailangan kong mas masangkapan ng katotohanan pagdating sa mga pangitain, dahil sa gayon ko lang magagawa nang maayos ang tungkulin ko. Gayumpaman, hindi ako nagbuhos ng pagsisikap sa pangunahin kong gawain. Kapag lumalapit sa akin ang mga kapatid para humingi ng tulong sa mga problema sa kompyuter, para hindi sila madismaya at mapanatili ang maganda kong imahen sa kanila, dagli kong isinasantabi ang mga tungkulin ko para tulungan sila sa mga isyu sa kompyuter. Bilang resulta, hindi ako naghanap o nagsangkap sa sarili ko ng mga katotohanang nauugnay sa mga problema ng mga baguhan, at hindi nagtamo ng magagandang resulta ang mga pagtitipon. Nakontrol ako ng pananaw na “Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao,” laging isinasaalang-alang kung ano ang iisipin ng mga kapatid sa akin, at mas pinahahalagahan ang mga ipinagkatiwala ng mga tao sa akin kaysa sa sarili kong tungkulin. Nabibigo kong tuparin ang sarili kong tungkulin. Paano ko matatawag ang sarili ko na isang mabuting tao?

Kalaunan ay pinagnilayan ko, “Bakit mas gusto ko pang mahadlangan ang tungkulin ko kaysa tanggihan ang mga hiling ng ibang tao? Anong klaseng problema ito?” Pagkatapos ay nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sinasabi ng ilang tao, ‘Sa mga “gumagawa ng lahat ng makakaya nila para matapat nilang pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa kanila ng ibang tao,” marami ding hindi naghahangad na makinabang sa ibang tao. Nilalayon lang nilang gawin ang lahat ng kanilang makakaya para maayos na pangasiwaan ang mga bagay-bagay, tinataglay talaga ng mga taong ito ang wastong asal na ito.’ Hindi tumpak ang pahayag na ito. Kahit pa hindi sila naghahangad ng kayamanan, mga materyal na pag-aari, o anumang uri ng pakinabang, naghahangad sila ng kabantugan. Ano ba itong ‘kabantugan’? Ang ibig sabihin nito, ‘Tinanggap ko ang gampaning ipinagkatiwala sa akin ng taong iyon. Naroroon man o wala ang taong iyon, hangga’t ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para gawin ito nang maayos at tapat na pinapangasiwaan kung ano ang kanyang ipinagkatiwala sa akin, magkakaroon ako ng magandang reputasyon. Kahit papaano ay malalaman ng ilang tao na isa akong mabuting tao, isang taong may mabuting karakter, at isang taong karapat-dapat na tularan. Maaari akong magkaroon ng puwang sa mga tao at mag-iwan ng magandang reputasyon sa isang grupo ng mga tao. Sulit iyan!’ Sinasabi ng ilang tao, ‘“Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao,” at dahil pinagkatiwalaan tayo ng mga tao, naroon man sila o wala, dapat nating pangasiwaan nang maayos ang mga pinagagawa nila at gawin ito hanggang sa matapos. Kahit pa hindi tayo makapag-iwan ng marka sa kasaysayan, kahit papaano ay hindi nila tayo mapipintasan kapag nakatalikod tayo sa pamamagitan ng pagsasabing wala tayong kredibilidad. Hindi natin maaaring hayaan ang mga susunod na henerasyon na makaranas ng diskriminasyon at magdusa ng ganitong uri ng kasuklam-suklam na kawalang katarungan.’ Ano ang hinahanap nila? Naghahanap pa rin sila ng kabantugan. Labis na pinahahalagahan ng ilang tao ang kayamanan at mga pag-aari, samantalang ang iba naman ay pinahahalagahan ang kasikatan at pakinabang. Ano ang ibig sabihin ng ‘kasikatan’? Ano ang mga partikular na pagpapahayag ng ‘kasikatan’ sa mga tao? Ito ay ang matawag na mabuting tao at isang taong may mataas na moralidad, isang huwaran, isang taong matuwid, o isang banal. Mayroon pa ngang ilang tao na, dahil sa isang bagay ay nagtagumpay sila na ‘gawin ang lahat ng makakaya nila para matapat nilang pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa kanila ng ibang tao’ at mayroon silang ganitong uri ng mabuting karakter, ay walang-katapusan silang pinupuri, at nakikinabang sa kanilang kabantugan ang kanilang mga inapo. Kita mo, higit itong may halaga kaysa sa maliliit na pakinabang na nakukuha nila sa kasalukuyan. Kaya, ang panimulang punto para sa sinumang sumusunod sa diumano’y pamantayan ng moralidad na ‘gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao’ ay hindi ganoon kasimple. Hindi lamang nila hinahangad na tuparin ang kanilang mga obligasyon at responsabilidad bilang mga indibidwal, sa halip ay sinusunod nila ito para sa personal na pakinabang o reputasyon, para sa buhay na ito o para sa susunod na buhay. Siyempre, mayroon ding mga taong nagnanais na maiwasang mapintasan kapag nakatalikod sila o na maiwasang magkaroon ng masamang reputasyon. Sa madaling salita, ang panimulang punto para gawin ng mga tao ang ganitong bagay ay hindi simple, hindi talaga ito panimulang punto mula sa perspektiba ng pagkatao, o panimulang punto mula sa responsabilidad sa lipunan ng sangkatauhan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (14)). “Sa anumang pamayanan o grupo sa lipunan, gusto ng mga tao na ituring sila ng iba bilang mayroong mabuting karakter, na isang mabuting tao, isang taong maaasahan, mapagkakatiwalaan, at isang taong karapat-dapat na pagkatiwalaan ng mga gawain. Gusto nilang lahat na magkaroon ng ganoong imahe na nirerespeto at napapaniwala ang iba na mararangal silang indibidwal na gawa sa laman at dugo, na may mga emosyon at may katapatan, at na hindi sila walang puso o dayuhan. Kung gusto mong maging bahagi ng lipunan at matanggap at masang-ayunan nila, kailangan mo munang mahimok silang kilalanin ka bilang isang taong may mabuting karakter, isang tao na may integridad at kredibilidad. Kaya, anuman ang hilingin nila sa iyo, sinusubukan mo ang lahat ng makakaya mo para mapalugod sila, mapasaya sila, at pagkatapos ay matamo mo ang papuri sa pagsasabi nila na isa kang mapagkakatiwalaang tao na may mabuting karakter, at na handa ang mga taong makihalubilo sa iyo. Sa ganitong paraan, nararamdaman mong mahalaga ang iyong presensya. Kung masasang-ayunan ka ng lipunan, ng masa, at ng iyong mga katrabaho at kaibigan, magiging malusog at kasiya-siya ang iyong buhay(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (14)). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang ugat ng problema. Kapag nagagawa ng mga tao na “matapat na pangasiwaan ang mga gawain ng iba,” hindi ito dahil sa gusto nilang tuparin ang kanilang mga responsabilidad, kundi dahil gusto nilang magkamit ng magandang reputasyon. Sa pagninilay sa sarili ko, nakita kong naimpluwensiyahan ako ng tatay ko mula pa sa pagkabata. Sa tuwing nasisira ang mga kagamitan ng sinuman at humihingi sila ng tulong sa akin, lagi akong pumapayag. Ginawa ko ang lahat ng ito para magkaroon ako ng magandang reputasyon sa nayon, at para purihin ako ng iba. Nang magsimula na akong gumawa ng aking tungkulin, sa tuwing lumalapit sa akin ang mga kapatid na may mga problema sa kompyuter, hindi ko maramdamang puwede akong tumanggi, gaano man ako kaabala sa aking tungkulin. Lalo na kapag sinasabi ng mga kapatid na mahusay ang mga kasanayan ko sa pagkukumpuni, talagang nasisiyahan ako, iniisip na ito ay ang pagtitiwala nila sa akin. Upang mapanatili ang isang magandang imahen sa puso ng mga kapatid, kahit na alam na alam kong hindi pa nalulutas ang mga problema ng mga baguhan at na kailangan ko pang mas masangkapan ang sarili ko dahil hindi pa malinaw sa akin ang katotohanan pagdating sa mga pangitain, kapag lumalapit sa akin ang mga kapatid para magpatulong sa kompyuter, kahit na gusto kong tumanggi, hindi ko lang talaga masabi ang mga salita dahil natatakot akong madismaya sila, na isipin nilang wala akong pakialam, at magkaroon sila ng masamang impresyon sa akin. Sa realidad, kung apurahan nilang kailangan ang kanilang mga kompyuter, ayos lang na paminsan-minsan akong tumulong na lutasin ang mga problema nila, pero hindi naman apurahang kailangan ng iba ang kanilang mga kompyuter at puwede sanang ibigay ang mga iyon sa mga kapatid na gumagawa ng tungkulin sa pagkukumpuni ng kompyuter. Pero dahil ayaw ko silang madismaya, lagi akong pumapayag, makaaapekto man ito o hindi sa aking tungkulin, at bilang resulta, naabala ang aking mga tungkulin. Pinahalagahan ko nang husto ang sarili kong kasikatan at pakinabang, at mas pinili kong maantala ang aking tungkulin para lang mapanatili ang isang magandang imahen sa puso ng iba, at ipaisip sa iba na ako ay isang mapagkakatiwalaan at mapagmahal na mabuting tao. Talagang napakamakasarili at napakakasuklam-suklam ko! Ang tungkulin ay isang atas na ibinigay sa mga tao mula sa Diyos. Ito ang responsabilidad na dapat isakatuparan ng isang nilikha higit sa lahat, pero itinuring ko ang mga bagay na ipinagkatiwala sa akin ng mga tao bilang mas mahalaga kaysa sa aking tungkulin. Gaano man kahirap o kaubos-oras gawin ang mga bagay na ipinagkatiwala sa akin ng iba, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para gawin nang maayos ang mga iyon, hindi iniisip kung paano gagawin ang sarili kong tungkulin sa paraang makapagpapalugod sa Diyos. Napanatili ko ang isang magandang imahen sa puso ng mga tao, pero sa mga mata ng Diyos, naging isang tao ako na hindi siniseryoso ang kanyang tungkulin, na ginagawa ito nang walang katapatan o pagkamapagkakatiwalaan. Talagang pinagbabali-baligtad ko ang aking mga priyoridad at inuuna ko ang dapat ihuli! Biniyayaan ako ng Diyos ng pagkakataong diligan ang mga baguhan, umaasang hahanapin ko ang katotohanan para lutasin ang kanilang iba’t ibang kuru-kuro at problema, binibigyang-daan silang makilala ang gawain ng Diyos at maagang makapag-ugat sa tunay na daan. Dapat sana ay isinaalang-alang ko ang mga layunin ng Diyos, at tinupad nang maayos ang aking mga tungkulin anuman ang sitwasyon.

Kalaunan ay pinagnilayan kong muli, “Paano ko ba dapat itrato ang mga bagay na ipinagkatiwala sa akin ng iba?” Sa aking paghahanap, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kung ang gampaning ipinagkatiwala sa iyo ay hindi masyadong kumokonsumo ng iyong oras at enerhiya, at nasa saklaw ito ng iyong kakayahan, o kung mayroon kang tamang kapaligiran at mga kondisyon, kung gayon, para sa konsensiya at katwiran ng tao, maaari kang gumawa ng ilang bagay para sa iba sa abot ng iyong makakaya at maaari mong tugunan ang kanilang mga makatwiran at naaangkop na hinihingi. Subalit, kung ang gampaning ipinagkatiwala sa iyo ay nangangailangan ng marami mong oras at enerhiya, at masyadong kumakain ng iyong oras, hanggang sa puntong dahil dito ay isinasakripisyo mo na ang iyong buhay, at ang iyong mga responsabilidad at obligasyon sa buhay na ito at ang iyong mga tungkulin bilang nilikha ay mawawala na at mapapalitan, ano ang gagawin mo? Dapat kang tumanggi dahil hindi mo ito responsabilidad o obligasyon. Pagdating naman sa mga responsabilidad at obligasyon sa buhay ng isang tao, maliban sa pag-aalaga sa mga magulang at pagpapalaki ng mga anak, at pagtupad sa mga responsabilidad sa lipunan at sa ilalim ng batas, ang pinakamahalagang bagay ay na dapat igugol ang enerhiya at oras, at buhay ng isang tao sa paggawa sa tungkulin ng isang nilikha, sa halip na pagkatiwalaan ng sinuman ng isang gampanin, na kumokonsumo ng kanyang oras at enerhiya. Ito ay dahil nililikha ng Diyos ang isang tao, binibigyan siya ng buhay, at dinadala siya sa mundong ito, at hindi ito para gumawa sila ng mga bagay at tumupad ng mga responsabilidad para sa iba. Ang pinakadapat tanggapin ng mga tao ay ang atas ng Diyos. Tanging ang atas ng Diyos ang tunay na atas, at ang pagtanggap sa ipinagkatiwalang gampanin ng tao ay hindi pag-aasikaso sa nauukol nilang mga tungkulin. Walang sinumang kwalipikadong humingi sa iyo na igugol mo ang iyong katapatan, enerhiya, oras, o maging ang iyong kabataan at buong buhay para sa gawaing ipinagkakatiwala nila sa iyo. Ang Diyos lamang ang kalipikadong humingi sa mga tao na gawin nila ang kanilang tungkulin bilang mga nilikha. Bakit ganoon? Kung ang anumang gawaing ipinagkatiwala sa iyo ay nangangailangan ng maraming oras at enerhiya mo, hahadlangan ka nito sa paggawa ng iyong tungkulin bilang isang nilikha at maging sa pagtahak sa tamang landas sa buhay. Babaguhin nito ang direksiyon at mga mithiin mo sa buhay. Hindi ito isang mabuting bagay, isa itong hindi kanais-nais na bunga(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (14)). Itinuro sa akin ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa. Sa buhay na ito, ang bagay na dapat nating tanggapin higit sa lahat ay ang atas ng Diyos, na dapat nating tapusin nang buong puso at isipan. Pagdating naman sa mga bagay na ipinagkatiwala sa atin ng iba, dapat nating isaalang-alang kung kakain ba ang mga ito ng masyadong maraming oras, at kung makahahadlang ba ang mga ito sa pangunahin nating tungkulin. Kung hindi naman mauubos ng mga ito ang oras natin at hindi tayo masyadong abala sa ating tungkulin, batay sa konsensiya at katwiran ng tao, puwede tayong tumulong na lutasin ang mga iyon. Gayumpaman, kung makaaapekto sa pangunahin nating tungkulin ang pagtulong sa iba, dapat tayong tumanggi, at hindi dapat maigapos ng tradisyonal na ideyang kultural na “Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao.” Pero noon, wala akong anumang prinsipyo sa kung paano ko tratuhin ang ipinagkatiwala ng iba sa akin. Sinuman ang humingi ng tulong sa akin, hindi ko sila tinatanggihan, at bilang resulta ay naharangan ang sarili kong tungkulin. Kahit na walang masama sa pagtulong sa mga kapatid na kumpunihin ang mga kompyuter, kung uubos ito ng maraming oras at maaantala ang tungkulin ko, dapat akong tumanggi at ipaliwanag ang sitwasyon sa mga kapatid; maiintindihan nila iyon. Hindi ko dapat laging isaalang-alang kung ano ang tingin ng iba sa akin, sa halip ay dapat akong magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos at sa mga prinsipyo.

Isang gabi, may dalawang brother na pumunta sa bahay ko, sinasabing may isang bagong kompyuter na ayaw bumukas, at kailangan nila ako para tingnan ito. Nabagabag ako, iniisip na, “Mayroon pa akong apurahang gawain na hindi pa tapos, at kung papayag akong tumulong sa pag-aayos ng kompyuter nila, siguradong maaantala ako nang malaki, pero kung direkta akong tatanggi, ano ang iisipin nila sa akin? Dumating silang masaya, pero uuwi silang dismayado. Hindi ba’t mag-iiwan ako ng masamang impresyon sa kanila?” Napagtanto kong isinasaalang-alang ko na naman ang aking katayuan at imahen sa puso ng iba, kaya tahimik akong nanalangin sa Diyos sa puso ko, hinihiling sa Kanya na gabayan akong magsagawa ayon sa mga prinsipyo at unahin ang aking tungkulin. Naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko: “Kung ang gampaning ipinagkatiwala sa iyo ay hindi masyadong kumokonsumo ng iyong oras at enerhiya, at nasa saklaw ito ng iyong kakayahan, o kung mayroon kang tamang kapaligiran at mga kondisyon, kung gayon, para sa konsensiya at katwiran ng tao, maaari kang gumawa ng ilang bagay para sa iba sa abot ng iyong makakaya at maaari mong tugunan ang kanilang mga makatwiran at naaangkop na hinihingi. Subalit, kung ang gampaning ipinagkatiwala sa iyo ay nangangailangan ng marami mong oras at enerhiya, at masyadong kumakain ng iyong oras, hanggang sa puntong dahil dito ay isinasakripisyo mo na ang iyong buhay, at ang iyong mga responsabilidad at obligasyon sa buhay na ito at ang iyong mga tungkulin bilang nilikha ay mawawala na at mapapalitan, ano ang gagawin mo? Dapat kang tumanggi dahil hindi mo ito responsabilidad o obligasyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (14)). Sa gabay ng mga salita ng Diyos, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa. Kailangan ko munang tingnan kung ano ang problema ng kompyuter, at kung hindi ito uubos ng maraming oras at simpleng bagay lang, tutulong akong ayusin ito. Pero kung malaking isyu ito na matagal bago maayos, sasabihan ko silang pumunta sa mga kapatid na nagkukumpuni ng mga kompyuter. Kaya binuksan ko ang kompyuter para tingnan ang isyu, at nakita kong may problema ang sistema. Hindi ito isang bagay na maaayos agad, kaya sinabi ko sa mga brother na abala ako sa tungkulin ko at wala akong oras na ayusin ito, at pinapunta ko sila sa ibang mga kapatid para humingi ng tulong. Pumayag sila pagkarinig nito. Nang magsagawa ako ayon sa mga salita ng Diyos, hindi nagkaroon ng anumang negatibong pagtingin sa akin ang mga kapatid gaya ng inakala ko, at hiyang-hiya ako.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, nagkaroon ako ng pagkilatis tungkol sa tradisyonal na ideyang kultural na “Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao,” at naunawaan ko rin na hindi nagpapatunay ng pagiging isang mabuting tao ang basta paggawa lang nang maayos sa ipinagkatiwala ng mga tao. Tanging sa pagtupad sa tungkulin nang buong puso at lakas para mapalugod ang Diyos ang nagpapatunay na ang isang tao ay tunay na mabuting tao. Hindi ko na rin inaantala ang aking tungkulin dahil lang sa hindi ko mabitiwan ang pagnanais na hindi mapahiya at pagkatapos ay mapilitang laging pumayag sa gusto ng iba. Ang pagbabago at pagkaunawang ito ay naging resulta ng gabay ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 81. Ang Aral na Natutuhan Ko Nang Paalisin ang mga Kapamilya Ko

Sumunod: 83. Tunay na Pag-ibig Ba ang Pagmamahal Ko sa Aking Anak na Babae?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito