67. Napakahalaga ng mga Tamang Layunin sa Paggawa ng Tungkulin

Ni Zheng Jie, Tsina

Noong Setyembre 2023, isinaayos ng iglesia na magtuwang kami ni Li Yang para pamahalaan ang gawain ng pagdidilig. Dahil pareho kaming kasisimula pa lang na gumawa ng tungkuling ito at hindi pamilyar sa gawain, hiniling ng mga lider kay Chen Lun na pansamantala kaming tulungan. Ipinakilala sa amin ni Chen Lu ang gawain, sinasabi sa amin na kailangan naming maunawaan ang sitwasyon ng mga tagadilig sa bawat iglesia, madalas na subaybayan ang progreso ng gawain ng pagdidilig, lutasin ang mga paghihirap at problema ng mga tagadilig at mga baguhan, pagtuunan ang pagdidilig at paglilinang sa mga baguhan na may magandang kakayahan, at agad na suportahan at tulungan ang mga baguhan na hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon. Hindi lang iyon, kailangan din naming sangkapan ang aming sarili ng mga katotohanan tungkol sa mga pangitain para mapabuti ang mga resulta ng gawain ng pagdidilig. Pagkarinig ko niyon, naisip ko, “Napakaraming gampanin ang kailangang matutunang mabuti, at kailangan pa naming subaybayan ang mga ito nang detalyado. Siguradong gugugol ito ng maraming oras at matrabaho.” Naramdaman ako ng presyur sa puso ko. Gayumpaman, naisip ko kung paanong isinaayos ng iglesia para gumawa ako ng gayon kahalagang tungkulin. Biyaya at pagtataas ito ng Diyos, kaya hindi ko Siya puwedeng biguin. Kailangan kong sumandig sa Diyos sa paggawa ng gawaing ito.

Dahil hindi ako pamilyar sa gawain ng pagdidilig ng iglesia, at kailangan kong maunawaan ang bawat aspekto ng gawain nang detalyado, kung minsan ay nagpupuyat ako, pero ibinibigay ko pa rin ang lahat ko. Kalaunan, napagtanto ko na ang paggawa nang maayos sa tungkuling ito ay nangangailangan ng maraming oras at pagsisikap. Halimbawa, ang mga bagay tulad ng anumang problema o paghihirap na mayroon ang mga baguhan, kung ang mga baguhan ba na hindi regular na nagtitipon ay agad sinusuportahan, kung ano ang kakayahan at pagkaunawa ng mga baguhan, at kung paanong kailangang subaybayan at maunawaang lahat nang detalyado kung paano umuusad ang paglilinang sa mga baguhan. Para magawa nang maayos ang mga gampaning ito, walang tigil kaming nagtrabaho ni Li Yang sa loob ng ilang araw mula takip-silim hanggang bukang-liwayway. Nakaramdam ng pagkalito at bigat ang ulo ko, kaya naramdaman ko sa puso ko na medyo lumalaban ako. Naramdaman kong hindi lang nakakapagod sa isip kundi nakakapagod din sa katawan ang paggawa ng tungkuling ito, at talagang hindi madaling gampanan nang maayos ang tungkuling ito! Naisip ko kung paanong dati ay nagdidilig lang ako ng mga tao sa iglesia, at hindi ako responsable sa gawain. Hindi ako masyadong nag-aalala, at mayroon pa rin akong sarili kong libreng oras; medyo mas magaan ito. Ngayon, gayumpaman, responsable ako sa gawain ng pagdidilig sa napakaraming iglesia, at mas nakakapag-alala at mas nakapapagod ito kaysa dati. Habang mas iniisip ko ito, naramdaman kong mas lalo akong napipigilan. Ayoko nang gawin ang tungkuling ito, at gusto kong bumalik sa pagiging isang tagadilig. Nagsimula akong mag-isip na magbitiw. Nagkalkula ako sa isip ko, “Hindi ko pa napakatagal na ginagawa ang tungkuling ito. Kapag nagbitiw ako, masasabi kong mahina ang kakayahan ko at hindi ko kayang gawin ang gawain. Dahil hindi pa ako gumagawa ng maraming gawain, mas madaling ipasa ito kapag nagbitiw ako. Kung gagawin ko ang lahat ng gawain, magiging mas mahirap para sa akin na ipasa ang aking pagbibitiw.” Samakatwid, tumigil ako sa pagiging masigasig sa paggawa ng tungkulin ko gaya ng dati. Naging mabagal ako sa pagsubaybay sa progreso ng pagdidilig sa mga baguhan, at sinadya kong magpatumpik-tumpik at patagalin ang mga bagay-bagay para isipin ng mga lider na hindi ako mahusay magtrabaho at hindi ako karapat-dapat sa tungkulin. Sa ganoong paraan, papayag sila sa pagbibitiw ko kapag isinumite ko na ito. Noong panahong iyon, sinusubaybayan din ni Chen Lu ang gawain sa ilang iba pang iglesia, kaya kailangan naming pareho ni Li Yang na mabilis na sanayin ang sarili namin sa sitwasyon para akuin ang mga responsabilidad na hinahawakan ni Chen Lu. Pero, nang ikuwento sa amin ni Chen Lu ang sitwasyon sa mga iglesiang ito, natakot ako na kapag naunawaan ko na ang sitwasyon at naipasa na sa akin ang responsabilidad para sa gawain, mas mahihirapan na akong magbitiw. Kaya, ginamit kong dahilan ang pagiging abala para hindi sanayin ang sarili ko ang gawain. Kung minsan, nakakaramdam ako ng kaunting paninisi sa sarili, at naiisip ko, “Dapat kong akuin ang mga gampaning ito sa lalong madaling panahon. Hindi ako nagmadaling akuin ang gawain dahil gusto kong makaiwas sa pagdurusa at pagod. Hindi ito pagprotekta sa gawain ng iglesia!” Pero, naisip ko, “Kung sasanayin ko ang sarili ko sa mga gampaning ito, hindi na ako makakaalis at magdurusa ang laman ko. Gayumpaman, kung hindi ko aakuin ang gawain, gagawin ito ni Li Yang. Bukod dito, ginagawa pa rin ito ni Chen Lu nang part-time, kaya hindi naman maiiwan ang mga gampaning ito nang walang gagawa ng mga ito.” Nang maisip ko ito, hindi na ako nakaramdam ng paninisi sa sarili. Kalaunan, ayoko nang makisali kapag nag-uusap sina Li Yang at Chen Lu tungkol sa gawain. Para lang akong tagalabas. Kahit alam kong naaapektuhan ang gawain ng pagdidilig, hindi ko sinubukang mag-isip ng mga paraan para lutasin ito; ang iniisip ko lang ay kung paano makaalis sa lalong madaling panahon. Dahil hindi ko pa rin naaarok ang sitwasyon sa mga iglesiang iyon, lahat ng gawain ay naatang kay Li Yang. Hindi kayang asikasuhin ni Li Yang ang lahat nang mag-isa, at buong araw siyang nagbubuntong-hininga dahil sa matinding presyur na nararanasan niya. Nang makita ko lang na nasa masamang kalagayan si Li Yang na naramdaman kong hindi ako komportable. Naisip ko, “May kinalaman sa akin ang masamang kalagayan ni Li Yang. Kung nagawa ko lang sanang umako ng pasanin at nagkamit ng kaunting pagpapahalaga sa responsabilidad, hindi sana siya naging ganoon kaabala nang mag-isa, at bumuti sana ang mga resulta ng gawain. Ngayon, hindi maganda ang mga resulta ng gawain ng pagdidilig, at parami nang parami ang mga baguhan na hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon. Ang mga baguhang may kakayahan ay hindi nadidiligan at nalilinang sa napapanahong paraan, at napipinsala ang kanilang buhay pagpasok. Lahat ng ito ay kasamaang ginawa ko!”

Pagkatapos, sinimulan kong pagnilayan ang aking sarili: Bakit masyado akong lumalaban sa paggawa ng tungkuling ito? Naisip ko ang mga salita ng Diyos na naglalantad kung paanong sa paggawa ng tungkulin, palaging pinipili ng mga tao ang magaang gawain at umiiwas sa paghihirap, at hinanap ko ang mga iyon para basahin. Sabi ng Diyos: “Kapag gumagawa ng isang tungkulin, palaging pinipili ng mga tao ang magaan na gawain, ang gawaing hindi nakakapagod, at na hindi nila kailangang suungin ang panahon sa labas. Pagpili ito sa madadaling trabaho at pag-iwas sa mahihirap ang tawag dito, at pagpapamalas ito ng pag-iimbot sa mga kaginhawahan ng laman. Ano pa? (Palaging pagrereklamo kapag ang kanilang tungkulin ay medyo mahirap, medyo nakakapagod, kapag may kaakibat itong pagbabayad ng halaga.) (Pagkahumaling sa pagkain at pananamit, at sa mga kasiyahan ng laman.) Mga pagpapamalas lahat ito ng pag-iimbot sa mga kaginhawahan ng laman. Kapag nakikita ng gayong tao na masyadong matrabaho o delikado ang isang gampanin, ipinapasa niya ito sa iba; magaan na gawain lang ang mismong ginagawa niya, at nagdadahilan siya, sinasabing mahina ang kakayahan niya at na wala siyang kapabilidad sa gawain, at hindi niya kayang pasanin ang gampaning ito—pero ang totoo, ito ay dahil nag-iimbot siya ng mga kaginhawahan ng laman. … Gaano man kaabala ang gawain ng iglesia o gaano man sila kaabala sa kanilang mga tungkulin, ang karaniwang gawain at normal na kondisyon ng kanilang buhay ay hindi nagagambala kailanman. Kailanman ay hindi sila pabaya sa anumang maliliit na detalye ng buhay ng laman at lubos nilang nakokontrol ang mga iyon, nang napakahigpit at napakaseryoso. Pero, kapag hinaharap ang gawain ng sambahayan ng Diyos, gaano man kalaki ang usapin at kahit sangkot dito ang kaligtasan ng mga kapatid, pabaya sila sa pagharap dito. Ni wala silang pakialam sa mga bagay na iyon na kinasasangkutan ng atas ng Diyos o ng tungkuling dapat nilang gawin. Wala silang inaakong pananagutan. Ito ay pagpapakasasa sa mga kaginhawahan ng laman, hindi ba? Angkop bang gumawa ng tungkulin ang mga taong nagpapakasasa sa mga kaginhawahan ng laman? Sa sandaling banggitin ng isang tao ang paksa ng paggawa sa kanyang tungkulin, o talakayin ang tungkol sa pagbabayad ng halaga at pagdanas ng paghihirap, iling nang iling ang ulo nila. Masyado silang maraming problema, ang dami nilang mga reklamo, at puno sila ng pagkanegatibo. Walang silbi ang gayong mga tao, hindi sila kalipikadong gumawa ng kanilang tungkulin, at dapat silang itiwalag(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (2)). Nang mabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos, napuno ako ng paninisi sa sarili. Ang inilantad ng Diyos ay ang eksaktong kalagayan ko. Sa paggawa ng tungkulin ko, palagi akong pumipili ng magaang gawain, at sa sandaling maging mahirap ang gawain, gusto ko itong ipasa sa iba habang ako ay gumagawa ng madaling gawain. Nakahanap pa nga ako ng mga dahilan, sinasabing mahina ang kakayahan ko, pero ang katunayan ay gusto ko lang magpasasa sa kaginhawahan. Ang mga ganitong tao ay walang pagpapasakop o takot sa Diyos, at maaaring talikuran ang kanilang tungkulin anumang oras para lang magpasasa sa kaginhawahan. Hindi sila karapat-dapat na gumawa ng mga tungkulin, at dapat silang itiwalag. Binalikan ko ang lahat ng ginawa ko sa aking mga tungkulin. Pagkatapos na isinaayos ng mga lider para maging superbisor ako, nang sandaling napagtanto kong responsable ako sa maraming iglesia, may mabigat ang trabaho, abala araw-araw, kung minsan ay kailangang magpuyat, at talagang nakapapagod sa isip at katawan ang tungkulin, naisip ko na masyadong mahirap at nakapapagod na gawin ang tungkuling ito araw-araw, at naisip kong magbitiw para sa kaginhawahan ng aking laman. Alam na alam kong napakahalaga ng tungkuling ito at dapat kong akuin ang gawain sa lalong madaling panahon, pero natakot ako na kung gagawa ako ng masyadong maraming gawain, hindi ako makakaalis. Kaya, sinadya kong magpatumpik-tumpik at maging pabasta-basta, sinusubukang ipakita sa mga lider na mahina ang kakayahan ko at hindi ako karapat-dapat sa trabaho para payagan nila akong magbitiw. Nang tinutulungan kami ni Chen Lu na maging pamilyar sa gawain, sinadya kong magpanggap na masyadong abala para hindi makilahok. Hindi ko talaga isinaalang-alang ang gawain ng iglesia, at bilang resulta, lahat ng gawain ay naatang kay Li Yang, na naging dahilan para makadama siya ng matinding presyur at malagay sa masamang kalagayan. Parami nang parami ang mga problema sa gawain, at hindi rin maganda ang mga resulta ng pagdidilig sa mga baguhan. Lahat ng pinsalang ito sa gawain ng iglesia ay idinulot ng pagpapasasa ko sa kaginhawahan at pagpili sa magagaang gampanin habang iniiwasan ang mabibigat. Naantala na ang gawain ng pagdidilig dahil sa pagkakaalis sa dalawang dating superbisor, at, sa kritikal na sandaling ito, isinaayos ng iglesia para gawin ko ang tungkuling ito, na pagtataas ng Diyos sa akin. Ito ay para maging mapagsaalang-alang ako sa Kanyang mga layunin, protektahan ang gawain ng iglesia, at maunawaan ang mas maraming katotohanan sa pamamagitan ng paggawa ng tungkulin ko. Pero, wala akong konsensiya kahit katiting. Nang sandaling dumami ang gawain at hindi makapagtamo ng kaginhawahan ang laman ko, nakaramdam kong medyo lumalaban ako, at palaging gumagamit ng mga mapanlinlang na paraan para takasan at talikuran ang aking atas para sa mas madaling tungkulin. Nakita kong naantala ang gawain, pero hindi ko ito prinotektahan. Ako ay napakamapanlinlang, buktot, at kasuklam-suklam! Sa totoo lang, hindi naman sa hindi ko kayang gawin ang gawain. Sa halip, ang problema ay masyadong makasarili ang kalikasan ko at hindi ko ginagawa ang mga bagay na kaya ko; wala akong ipinakitang katapatan sa Diyos kahit katiting, at walang silbi sa kritikal na sandali. Talagang wala akong silbi, hindi karapat-dapat na gumawa ng mga tungkulin! Nang maunawaan ko ito, napuno ng paninisi sa sarili at pagkabagabag ang puso ko, at nanalangin ako sa Diyos na akayin akong maghimagsik laban sa laman at magpasakop, at hindi na maging mapili sa aking tungkulin.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa problema ko. Sabi ng Diyos: “Ano, kung gayon, ang pananaw sa buhay ng tiwaling sangkatauhan? Masasabi na ito iyon: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Lahat ng tao ay nabubuhay para sa kanilang sarili; sa deretsahang salita, nabubuhay sila para sa laman. Nabubuhay sila para lamang may maipakain sa kanilang bibig. Paano naiiba ang pag-iral na ito sa pag-iral ng mga hayop? Walang anumang halaga sa pamumuhay nang ganito, at lalong wala itong anumang kabuluhan. Ang pananaw sa buhay ng isang tao ay tungkol sa kung saan ka umaasa para mabuhay sa mundo, para saan ka nabubuhay, at paano ka namumuhay—at ang lahat ng ito ay mga bagay na may kinalaman sa diwa ng kalikasan ng tao. Sa pamamagitan ng paghihimay sa kalikasan ng mga tao, makikita mo na lahat ng tao ay lumalaban sa Diyos. Mga diyablo silang lahat at walang totoong mabuting tao. Sa pamamagitan lamang ng paghihimay sa kalikasan ng mga tao mo tunay na malalaman ang katiwalian at diwa ng tao at mauunawaan kung saan talaga nabibilang ang mga tao, ano talaga ang kulang sa mga tao, ano ang dapat nilang isangkap sa kanilang sarili, at paano nila dapat isabuhay ang wangis ng tao. Tunay na hindi madaling himayin ang kalikasan ng isang tao, at hindi ito magagawa nang hindi nararanasan ang mga salita ng Diyos o nagkakaroon ng tunay na mga karanasan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao). Pagkabasa sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga satanikong panuntunan tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” “Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya,” at “Pagsasaya sa alak at musika, gaano nga ba katagal ang buhay?” ay nag-ugat na sa akin at naging kalikasan ko na. Kontrolado ng mga kaisipan at ideyang ito, ginawa kong prinsipyo ko ang pansariling interes sa lahat ng ginagawa ko, at isinasaalang-alang ko lang kung magiging komportable ba ang laman ko o hindi. Naniwala ako na kung hindi nagdurusa ang laman ko, iyon ay isang pagpapala. Gagawin ko ang anumang bagay na kapaki-pakinabang sa laman ko, at hindi ko gagawin ang anumang hindi kapaki-pakinabang dito; hindi ko kailanman tatratuhin nang masama aking sarili. Kapag hinihingi ng pagiging responsable sa gawain ng pagdidilig na magdusa ang laman ko, ayaw ko ang pagod at alalahanin, at gusto kong gumawa ng mas magaan na tungkulin. Alam na alam kong naaapektuhan ang gawain ng pagdidilig, at dapat sana ay inalam ko kaagad ang gawain at inako ang mga tungkulin, pero nag-alala ako na kung sisimulan kong gawin ang mga tungkulin, mahihirapan akong magbitiw, kaya naghintay ako at pinanood na maantala ang gawain ng pagdidilig, parang isang tagalabas na walang pakialam. Ang pagtatalaga sa akin ng iglesia sa tungkuling ito ay pagpapakita ng tiwala sa akin, pero palagi kong iniisip na iwasan ito. Dahil dito, naapektuhan ang mga resulta ng gawain ng pagdidilig, umaantala sa buhay paglago ng mga baguhan. Paggawa ito ng masama! Paglaban ito sa Diyos! Talagang hindi ako mapagkakatiwalaan! Kinamumuhian ako ng Diyos!

Naisip ko ang sinabi ng Diyos: “Iyang pinagpapakasasahan mo ngayon ay ang mismong bagay na sumisira sa iyong kinabukasan, samantalang ang pasakit na iyong tinitiis ngayon ay ang mismong bagay na nagpoprotekta sa iyo. Dapat mong malinaw na malaman ang mga bagay na ito, upang maiwasang mabitag sa mga tukso kung saan mahihirapan kang makawala, at upang maiwasang mapunta sa makapal na hamog at hindi makita ang araw. Kapag nahawi ang makapal na hamog, masusumpungan mo ang iyong sarili sa kalagitnaan ng paghatol ng dakilang araw(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao). Naisip ko rin ang isang himno ng mga salita ng Diyos na “Ang Kahulugan ng Pagtalikod sa Laman”: “Ang laman ng tao ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay ang pinsalain ang kanyang buhay—at kapag ito nga ay ganap na nanaig, masisira ang iyong buhay. Ang laman ay kay Satanas. Palaging may maluluhong pagnanais sa loob nito; palagi itong nag-iisip para sa sarili nito, at palagi itong nagnanais ng kaluwagan at gustong magpakasasa sa kaginhawahan, na walang pagkabalisa at pakiramdam ng pag-aapura, nalulugmok sa katamaran, at kung bibigyang-kasiyahan mo ito hanggang sa isang partikular na punto, sa huli ay lalamunin ka nito. Na ang ibig sabihin, kung bibigyang-kasiyahan mo ito ngayon, hihilingin nito sa iyo na palugurin uli ito sa susunod. Lagi itong may maluluhong pagnanais at mga bagong kahilingan, at sinasamantala ang iyong pagkabuyo sa laman upang lalo mo itong pahalagahan at mamuhay kasama ng mga ginhawa nito—at kung hindi mo ito kailanman malalampasan, sisirain mo ang iyong sarili sa huli. Kung makakapagkamit ka ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano ang iyong kalalabasan sa huli, ay nakasalalay sa kung paano mo isinasagawa ang iyong paghihimagsik laban sa laman. Iniligtas ka ng Diyos, at hinirang at paunang itinadhana Niya, ngunit kung ngayon ay ayaw mo Siyang bigyang-kasiyahan, ayaw mong isagawa ang katotohanan, ayaw mong maghimagsik laban sa iyong sariling laman nang may tunay na mapagmahal-sa-Diyos na puso, sa huli ay ipapahamak mo ang iyong sarili, at sa gayon ay magtitiis ka ng matinding pasakit. Kung lagi mong kinukunsinti ang laman, dahan-dahan kang lalamunin ni Satanas, at iiwan kang walang buhay, o ng pag-antig ng Espiritu, hanggang dumating ang araw na ganap nang madilim ang kalooban mo. Kapag nabubuhay ka sa kadiliman, nabihag ka na ni Satanas, hindi mo na tataglayin ang Diyos sa puso mo, at sa panahong iyon ay ikakaila mo ang pag-iral ng Diyos at iiwanan Siya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na kung palagi mong pinahahalagahan ang laman at nagpapasasa sa mga kaginhawahan ng laman, unti-unti kang lalamunin ni Satanas. Sa huli, lahat ng gayong tao ay kokondenahin at ititiwalag ng Diyos. Napagtanto kong nasa malubhang panganib ako. Naisip ko noong una kong ginawa ang tungkuling ito. Mayroon pa akong kaunting pagnanais na isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, at kapag negatibo ako o pabaya, nakakaramdam ako ng kaunting paninisi sa sarili. Kalaunan, nang mabitag ako sa laman, nagsimula na akong gumawa ng mali nang sinasadya. Ang iniisip ko lang ay kung paano maiiwasan ang pagdurusa at pagod ng laman at gusto kong magbitiw sa lalong madaling panahon para lumipat sa ibang tungkulin. Sinadya kong magtrabaho nang mabagal at magpanggap na walang kakayahan, takot na hindi ko maiiwanan ang tungkulin ko kung magagawa ko nang maayos ang gawain ko. Sa huli, humantong ito sa iba’t ibang problema sa gawain ng pagdidilig, at lubhang napinsala ang buhay pagpasok ng mga baguhan. Bagama’t nasiyahan ang laman ko, sa kritikal na sandali na kailangang-kailangan ng mga tao para sa gawain ng iglesia, hindi ko isinaalang-alang ang layunin ng Diyos at hindi ko ginawa ang mga tungkuling dapat sana ay ginawa ko. Sa halip, ang iniisip ko lang ay tumakas, at nakagawa ako ng mga pagsalangsang. Sa pagtrato sa aking tungkulin sa ganitong paraan, ipinagkanulo ko ang Diyos. Naisip ko ang sinabi ng Diyos: “Ganap na likas at may katwiran na tapusin ng mga tao ang mga atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila. Ito ang pinakamataas na responsabilidad ng tao, at kasinghalaga nito ang kanyang mismong buhay. Kung kaswal mo lang na tinatrato ang mga atas ng Diyos, ito ay isang napakalubhang pagkakanulo sa Diyos. Dito, mas kasuklam-suklam ka kaysa kay Hudas, at dapat kang sumpain(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Napagtanto ko na ang pagtrato sa tungkulin mo nang pabasta-basta at walang ingat ay magreresulta sa pinsala sa gawain ng iglesia. Isa itong malubhang pagkakanulo sa Diyos, at ang bagay na pinakakinamumuhian ng Diyos. Sa huli, tiyak na kokondenahin at ititiwalag ka. Nakaramdam ako ng takot sa puso ko, at sa wakas ay malinaw kong nakita na ang paghahangad sa kaginhawahan ng laman ay isang kapahamakan, hindi isang pagpapala, at ang pagpapakita ng pagsasaalang-alang sa laman ay tunay na maaaring magresulta sa pagkawala ng buhay ko. Kung patuloy kong bulag na hahawakan ang aking mga pagkahumaling at hahangarin ang mga kaginhawahan ng laman, kung gayon, tulad ni Satanas, lilipulin ako ng Diyos! Hindi na ako maaaring mamuhay ayon sa mga satanikong lason, at kailangang maghimagsik laban sa laman at magsagawa alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos para magawa nang maayos ang aking tungkulin.

Naisip ko ang saloobin ni Noe sa kanyang mga tungkulin, at hinanap ko ang mga salita ng Diyos para basahin. Sabi ng Diyos: “Ang buong proseso ng pagbubuo ng arka ay puno ng hirap. Sa sandaling ito, isantabi natin kung paano nalagpasan ni Noe ang hampas ng hangin, init ng araw, at lakas ng ulan, ang nakapapasong init at matinding ginaw, at ang pagpapalit-palit ng apat na panahon, taun-taon. Pag-usapan muna natin kung gaano kalaking trabaho ang magbuo ng arka, at ang kanyang paghahanda ng iba’t ibang materyales, at ang napakaraming hirap na nakaharap niya habang binubuo ang arka. … Nahaharap sa lahat ng uri ng problema, mahihirap na sitwasyon, at mga hamon, hindi umurong si Noe. Noong madalas na nabigo at nasira ang ilan sa kanyang mas mahihirap na gawaing pang-inhinyero, kahit nahihirapan ang kalooban ni Noe at nababalisa siya sa kanyang puso, nang maisip niya ang mga salita ng Diyos, nang maalala niya ang bawat salitang iniutos sa kanya ng Diyos, at ang pagtataas sa kanya ng Diyos, madalas siyang nakararamdam ng matinding pagganyak: ‘Hindi ako puwedeng sumuko, hindi ko maaaring iwaksi ang iniutos at ipinagkatiwala ng Diyos na gawin ko; atas ito ng Diyos, at dahil tinanggap ko ito, dahil narinig ko ang mga salitang sinambit ng Diyos at ang tinig ng Diyos, at dahil tinanggap ko ito mula sa Diyos, dapat akong ganap na magpasakop, na siyang dapat makamit ng isang tao.’ Kaya, anumang uri ng mga hirap ang nakaharap niya, anumang uri ng pangungutya o paninira ang naranasan niya, gaano man kapagod ang kanyang katawan, gaano man kapagal, hindi niya tinalikuran ang ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos, at patuloy niyang isinaisip ang bawat isang salita na sinabi at iniutos ng Diyos. Paano man nagbago ang kanyang mga kapaligiran, gaano man kalaking hirap ang kanyang nakaharap, nagtiwala siya na walang alinman dito ang magpapatuloy panghabambuhay, na ang mga salita lamang ng Diyos ang hinding-hindi lilipas, at iyon lamang iniutos ng Diyos na gawin ang siguradong maisasakatuparan. May tunay na pananalig si Noe sa Diyos, at pagpapasakop na nararapat niyang taglayin, at patuloy niyang binuo ang arka na hiningi ng Diyos na buuin niya. Araw-araw, taun-taon, tumanda si Noe, ngunit hindi nabawasan ang kanyang pananalig, at hindi nagbago ang kanyang saloobin at determinasyon na kumpletuhin ang atas ng Diyos. Bagama’t may mga pagkakataon na pagod at pagal na ang kanyang katawan, at nagkasakit siya, at sa kanyang puso ay mahina siya, hindi nabawasan ang kanyang determinasyon at tiyaga na tapusin ang atas ng Diyos at magpasakop sa mga salita ng Diyos. Sa mga taon na binuo ni Noe ang arka, isinagawa ni Noe ang pakikinig at pagpapasakop sa mga salitang sinabi ng Diyos, at isinagawa rin niya ang mahalagang katotohanan na ang isang nilikha at ordinaryong tao ay kailangan kumpletuhin ang atas ng Diyos(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Ekskorsus). Pagkatapos basahin ang siping ito, labis akong napahiya. Nang hiningi ng Diyos kay Noe na gumawa ng arka, alam ni Noe kung gaano ito kahirap, at alam din niyang ang paggawa ng arka ay mangangailangan ng maraming pagsisikap at pagbabayad ng malaking halaga. Gayumpaman, gaano man kalaki ang mga paghihirap, nagawa pa ring tanggapin ni Noe ang atas ng Diyos nang walang anumang sarili niyang pagpili. Hindi niya isinaalang-alang ang sarili niyang mga interes, at matapat na nagpasakop sa Diyos, tinanggap ang atas ng Diyos at ginawa ang pinakamainam niya para gawin ang arka ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Matapos magtiyaga sa loob ng isandaan at dalawampung taon, sa wakas ay natapos niya ang arka. Tinanggap ni Noe ang atas ng Diyos nang walang kompromiso, at siya ay tapat at mapagpasakop. Napakabuti ng kanyang pagkatao. Ito ang uri ng taong sinasang-ayunan ng Diyos. Kung ikukumpara kay Noe, labis akong walang pagkatao. Kung hindi ko matiis ang maliliit na paghihirap na ito ngayon, at gusto kong magpalit sa mas madaling tungkulin, hindi talaga ako karapat-dapat kahit ang matawag na isang tao.

Kalaunan, higit pa akong nagbasa ng mga salita ng Diyos: “Ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagsasagawa ng panalangin, pagtanggap ng pasanin ng Diyos, at pagtanggap ng mga gawaing ipinagkakatiwala Niya sa iyo—lahat ng ito ay para mayroong landas sa iyong harapan. Kapag mas marami ang pasaning mayroon ka para sa atas ng Diyos, mas madali ka Niyang mapeperpekto. Ayaw makipagtulungan ng ilan sa iba sa paglilingkod sa Diyos, kahit natawag sila; ang mga ito ay mga taong tamad na nag-iimbot ng kaginhawahan. Kapag mas hinihingi sa iyo na makipagtulungan sa iba para maglingkod, mas marami kang mararanasan. Dahil mas marami kang pasanin at karanasan, magkakaroon ka ng mas maraming pagkakataong maperpekto. Samakatwid, kung kaya mong paglingkuran nang sinsero ang Diyos, magiging mapagsaalang-alang ka sa pasanin ng Diyos; dahil diyan, magkakaroon ka ng mas maraming pagkakataong maperpekto ng Diyos. Ang gayong grupo lamang ng mga tao ang kasalukuyang pineperpekto(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maging Mapagsaalang-alang sa mga Layunin ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto). Biniyayaan ako ng Diyos ng pagkakataong magsanay sa paggawa ng tungkulin para maging mapagsaalang-alang ako sa Kanyang mga layunin, at sa huli ay makamit ang katotohanan at magawang perpekto. Kailangan ko itong pahalagahan! Bagama’t ang pamamahala sa gawain ng pagdidilig ay abala at nakakapagod, maraming pagkakataon para makamit ang katotohanan at magawang perpekto ng Diyos. Halimbawa, sa proseso ng pagdidilig sa mga baguhan, mayroon silang ilang paghihirap na hindi ko matarok o malutas. Pinilit ako nitong hanapin at pagnilayan ang katotohanan tungkol doon. Sa pamamagitan ng paghahanap, naunawaan ko ang ilang katotohanan tungkol sa mga pangitain, at kapag nakaharap ko ulit ang mga katulad na problema, mas natatarok ko na ang mga ito, at napagtanto ko kung paano lutasin ang mga problema ng mga baguhan. Nakita kong ang paggawa ng tungkuling ito ay kapaki-pakinabang sa pagkaunawa ko sa katotohanan at sa aking buhay pagpasok. Bagama’t mas magaan at komportable ang mga tungkuling ginawa ko noon, mas kakaunti ang mga problemang dumating sa akin, mas kakaunti ang mga pagkakataong hanapin ang katotohanan, at mabagal ang aking buhay paglago. Naranasan ko na ngayon sa wakas kung bakit gusto ng Diyos na maghimagsik ang mga tao laban sa kanilang laman at magpasan ng mas malaking pasanin; labis ang pagmamahal ng Diyos na nakapaloob dito. Nang ituwid ko ang aking kaisipan, hindi ko naramdaman na nagdurusa ako kahit na medyo mas abala ang tungkulin ko, at handa akong magpasakop at tumanggap ng tungkuling ito mula sa kaibuturan ng aking puso. Aktibo ko ring inako ang inisyatiba para gawing pamilyar ang sarili ko sa gawain, at inako ang inisyatiba para tanungin si Chen Lu tungkol sa anumang hindi ko nakayang gawin. Hindi na ako nangahas na mag-aksaya pa ng oras, takot na kung gagawa si Chen Lu ng ibang mga tungkulin bago ko pa maunawaan ang nangyayari sa mga iglesia, maaantala nito ang gawain. Kalaunan, nagtulungan kami ni Li Yang na subaybayan ang gawain sa napapanahong paraan, at mas maganda ang mga resulta ng gawain ng pagdidilig kaysa dati. Aktibong nakakadalo sa mga pagtitipon ang mga baguhan, at gusto nilang gumawa ng mga tungkulin at mangaral ng ebanghelyo; lubos na napanatag ang puso ko.

Pagkaraan ng ilang panahon, naging pamilyar na kami sa gawain, at hiningi sa akin at kay Li Yang ng mga lider na hatiin ang aming gawain, na bawat isa sa amin ay responsable sa ilang iglesia. Sa paggawa nito, magagawa naming masubaybayan ang gawain nang mas detalyado. Pagkatapos naming hatiin ang gawain, napansin kong hindi maganda ang mga resulta ng gawain ng pagdidilig sa mga iglesiang ako ang responsable. Maraming baguhan ang hindi regular na nagtitipon, at kulang sa mga tagadilig. Mas maganda ang mga iglesiang responsabilidad ni Li Yang, at maraming tagadilig, kaya medyo mas madali ang kanyang tungkulin. Nang makita ko ang kalagayan ng mga iglesia pagkatapos naming hatiin ang aming gawain, ayaw kong akuin ang mga iglesiang ito dahil sa sandaling gawin ko ito, magiging mas abala at pagod pa ako kaysa sa dati. Gayumpaman, nang maisip ko kung paanong mas pamilyar si Li Yang sa kanyang mga iglesia, at kung paanong ang paghahati ng mga gawain sa ganitong paraan ay nagpadali sa pagsubaybay sa gawain, nagpasakop ako. Kalaunan, parami nang parami ang mga baguhan na pumapasok pagkatapos makapakinig ng ebanghelyo, na kailangang-kailangan madiligan, pero kulang sa mga tagadilig ang mga iglesiang ako ang responsable. Kinailangan kong gumugol ng mas maraming oras at lakas sa aking gawain kaysa karaniwan, at nang makita kong mas hindi gaanong abala si Li Yang, pinagsisihan ko ang paghahati ng gawain sa kanya. Sa oras na ito ay napagtanto kong mali ang kalagayan ko, at muli na naman akong nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa laman. Naisip ko kung paanong nakagawa na ako ng pagsalangsang dati dahil sa pagpapahalaga sa aking laman at paghadlang sa gawain ng iglesia. Hindi ko maaaring ipagkanulo ang Diyos at saktang muli ang puso Niya tulad ng ginawa ko noon. Gaano man ito kahirap o nakakapagod, kailangan kong magtiyaga. Nang naging tama ang mga layunin ko, nagkaroon ako ng pananalig na para gumawa. Pagkatapos, medyo mas maganda ang mga resulta ng gawain ng pagdidilig kaysa karaniwan, at hindi naantala ang gawain. Tunay kong naranasan na kung mayroon kang tamang layunin sa paggawa ng iyong tungkulin at gumagawa ka nang buong lakas, nang hindi isinasaalang-alang ang laman, kung gayon ay magkakaroon ka ng pamumuno at pagpapala ng Diyos, at makakaramdam ka ng kapanatagan at kapayapaan sa iyong puso. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 66. Natagpuan Ko ang Aking Tunay na Kinabukasan

Sumunod: 77. Ang Aking mga Hinihiling at Inaasahan sa Aking Anak ay Makasarili Pala

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito