66. Natagpuan Ko ang Aking Tunay na Kinabukasan

Ni Lin Qing, Tsina

Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng magsasaka. Walang pinag-aralan ang mga magulang ko at kaya lang suportahan ang aming pamilya sa paggawa ng mabigat na trabaho. Gipit na gipit kami. Nasa mga kwarenta anyos na ang mga magulang ko nang ipanganak nila ako, at sa akin nila ibinuhos ang lahat ng kanilang inaasahan. Palagi akong ginagabayan ng mga magulang ko sa pagsasabing, “Wala kaming pinag-aralan, at ginugugol namin ang buhay namin sa pagtatrabaho sa labas. Nahihirapan kami buong buhay namin pero walang anumang kinabukasan. Kailangan mong mag-aral nang mabuti para makahanap ka ng magandang trabaho sa hinaharap, para makaupo ka sa isang opisina nang hindi nabibilad sa araw o sa hangin, nang walang alalahanin tungkol sa pagkain at damit. Magagawa rin naming magtamasa sa sinag ng iyong tagumpay.” Madalas din kaming turuan ng mga guro namin na “Kayang baguhin ng kaalaman ang iyong kapalaran” at “Kailangang tiisin ng isang tao ang pinakamatinding hirap para maging pinakadakila sa mga tao.” Lumaki akong hinubog ng mga kasabihang ito. Sa partikular, kapag nakakakita ako ng mga taong nagkamit ng akademikong tagumpay at kasikatan, at hinahangaan saanman sila magpunta, iniisip kong talagang tanyag sila, at lalo pa akong nakumbinsi na ang kaalaman ay mag-aakay sa magandang kinabukasan kung saan magagawa kong magtamasa ng mas magandang materyal na buhay at hangaan. Lihim akong nagpasya sa puso ko na siguradong papasok ako sa isang mahusay na unibersidad at hahanap ng isang disenteng trabaho sa hinaharap. Tutulungan ko ang mga magulang ko na magkaroon ng magandang buhay at idudulot na maging maganda ang tingin ng mga kamag-anak at kapit-bahay sa aming pamilya.

Noong nasa eskuwelahan ako, itinuon ko ang lahat ng oras at lakas ko sa pag-aaral: Habang ang iba ay nagsasaya tuwing bakasyon, ako ay nagbabasa ng mga libro at gumagawa ng takdang-aralin. Ang huling taon ko sa high school ang pinakaabalang oras para sa akin, at inilaan ko ang lahat ng lakas ko sa paghahanda para sa university entrance exam. Gayumpaman, hindi maganda ang mga resulta ko sa university entrance examination, at talagang nadismaya ako. Hindi ko akalaing babagsak agad ang buhay ko sa pinakamababa gayong nagsisimula pa lang ako. Walang pera at kapangyarihan ang pamilya ko, kaya kung gusto kong magkaroon ng magandang buhay na igagalang ng iba sa hinaharap, ang tanging paraan ko lang ay makapasok sa isang mahusay na unibersidad. Nagpasya akong ulitin ang taon. Pagkatapos, nag-aral ako nang mas mabuti kaysa sa dati. Kahit hindi ako kasingtalino ng mga kaklase kong likas na matalino, kailangan kong maging mas determinado kaysa sa kanila. Madalas kong gamitin ang mga kasabihang “Kailangang maunang lumipad ang mabagal na ibon” at “Ginagantimpalaan ng langit ang masisipag” para hikayatin ang sarili ko. Para makatipid sa oras, hindi ako umuuwi tuwing Sabado’t Linggo at nananatili ako sa eskwelahan para mag-aral. Sa tuwing may oras ako, sinasagutan ko ang mahihirap na mga halimbawang tanong. Minsan, kung hindi ko matapos ang mga ito sa araw, dinadala ko ang mga iyon pabalik sa dormitoryo at itinutuloy ang paggawa sa mga ito sa ilalim ng kumot gamit ang flashlight. Kahit na lumala ang panlalabo ng paningin ko, hindi ko ito pinansin. Ang puso ko ay parang isang nakapulupot na kuwerdas araw-araw, takot na hindi ako makapasa sa pagsusulit at mawala ang pagkakataon kong baguhin ang aking kapalaran. Noong 2014, nakapasok ako sa unibersidad at napili ko ang kursong gusto ko. Noong sandaling iyon, napuno ako ng pag-asa para sa aking hinaharap, at naramdaman kong hindi nasayang ang mga pagsisikap ko sa pagkakataong ito. Kung magpapatuloy akong mag-aral nang mabuti at makahanap ng disenteng trabaho pagkatapos ng kolehiyo, tiyak na pupurihin ako ng mga nakatatanda sa akin sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan ko.

Noong taon na pumasok ako sa unibersidad, ipinangaral sa akin ng tiyahin ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at nagsimula akong mamuhay ng buhay iglesia. Sa pamamagitan ng mga pagtitipon, naunawaan ko na ang langit at lupa at lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos, at ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan at namamahala sa lahat. Matapos gawing tiwali ni Satanas ang mga tao, lalo silang naging buktot at masama, at, para iligtas ang sangkatauhan, nagsasagawa ang Diyos ng tatlong yugto ng gawain. Sa mga huling araw, personal din Siyang nagkatawang-tao para magpahayag ng mga salita para hatulan at kastiguhin ang mga tao, inililigtas ang mga tao mula sa pagkaalipin sa kasalanan, at dinadala sila sa isang napakagandang hantungan. Naisip ko kung paanong sa milyun-milyong tao, isa ako sa mga pinalad na makarinig sa tinig ng Diyos at tumanggap sa pagliligtas ng Diyos. Napakalaking karangalan at kasabikan ang naramdaman ko. Ito ang pinakadakilang pagpapala sa buhay ko! Sa mga pagtitipon, sinasabi ko sa mga sister ko ang tungkol sa mga bagay na nangyayari sa akin sa unibersidad, at nagbabahagi sila tungkol sa mga salita ng Diyos kasama ako kaugnay sa mga problema ko. Minsan, isinasama rin nila ako para diligan ang mga baguhan. Pakiramdam ko ay lalo akong napalaya at malaya kapag nagtitipon kasama ang aking mga kapatid, at panatag na panatag ang puso ko.

Kalaunan, narinig kong nagsimula nang gumawa ng mga tungkulin nang full-time si Sister Muchen pagkatapos niyang makapagtapos sa unibersidad. Nagulat ako noon, at naisip ko, “Bagamat napakabata pa ng kapatid, napakatindi ng determinasyon niyang gugulin ang sarili para sa Diyos. Wala akong ganoong determinasyon. Kung gagawin ko ang aking tungkulin nang full-time, hindi ako magkakaroon ng magandang trabaho sa hinaharap. Hindi kaya sasabihin ng mga kamag-anak at kaibigan ko na wala akong narating? Mananampalataya ako sa Diyos at mag-aaral sa unibersidad sa parehong pagkakataon. Hindi lang ako makakahanap ng magandang trabaho, kundi matatanggap ko rin ang mga pagpapala ng Diyos. Matatamasa ko ang pinakamainam sa parehong mundo.” Gayumpaman, nakita ko na hindi pa matagal na nananampalataya sa Diyos ang kapatid ko pero napakabilis ng kanyang pag-unlad, at nagagawa niyang makipagbahaginan at tumulong sa amin sa anumang mga kalagayan o paghihirap namin. Sa partikular, nang marinig ko siyang talakayin kung paanong, noong pumunta ang mga pulis sa pinto para arestuhin sila sa isang pagtitipon, umasa siya sa Diyos at nakita ang kamangha-manghang proteksyon ng Diyos, nakaramdam ako ng paghanga at pagkainggit mula sa kaibuturan ng puso ko. Nagsimula akong magnilay-nilay, iniisip na, “Araw-araw na ginagawa ng aking kapatid ang kanyang mga tungkulin sa iglesia at napakaraming katotohanan ang nauunawaan niya. Napakabilis ng kanyang buhay paglago! Nag-aaral ako at dumadalo sa mga pagtitipon nang sabay, at hindi ako makapagsalita tungkol sa anumang mga karanasan. Mukhang kung gusto kong umunlad sa buhay, kailangan kong gumawa ng mas maraming tungkulin. Pero, kung gagawin ko ang mga tungkulin nang full-time tulad ng ginagawa ng aking kapatid, wala na akong lakas para mag-aral. Nag-aral ako nang mabuti sa loob ng napakaraming taon para makahanap ako ng magandang trabaho pagkatapos ng kolehiyo, walang alalahanin sa pagkain at damit, matulungan ang mga magulang ko na magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap, at maging kagalang-galang at kapita-pitagan din sa mga kamag-anak ko. Kung pipiliin kong ilaan ang lahat ng oras ko sa paggawa ng aking tungkulin, habang lahat ng kaklase ko ay makakahanap ng magagandang trabaho pagka-graduate nila, ako lang ang magiging pangkaraniwan, na walang disenteng trabaho. Ano na lang ang iisipin sa akin ng mga kamag-anak at kaibigan ko?” Nang maisip ko ito, ayaw ko nang gawin ang aking tungkulin nang full-time.

Isang buwan bago ang bakasyon, tinanong ako ng isang sister, “Malapit na ang bakasyon. Ano ang mga plano mo kasunod? Handa ka bang magsanay at gawin ang iyong tungkulin?” Noong una, tuwang-tuwa akong marinig ito. Kakaunti lang ang nauunawaan kong katotohanan, kaya perpektong pagkakataon ito para magsanay sa paggawa ng tungkulin at magtamo ng katotohanan. Pero pagkatapos ay naisip ko, “Kapag nagsimula na akong gumawa ng tungkulin ko, hindi ko ito puwedeng talikuran kapag nagsimula na ulit ang klase. Hindi iyon alinsunod sa layunin ng Diyos. Pero kung ipagpapatuloy ko ang paggawa ng tungkulin pagkatapos magsimula ang klase, tiyak na maaapektuhan ang pag-aaral ko. Kung malaman ng mga kasama ko sa kwarto na nananampalataya ako sa Diyos at i-report ito sa eskuwelahan, baka mapaalis ako, at wala na talaga akong magiging kinabukasan. Paano ko masusuklian ang mga magulang ko? Kung hindi ako magiging kasing-matagumpay ng iba, ano na lang ang iisipin sa akin ng mga kamag-anak ko? Paano ako dapat pumili?” Habang pauwi, gulung-gulo ang puso ko. Sa isang banda ay ang pangarap kong makapasok sa unibersidad na masigasig kong hinahangad sa loob ng maraming taon; sa kabila naman, ang paggawa ng aking tungkulin bilang isang nilikha. Ayaw kong mawala ang alinman. Noong mga panahong iyon, napakabigat ng puso ko, at hindi ko alam kung paano pumili. Nang mapagtanto kong mali ang kalagayan ko, tahimik akong nanalangin sa Diyos, “O Diyos, alam kong makabuluhan ang paggawa ng aking tungkulin, at gusto kong gawin ang tungkulin ko. Pero napakaliit ng tayog ko, at nag-aalala ako na kung gagawin ko ang aking tungkulin, maaapektuhan ang pag-aaral ko. Pakiramdam ko ay mahina ako sa loob, pero ayaw kong mawala ang pagkakataong ito. O Diyos, nawa ay akayin Mo akong maunawaan ang Iyong kalooban sa sitwasyong ito.”

Noong gabing iyon, pabiling-biling ako sa kama, hindi makatulog. Binuksan ko ang aking telepono at nagkataong narinig ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos na may pamagat na “Dapat Ilagay Mo ang Paniniwala sa Diyos Nang Higit sa Lahat”:

1  Kung nais mong maniwala sa Diyos, at kung nais mong matamo ang Diyos at ang Kanyang kasiyahan, maliban kung magtiis ka ng partikular na antas ng sakit at maglaan ng partikular na pagsisikap, hindi mo makakamtan ang mga bagay na ito. Marami na kayong narinig na pangaral, ngunit ang marinig lamang ito ay hindi nangangahulugan na inyo ang sermon na ito; kailangan mong namnamin ito at gawin itong isang bagay na pag-aari mo. Kailangan mong ilangkap ito sa iyong buhay at isama ito sa iyong pag-iral, na tinutulutan ang mga salita at pangaral na ito na gabayan ang paraan ng iyong pamumuhay at maghatid ng kabuluhan at kahulugan sa iyong buhay. Kapag nangyari iyon, magiging sulit ang pakikinig mo sa mga salitang ito.

2  Kung ang mga salitang Aking sinasambit ay hindi naghahatid ng anumang pagbabago sa iyong buhay o nagdaragdag ng anumang halaga sa iyong pag-iral, walang dahilan para pakinggan mo ang mga ito. Dapat mong tratuhin ang pananampalataya sa Diyos bilang ang pinakamahalagang usapin sa buhay mo, mas mahalaga kaysa sa pagkain, pananamit, o iba pang bagay—sa ganitong paraan, aani ka ng mga resulta. Kung nananampalataya ka lamang kapag may panahon ka, at hindi mo kayang ilaan ang buong pansin mo sa iyong pananalig, at kung palagi kang naguguluhan sa iyong pananalig, wala kang mapapala.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Habang nakikinig ako sa himno ng mga salita ng Diyos, labis akong naantig na wala akong magawa kundi ang lumuha. Naramdaman kong parang nasa tabi ko lang ang Diyos, dinirinig ang mga panalangin ko, at ginagamit ang Kanyang mga salita para gabayan at pasiglahin ako. Naunawaan ko na ang pananampalataya sa Diyos ang pinakamahalagang bagay sa buhay, mas mahalaga kaysa sa pagkain, pananamit, at kasiyahan, at mas mahalaga kaysa sa anumang kasikatan, pakinabang, o kinabukasan na maaaring mayroon ako. Lahat ng bagay na ukol sa laman ay pansamantala lamang. Sa pamamagitan lamang ng paghahangad sa katotohanan at pagtatamo ng pagbabago sa disposisyon maaaring maligtas at manatiling buhay ang isang tao. Ang paggawa ng ating tungkulin ang daan para makapasok tayo sa katotohanang realidad. Sa paggawa ng ating mga tungkulin, makakatagpo tayo ng iba’t ibang paghihirap at problema, at magbubunyag ng iba’t ibang tiwaling disposisyon. Gayumpaman, ito rin ang nag-uudyok sa atin na lalong hanapin ang mga katotohanang prinsipyo para lutasin ang sarili nating katiwalian. Kung dumadalo lang ako sa mga pagtitipon sa libreng oras ko, at hindi gumagawa ng tungkulin, sa halip ay ginugugol ang halos lahat ng oras ko sa pag-aaral, mas kaunting bagay ang mararanasan ko at mas bihira kong hahanapin ang katotohanan para lutasin ang mga sarili kong problema. Ang mauunawaan ko lang ay ilang mababaw na salita at doktrina, at hindi ako makakapasok sa realidad. Ginagawa nitong napakahirap ang maligtas. Kami ni Sister Muchen ay isang matinding pagkakaiba. Hindi pa matagal na nananampalataya si Muchen sa Diyos, pero marami na siyang naranasang bagay sa paggawa ng kanyang tungkulin, at maraming beses nang hinanap ang katotohanan. Kapag nagbabahagi tungkol sa katotohanan sa mga pagtitipon, nagagawa niyang iugnay ang sarili niyang mga karanasan, at nagsasalita siya sa isang praktikal na paraan. Bukod dito, habang mas marami siyang nauunawaang katotohanan, mas lumalaki ang kanyang pananalig sa Diyos, at mas lumalakas ang kanyang motibasyon na gawin ang kanyang tungkulin. Sa kabilang banda, itinuring kong libangan sa libreng oras ang pananampalataya sa Diyos, para hindi makaabala sa pag-aaral ko. Kontento na ako sa pagdalo lang sa mga pagtitipon, at hindi ko inisip na gawin ang tungkulin ng isang nilikha. Kung magpapatuloy akong manampalataya sa ganitong magulong paraan, at pinalampas ang kritikal na panahon para hangarin ang katotohanan, at sa huli ay mabigong matamo ang katotohanan, hindi ba’t kung gayon ay ititiwalag ako? Naisip ko kung paanong nagkataon na nasabay ito sa bakasyon. Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataong ito na gawin ang aking tungkulin at tamuhin ang katotohanan, at kaya, sa hindi muna pag-iisip tungkol sa kung ano ang mangyayari pagkatapos magsimula ng bagong termino, sinabi ko sa kapatid ko na handa akong magsanay na gawin ang isang tungkulin.

Noong bakasyon, magkasama kaming nag-host ng mga pagtitipon ng grupo, at kapag nagtitipon ang aming mga kapatid, nagagawa ng bawat isa na magtapat at makipag-usap sa isa’t isa nang walang malisya. Nakaramdam ako ng partikular na paglaya at kalayaan sa puso ko. Nakita ko ang mga kaklase ko na kumakain, umiinom, at nagsasaya buong araw sa unibersidad, gumon sa mga cellphone at online game, pakikipag-date, at pamumuhay nang masama at bulok na buhay, at naalala ko kung paanong katulad lang din nila ako dati. Sa tuwing may libreng oras ako, naglalaro ako sa aking telepono o nanonood ng mga serye sa TV, nang walang maayos sa aking puso. Ngayon, sa pamamagitan ng mga pagtitipon, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na lalamunin lamang ng masasamang kalakarang ito ang aking puso at ilalayo ito sa Diyos, at ganap na wala silang anumang pakinabang sa buhay ko. Unti-unti, nagkaroon ako ng determinasyon na lumayo sa masasamang kalakarang ito, at nagawa kong patahimikin ang puso ko sa harap ng Diyos, kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita at gumagawa ng aking tungkulin. Hindi ko na sinasayang ang mga araw ko nang walang kabuluhan. Napagtanto ko na sa pamamagitan lamang ng pananampalataya sa Diyos, paghahangad sa katotohanan, at paggawa ng aking tungkulin ako makakalayo sa masasamang kalakarang ito at makakapamuhay nang may halaga at kabuluhan.

Kalaunan, habang papalapit na ang simula ng termino, medyo nag-alinlangan ako. Dapat ko bang isuko ang pag-aaral ko at gawin ang mga tungkulin ko nang full-time? Kaya sumangguni ako kay Muchen, sinasabing, “Sa panahong ito, naranasan ko na mas marami akong makakamit na katotohanan sa paggawa ng aking tungkulin. Gusto ko ring lalong kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at tuparin ang aking tungkulin. Pero kapag naiisip kong hindi ako magkakaroon ng magandang trabaho at walang hahanga sa akin sa hinaharap, at hindi ko masusuklian nang mas maayos ang mga magulang ko, nawawalan ako ng determinasyong bitiwan ang pag-aaral ko.” Nagbahagi sa akin ang aking kapatid tungkol sa kanyang karanasan at nakatagpo ng mga kaugnay na salita ng Diyos para tulungan ako. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa proseso ng pagkatuto ng tao ng kaalaman, ginagamit ni Satanas ang lahat ng paraan, maging ito man ay pagkukuwento, simpleng pagbibigay sa kanya ng ilang indibidwal na piraso ng kaalaman, o pagpapahintulot sa kanya na masapatan ang kanyang mga pagnanais o ambisyon. Sa anong daan siya nais akayin ni Satanas? Iniisip ng mga tao na walang mali sa pagkatuto ng kaalaman, na ito ay ganap na natural. Upang ilagay ito sa paraang nakakaakit pakinggan, ang magtaguyod ng matatayog na adhikain o ang magkaroon ng mga ambisyon ay pagkakaroon ng mga motibasyon, at ito dapat ang tamang landas sa buhay. Hindi ba mas maluwalhating paraan para sa mga tao na mabuhay kung matutupad nila ang kanilang sariling mga adhikain o matagumpay na makapagtatatag sila ng isang karera sa kanilang buhay? Sa paggawa ng mga bagay na ito, hindi lamang mapararangalan ng isang tao ang sariling mga ninuno bagkus ay maaari ring mag-iwan ng isang tatak sa kasaysayan—hindi ba ito isang mabuting bagay? Ito ay isang mabuting bagay sa mga mata ng mga taong makamundo, at sa kanila ay dapat itong maging angkop at positibo. Si Satanas ba, gayumpaman, kasama ang masasamang motibo nito, ay dinadala lang ang mga tao sa ganitong uri ng daan at pagkatapos ay ganoon na lamang? Siyempre hindi. Sa katunayan, gaano man kaengrade ang mga adhikain ng tao, gaano man kamakatotohanan ang mga pagnanais ng tao o gaano man maaaring kaangkop ang mga ito, ang lahat ng gustong matamo ng tao, ang lahat ng hinahanap ng tao, ay hindi mapaghihiwalay na nauugnay sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang mahalaga sa bawat tao sa buong buhay nila, at ang mga ito ay mga bagay na binabalak na ikintal ni Satanas sa tao. Ano ang dalawang salitang ito? Ang mga ito ay ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Gumagamit si Satanas ng isang napakabanayad na paraan, isang paraan na lubos na naaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, at na hindi masyadong agresibo, para magdulot sa mga tao na tanggapin nila nang hindi nila namamalayan ang mga gawi at batas nito upang manatiling buhay, makagawa ng mga layon sa buhay at direksyon sa buhay, at magtaglay ng mga adhikain sa buhay. Gaano man tila katayog pakinggan ang mga paglalarawan ng mga tao sa kanilang mga adhikain sa buhay, ang mga adhikain na ito ay palaging umiikot lamang sa kasikatan at pakinabang. Ang lahat ng hinahabol ng sinumang dakila o sikat na tao—o, sa katunayan, ng sinumang tao—sa buong buhay niya ay nauugnay lang sa dalawang salitang ito: ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng kasikatan at pakinabang, may kapital sila para magtamasa ng mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang magsaya sa buhay. Iniisip nila na sa sandaling mayroon na silang kasikatan at pakinabang, may kapital na sila para maghangad ng kasiyahan at makibahagi sa walang-pakundangang pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito na ninanais nila, ang mga tao ay masaya at di-namamalayang ibinibigay kay Satanas ang kanilang mga katawan, puso, at maging ang lahat ng mayroon sila, kasama na ang kanilang kinabukasan at kapalaran. Ginagawa nila ito nang walang pag-aalinlangan, ni wala ni isang sandali ng pagdududa, at hindi kailanman nalalaman na bawiin ang lahat ng minsang mayroon sila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling isuko na nila ang kanilang sarili kay Satanas at maging tapat dito sa ganitong paraan? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila ay ganap at lubos na nalugmok sa putikang ito, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa kasikatan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang kung ano ang maliwanag, ang makatarungan, o ang mga bagay na iyon na maganda at mabuti. Ito ay dahil, para sa mga tao, masyadong malakas ang pang-aakit ng kasikatan at pakinabang; ang mga ito ay mga bagay na puwedeng hangarin ng mga tao nang walang katapusan sa buong buhay nila at maging sa magpasawalang hanggan. Hindi ba’t ito ang aktuwal na sitwasyon?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang bilang pain para hikayatin ang mga tao na magsikap na matuto ng kaalaman at hangarin na mangibabaw sa karamihan, ituring ang kasikatan at pakinabang bilang kanilang layon sa buhay, itanggi ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at hindi namamalayan na lumayo sa pangangalaga at proteksyon ng Lumikha kaya nabubuhay sila sa bitag ni Satanas at sa huli ay nilalamon nito. Lubha akong napinsala ni Satanas. Mula pagkabata, tinuruan ako sa bahay at sa eskwelahan na “Kayang baguhin ng kaalaman ang iyong kapalaran” at “Kailangang tiisin ng isang tao ang pinakamatinding hirap para maging pinakadakila sa mga tao.” Naniniwala ako na ang tagumpay sa pag-aaral ay makapagbibigay ng karangalan sa pamilya, at magdudulot sa isang tao na mangibabaw sa karamihan at hangaan ng iba. Nakita ko kung paanong walang pinag-aralan ang mga magulang ko at sa pamamagitan lamang ng mabibigat na pisikal na gawain nila naitataguyod ang pamilya. Bukod sa nakakapagod ito, wala ring tumitingala sa kanila. Naramdaman kong walang halaga ang mamuhay nang ganito, at na sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng akademikong kaalaman at pagkakaroon ng disenteng trabaho sa hinaharap na magagawa kong mabago ang aking buhay at hangaan ng aking mga kamag-anak at kaibigan. Para makamit ang aking mga adhikain, nag-aral ako nang walang tigil, at nang hindi naging maganda ang resulta ng una kong pagsusulit sa unibersidad, pinili kong ulitin ang taon at lalo pang nagsikap pa kaysa dati. Kahit patay na ang mga ilaw sa dormitoryo, gumagamit pa rin ako ng flashlight para magbasa ng mga materyales sa pag-aaral sa ilalim ng kumot. Kahit na lumala ang panlalabo ng paningin ko, hindi ko ito pinansin. Alang-alang sa isang piraso ng papel na may magagandang grado rito, palagi akong nag-aalala at balisa. Habang papalapit ang pagsusulit sa unibersidad, palagi akong tensyonado, tulad ng isang kuwerdas na nakapulupot, takot na mawala ang nag-iisa kong “salbabida.” Nalito rin ako at nasaktan, pero wala akong lakas para makatakas. Ang tanging nagawa ko lang ay sumunod sa mga kalakarang ito. Ngayon, naunawaan ko na ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang para iligaw ang mga tao, na nagiging dahilan para lalong lumayo ang kanilang mga puso sa Diyos. Naisip ko kung paano ipinangaral sa akin ng kamag-anak ko ang ebanghelyo pagkatapos kong makapasok sa unibersidad at dinala ako sa harap ng Diyos, pero itinuring ko pa ring pangunahing priyoridad ko ang paghahangad ng magandang kinabukasan. Gusto ko lang manampalataya sa Diyos sa aking libreng oras, basta’t hindi nito naaapektuhan ang aking pag-aaral, at ayaw kong isuko ang aking pag-aaral at gugulin ang aking sarili para sa Diyos nang full-time. Napagtanto ko na ang kasikatan at pakinabang ang pinakamalaking hadlang sa pagsasagawa ko ng katotohanan at paggawa ng aking tungkulin. Ngayon, narinig ko na ang tinig ng Diyos, pero hindi ko kayang hangarin ang katotohanan at gawin ang aking tungkulin, sa halip ay namumuhay ayon sa mga satanikong tuntunin ng pamumuhay at pinahahalagahan ang kasikatan at pakinabang nang higit sa katotohanan at buhay. Talagang hindi ko na makilala ang tama sa mali! Kahit na makapagtapos ako na may diploma at makahanap ng magandang trabaho, kung hindi ko natamo ang katotohanan at buhay, sa huli ay ititiwalag ako ng Diyos. Dati, palagi kong iniisip na ang pag-aaral sa unibersidad habang nananampalataya sa Diyos ay maaaring maghatid sa akin ng kasikatan at pakinabang pati na rin ng mga pagpapala ng Diyos. Mapangaraping pag-iisip ko lang ito at talagang hindi alinsunod sa katotohanan. Sabi ng Diyos: “Kung nananampalataya ka lamang kapag may panahon ka, at hindi mo kayang ilaan ang buong pansin mo sa iyong pananalig, at kung palagi kang naguguluhan sa iyong pananalig, wala kang mapapala(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X). Sinabi rin ng Panginoong Jesus: “Sinuman sa inyo na hindi tumatalikod sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad Ko(Lucas 14:33). Naunawaan ko na para sumunod sa Diyos, kailangan mong magkaroon ng isang pusong nakalaan, at hindi pinipigilan o ginagapos ng pamilya, laman, pera, kasikatan, o pakinabang. Dapat mong ilaan ang lahat ng iyong oras sa iyong tungkulin, hangarin ang katotohanan, tamuhin ang katotohanan, at sa huli ay maligtas ng Diyos. Tingnan natin ang mga disipulo ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya bilang halimbawa. Ang ilan sa kanila ay tumalikod sa katayuan at kayamanan, at ang ilan ay tumalikod sa kanilang mga pamilya para buong pusong sumunod sa Panginoong Jesus, naglalakbay sa lahat ng dako para ipangaral ang ebanghelyo at magpatotoo sa Panginoon. Ang mga ito ay mga makabuluhang buhay, karapat-dapat na tularan. Bukod pa rito, iniisip ko dati na ang pagkakaroon ng akademikong kaalaman ay hahantong sa isang magandang trabaho, na magbibigay-daan para mamuhay ako nang maginhawa na walang alalahanin sa pagkain at damit, at hangaan ng aking mga kamag-anak at kaibigan; inakala kong kasikatan at pakinabang lang ang makapagbibigay ng kaligayahan. Ngayon naisip ko ito, bagama’t maraming intelektuwal at mga taong mayaman at makapangyarihan ang mukhang magara at maganda sa panlabas, at nagtatamasa ng katanyagan saanman sila magpunta, hindi sila nananampalataya sa Diyos at hindi nauunawaan ang katotohanan. Nabubuhay sila sa bitag ni Satanas, nag-aagawan sa kasikatan at pakinabang, at naglalabanan nang parehong hayagan at patago. Para makamit ang katayuan at reputasyon, ikinokompromiso nila ang kanilang kalusugan at ipinagbibili ang sarili nilang integridad at dignidad. Madilim ang kanilang buhay, hindi sila masaya. Kung mawawala sa isang tao ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos, at wala ang pagpapala o pagliligtas ng Diyos, anong kaligayahan ang mayroon para banggitin? Gaano mang kaalaman ang mayroon sila, gaano mang paghanga ang natatanggap nila mula sa iba, o gaano man karangya ang kanilang mga materyal na tinatamasa, sa huli ay mahuhulog sila sa mga kalamidad, masasadlak sa perdisyon, at mawawasak. Hindi ito isang tunay na kinabukasan. Ngayon, ito ang mga huling araw. Wawakasan ng Diyos ang kapanahunang ito at gagawin ang Kanyang gawain ng paggagantimpala sa mabuti at pagpaparusa sa masama. Sa pamamagitan lamang ng paghahangad sa katotohanan at pagtatamo ng pagbabago sa disposisyon ka maliligtas at mananatiling buhay, at aakayin ng Diyos tungo sa susunod na kapanahunan. Ito ang tunay na kinabukasan.

Kalaunan, nabasa ko ang tungkol sa karanasan ni Pedro, na nagbigay sa akin ng kaunting inspirasyon at motibasyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Malinaw na pinagpalang maisilang si Pedro sa ganoon kagandang kalagayang panlipunan. Dahil matalino at mabilis matuto, madali siyang nakakuha ng mga bagong ideya. Nang magsimula siyang mag-aral, nagawa niyang matukoy ang maraming bagay mula sa iisang piraso ng impormasyon nang napakadali sa panahon ng mga leksiyon. Ipinagmamalaki ng kanyang mga magulang ang pagkakaroon ng ganoon katalinong anak, at ginawa nila ang lahat para makapasok siya sa paaralan, umaasang magiging tanyag siya at makakakuha ng kahit na anong opisyal na puwesto sa lipunan. Hindi nila namalayan, naging interesado si Pedro sa Diyos, kung kaya, sa edad na labing-apat, habang nasa mataas na paaralan siya, tumutol siya sa kurikulum ng Sinaunang Kulturang Griyego na pinag-aaralan niya, lalo na sa mga kathang-isip na tao at gawa-gawang pangyayari sa sinaunang kasaysayan ng mga Griyego. Mula noon, sinimulang subukan ni Pedro—na katutungtong pa lang sa kasagsagan ng kanyang kabataan—na tumuklas pa tungkol sa buhay ng tao at sa mas malawak na mundo. Hindi siya pinilit ng kanyang konsensya na suklian ang mga pasakit na dinanas ng kanyang mga magulang, dahil malinaw niyang nakita na nabubuhay ang lahat ng tao sa kalagayan ng panlilinlang sa sarili, walang kabuluhan ang buhay nilang lahat, sinisira ang sarili nilang buhay sa pagsisikap magkamit ng kayamanan at pagkilala. Malaki ang kinalaman ng kapaligirang panlipunang kinaroroonan niya sa kanyang pananaw. Kapag mas malawak ang kaalaman ng mga tao, mas masalimuot ang mga pakikipag-ugnayan nila sa iba at ang panloob na mundo nila, at samakatuwid, mas umiiral sila sa kahungkagan. Sa ganitong kalagayan, ginugol ni Pedro ang libre niyang oras sa mga malawakang pagbisita, karamihan doon ay sa mga relihiyosong tao. Sa puso niya, may tila malabong pakiramdam na maaaring relihiyon ang makapagpapaliwanag sa lahat ng hindi maipaliwanag sa mundo ng tao, kaya’t malimit siyang pumunta sa isang kalapit na sinagoga para dumalo sa mga pagsamba. Lingid ito sa kaalaman ng kanyang mga magulang, at hindi nagtagal ay nagsimulang kamuhian ni Pedro, na noon pa man ay may mabuting pagkatao at mahusay na pinag-aralan, ang pagpasok sa paaralan. Sa ilalim ng patnubay ng kanyang mga magulang, muntik na siyang hindi makatapos ng mataas na paaralan. Habang lumalangoy pabalik sa pampang mula sa karagatan ng kaalaman, huminga siya nang malalim; mula noon, wala nang magtuturo o maghihigpit sa kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob,” Tungkol sa Buhay ni Pedro). Mula sa karanasan ni Pedro, nakita kong inosente ang puso ni Pedro, at mahal niya ang mga positibong bagay; nagsimula siyang mag-isip tungkol sa buhay sa murang edad. Sa pamamagitan ng kanyang mga pakikisalamuha sa lipunan, napagtanto niya na ang mga tao ay nabubuhay para sa kasikatan at pakinabang, at na habang mas maraming kaalaman ang natatamo ng isang tao, mas nagiging kumplikado at tiwali ang kanyang isipan. Malinaw din niyang nakita ang kadiliman at kasamaan ng lipunan, at ang kahungkagan ng paghahangad ng kasikatan, pakinabang at katayuan. Hindi niya sinunod ang kagustuhan ng kanyang mga magulang na hangaring mangibabaw sa karamihan, at labis na magsikap na makakuha ng anumang opisyal na katungkulan sa lipunan. Sa halip, determinado niyang isinuko ang kanyang pag-aaral at sinunod ang landas ng pananalig sa Diyos, at kalaunan ay sumunod sa Panginoong Jesus. Ginugol niya ang kanyang buhay sa paghahangad na maunawaan ang Diyos, hinanap ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay, at naunawaan ang sarili niyang mga pagkukulang at kakapusan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sa huli, nagawa niyang magpasakop sa Diyos hanggang sa kamatayan at mahalin Siya nang sukdulan. Nakamit niya ang pagsang-ayon ng Diyos at namuhay nang may kabuluhan. Sa kaibahan, hindi ko matarok ang mga bagay-bagay, at dahil sa paghahangad ko ng kasikatan at pakinabang, ayaw kong gawin ang tungkulin ng isang nilikha, kuntento na lang sa pananampalataya sa libreng oras ko. Kung magpapatuloy akong manampalataya nang ganito, magiging walang kabuluhan ang lahat sa huli! Dapat kong tularan ang halimbawa ni Pedro at bitiwan ang aking personal na kinabukasan para aktibong hangarin ang mga positibong bagay. Noong nasa unibersidad ako, nakita ko ang kadiliman at kasamaan ng lipunang ito. Ang mga unibersidad sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina ay mga base para sa edukasyong ateista. Lahat ay naghahangad ng mga bagay na walang kabuluhan at naghahangad ng kasamaan, at walang may pakialam sa mga estudyanteng kumakain, umiinom, nagsasaya o nakikipag-away. Gayumpaman, ang mga taong nananampalataya sa Diyos at lumalakad sa tamang landas ay hinahadlangan sa bawat pagkakataon. Nagkakalat din ang unibersidad ng mga walang batayang tsismis para kondenahin at siraan ang Diyos, idinudulot na lumayo ang mga tao sa Kanya at ipagkanulo Siya. Kung magpapatuloy akong mag-aral sa unibersidad doon, matatangay lang ako ng masasamang kalakaran, papalayo nang papalayo sa Diyos. Sa huli, mahuhulog ako sa malalaking kalamidad at mawawasak. Tanging ang Diyos lamang ang makapagtuturo sa mga tao ng tamang landas, at sa pag-unawa lang sa katotohanan maaaring mamuhay ang isang tao nang may wangis ng tao. Handa akong piliing gawin ang aking tungkulin at bigyang-kasiyahan ang Diyos.

Gayumpaman, nang talagang nagpasya akong bitiwan ang aking pag-aaral, mayroon pa rin akong ilang alalahanin. Kapag pinili kong gugulin ang lahat ng oras ko sa aking mga tungkulin, hindi ko na magagawang kumita ng pera para alagaan ang aking mga magulang. Labis na nagsikap ang mga magulang ko para palakihin at ako at suportahan ang pag-aaral ko, at ngayon ay matanda na sila, hindi na kasing-buti ng dati ang kanilang kalusugan. Kung magkakasakit sila sa hinaharap, hindi ako pahihintulutan ng aking mga kondisyon para alagaan sila. Palagi kong mararamdaman na may utang na loob ako sa kanila. Nang malaman ng kapatid ang kalagayan ko, naghanap siya ng ilang salita ng Diyos para sa akin. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Palagi Kong pagiginhawahin ang lahat ng nakakahiwatig ng Aking mga layunin, at hindi Ko papayagang magdusa sila o mapahamak. Ang napakahalagang bagay ngayon ay na makaya mong kumilos ayon sa Aking mga layunin. Ang mga gumagawa nito ay siguradong tatanggap ng Aking mga pagpapala at mapapasailalim sa Aking pag-iingat. Sino ang tunay at ganap na makagugugol ng kanilang sarili para sa Akin at makapaghahandog ng lahat-lahat nila para sa Akin? Lahat kayo ay walang gana; nagpapaikot-ikot ang inyong mga kaisipan, iniisip ang tahanan, ang mundo sa labas, ang pagkain at damit. Sa kabila ng katotohanang ikaw ay nasa harap Ko, gumagawa ng mga bagay-bagay para sa Akin, sa puso mo ay iniisip mo pa rin ang iyong asawa, mga anak, at mga magulang na nasa bahay. Lahat ba ng ito ay pag-aari mo? Bakit hindi mo ipinagkakatiwala ang mga ito sa Aking mga kamay? Wala ka bang tiwala sa Akin? O ito ba ay dahil natatakot ka na gagawa Ako ng mga hindi angkop na pagsasaayos para sa iyo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 59). Ang mga taong taos-pusong gumugugol para sa Diyos ay may katapatan at pagpapasakop sa Kanya; ginagawa nila ang kanilang tungkulin nang hindi isinasaalang-alang ang mga personal na pakinabang at kawalan, at tinutupad ang kanilang mga responsibilidad para makumpleto ang atas ng Diyos. Gayumpaman, kapag nahaharap ako sa isang pagpipilian, palagi kong isinasaalang-alang ang sarili kong kinabukasan, ang aking pamilya at ang aking mga magulang. Hindi ko kayang tunay na ipagkatiwala ang lahat ng mayroon ako sa mga kamay ng Diyos. Ang tadhana ng ating mga magulang ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos: Kung gaano karaming pagdurusa ang kanilang titiisin at kung gaano karaming kaligayahan ang kanilang tatamasahin ay matagal nang paunang itinakda ng Diyos. Kung sila ay magkasakit, bilang mga anak, kahit na manatili tayo sa tabi ng ating mga magulang o magbayad para sa kanilang pagpapagamot, hindi tayo maaaring magdusa para sa kanila, at wala tayong mababagong anuman. Halimbawa ang tiyuhin ko, na maraming anak. Medyo may kaya ang mga pamilya ng mga pinsan ko, at lubos silang mababait na anak sa tiyuhin ko. Nang magkaroon ng kanser sa baga ang tiyuhin ko, nag-ambagan silang lahat para sa kanyang operasyon at salitan silang nag-alaga sa kanya. Akala nila ay gagaling na siya pagkatapos ng operasyon, pero, hindi inaasahan, pumanaw siya sa loob lang ng ilang buwan. Hindi nakaririwasa ang pamilya ko, at madalas ay mabibigat na trabaho ang ginagawa ng mga magulang ko. Gayumpaman, maayos pa rin ang kalusugan nila at bihirang magkasakit sa buong taon. Napagtanto ko na hindi ko nauunawaan ang awtoridad ng Diyos, at napakaliit pa rin ng pananalig ko sa Diyos. Magkahiwalay ang tadhana namin ng mga magulang ko, at hindi talaga maaapektuhan ang tadhana ng mga magulang ko kung gagawin ko man o hindi ang aking tungkulin nang full-time. Dapat akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Lumikha, at ipagkatiwala sa Diyos ang lahat ng bagay na may kinalaman sa aking mga magulang. Nang maunawaan ko ito, hindi na ako namuhay sa kapighatian at pagkabalisa, at nakaramdam ng higit pang laya ang puso ko.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Hinahanap ng Diyos ang mga taong nag-aasam na Siya’y magpakita. Hinahanap Niya sila na may-kakayahang makinig sa Kanyang mga salita, mga hindi nakakalimot sa Kanyang atas, at naghahandog ng kanilang puso at katawan sa Kanya. Hinahanap Niya ang mga kasingmapagpasakop at kasing-di-mapanlaban ng mga bata sa Kanyang harapan. Kung ilalaan mo ang iyong sarili sa Diyos, hindi nahahadlangan ng anumang puwersa, titingnan ka ng Diyos nang may pabor at ipagkakaloob sa iyo ang Kanyang mga pagpapala. Kung ikaw ay may mataas na katayuan, dakilang reputasyon, saganang kaalaman, napakaraming ari-arian, at suporta ng maraming tao, subalit nananatili kang hindi nagugulo ng mga bagay na ito at humaharap ka pa rin sa Diyos upang tanggapin ang Kanyang pagtawag at ang Kanyang atas, at na gawin kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo, ang lahat ng iyong ginagawa ay magiging pinakamakabuluhan sa lupa at pinakamakatarungan na gawain ng sangkatauhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang masidhing layunin ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Hinahanap ng Diyos ang mga taong kayang makinig sa Kanyang mga salita at magpasakop sa Kanya, at nais Niyang iligtas ang mga nananabik sa Kanyang pagpapakita. Kung kayang talikuran ng mga tao ang kanilang reputasyon, katayuan, pera at mga interes, at lumapit sa harap ng Diyos para gawin ang kanilang tungkulin, ito ay sinasang-ayunan Niya, at ito rin ang pinakamakabuluhang bagay na mayroon. Naisip ko kung paanong nagawang sundin ni Pedro ang tawag ng Diyos at gawin ang kanyang tungkulin, sa huli ay nagbibigay ng isang maganda at matunog na patotoo para aliwin ang puso ng Diyos. Dapat ko ring tuparin ang mga responsibilidad ng isang nilikha at tuparin ang aking tungkulin; sa gayon lamang ako magiging isang taong may konsensiya at pagkatao. Na mapalad akong makagawa ng mga tungkulin sa iglesia ay biyaya ng Diyos sa akin, at handa akong iwanan ang aking pag-aaral at gawin ang aking tungkulin.

Kalaunan, sinabi ko sa tatay ko ang tungkol sa pinili ko at sinuportahan niya ako. Sinabi pa niya, “Ang pananampalataya sa Diyos ang tamang landas sa buhay. Nasa hustong gulang ka na ngayon, at dahil pinili mo ang landas na ito, dapat kang magkaroon ng determinasyon at tiyaga na magpatuloy. Anuman ang mga kabiguan o paghihirap na iyong maranasan, huwag kang panghinaan ng loob. Hangarin mo lang ang mga layon mo nang masikap!” Medyo nagulat ako sa suporta ng tatay ko. Alam kong ang kanyang mga iniisip at ideya ay nasa mga kamay din ng Diyos, at labis akong nagpapasalamat sa Diyos sa puso ko. Mas lalo pa ring tumibay ang pananalig ko sa pagsunod sa Diyos. Pagkatapos magsimula ng bagong termino, nag-apply ako sa aking guro para huminto sa pag-aaral. Hindi naintindihan ng guro ko kung bakit ko isasantabi ang isang magandang unibersidad, at patuloy na sinusubukang pigilan akong huwag gawin ito, sinasabing, “Kailangan mong pag-isipang mabuti. Nagsikap ang mga magulang mo para mapag-aral ka sa unibersidad at hindi naging madali para sa iyo na makapasok. Kung susuko ka ngayon, hindi ka na magkakaroon ng matatag na trabaho sa hinaharap. Kailangan mong magkaroon ng pangitain, at hindi maging makitid ang pag-iisip!” Nang marinig kong sabihin ng guro na dapat akong magkaroon ng pangitain, biglang kumabog ang dibdib ko. Naisip ko, “Oo. Sa oras na gawin ko ang desisyong ito, hindi na ako magkakaroon ng kagalang-galang na trabaho. Kung gayon, malamang na hindi ko na makakamit ang paghanga ng iba o matatamasa ang mga kasiyahan ng laman.” Napagtanto kong hindi tama ang aking pag-iisip, kaya mabilis akong nanalangin sa Diyos sa aking puso. Sa sandaling ito, malinaw kong naalala ang mga salita ng Diyos: “Sa lahat ng oras, dapat maging handa ang Aking mga tao laban sa mga tusong pakana ni Satanas….(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 3). Alam kong ito ay paalala at pag-akay sa akin ng Diyos. Sa panlabas, tila nakikipag-ugnayan lang ako sa aking guro, pero sa katunayan, mayroong pakana ni Satanas na nagtatago sa likod nito. Ginamit ni Satanas ang guro para sabihin ang ilang bagay na tila para sa kapakanan ko, tinutukso akong layuan ang Diyos at talikuran ang aking tungkulin. Talagang napakakasuklam-suklam ni Satanas! Pinag-isipan ko rin, “Sinabi ng guro na hindi ako dapat maging makitid ang pag-iisip kundi magkaroon ng pangitain; ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng pangitain? Kung hahangarin kong makapagtapos na may mataas na digri, isang magandang trabaho at hangaan ng iba, pero hindi ko naman matupad ang aking tungkulin at hindi makamit ang katotohanan, sa pagtatapos ng gawain ng Diyos, wala akong makakamit na anuman. Gayumpaman, kung susunod ako sa Diyos at tutuparin ang mga tungkulin ng isang nilikha, maaari akong maligtas. Ito ang pinakatamang pagpili; ito ang tunay na pangitain.” Kaya, matatag akong sumagot: “Ang desisyon kong huminto sa pag-aaral ay hindi pabigla-bigla. Pinag-isipan ko ito nang matagal, at hindi ko ito pagsisisihan.” Nakita ng guro na hindi niya ako makumbinsi at umiling na lang siya nang walang magawa. Wala siyang nagawa kundi iproseso ang pag-alis ko sa unibersidad. Nang sandaling lumabas ako ng campus, nakaramdam siya ng labis na kasiyahan, dahil hindi na ako kailangang mapigilan ng aking mga guro o kaklase kapag dumadalo sa mga pagtitipon o paggawa ng aking tungkulin. Pakiramdam ko ay parang isang mabigat na pasanin ang natanggal sa mga balikat ko. Naramdaman kong para akong isang ibong nakawala sa hawla, na bumabalik sa yakap ng bughaw na kalangitan.

Pagkatapos niyon, ginugol ko ang aking buong panahon sa paggawa ng aking mga tungkulin. Kasama ang aking mga kapatid, dumadalo ako sa mga pagtitipon at ginagawa ang aking tungkulin araw-araw, at panatag na panatag at payapa ang pakiramdam ko. Sa proseso ng paggawa ng aking tungkulin, nagbunyag ako ng maraming tiwaling disposisyon. Halimbawa, sa paggawa ng aking tungkulin, masigasig ako sa mga mabilis na pakinabang, pabasta-basta, at nagpasasa sa mga kaaliwan ng laman; Naranasan ko rin ang ilang pagpupungos, pagtutuwid, at pagdidisiplina. Nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa sarili kong mga tiwaling disposisyon, at nagtamo ng ilang pagbabago. Ang mga pakinabang na ito ay hindi ko makakamit habang nag-aaral pa ako sa unibersidad. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pag-aahon sa akin mula sa kumunoy ng paghahangad ng kasikatan at pakinabang, at pag-aakay sa akin sa tamang landas ng buhay!

Sinundan: 65. Sa Wakas ay Sinalubong Ko Na ang Pagbabalik ng Panginoon

Sumunod: 67. Napakahalaga ng mga Tamang Layunin sa Paggawa ng Tungkulin

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito