38. Nang Mabalitaan Kong Kritikal ang Kalagayan ni Mama

Ni Maude, USA

Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya sa probinsya; palaging nasa labas ang tatay ko para magtrabaho buong taon, at bihirang-bihira siyang umuwi. Ang nanay namin ang mag-isang nagpalaki sa amin ng kapatid kong babae, at kahit hindi kami mayaman, palaging ginagawa ni nanay namin ang lahat para bigyan kami ng magandang buhay, at ginagawa niya ang lahat para makuha ang mga gusto ko. Mahina at sakitin ako noong bata pa, at madalas akong sipunin at lagnatin, saka, mabilis akong tumangkad, at madalas sumakit ang mga tuhod ko. Hindi namin kayang bumili ng karne, pero madalas akong nilulutuan ni nanay ng nilagang buto-buto, dahil takot siyang baka makaapekto sa paglaki ko ang kakulangan sa nutrisyon. Sa tuwing nagkakasakit ako, walang pahingang inaalagaan ako ng nanay ko. Minsan, nagkakaroon ako ng matataas na lagnat na ayaw bumaba, at nag-aalala ang nanay ko nang sobra, kaya sa gabi, punas siya nang punas ng alkohol sa katawan ko para bumaba ang lagnat ko. Hindi lang niya ako inalagaan nang mabuti, kundi ginawa rin niya ang lahat para igalang ang mga lolo’t lola ko. Sa tuwing dinadala niya ako sa bahay ng lola ko, bumibili siya ng mga bagay na karaniwan niyang hindi binibili, tulad ng mga prutas, gatas, o mga panghimagas, at madalas niyang sinasabi sa akin na maging mabuti sa mga lolo’t lola ko. Minsan, kapag nakakarinig siya ng anak na hindi gumagalang sa magulang, tinatawag niya ang mga ito na walang utang na loob, at sinasabing nasayang lang ang pagpapalaki sa kanila ng kanilang mga magulang. Hindi ko namamalayan, sa pamamagitan ng mga turo at gawa ng nanay ko, naniwala ako na ang paggalang sa magulang ang sukatan para maging isang mabuting tao, na saka mo lang maitataas ang noo mo at makukuha ang papuri ng iba, at kapag hindi ka magalang na anak, pupunahin ng mga tao nang patalikod ang kawalan mo ng konsensiya, at hindi mo magagawang magtaas-noo. Noong labing-apat na taong gulang ako, pumanaw ang tatay ko sa isang trahedya ng aksidente sa sasakyan. Mas lalo kong pinahalagahan ang panahon namin ng nanay ko, at ipinangako ko sa sarili ko na paglaki ko, gagawin ko ang lahat para bigyan ng magandang buhay ang nanay ko, at aalagaan ko siya nang kasing-ingat ng pag-aalaga niya sa akin noong bata pa ako, para maging masaya siya sa kanyang pagtanda. Pakiramdam ko, kung hindi ko ito magagawa, wala akong konsensiya, at ni hindi ako karapat-dapat na tawaging tao.

Noong 2011, pinalad akong matanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Noong 2012, inaresto ako ng mga pulis habang ipinapangaral ang ebanghelyo. Pagkatapos kong mapalaya, dahil hindi ligtas sa bahay, kinailangan kong pumunta sa ibang lugar para gawin ang tungkulin ko. Kahit hindi ko nakasama ang nanay ko nang mga sumunod na taon, palagi akong umaasa na isang araw ay makakasama ko siyang muli, para alagaan at bigyang-galang siya, at tuparin ang matagal ko nang hinahangad.

Bandang Marso 2023, bigla akong nakatanggap ng sulat mula sa kapatid kong babae, sinasabi na dalawang taon na ang nakalipas, biglang nagkaroon ng pagdurugo sa utak at cerebral infarction ang nanay namin, at mula noon ay naratay na siya, paralisado at hindi kayang alagaan ang sarili. May malubha rin siyang diabetes, na nauwi na sa diabetic foot, na nagdulot ng pagkasugat-sugat ng balat at laman sa mga daliri niya sa paa. Lalo pang lumala ang kondisyon niya kamakailan, at baka hindi na siya magtatagal, at umaasa ang kapatid kong babae na makakauwi ako sa lalong madaling panahon para makita ang nanay ko sa huling pagkakataon. Pagkabasa ko ng sulat, pakiramdam ko ay bumagsak ang langit sa akin. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko napigilan ang emosyon ko, at napahagulgol ako, iniisip na, “Paano nangyari ito sa nanay ko? Totoo ba ito? Sa mga taong malayo ako sa bahay, palagi akong umaasa na isang araw ay makakasama kong muli ang nanay ko, alagaan siya, at bigyang-igalang siya, at hayaan siyang mamuhay nang masaya sa kanyang mga huling taon ng buhay.” Pero ang biglaang balitang ito ay parang kidlat sa isang maaliwalas na langit, sinira ang lahat ng pag-asa at inaasahan ko. Ilang sandaling hindi ko ito matanggap, at sa puso ko, hindi ko maiwasang magreklamo sa Diyos, “Bakit hindi Mo hinayaang mabuhay ang nanay ko nang malusog nang ilang taon pa?” Naisip ko pa ngang hilingin sa Diyos na paikliin ang buhay ko para mapahaba ang buhay ng nanay ko, para lang matamasa niya ang ilang araw ng payapang kaligayahan. Para doon, ayos lang sa akin na mabuhay nang ilang taon na mas maikli. Sinabi rin ng kapatid ko sa sulat na ilang araw pa lang mula nang magkasakit ang nanay ko, nag-alok nang makipaghiwalay ang amain ko, na napakasama ng trato niya sa nanay ko, at binubugbog at pinagsasalitaan niya ito nang masakit. Nagdurusa na nga ang nanay ko dahil sa sakit niya, kailangan pa niyang tiisin ang pagpapahirap ng amain ko araw-araw, kaya sa huli, nagkaroon siya ng malubhang depresyon. Dahil walang ibang magawa, napilitan kapatid ko na sumang-ayon sa pagdiborsiyo ng amain ko sa nanay ko. Naisip ko kung paanong kailangan ni Mama ng mag-aalaga sa kanya sa lahat ng bagay. Pero dahil kailangang pumasok sa trabaho ng kapatid ko, mag-isa lang ang nanay ko sa bahay. Paano kung mauhaw siya o magutom? Sino’ng mag-aalaga sa kanya? Sa biglaang pagkakaroon ng ganito kalulubhang sakit, siguradong nakaramdam ng sobrang pagkadismaya at pagkakapigil ang palaban kong nanay, at kapag malungkot siya, sino ang aalo at magpapalakas ng loob niya? Habang lalo ko itong iniisip, lalo kong nararamdaman na parang dinudurog ang puso ko. Sana makalipad ako pabalik sa tabi ng nanay ko kaagad para makausap siya, aluin, at palakasin ang loob niya, at asikasuhin ang mga pang-araw-araw niyang pangangailangan. Pero inaresto na ako ng pulis dati, at kung babalik ako ngayon, siguradong papasok ako sa isang patibong. Ang umuwi para alagaan ang nanay ko at makita siya sa huling pagkakataon ay naging isang hiling na hindi ko maabot. Sobrang miserable ng pakiramdam ko, talagang hindi ko kayang makatipon ng anumang motibasyon, at wala akong ganang gawin ang mga tungkulin ko. Sa gabi, hindi ako makatulog, at iniisip ko, “Iniisip ko kung kumusta na kaya ang nanay ko. Nakakapagpahinga na kaya siya? O nagpapabali-baliktad pa rin siya sa sakit, hindi makatulog?” Sa pag-iisip nito, hindi ko maiwasang mapaiyak, hindi na makapagsalita sa kaiiyak. Isang gabi, napanaginipan ko pa nga ang nanay ko, nakita ko siya na parang ang nakababatang sarili niya, na may dalawang mahabang tirintas, masaya at abalang gumagawa ng kung ano-ano. Nakatayo lang ako sa ‘di kalayuan, pinapanood siya, pero kahit anong tawag ko sa kanya, hindi siya sumasagot. Parang hindi niya ako nakikita o naririnig. Nang magising ako, napagtanto kong panaginip lang pala ito. Habang lalo ko itong iniisip, lalo akong nalulungkot, at hindi ko napigilang umiyak na naman nang may pait.

Puno ng pasakit ang mga araw na iyon, kaya nanalangin ako sa Diyos na gabayan akong maunawaan ang Kanyang layunin. Noong panahong iyon, may ilang salita ng Diyos na laging sumasagi sa isip ko: “Ang pagkasilang, pagtanda, pagkakasakit, at pagkamatay ay mga bagay na dapat tanggapin ng bawat tao, sa anong batayan mo ito hindi kayang tiisin? Ito ang batas na inorden ng Diyos para sa pagsilang at kamatayan ng tao, bakit mo gustong labagin ito? Bakit hindi mo ito tanggapin? Ano ang intensiyon mo?” Kaya hinanap ko ang sipi ng mga salita ng Diyos kung saan galing ang mga pariralang iyon at binasa ko ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sinasabi ng ilang tao: ‘Alam kong hindi ko dapat suriin o siyasatin ang usapin ng pagkakasakit ng aking mga magulang o ang pagdanas nila ng malaking kasawian, na walang saysay na gawin iyon, at na dapat kong harapin ito batay sa mga katotohanang prinsipyo, pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na suriin at siyasatin ito.’ Kung gayon, lutasin natin ang problema ng pagpigil, upang hindi mo na kailangang pigilan ang iyong sarili. Paano ito makakamit? Sa buhay na ito, ang mga taong may malusog na pangangatawan ay nagsisimulang makaranas ng mga sintomas ng katandaan kapag umabot na sila sa 50 o 60 taong gulang—ang kanilang mga kalamnan at buto ay nagiging mahina, nawawalan sila ng lakas, hindi sila makatulog o makakain nang maayos, at wala silang sapat na lakas para magtrabaho, magbasa, o gumawa ng anumang uri ng trabaho. Naglalabasan ang iba’t ibang uri ng sakit sa loob ng kanilang katawan, tulad ng altapresyon, diabetes, sakit sa puso, cardiovascular disease, cerebrovascular disease, at iba pa. … Lahat ng tao ay mararanasan ang mga sakit na ito sa laman. Ngayon ay sila, bukas ay kayo at kami. Ayon sa edad at sa sunud-sunod na pagkakaayos, ang lahat ng tao ay isisilang, tatanda, magkakasakit, at mamamatay—mula sa kabataan ay tumatanda sila, mula sa katandaan ay nagkakasakit sila, at mula sa pagkakasakit ay namamatay sila—ito ang batas. Kaya lang, kapag nababalitaan mong nagkakasakit ang iyong mga magulang, sapagkat sila ang mga taong pinakamalapit sa iyo, ang mga taong inaalala mo nang higit sa lahat, at siyang nagpalaki sa iyo, hindi mo malalagpasan ang hadlang na ito ng iyong mga damdamin, at iisipin mong: ‘Wala akong nararamdaman kapag namatay ang mga magulang ng ibang tao, pero hindi maaaring magkasakit ang mga magulang ko, dahil ikalulungkot ko iyon. Hindi ko ito makakaya, kumikirot ang puso ko, hindi ko maiwaksi ang nararamdaman ko!’ Dahil lang sa mga magulang mo sila, iniisip mo na hindi sila dapat tumanda, magkasakit, at na lalong hindi sila dapat mamatay—makatwiran ba iyon? Hindi ito makatwiran, at hindi ito katotohanan. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Ang bawat tao ay mahaharap sa pagtanda at pagkakasakit ng kanilang mga magulang, at sa ibang malubhang lagay, ang mga magulang ng mga tao ay paralisado pa nga sa kama, at ang ilan ay nakaratay na parang lantang gulay. Ang mga magulang ng ilang tao ay may altapresyon, pagkaparalisa sa isang bahagi ng katawan, stroke, o nagkakaroon pa nga ng malubhang karamdaman at namamatay. Ang bawat tao ay personal na makakasaksi, makakakita, o makakabalita tungkol sa proseso ng pagtanda, pagkakasakit, at pagkamatay ng kanilang mga magulang. Sadyang may mga taong nababalitaan ito nang mas maaga, kapag ang kanilang mga magulang ay nasa edad 50; ang ilang tao naman ay nababalitaan ito kapag ang kanilang mga magulang ay nasa edad 60; at ang iba ay nababalitaan lamang ito kapag ang kanilang mga magulang ay 80, 90, o 100 taong gulang na. Ngunit, kailan mo man ito mabalitaan, bilang isang anak, isang araw, sa malao’t madali, tatanggapin mo ang katunayang ito. Kung nasa hustong gulang ka na, dapat mayroon kang mature na pag-iisip, at ng tamang saloobin sa pagkasilang, pagtanda, pagkakasakit, at pagkamatay ng mga tao, at hindi maging pabigla-bigla; hindi tamang hindi mo kakayanin kapag nabalitaan mong may sakit ang iyong mga magulang, o na nakatanggap sila ng paunawa mula sa ospital na may malubha silang sakit. Ang pagkasilang, pagtanda, pagkakasakit, at pagkamatay ay mga bagay na dapat tanggapin ng bawat tao, sa anong batayan mo ito hindi kayang tiisin? Ito ang batas na inorden ng Diyos para sa pagsilang at kamatayan ng tao, bakit mo gustong labagin ito? Bakit hindi mo ito tanggapin? Ano ang intensiyon mo? Ayaw mong mamatay ang iyong mga magulang, ayaw mong mamuhay sila ayon sa batas ng pagsilang, pagtanda, pagkakasakit, at pagkamatay na itinatag ng Diyos, gusto mong pigilan silang magkasakit at mamatay—ano ang idudulot nito sa kanila? Hindi ba’t ginagawa sila nitong plastik na tao? Magiging tao pa rin ba sila kung gayon? Samakatuwid, dapat mong tanggapin ang katunayang ito. Bago mo mabalitaang tumatanda na ang iyong mga magulang, na nagkasakit sila, at namatay, dapat mong ihanda ang iyong sarili para dito sa puso mo. Isang araw, sa malao’t madali, ang bawat tao ay tatanda, sila ay manghihina, at sila ay mamamatay. Dahil normal na tao ang iyong mga magulang, bakit hindi pwedeng maranasan nila ang yugtong ito? Dapat nilang maranasan ang yugtong ito, at dapat mong harapin ito nang tama(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (17)). Unti-unti akong pinakalma ng mga salita ng Diyos. Ang pagsilang, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan ay batas ng buhay na itinakda ng Diyos para sa sangkatauhan. Ngayong nasa 60s na ang nanay ko, unti-unti nang humihina ang mga organ at paggana ng katawan niya, at normal lang na magkaroon siya ng mga sakit, hindi ako dapat makipagtalo sa Diyos, na sinusubukang ipagpalit ang mga taon ng buhay ko para sa kalusugan at mahabang buhay ng nanay ko. Hindi ito pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Isa akong hamak na nilikha, at ang Diyos ay ang Lumikha, at dapat kong tanggapin ang batas ng buhay na itinakda ng Diyos para sa sangkatauhan, at danasin ang mga bagay-bagay ayon sa pagdating ng mga ito. Ni hindi ko kayang kontrolin o baguhin ang mga nararanasan ko araw-araw, pero pinanghawakan ko ang walang kabuluhang pag-asa na baguhin ang kapalaran ng nanay ko. Ito ay talagang walang katotohanan at walang katwiran! Umiyak at nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, hindi ko po matanggap ang biglaang pagbabagong ito sa aking sitwasyon. Pakiusap, gabayan N’yo po ako na makapagpasakop at matuto ng mga aral sa sitwasyong ito.” Kalaunan, sinadya kong maghanap ng mga salita ng Diyos na may kaugnayan sa kalagayan ko.

Isang araw sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Anuman ang sakit na makukuha ng iyong mga magulang, hindi iyon dahil sa pagod na pagod sila sa pagpapalaki sa iyo, o dahil sa nangungulila sila sa iyo; lalong hindi sila magkakaroon ng alinman sa mga malubha, seryosong karamdaman o nakamamatay na kondisyon dahil sa iyo. Kapalaran nila iyon, at wala itong kinalaman sa iyo. Gaano ka man kabuting anak sa iyong mga magulang o gaano ka man kamapagsaalang-alang sa pagmamalasakit sa kanila, ang pinakamamagagawa mo lang ay bawasan nang kaunti ang pagdurusa ng kanilang laman at ang kanilang mga pasanin. Ngunit tungkol sa pagkakasakit nila, anong sakit ang nakukuha nila, kailan sila mamamatay, at saan sila mamamatay—may kinalaman ba ang mga bagay na ito kung ikaw man ay nasa tabi nila at nag-aalaga sa kanila? Wala, walang kinalaman ang mga ito. Kung mabuti kang anak, kung hindi ka isang walang malasakit na ingrata, at ginugugol mo ang buong araw sa tabi nila at inaalagaan sila, hindi ba sila magkakasakit? Hindi ba sila mamamatay? Kung magkakasakit sila, hindi ba’t magkakasakit pa rin naman talaga sila? Kung mamamatay sila, hindi ba’t mamamatay pa rin naman talaga sila? Hindi ba’t tama iyon?(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (17)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung magkakasakit man ang mga magulang, gaano kalubha, o kung mamamatay sila, ay pawang itinakda na at isinaayos ng Diyos, at walang kinalaman sa mga anak. Kasama man ng mga magulang ang kanilang mga anak o hindi, hindi maiiwasan ang mga paghihirap, kabiguan, at kapighatiang haharapin nila sa buhay, at walang mababago ang kanilang mga anak. Naisip ko ang lolo ko. Nasa tabi niya ang lahat ng kanyang mga anak, at mukha siyang malusog, pero noong humigit-kumulang 60 taong gulang na siya, nagkaroon siya ng malubhang sakit, na nagdulot ng kanyang pagkaratay at pagkaparalisa, at nauwi sa vegetative state, at kailangan niya ng mga taong mag-aasikaso sa lahat ng pangangailangan ng katawan niya. Naghahalinhinan ang nanay, tiyuhin, at tiyahin ko sa pag-aalaga sa kanya araw at gabi, minamasahe siya araw-araw, kinakausap, at masidhi siyang inalagaan sa loob ng maraming taon, pero hindi na siya nagkamalay. Ngayong nagkasakit nang malubha ang nanay ko at paralisadong nakaratay sa kama, kahit pa nasa tabi niya ako para alagaan ang mga pang-araw-araw niyang pangangailangan, gagawin lang nitong medyo mas kumportable ang katawan niya, at hindi ko kayang akuin ang pagdurusa niya mula sa sakit. Kung gagaling man siya o mamamatay ay isang bagay na hindi ko mababago. Ang pagkakasakit ng nanay ko ay hindi magbabago nasa tabi man niya ako para alagaan siya o wala. Nang mapagtanto ko ito, binitiwan ko ang ilang pag-aalala ko para sa nanay ko.

Kalaunan, nang maisip ko ang tungkol dito at ang sinabi ng kapatid ko sa sulat, nakaramdam pa rin ako ng pagkadurog ng puso at pagkabagabag. Sumulat ang kapatid ko, “‘Sinusuklian ng mga uwak ang kanilang ina sa pamamagitan ng pagpapakain dito, at ang mga tupa ay lumuluhod para makatanggap ng gatas mula sa kanilang ina.’ Kahit mga hayop, marunong gumalang sa magulang. Kung hindi ito alam ng isang tao, mas masahol pa siya sa hayop.” Naisip ko ang mga taon na malayo ako sa bahay. Napakalaking mga bagay ang nangyari sa bahay, pero hindi man lang ako nagpakita. Wala akong ideya kung ano ang sinasabi ng mga kapitbahay, kamag-anak, at kaibigan namin tungkol sa akin, pero siguradong pinag-uusapan nila ako sa likuran ko, sinasabing hindi ako mabuting anak, ni hindi man lang umuwi noong malubha na ang sakit ng nanay ko at malapit nang mamatay. Pinalaki ako ng nanay ko mula pagkabata, at ang biyayang ito ay isang bagay na hindi ko kailanman masusuklian, kaya dapat gawin ko ang lahat para maibigay sa nanay ko ang pinakamagandang buhay, para hindi na niya kailangang mag-alala sa pagkain o damit, at magkaroon ng masaya at payapang pagtanda. Pero ngayong may sakit siya, hindi ko man lang siya maalagaan. Pakiramdam ko, mas masahol pa talaga ako sa hayop. Sa pag-iisip nito, parang sinasaksak ang puso ko, at madalas akong umiiyak nang palihim, nakokonsensiya dahil hindi ko masuklian ang biyayang pag-aaruga ng nanay ko. Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Tingnan natin ang usapin ng pagsilang ng iyong mga magulang sa iyo. Sino ba ang nagpasyang ipanganak ka nila: ikaw o ang iyong mga magulang? Kung titingnan mo ito mula sa perspektiba ng Diyos, hindi mga tao ang dapat gumawa ng pagpili rito. Hindi mo pinili na ang mga magulang mo ang magsilang sa iyo, at hindi rin nila ito pinili. Kung titingnan ang ugat ng usaping ito, ito ay inorden ng Diyos. Isasantabi muna natin ang paksang ito sa ngayon, dahil madaling maunawaan ng mga tao ang usaping ito. Mula sa iyong perspektiba, wala sa kontrol mo na ipinanganak ka ng iyong mga magulang, wala kang anumang pagpipilian sa usaping ito. Mula sa perspektiba ng iyong mga magulang, ito ay ang kanilang subhetibong kagustuhan na magkaroon at magpalaki ng mga anak. Sa madaling salita, kung isasantabi ang pag-orden ng Diyos, pagdating sa usapin ng pagsilang at pagpapalaki sa iyo, ang iyong mga magulang ang pawang may kapangyarihan. Pinili nilang ipanganak ka. Pasibo kang isinilang sa kanila. Wala kang naging anumang pagpili sa usapin. Kaya, sapagkat pawang ang mga magulang mo ang may kapangyarihan, at dahil isinilang ka nila, mayroon silang obligasyon at responsabilidad na palakihin ka hanggang sa hustong gulang. Ito man ay pagbibigay sa iyo ng edukasyon, o pagtutustos sa iyo ng pagkain at pananamit, ito ang kanilang responsabilidad at obligasyon, at ito ang dapat nilang gawin. Samantala, palagi kang pasibo sa panahong pinalalaki ka nila, wala kang karapatang mamili—kinailangang palakihin ka nila. Dahil bata ka pa noon, wala kang kapasidad na alagaan ang iyong sarili, wala kang magagawa kundi maging pasibong pinalalaki ng iyong mga magulang. Paano ka man pinalaki ng iyong mga magulang, hindi ikaw ang mapagpasya roon. Kung binibigyan ka nila ng masasarap na pagkain at inumin, kung gayon ay nagkaroon ka ng masasarap na pagkain at inumin. Kung binibigyan ka ng iyong mga magulang ng kapaligiran sa pamumuhay kung saan nabubuhay ka sa ipa at sa mga ligaw na halaman, kung gayon, nabubuhay ka sa ipa at sa mga ligaw na halaman. Sa alinmang paraan, noong pinalalaki ka nila, ikaw ay pasibo, at ginagampanan ng mga magulang mo ang kanilang responsabilidad. Katulad ito ng pag-aalaga ng iyong mga magulang sa isang bulaklak. Dahil gusto nilang alagaan ang isang bulaklak, dapat nila itong lagyan ng pataba, diligan, at tiyaking nasisikatan ito ng araw. Kaya naman, patungkol sa mga tao, hindi mahalaga kung metikuloso kang inalagaan ng iyong mga magulang o inaruga ka nila nang mabuti, sa alinmang paraan, ginagampanan lang nila ang kanilang responsabilidad at obligasyon. Anuman ang dahilan kung bakit ka nila pinalaki, responsabilidad nila ito—dahil ipinanganak ka nila, dapat silang maging responsable sa iyo. Batay rito, maituturing bang kabutihan ang lahat ng ginawa ng iyong mga magulang para sa iyo? Hindi maaari, hindi ba? (Tama.) Ang pagtupad ng iyong mga magulang sa kanilang responsabilidad sa iyo ay hindi maituturing na kabutihan, kaya kung tinutupad nila ang kanilang responsabilidad sa isang bulaklak o sa isang halaman, dinidiligan at pinatataba ito, maituturing ba iyon na kabutihan? (Hindi.) Higit pa ngang malayo iyon sa pagiging mabuti. Ang mga bulaklak at halaman ay mas tumutubo nang maayos kapag nasa labas—kung ang mga ito ay itinatanim sa lupa, nang may hangin, araw, at ulan, mas lalong lumalago ang mga ito. Hindi tumutubo ang mga ito nang kasingganda kapag itinanim sa isang paso sa loob ng bahay, hindi tulad ng pagtubo ng mga ito sa labas! Sa anumang uri ng pamilya isinilang ang isang tao, inorden ito ng Diyos. Ikaw ay isang taong nagtataglay ng buhay, at inaako ng Diyos ang responsabilidad sa bawat buhay, tinutulutan ang mga tao na mabuhay, at sumunod sa batas na sinusunod ng lahat ng nilalang. Sadya lamang na bilang isang tao, namumuhay ka sa kapaligiran kung saan ka pinalaki ng iyong mga magulang, kaya dapat ay lumaki ka sa kapaligirang iyon. Na isinilang ka sa kapaligirang iyon ay dahil sa pag-orden ng Diyos; na pinalaki ka ng mga magulang mo hanggang sa hustong gulang ay dahil din sa pag-orden ng Diyos. Sa alinmang paraan, sa pamamagitan ng pagpapalaki sa iyo, tinutupad ng iyong mga magulang ang isang responsabilidad at obligasyon. Ang palakihin ka hanggang sa hustong gulang ay obligasyon at responsabilidad nila, at hindi ito matatawag na kabutihan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (17)). “May kasabihan sa mundong walang pananampalataya: ‘Sinusuklian ng mga uwak ang kanilang ina sa pamamagitan ng pagpapakain dito, at ang mga tupa ay lumuluhod para makatanggap ng gatas mula sa kanilang ina.’ Nariyan din ang kasabihang ito: ‘Ang isang suwail na anak ay mas mababa pa kaysa sa hayop.’ Napakaganda pakinggan ng mga kasabihang ito! Sa totoo lang, ang penomena na binabanggit ng unang kasabihang, sinusuklian ng mga uwak ang kanilang ina sa pamamagitan ng pagpapakain dito, at ang mga tupa ay lumuluhod para makatanggap ng gatas mula sa kanilang ina, ay talagang umiiral, at ang mga ito ay katunayan. Gayumpaman, ang mga ito ay penomena lamang sa loob ng mundo ng mga buhay na nilalang. Ang mga ito ay isang uri lang ng batas na itinatag ng Diyos para sa iba’t ibang buhay na nilalang. Ang lahat ng uri ng buhay na nilalang, kabilang na ang mga tao ay sumusunod sa batas na ito, at higit itong nagpapakita na ang lahat ng buhay na nilalang ay nilikha ng Diyos. Walang buhay na nilalang ang maaaring lumabag sa batas na ito, at walang buhay na nilalang ang makakalampas dito. Kahit na ang mga medyo mabangis na karniboro tulad ng mga leon at tigre ay nag-aalaga sa kanilang mga supling at hindi nila kinakagat ang mga ito bago umabot sa hustong gulang ang mga ito. Ito ay instinto ng isang hayop. Anuman ang kanilang species, sila man ay mabangis o mabait at maamo, lahat ng hayop ay nagtataglay ng ganitong instinto. Ang lahat ng uri ng nilalang, kabilang ang mga tao, ay maaari lamang magpatuloy na dumami at mabuhay sa pamamagitan ng pagsunod sa instinto at batas na ito. Kung hindi sila sumusunod sa batas na ito, o wala silang ganitong batas at instinto, hindi sila makapagpaparami at mabubuhay. Hindi iiral ang biological chain, at gayundin ang mundong ito. Hindi ba’t totoo iyon? (Oo.) Sinusuklian ng mga uwak ang kanilang ina sa pamamagitan ng pagpapakain dito, at ang mga tupa ay lumuluhod para makatanggap ng gatas mula sa kanilang ina ay tumpak na nagpapakita na ang mundo ng mga buhay na nilalang ay sumusunod sa ganitong uri ng batas. Ang lahat ng uri ng buhay na nilalang ay may ganitong instinto. Sa sandaling maipanganak ang mga supling, sila ay inaalagaan at tinutustusan ng mga babae o lalaki ng species na iyon hanggang sa umabot sila sa hustong gulang. Kayang gampanan ng lahat ng uri ng buhay na nilalang ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon sa kanilang mga supling, matapat at masigasig na pinapalaki ang susunod na henerasyon. Mas lalong totoo ito pagdating sa mga tao. Ang mga tao ay tinatawag ng sangkatauhan bilang mas matataas na antas ng hayop—kung hindi nila masusunod ang batas na ito, at wala sila ng instintong ito, kung gayon, ang mga tao ay mas masahol kaysa sa mga hayop, hindi ba? Samakatwid, gaano ka man inalagaan ng iyong mga magulang at gaano man nila ginagampanan ang kanilang responsabilidad sa iyo habang pinapalaki ka nila, ginagawa lang nila ang dapat nilang gawin sa loob ng saklaw ng mga kakayahan ng isang nilikhang tao—instinto nila ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (17)).

Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Ang pag-aaruga ng mga magulang sa mga anak ay isang likas na ugali na ibinigay ng Diyos sa mga nabubuhay na nilalang at isang batas ng buhay na itinatag ng Diyos para sa lahat ng nabubuhay na nilalang, at ito rin ay responsabilidad at obligasyon ng mga magulang. Mababangis na hayop man o maaamong nilalang, lahat ay sumusunod sa mga batas na ito. Ang mga magulang na piniling magkaanak ay dapat umako sa responsabilidad at obligasyon na palakihin at alagaan ang kanilang mga anak. Ito ay isang sadyang pagpili ng mga magulang, hindi isang bagay na ipinilit sa kanila ng iba. Ang kasabihang, “Sinusuklian ng mga uwak ang kanilang ina sa pamamagitan ng pagpapakain dito, at ang mga tupa ay lumuluhod para makatanggap ng gatas mula sa kanilang ina,” ay isang batas at prinsipyo lang na itinakda ng Diyos para sa mga nilalang na ito, isang likas na ugali, at hindi tulad ng itinuturo ng mga tao, na marunong gumalang sa magulang at magbayad ng utang na loob ang mga hayop. Pinagkalooban ng Diyos ang iba’t ibang nilalang ng likas na ugaling mag-aruga at mag-alaga ng kanilang mga anak para ang lahat ng nilalang, pati na ang mga tao, ay makapagparami at dumami. Sa panlabas, mukhang mga magulang ang nag-aalaga at nagpapalaki sa kanilang mga anak, pero sa realidad, ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan at nagsasaayos ng kapalaran ng bawat tao. Hindi ko maiwasang maalala ang isang bagay na sinabi sa akin ng nanay ko minsan. Bago ako ipanganak, mayroon na siyang dalawang anak na babae, pero ang bunso ay biglang nagkasakit at namatay noong ito ay tatlong taong gulang, at makalipas lang ang maraming taon, matapos hindi malampasan ng nanay ko ang sakit ng pagkawala ng anak niyang babae, saka niya ako isinilang. Ang ate ko, na hindi ko nakilala, ay inalagaan din ng nanay ko nang buong puso, pero sa kasamaang-palad, maaga siyang pumanaw, habang ako naman ay lumaking malusog hanggang ngayon. Kahit iisa lang ang nanay namin, magkaibang-magkaiba ang mga kapalaran namin. Lalo nitong ipinakita sa akin na ang kapalaran ng tao ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at ang mga magulang ay responsable lamang sa pagpapalaki at pag-aalaga sa kanilang mga anak, pero hindi nila kayang kontrolin o baguhin ang kapalaran ng kanilang mga anak. Ito ay dahil ang kapalaran ng tao ay ganap na nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Naisip ko kung paano ako nakaranas ng napakaraming paghihirap at kabiguan sa mga taon mula nang umalis ako sa bahay. Napakaraming beses na pakiramdam ko ay hindi ko na kayang magpatuloy, at ang Diyos ang patuloy na gumagabay at tumutulong sa akin. Naalala ko noong minsan, napakasama talaga ng kalagayan ko, pero ang Diyos, sa pamamagitan ng mga kapatid, ay matiyagang nakipagbahaginan ng katotohanan sa akin, tinulungan at sinuportahan ako, at saka lang unti-unting nagising ang manhid kong puso, at nagsimula akong magnilay sa aking sarili at bumalik sa Diyos. Maingat na isinaayos ng Diyos ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay ayon sa aking mga pangangailangan, hindi lang ibinigay ang mga materyal kong pangangailangan kundi naging responsable rin sa buhay ko. Sa pag-iisip sa pag-ibig ng Diyos, sobrang naantig ang puso ko. Pero naimpluwensyahan at nalinlang ako ng mga maling kaisipan, ipinapalagay na ang lahat ng natanggap ko mula sa Diyos, mula pagkabata, ay dahil sa mga pagsisikap ng nanay ko, iniisip na kung hindi dahil sa pag-aalaga niya, hindi ako magiging kung sino ako ngayon. Nagpasya pa nga akong suklian ang pag-aaruga ng nanay ko, at ginusto ko pa ngang isuko ang mga tungkulin ko para umuwi at alagaan siya. Hindi lang nito naapektuhan ang sarili kong kalagayan kundi pati na rin ang mga resulta ng tungkulin ko. Kung hindi dahil sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, patuloy pa rin akong maniniwala sa maling ideyang ito, at sa panahong iyon, masisira ko ang pagkakataon kong maligtas, at huli na ang lahat para magsisi. Nang mapagtanto ko ito, gumaan ang pakiramdam ko.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, at naging mas malinaw sa akin kung paano tatratuhin ang mga magulang. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang—ibig sabihin, hindi mo kailangang palaging pag-isipan kung paano mo sila dapat suklian dahil lang sa napakahaba ng panahong iginugol nila sa pagpapalaki sa iyo. Kung hindi mo sila masusuklian, kung wala sa iyo ang oportunidad o ang mga kondisyon para masuklian sila, palagi kang malulungkot at makokonsensiya, hanggang sa punto na malulungkot ka pa sa tuwing nakakakita ka ng isang tao na kasama ang kanyang mga magulang, inaalagaan ang mga ito at nagiging mabuting anak sa mga ito. Inorden ng Diyos na palakihin ka ng iyong mga magulang, pero hindi para gugulin mo ang iyong buhay sa pagsukli sa kanila. Sa buhay na ito ay mayroon kang mga responsabilidad at obligasyon na dapat mong tuparin, at isang landas na dapat mong tahakin; mayroon kang sarili mong buhay. Sa buhay mo, hindi mo dapat ibuhos ang lahat ng iyong lakas sa pagiging mabuting anak sa iyong mga magulang at sa pagsukli sa kabutihan nila. Ang pagiging mabuting anak sa iyong mga magulang ay isang bagay lang na kasama mo sa iyong buhay. Isa itong bagay na hindi maiiwasan sa mga mapagmahal na ugnayan ng mga tao. Ngunit tungkol sa kung anong uri ng koneksiyon ang nakatadhana na magkaroon kayo ng iyong mga magulang at kung gaano kayo katagal mamumuhay nang magkasama, nakasalalay ito sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Kung pinamatnugutan at isinaayos ng Diyos na magiging nasa magkaibang lugar kayo ng iyong mga magulang, na magiging napakalayo mo sa kanila at hindi makakapamuhay nang magkasama, kung gayon, ang pagtupad sa responsabilidad na ito, para sa iyo, ay isang uri lamang ng pananabik. Kung isinaayos ng Diyos na ang tirahan mo ay maging napakalapit sa iyong mga magulang, at na magagawa mong manatili sa tabi nila, kung gayon, ang pagtupad sa ilang responsabilidad sa iyong mga magulang at ang pagpapakita sa kanila ng pagkamabuting anak ay mga bagay na dapat mong gawin—walang anumang bagay na mapupuna tungkol dito. Ngunit kung iba ang lugar mo sa iyong mga magulang, at wala sa iyo ang pagkakataon o mga sitwasyon para ipakita sa kanila ang pagkamabuting anak, kung gayon, hindi mo ito kailangang ituring bilang isang kahiya-hiyang bagay. Hindi ka dapat mahiya na harapin ang iyong mga magulang dahil hindi mo magawang ipakita sa kanila ang pagkamabuting anak, sadyang hindi lang ito pinahihintulutan ng iyong sitwasyon. Bilang anak, dapat mong maunawaan na hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang. Kung ang iniintindi mo lang ay ang pagsukli sa kabaitan ng mga magulang mo, makakahadlang ito sa maraming tungkuling nararapat mong gawin. Maraming bagay ang dapat mong gawin sa buhay mo, at ang mga tungkuling ito na nararapat mong gawin ay mga bagay na dapat gawin ng isang nilikha, at ipinagkatiwala sa iyo ng Lumikha, at walang kinalaman ang mga ito sa pagsukli mo sa kabutihan ng iyong mga magulang. Ang pagpapakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang, pagsukli sa kanila, pagpapakita sa kanila ng kabutihan—ang mga bagay na ito ay walang kinalaman sa iyong misyon sa buhay. Masasabi rin na hindi mo kinakailangang magpakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang, na suklian sila, o tuparin ang alinman sa iyong mga responsabilidad sa kanila. Sa madaling salita, maaari mong gawin ito nang kaunti at gampanan nang kaunti ang iyong mga responsabilidad kapag pinahihintulutan ng iyong sitwasyon; kapag hindi, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na gawin ito. Kung hindi mo kayang tuparin ang responsabilidad mo para magpakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang, hindi ito isang kahindik-hindik na pagkakamali, medyo lumalabag lang ito sa iyong konsensiya at katarungang moral, at ikaw ay hindi sasang-ayunan ng ilang tao—iyon lang. Pero kahit papaano, hindi ito salungat sa katotohanan. Kung ito ay alang-alang sa paggawa ng tungkulin mo at pagsunod sa kalooban ng Diyos, sasang-ayunan ka pa nga ng Diyos. Samakatwid, tungkol sa pagiging mabuting anak sa iyong mga magulang, hangga’t nauunawaan mo ang katotohanan at nauunawaan ang mga hinihingi ng Diyos sa mga tao, kahit na hindi ka tinutulutan ng mga kondisyon mo na maging mabuting anak sa iyong mga magulang, hindi makakaramdam ng pang-uusig ang konsensiya mo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (17)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang lahat ay dumarating sa mundong ito na may sariling misyon, at ang pagiging magalang sa magulang at pagsusukli sa biyaya ng kanilang pag-aaruga ay walang kinalaman sa misyon ng isang tao. Kung nakatira tayo kasama ng ating mga magulang, kung gayon, ang pag-aalaga at pagiging magalang sa kanila sa abot ng ating makakaya ang dapat nating gawin. Pero kung hindi ito pinahihintulutan ng sitwasyon at hindi tayo nakatira nang kasama sila, hindi tayo dapat makonsensiya o mabaon sa utang na loob sa kanila dahil hindi natin sila maalagaan, at sa halip ay dapat muna nating unahin ang ating mga tungkulin. Inaresto ako ng pulis dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, at may rekord na ako sa pulisya ngayon. Naisip ko, “Kung babalik ako ngayon, para na rin akong naglakad papasok sa isang patibong. Huwag nang pag-usapan ang pag-aalaga sa nanay ko, baka pati ang sarili kong kaligtasan ay malagay sa panganib.” Sa ganitong mga sitwasyon, hindi ako maaaring umuwi, kaya dapat kong pakalmahin ang puso ko at gawin nang maayos ang mga tungkulin ko. Ito ang pinakamahalaga. Dahil tumatanda na ang nanay ko, normal na bahagi na ng buhay ang pagkakasakit at kamatayan. Hindi ko siya kayang alagaan o maging magalang sa kanya, at kahit may kaunti akong panghihinayang, handa akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Itinakda na ng Diyos ang kapalaran ng lahat, at ang pagsilang, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan ay nasa mga kamay ng Diyos. Gaano man ako mag-alala at mabahala para sa kanya, kahit pa samahan ko siya at alagaan, hindi ko mababago ang kapalaran ng nanay ko. Matapos kong maunawaan ang mga ito, nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, ang sakit po ng nanay ko ay nasa Inyong mga kamay, at kung siya po ay mabubuhay o mamamatay ay nasa Inyong mga kamay. Ang bilang po ng taon na mabubuhay siya ay itinakda na po Ninyo, at handa po akong ipagkatiwala ang nanay ko sa Inyong mga kamay. Anuman po ang kalalabasan, handa po akong tanggapin at magpasakop sa Inyong mga pamamatnugot at pagsasaayos.” Pagkatapos manalangin, napanatag at napalaya ang pakiramdam ng puso ko, at hindi na ako nag-alala tungkol sa bagay na ito. Napanatag ko na ang aking puso at nagawa ko na ang aking mga tungkulin. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 33. Ano ang Dapat Hangarin ng mga Tao sa Buhay?

Sumunod: 49. Hindi na Ako Umaasa sa Aking mga Anak para sa Pag-aalaga sa Akin Pagtanda Ko

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito