37. Dapat bang Suklian ng mga Pagpapala ang Pagtalikod at Paggugol para sa Diyos?

Ni Ning Yu, Tsina

Noong 2022, nakilala ko si Sister Guo Li sa isang iglesia. Sa mga kuwentuhan namin, nalaman kong sampung taon na pala siyang wala sa bahay nila para gawin ang tungkulin niya at nagsisilbi na siya bilang lider o manggagawa sa lahat ng taon na ito. Sa tuwing may iglesiang nangangailangan ng pagdidilig at pagsuporta, palagi siyang aktibong nakikipagtulungan, at kaya niyang magtiis ng hirap at magbayad ng halaga. Pero nitong mga nakaraang taon, may tumubong malignant na tumor sa braso niya, at sumailalim siya sa apat na operasyon sa loob ng tatlong taon. Labis akong nabagabag nang marinig ko ito. “Talagang nananampalataya sa Diyos ang sister na ito, at kaya niyang talikuran ang mga bagay, gugulin ang sarili, magtiis ng hirap, at magbayad ng halaga sa tungkulin niya,” naisip ko. “Bakit hindi siya binantayan at pinrotektahan ng Diyos at sa halip ay hinayaan siyang magkaroon ng ganito kalubhang sakit? Matagal na rin akong tumalikod sa mga bagay at iginugol ang aking sarili. Hindi ko isinuko ang tungkulin ko kahit noong inusig ako ng asawa ko. Ngayon, halos 50 na ako, at palala nang palala ang problema ko sa leeg at pananakit ng balikat ko. Ni hindi ko alam kung pangangalagaan ako ng Diyos sa hinaharap! Paano kung magkaroon din ako ng malubhang sakit na tulad ng sa kanya isang araw?” Hindi na ako nangahas na isipin pa iyon, at hindi ko mapigilang medyo masiraan ng loob. Noong panahong iyon, palagi akong nag-aalala sa kondisyon ni Guo Li. Nang malaman ko na sa gitna ng kanyang pasakit, hinahanap niya ang katotohanan, pinagninilayan at inuunawa ang tiwali niyang disposisyon, at nagagawa niyang magpasakop sa Diyos nang walang reklamo, at ginagawa pa rin ang tungkulin niya sa abot ng kanyang makakaya, umasa ako na dahil sa taos-puso niyang pananalig at sa lahat ng nagugol niya para sa Diyos, poprotektahan siya ng Diyos at pagagalingin ang sakit niya. Pagkatapos niyon, sa tuwing magkikita kami, ang una kong ginagawa ay kumustahin ang kondisyon niya. Isang beses, sinabi sa akin ni Guo Li na sinabi raw ng doktor niya na wala na siyang malubhang dapat ikabahala. Nang marinig ko ang balitang ito, masayang-masaya ako, at naisip ko, “Mukhang talagang pinoprotektahan ng Diyos ang mga taos-pusong gumugugol ng kanilang sarili para sa Kanya. Bagama’t ang gawain ng Diyos sa yugtong ito ay hindi tulad ng gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, kung saan nagpagaling Siya ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, ang gawain ng Diyos na paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ay may kasama ring mga pagpapala Niya. Basta’t natututunan ng mga tao ang kanilang mga aral sa kanilang pagkakasakit, hindi nagrereklamo tungkol sa Diyos, at naninindigan sa kanilang patotoo para sa Kanya, pangangalagaan pa rin Niya sila. Katulad lang ito noong dumaan si Job sa mga pagsubok ng Diyos. Nawala sa kanya ang malaki niyang kayamanan at lahat ng anak niya, at napuno ng nagnanaknak na sugat ang kanyang katawan, pero pinuri pa rin niya ang pangalan ng Diyos nang hindi nagrereklamo at nanindigan sa kanyang patotoo para sa Diyos. Sa huli, gumaling ang sakit niya, at pinagpala siya ng Diyos ng mas marami pang kayamanan kaysa dati. Mas magaganda ang kanyang mga anak, at dumoble ang haba ng buhay niya. Napakamatuwid ng Diyos!” Sa pag-iisip nang ganito, agad na nawala ang pagkasira ng loob ko, at sumigla na naman ako sa tungkulin ko.

Sa gulat ko, ilang buwan ang nakalipas, narinig kong bumalik ang kanser ni Guo Li at kinailangang putulin ang braso niya. Bumigat ang puso ko. “Bakit ganito ang naging resulta? Talagang nananampalataya si Guo Li sa Diyos, matagal na niyang tinalikuran ang mga bagay at iginugol ang kanyang sarili, at kahit noong nagkasakit siya nang malubha, hindi niya ipinagkanulo ang Diyos at ginawa pa rin ang tungkulin niya sa abot ng makakaya. Bakit hindi siya lubusang pinagaling ng Diyos? Bakit kinailangan pang putulin ang braso niya?” Hindi ko maintindihan. “Nanindigan siya sa patotoo niya, kaya bakit hindi siya pinrotektahan ng Diyos? Mukhang ang pagtalikod sa mga bagay at paggugol ng sarili ay hindi garantiya ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos! Wala man lang ibinibigay na espesyal na gantimpala o pagpapala ang Diyos sa mga taong talagang nananampalataya sa Kanya at tumatalikod sa mga bagay at gumugugol ng kanilang sarili. Kung ang pananampalataya sa Diyos ay hahantong sa katapusang tulad ng kay Guo Li, hindi na ito sulit pa!” Hindi ko matanggap ang gayong resulta noong panahong iyon. Walang-kontrol na nagsulputan ang mga kuru-kuro, maling pagkaunawa, at paghusga ko tungkol sa Diyos. Hindi ko na nga alam kung ano ang ibabahagi sa mga pagtitipon. Parang dinukot ang puso ko, nagyeyelo sa lamig, at hindi maipaliwanag ang sakit. Labis akong nasiraan ng loob. Naisip ko kung paanong iniwan ko rin ang pamilya ko at isinuko ang trabaho ko para gawin ang aking tungkulin nang maraming taon. Ngayon, nakahanap na ng ibang babae ang asawa ko, at ni wala na akong tahanang mauuwian. Ano ang gagawin ko kung magkasakit ako nang malubha isang araw at hindi ako pagalingin ng Diyos? Hindi ko maiwasang magsimulang mag-alala at mabahala para sa sarili kong kinabukasan at kung ano ang mangyayari sa akin. Noong araw na iyon, hindi man lang ako makakain ng hapunan, at wala akong ganang lutasin ang mga problemang iniulat ng mga miyembro ng pangkat. Napakaaga kong natulog nang gabing iyon. Noong panahong iyon, sa tuwing naiisip ko ang sakit ni Guo Li, labis akong nasisiraan ng loob at nawawala ang lahat ng gana sa tungkulin ko. Hindi ko nasubaybayan at nalutas ang mga paghihirap at problema ng mga baguhan sa tamang oras, na naging dahilan para mas marami sa kanila ang hindi regular na dumalo sa mga pagtitipon. Bagama’t may pagsaway akong nadarama sa puso ko, hindi ko pa rin mahanap ang lakas para gawin ang tungkulin ko. Kapag medyo lumalamig ang panahon at kailangan kong bumiyahe sa malayong lugar, ayaw kong pumunta. Pakiramdam ko kasi, dahil lahat ng pagtalikod at paggugol ko ay hindi naman tiyak na magkakamit ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos, bakit pa ako magsusumikap nang husto? Pinagsisihan ko pa nga na tinalikuran ko ang lahat para lumabas at gawin ang tungkulin ko, natatakot na kung matulad ako kay Guo Li na may malubhang sakit na hindi pagagalingin ng Diyos, masasayang lang ang lahat ng pagsisikap ko sa mga taon na iyon. Nabalot ng kadiliman ang puso ko noong panahong iyon, at hindi ko alam kung ano ang sasabihin kapag nagdarasal ako. Nagsimula akong magnilay kung bakit ako labis na nasiraan ng loob matapos malaman ang pagbalik ng sakit ni Guo Li.

Isang araw sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa aking kalagayan. Sabi ng Diyos: “Iniisip ng ilang tao na ang pananampalataya sa Diyos ay dapat magdulot ng kapayapaan at kagalakan, at na kapag nahaharap sila sa mga sitwasyon, kailangan lang nilang magdasal sa Diyos at pakikinggan sila ng Diyos, bibigyan sila ng biyaya at mga pagpapala ng Diyos, at titiyakin ng Diyos na magiging payapa at maayos ang lahat ng bagay para sa kanila. Ang layon nila sa pananampalataya sa Diyos ay ang maghangad ng biyaya, magtamo ng mga pagpapala, at magtamasa ng kapayapaan at kaligayahan. Dahil sa mga ganitong pananaw, tinatalikuran nila ang pamilya nila o nagbibitiw sila sa trabaho para gugulin ang sarili nila para sa Diyos at kaya nilang magtiis ng pagdurusa at magbayad ng halaga. Naniniwala sila na basta’t handa silang talikuran ang mga bagay, gugulin ang sarili nila para sa Diyos, magtiis ng pagdurusa, at magsikap sa paggawa, habang nagpapakita ng kahanga-hangang pag-uugali, makakamit nila ang mga pagpapala at pabor ng Diyos, at na anumang paghihirap ang kakaharapin nila, basta’t nagdarasal sila sa Diyos, lulutasin Niya ang mga ito at magbubukas Siya ng landas para sa kanila sa lahat ng bagay. Ito ang pananaw na pinanghahawakan ng karamihan ng taong nananampalataya sa Diyos. Nadarama ng mga tao na makatwiran at tama ang ganitong pananaw. Ang abilidad ng maraming tao na mapanatili ang pananalig nila sa Diyos sa loob ng maraming taon nang hindi isinusuko ang pananalig nila ay direktang konektado sa pananaw na ito. Iniisip nila, ‘Napakarami ko nang ginugol para sa Diyos, napakabuti ng naging pag-uugali ko, at wala akong ginawang anumang masasamang gawa; tiyak na pagpapalain ako ng Diyos. Dahil nagdusa ako nang husto at nagbayad ng malaking halaga para sa bawat gampanin, ginagawa ang lahat nang ayon sa mga salita at hinihingi ng Diyos nang walang anumang nagagawang pagkakamali, dapat akong pagpalain ng Diyos; dapat Niyang tiyakin na magiging maayos ang lahat para sa akin, at na madalas akong magkaroon ng kapayapaan at kagalakan sa puso ko, at matamasa ko ang presensiya ng Diyos.’ Hindi ba’t isa itong kuru-kuro at imahinasyon ng tao? … Kapag ang ginagawa ng Diyos ay hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, mabilis silang nagkakaroon sa puso nila ng mga reklamo at maling pagkaunawa tungkol sa Kanya. Nadarama pa nga nila na naagrabyado sila at nagsisimula silang makipagtalo sa Diyos, at maaari pa nga nilang husgahan at kondenahin ang Diyos. Anuman ang mga kuru-kuro at maling pagkaunawa na nabubuo ng mga tao, sa perspektiba ng Diyos, hindi Siya kailanman kumikilos o hindi Niya kailanman tinatrato ang sinuman ayon sa mga kuru-kuro o kahilingan ng tao. Laging ginagawa ng Diyos ang nais Niyang gawin, ayon sa sarili Niyang paraan at batay sa sarili Niyang disposisyong diwa. May mga prinsipyo ang Diyos sa kung paano Niya tinatrato ang bawat tao; at wala Siyang anumang ginagawa sa bawat tao na batay sa mga kuru-kuro, imahinasyon, o kagustuhan ng tao—ito ang aspekto ng gawain ng Diyos na pinakataliwas sa mga kuru-kuro ng tao. … Kapag iginigiit ng mga tao na kumapit sa mga kuru-kuro nila, nagkakaroon sila ng paglaban sa Diyos—nangyayari ito nang natural. Saan nagmumula ang ugat ng paglaban? Ito ay nasa katunayang ang karaniwang taglay ng mga tao sa puso nila ay walang dudang ang mga kuru-kuro at imahinasyon nila at hindi ang katotohanan. Samakatwid, kapag nahaharap sa gawain ng Diyos na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao, maaaring suwayin ng mga tao ang Diyos at husgahan Siya. Pinapatunayan nito na ang mga tao ay talagang walang pusong nagpapasakop sa Diyos, ang kanilang tiwaling disposisyon ay malayo pa sa pagiging nalinis at sa esensiya ay namumuhay sila ayon sa kanilang tiwaling disposisyon. Napakalayo pa rin nila sa pagkakamit ng kaligtasan(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (16)). Pagkabasa ko lang ng mga salita ng Diyos, saka ko nalaman na ang dahilan kung bakit napakatindi ng reaksyon ko sa balitang bumalik ang kanser ni Guo Li at naputol ang kanyang braso ay dahil sa ang pananampalataya ko sa Diyos ay palaging nakabatay sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon. Naniwala ako na hangga’t ang isang tao ay taos-pusong nananampalataya sa Diyos at kayang talikuran ang mga bagay, gugulin ang kanyang sarili, magdusa, at magbayad ng halaga sa kanyang tungkulin, ipagkakaloob sa kanya ng Diyos ang biyaya at mga pagpapala, at pangangalagaan siya, malayo sa sakit at sakuna. Kahit may dumating na kalamidad sa kanya, hangga’t taos-puso siyang nananalangin at umaasa sa Diyos at nagpapatuloy sa kanyang tungkulin, pangangalagaan siya ng Diyos. Nang makitang si Guo Li ay matagal nang tumalikod sa mga bagay, gumugol ng kanyang sarili, nagtiis ng maraming hirap at nagbayad ng malaking halaga, at lalo pang kaya pa rin niyang manalangin sa Diyos, matutuhan ang kanyang mga aral, at magpatuloy sa kanyang tungkulin sa gitna ng sakit, pakiramdam ko, dapat lang siyang pagpalain at protektahan ng Diyos. Hindi ko kailanman inakala na babalik ang sakit niya at mapuputulan pa siya ng braso. Malaking dagok ito sa mga kuru-kuro ko at winasak nito ang pag-asa kong magkamit ng mga pagpapala mula sa pananampalataya sa Diyos. Agad kong naisip na kung magkakasakit ako nang malubha isang araw tulad ni Guo Li at hindi ako pagagalingin ng Diyos sa kabila ng mga panalangin ko, kung gayon ay wala nang saysay ang manampalataya sa Diyos. Nakabuo ako ng mga kuru-kuro at paglaban sa Diyos, hinuhusgahan Siya sa puso ko bilang hindi matuwid. Naging sobrang negatibo ako na nawala na ang lahat ng pagnanais kong gawin ang tungkulin ko, nagsimulang mag-alala tungkol sa sarili kong kinabukasan, at pinagsisihan pa nga na tinalikuran ko ang lahat para gawin ang tungkulin ko noong una pa man. Sa pamamagitan lang ng pagbubunyag sa akin ng Diyos kaya ko nakita na ang pananampalataya ko sa Kanya ay isa lang palang pakikipagtawaran sa Kanya. Gusto kong gamitin ang aking pagtalikod at paggugol para hingin ang Kanyang biyaya at mga pagpapala; hindi ko talaga ginagawa ang tungkulin ng isang nilikha. Katulad lang ito ni Pablo, na naniwala, “Nakipagbaka na ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, napanatili ko ang pananalig: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Ginamit niya ang kanyang pagpapagal at paggugol bilang alas para hingin ang korona ng katuwiran mula sa Diyos, sinusubukang makipagtawaran sa Kanya na para bang may karapatan siya, at sinusubukang gamitin ang Diyos para matupad ang sarili niyang kasuklam-suklam na layon na magkamit ng mga pagpapala at pakinabang. Hindi kailanman sinabi ng Diyos na makapapasok ang mga tao sa kaharian ng langit sa pamamagitan lang ng pagpapagal at paggugol ng kanilang mga sarili. Buong pag-aakalang itinuring ni Pablo bilang katotohanang dapat hangarin ang sarili niyang mga kuru-kuro at imahinasyon. Hindi talaga siya nananampalataya sa Diyos, kundi sa kanyang sarili. Ang landas na tinahak niya ay landas ng paglaban sa Diyos, at sa huli, dinanas niya ang kaparusahan ng Diyos. Itinuring kong alas ang aking pagtalikod, pagdurusa, at ang halagang ibinayad ko para ipagpalit sa mga pagpapala ng Diyos. Hindi ko talaga tinatrato ang Diyos bilang ang Lumikha; palagi ko Siyang nililinlang at ginagamit. Pagsalungat ito sa disposisyon ng Diyos, at kung hindi ako magsisisi, matitiwalag din ako sa huli. Noon ko lang napagtanto na napakadelikado palang manampalataya sa Diyos nang hindi hinahangad ang katotohanan at bulag na naghahanap ng mga pagpapala at biyaya. Isang araw, maaaring dumating ang isang malaking pagsubok, at maaaring ipagkanulo ko ang Diyos at mabunyag at matiwalag ako.

Pagkatapos, higit pa akong nagnilay. Maraming taon na akong nananampalataya sa Diyos at alam ko sa doktrina na hindi ako dapat makipagtawaran sa Diyos, pero bakit napakalalim pa rin ng pagkakaugat ng pagnanais ko para sa mga pagpapala? Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa mga mata ng mga anticristo, at sa kanilang mga kaisipan at pananaw, dapat mayroong ilang pakinabang sa pagsunod sa Diyos; hindi sila mag-aabalang kumilos kung walang mga pakinabang. Kung walang matatamasang kasikatan, pakinabang, o katayuan, kung hindi nila makukuha ang paghanga ng iba sa mga gawaing ginagawa nila o mga tungkuling ginagampanan nila, kung gayon, walang saysay na manampalataya sa Diyos at gawin ang kanilang mga tungkulin. … Sa kanilang pananampalataya, nais lamang ng mga anticristo na mapagpala, at ayaw nilang magdusa ng paghihirap. Kapag nakikita nilang pinagpala ang isang tao, nakinabang, nabiyayaan, at nakatanggap ng higit pang materyal na kasiyahan, malalaking bentaha, naniniwala silang ito ay ginawa ng Diyos; at kung hindi sila nakakatanggap ng gayong mga materyal na pagpapala, kung gayon ay hindi ito gawa ng Diyos. Ang pahiwatig nito ay, ‘Kung talagang ikaw ay diyos, puwede mo lang pagpalain ang mga tao; dapat mong iiwas ang mga tao sa paghihirap at hindi sila hayaang magdusa. Sa gayon lamang magkakaroon ng halaga at saysay ang pananampalataya ng mga tao sa iyo. Kung, pagkatapos sumunod sa iyo, patuloy pa ring nakakaranas ng paghihirap ang mga tao, kung patuloy silang nagdurusa, ano pa ang saysay na manampalataya sa iyo?’ Hindi nila kinikilala na nasa mga kamay ng Diyos ang lahat ng bagay at pangyayari, na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat. At bakit hindi nila ito kinikilala? Dahil natatakot ang mga anticristo na magdusa ng paghihirap. Gusto lamang nilang makinabang, magsamantala, magtamasa ng mga pagpapala; ayaw nilang tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan o pamamatnugot ng Diyos, kundi gusto lamang nilang makatanggap ng mga pakinabang mula sa Diyos. Ito ang makasarili at kasuklam-suklam na pananaw ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikaanim na Bahagi)). “Ang lahat ng tiwaling tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay nananampalataya sa Diyos para sa kanilang sariling kapakanan; kapag tinatalikdan nila ang mga bagay-bagay at ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Diyos, ito ay para pagpalain, at kapag deboto sila sa Kanya, ito ay para pa rin magantimpalaan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa hangaring pagpalain, gantimpalaan, at makapasok sa kaharian ng langit. Sa lipunan, nagtatrabaho ang mga tao para sa kanilang pansariling pakinabang, at sa sambahayan ng Diyos, gumagawa sila ng tungkulin para pagpalain. Alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala kaya tinatalikdan ng mga tao ang lahat at nakatitiis sila ng matinding pagdurusa. Wala nang mas maganda pang katibayan ng satanikong kalikasan ng tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Inilalantad ng Diyos na nananampalataya ang mga anticristo sa Kanya para lang magkamit ng mga pagpapala at pakinabang mula sa Kanya at maprotektahan mula sa kasawian. Kung hindi sila magkakamit ng mga pagpapala, pakiramdam nila ay walang saysay ang pananampalataya sa Diyos at tatalikdan nila ang Diyos. Ito ay ganap na itinakda ng makasarili at kasuklam-suklam na kalikasan ng mga anticristo. Sa pagninilay sa sarili ko, nakita kong namumuhay rin pala ako ayon sa mga satanikong lason tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba” at “Huwag tumulong kung walang gantimpala.” Lahat ng ginawa ko ay bunsod ng pansariling interes, at kailangang mapakinabangan ko. Bago ako nanampalataya sa Diyos, palagi akong mahina at sakitin. Pero matapos akong magsimulang manampalataya at gawin ang tungkulin ko, gumaling ang lahat ng sakit ko. Dahil nakatanggap ako ng gayon kalaking biyaya mula sa Diyos, nagpasya akong manampalataya nang taimtim, iniisip na hangga’t ginagawa ko iyon at tinatalikuran ang mga bagay at ginugugol ang sarili ko para sa Diyos, makatatanggap ako ng mas marami pang mga pagpapala at proteksyon mula sa Diyos. Kaya naman aktibo kong ginawa ang tungkulin ko, gaano man ako inusig o sinubukang pigilan ng asawa ko, at kaya handa akong magtiis ng anumang hirap. Pero nang makita kong nagkaroon ng gayon kalubhang sakit si Guo Li pagkatapos ng maraming taon ng paggawa ng kanyang tungkulin, bigla kong naramdaman na ang pagtalikod at paggugol ay hindi naman pala tiyak na magdadala ng mga pagpapala at proteksyon ng Diyos, kaya ano pa ang saysay ng paggawa ng aking tungkulin? Dahil doon, namuhay ako sa pagkanegatibo at kinontra ang Diyos, nawala ang lahat ng pagnanais na gawin ang tungkulin ko, at pinagsisihan ko pa nga na umalis ako ng bahay para gawin ito. Nakita ko na napakamakasarili at napakamapanlinlang pala ng kalikasan ko; isa lang akong taong inuuna ang pansariling interes! Biyaya ng Diyos na nakapunta ako sa Kanyang sambahayan at nakagawa ng tungkulin. Inasahan ng Diyos na hahangarin ko ang katotohanan upang matamo ang pagbabago sa aking disposisyon, ganap na makalaya mula sa gapos ni Satanas, at maisabuhay ang normal na pagkatao. Pero hindi ko hinangad ang katotohanan kahit kaunti; ang iniisip ko lang ay ang magkamit ng mga pagpapala at pakinabang. Nang matanggap ko ang proteksyon at biyaya ng Diyos, handa akong talikuran ang mga bagay, gugulin ang aking sarili, at kahit pa magdusa. Pero sa sandaling hindi umayon ang gawain ng Diyos sa mga kuru-kuro ko at nawasak ang pagnanais ko para sa mga pagpapala, agad na nagbago ang saloobin ko sa aking tungkulin. Naging negatibo ako, lumalaban, at pabaya, at pinagsisihan ko pa nga na ginawa ko ang aking tungkulin. Naging ganap akong ibang tao. Nakita ko na ang pamumuhay ayon sa mga satanikong tuntunin ay ginawa akong sobrang makasarili, kasuklam-suklam, at walang pagkatao. Ang pananampalataya ko ay isang panlilinlang, isang pagtatangkang gamitin ang Diyos, at tinatahak ko ang landas ng paglaban sa Kanya. Kung hindi ako magbabago, matitiwalag lang ako. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Sa anong paraan mali ang pagturing sa paghahangad ng mga pagpapala bilang layunin? Ganap itong sumasalungat sa katotohanan, at hindi ito naaayon sa layunin ng Diyos na magligtas ng mga tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Mayroong Buhay Pagpasok). Inililigtas ng Diyos ang mga tao para dalisayin ang kanilang mga tiwaling disposisyon at sa huli ay dalhin sila sa Kanyang kaharian. Samantala, ako naman, nakatuon lang sa panandaliang biyaya at mga pagpapala at hindi ko hinahangad ang katotohanan. Hindi ba’t paglihis ito sa mga hinihingi ng Diyos? Sa huli, siguradong wala akong makakamit.

Kalaunan, nagbasa pa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang katuwiran ay walang kinalaman sa pagiging patas o makatwiran; hindi ito egalitaryanismo, o pagbibigay sa iyo ng nararapat sa iyo para sa iyong gawain, o pagbabayad sa iyo para sa anumang gawaing natapos mo, o pagbibigay sa iyo ng nararapat sa iyo ayon sa kung gaano ka nagsisikap. Hindi ito pagiging matuwid, pagiging patas at makatwiran lamang ito. Kakaunting tao lamang ang may kakayahang makilala ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ipagpalagay na nilipol ng Diyos si Job matapos magpatotoo sa Kanya si Job: Magiging matuwid ba ito? Sa katunayan, oo. Bakit ito tinatawag na pagiging matuwid? Ano ang tingin ng mga tao sa pagiging matuwid? Kung ang isang bagay ay nakaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, napakadali para sa kanila ang sabihin na matuwid ang Diyos; gayunman, kung hindi nila nakikita ang isang bagay bilang naaayon sa kanilang mga kuru-kuro—kung ito ay isang bagay na hindi nila kayang unawain—mahihirapan silang sabihin na matuwid ang Diyos. Kung nilipol ng Diyos si Job noon, hindi sasabihin ng mga tao na Siya ay matuwid. Ang totoo, hindi alintana kung ang mga tao man ay nagawang tiwali o hindi, at kung lubos man silang nagawang tiwali o hindi, kailangan bang bigyang-katwiran ng Diyos ang Kanyang sarili kapag nilipol Niya sila? Kailangan ba Niyang ipaliwanag sa mga tao kung sa anong batayan Niya ginagawa ito? Dapat bang sabihin ng Diyos sa mga tao ang mga kautusan na inorden Niya? Hindi na kinakailangan. Sa paningin ng Diyos, ang isang taong tiwali at malamang na lumaban sa Diyos ay walang anumang silbi; paano man siya pakikitunguhan ng Diyos ay magiging angkop, at lahat ito ay ayon sa mga pagsasaayos ng Diyos. Kung hindi ka naging kalugod-lugod sa mga mata ng Diyos, at kung sabihin Niya na wala ka nang silbi sa Kanya pagkatapos ng iyong patotoo kaya winasak ka, ito ba ay pagiging matuwid Niya? Ganoon din ito. … Lahat ng ginagawa ng Diyos ay matuwid. Bagama’t maaaring hindi ito maintindihan ng mga tao, hindi sila dapat manghusga nang basta-basta. Kung may ginagawa Siya na mukhang hindi makatwiran para sa mga tao, o kung mayroon silang anumang mga kuru-kuro tungkol doon, at pagkatapos ay sinasabi nila na hindi Siya matuwid, masyado silang hindi makatwiran(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Walang anumang ginagawa ang Diyos na mali, at dapat mong purihin ang Kanyang pagiging matuwid. Anuman ang ginagawa ng Diyos, laging tama ito, at kahit pa nagkikimkim ka ng mga kuru-kuro tungkol sa ginagawa ng Diyos, naniniwalang hindi naisasaalang-alang ng ginagawa Niya ang damdamin ng mga tao, na hindi ito ayon sa gusto mo, magkagayon man, dapat mo pa ring purihin ang Diyos. Bakit dapat mong gawin ito? Hindi ninyo alam ang dahilan kung bakit, tama ba? Ang totoo, napakadali lang ipaliwanag nito: Ito ay dahil ang Diyos ay Diyos at ikaw ay tao; Siya ang Lumikha, at ikaw naman ay isang nilikha. Hindi ka kalipikadong hilinging kumilos ang Diyos sa isang partikular na paraan o na tratuhin ka Niya sa isang partikular na paraan, ngunit kalipikado ang Diyos na hilingin ang anuman sa iyo. Ang mga pagpapala, biyaya, mga gantimpala, at mga korona—kung paano ipinagkakaloob ang mga bagay na ito at kung kanino ipagkakaloob ang mga ito, ang Diyos ang bahalang magpasya niyon. … Ang pagkakakilanlan, katayuan, at diwa ng Diyos ay hindi kailanman maaaring itumbas sa pagkakakilanlan, katayuan, at diwa ng tao, ni hindi rin kailanman sasailalim sa anumang pagbabago ang mga bagay na ito—ang Diyos ay magpakailanman na Diyos, at ang tao ay tao magpakailanman. Kung kaya itong unawain ng isang tao, ano, kung gayon, ang dapat niyang gawin? Dapat siyang magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at sa mga pagsasaayos ng Diyos—ito ang pinakamakatwirang paraan sa pagharap sa mga bagay-bagay, at bukod dito, wala nang iba pang landas na maaaring piliin. Kung hindi ka magpapasakop, kung gayon, mapaghimagsik ka, at kung masuwayin ka at nakikipagtalo, napakamapaghimagsik mo, at dapat kang wasakin. Ang magawang makapagpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos ay nagpapakitang may katwiran ka; ito ang saloobing dapat mayroon ang mga tao, at tanging ito ang saloobin na dapat mayroon ang mga nilikha(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Pagkabasa ko ng mga salita ng Diyos, pakiramdam ko ay tumagos ang mga ito sa puso ko, at nakita kong wala talaga akong pagkaunawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Sa mga kuru-kuro ko, ang katuwiran ng Diyos ay nangangahulugang pagiging patas at makatwiran; na kung nagsikap ka, dapat kang suklian. Naniwala akong dapat magkaloob ang Diyos ng biyaya at mga pagpapala sa mga nagdurusa at gumugugol ng kanilang sarili para sa Kanya, at lalo na kapag naninindigan sila sa kanilang patotoo sa panahon ng mga pagsubok, dapat Niya silang higit pang pagpalain at protektahan, at pagalingin ang kanilang mga sakit. Halimbawa, dahil iniwan ni Guo Li ang kanyang pamilya at isinuko ang kanyang trabaho para gawin ang tungkulin niya sa loob ng maraming taon at ngayon ay may malubhang sakit, naisip ko na bilang pagsasaalang-alang sa lahat ng taon ng pagtalikod at paggugol niya para sa Diyos, dapat ay protektahan siya ng Diyos at pagalingin ang sakit niya. Pero sa huli, hindi lang sa hindi siya gumaling, naputulan pa siya ng braso. Kaya nagreklamo ako na walang konsiderasyon ang Diyos at hinusgahan ko Siya na hindi matuwid. Ang pamantayan ko sa pagsukat sa katuwiran ng Diyos ay kung may isang taong nagsikap, kailangan siyang suklian, at na gaano man kalaki ang pagsisikap o paggugol niya ng kanyang sarili, kailangang magbigay ang Diyos ng gantimpalang may katumbas na halaga. Napakabaluktot ng pananaw na ito! Ang Diyos ang Lumikha, at ako ay isang nilikha. Lahat ng tinatamasa ko, pati na ang buhay ko mismo, ay bigay ng Diyos. Ganap na likas at may katwiran na sumunod ako sa Diyos at gawin ang aking tungkulin. Kung bibigyan man ako ng Diyos ng biyaya at mga pagpapala, Siya ang magdedesisyon doon. Wala akong karapatang maningil sa Diyos; dapat kong tanggapin ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos nang walang kondisyon, nang may mapagpasakop na puso. Bukod dito, lahat ng ginagawa ng Diyos sa mga tao ay may kahulugan at naglalaman ng Kanyang karunungan. Hindi ko dapat tingnan ang mga bagay-bagay batay sa panlabas na anyo, lalo nang hindi ko dapat husgahan ang lahat ng ginagawa ng Diyos batay sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon. Ito ay katulad ni Job. May takot siya sa Diyos at umiwas sa kasamaan, subalit hinarap niya ang pagkawala ng kanyang ari-arian at pagkamatay ng kanyang mga anak, at ang kanyang sariling katawan ay napuno ng nagnanaknak na sugat. Sa mata ng tao, nagdurusa siya ng kasawian, pero ginamit ng Diyos ang pagsubok na ito para gawing perpekto ang tunay niyang pananalig sa Diyos. Si Job ay naging perpektong tao sa mata ng Diyos, at wala nang karapatan si Satanas na akusahan o tuksuhin siya. Mayroon ding mabubuting layunin ang Diyos sa sakit na dumapo kay Guo Li. Bagama’t nagkasakit siya at nagdusa ang kanyang laman, kung kaya niyang hanapin ang katotohanan at matutunan ang kanyang mga aral, at magkamit ng tunay na pananalig at pagpapasakop sa Diyos, magiging sulit ang pagdurusa. Hindi ko na maaaring tingnan ang mga bagay-bagay batay sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon. Palaging matuwid ang Diyos, at anuman ang gawin Niya, naglalaman ito ng Kanyang mabubuting layunin at karunungan. Sa pagkaunawa nito, lubos na lumiwanag ang puso ko.

Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at naunawaan ko ang tamang perspektiba na dapat taglayin sa pananampalataya sa Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagdanas ng gawain ng Diyos ay hindi tungkol sa pagtatamasa ng biyaya, kundi, ito ay higit na tungkol sa pagdurusa para sa iyong pagmamahal sa Kanya. Yamang tinatamasa mo ang biyaya ng Diyos, kailangan mo ring matamasa ang Kanyang pagkastigo; kailangan mong maranasan ang lahat ng ito. Mararanasan mo ang kaliwanagan ng Diyos sa iyo, at mararanasan mo rin kung paano ka Niya pinupungusan at hinahatulan. Sa ganitong paraan, ang iyong karanasan ay magiging komprehensibo. Naisagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa iyo at naisagawa rin Niya ang Kanyang gawain ng pagkastigo. Pinungusan ka na ng salita ng Diyos, ngunit hindi lamang iyan, naliwanagan at natanglawan ka rin nito. Kapag ikaw ay negatibo at mahina, nag-aalala ang Diyos para sa iyo. Lahat ng gawaing ito ay upang ipaalam sa iyo na lahat ng tungkol sa tao ay nasa loob ng mga pamamatnugot ng Diyos. Maaari mong isipin na ang pananampalataya sa Diyos ay tungkol lang sa pagdurusa, o paggawa ng maraming bagay para sa Kanya, o pagiging mapayapa ng iyong laman, o ang pagiging maayos ng takbo ng lahat ng bagay para sa iyo, at pagiging komportable at maalwan mo sa lahat ng bagay. Wala sa mga ito ang mga pakay na dapat taglayin ng mga tao sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Kung nananampalataya ka dahil sa mga pakay na ito, mali ang iyong pananaw, at imposible ka talagang magawang perpekto. Ang mga kilos ng Diyos, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang karunungan, Kanyang mga salita, at Kanyang pagiging kamangha-mangha at pagiging di-maarok ay pawang mga bagay na dapat maunawaan ng mga tao. Sa pamamagitan ng pagkaunawang ito, dapat magawa mong alisin sa puso mo ang personal mong mga hinihingi, inaasam, at kuru-kuro. Kapag inalis mo ang mga ito, saka mo lamang matutugunan ang mga kondisyong hinihingi ng Diyos, at sa pamamagitan lamang ng paggawa nito ka magkakaroon ng buhay at mapapalugod ang Diyos. Ang layunin ng pananampalataya sa Diyos ay upang mapalugod Siya at maisabuhay ang disposisyon na Kanyang hinihingi, upang maipamalas ang Kanyang mga kilos at kaluwalhatian sa pamamagitan ng grupong ito ng hindi karapat-dapat na mga tao. Ito ang tamang perspektiba para sa pananampalataya sa Diyos, at ito rin ang layong dapat mong hangarin. Dapat ay mayroon kang tamang pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos at dapat mong hangaring matamo ang mga salita ng Diyos. Kailangan mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos at magawang isabuhay ang katotohanan, at sa partikular, kailangan mong makita ang Kanyang praktikal na mga gawa, Kanyang kamangha-manghang mga gawa sa buong sansinukob, gayundin ang praktikal na gawaing Kanyang ginagawa sa katawang-tao. Maaaring pahalagahan ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang aktuwal na mga karanasan, kung paano talaga ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa kanila at kung ano ang mga layunin Niya sa kanila. Ang layunin ng lahat ng ito ay upang maiwaksi nila ang kanilang tiwaling satanikong disposisyon. Kapag naiwaksi na ang lahat ng karumihan at pagiging hindi matuwid sa iyong kalooban, at naiwaksi na ang iyong mga maling intensyon, at nagkaroon ka na ng tunay na pananalig sa Diyos—sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng tunay na pananalig mo maaaring tunay na mahalin ang Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Iyong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita kong ang pananampalataya sa Diyos ay hindi para sa pagtanggap ng mga pagpapala mula sa Kanya. Ang pinakamahalaga ay ang danasin ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos upang maiwaksi ang tiwaling disposisyon at matamo ang Kanyang pagliligtas. Sa pagbabalik-tanaw sa aking mga taon ng pananalig, natamasa ko nang husto ang pagdidilig at panustos ng mga salita ng Diyos ngunit hindi ko hinangad ang katotohanan. Nakatuon lang ako sa pagtatamasa ng biyaya at mga pagpapala ng Diyos, at hindi nagbago ni katiting ang buhay disposisyon ko. Ang sakit ni Guo Li ay tunay na nagsilbing pagbubunyag sa sarili kong kalagayan. Mula ngayon, dapat akong tumuon sa pagdaranas ng gawain ng Diyos sa mga bagay na nangyayari sa akin. Lalo na sa mga bagay na hindi naaayon sa sarili kong mga kuru-kuro, dapat kong hanapin ang katotohanan, pagnilay-nilayan at kilalanin ang sarili ko, at lutasin ang aking mga tiwaling disposisyon. Nang maunawaan ko ang mga bagay na ito, hindi na ako nag-alala kung makatatanggap ba ako ng mga pagpapala sa hinaharap. Nagawa ko na ring italaga ang puso ko sa aking tungkulin, iniisip kung paano madidiligan nang mabuti ang mga baguhan at matutupad nang maayos ang aking tungkulin upang mapalugod ang Diyos. Anuman ang sakit o kasawian na dumating sa akin sa hinaharap, handa akong danasin ito nang may pusong nagpapasakop sa Diyos, nakatuon sa paghahangad ng katotohanan at paggawa nang maayos sa aking tungkulin.

Noong Hulyo 2023, nakita kong muli si Guo Li. Bagama’t putol na ang isa niyang braso, nagpapatuloy pa rin siya sa kanyang tungkulin ng pagpapatuloy. Nang pag-usapan namin kung ano ang naramdaman niya sa pagharap sa pagkaputol ng braso, sinabi niya sa akin nang kalmado at mahinahon, “Salamat sa Diyos! Mahigit pitumpung taong gulang na ako. Ang iba na kasabay kong nagkasakit ay pumanaw na lahat, pero buhay pa rin ako. Ito ang pinakadakilang proteksyon ng Diyos. Bagama’t nagkaroon ako ng malubhang sakit na ito, napakarami kong nakamit mula rito. Sa buhay na ito, ang marinig ang napakaraming salita ng Diyos at magawa ang tungkulin ko—sapat na iyon. Ito ang biyaya ng Diyos! Wala na akong ibang mahihiling pa. Hinihiling ko lang na sa bawat araw na nabubuhay ako, magagawa ko ang tungkulin ko para mapalugod ang Diyos!” Sa pagkarinig sa mga salita ni Guo Li, nakaramdam ako ng parehong hiya at labis na inspirasyon, at nagkamit din ako ng kumpiyansa na danasin ang gawain ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 36. Ang Nakamit Ko Matapos Mabulag

Sumunod: 38. Nang Mabalitaan Kong Kritikal ang Kalagayan ni Mama

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito