25. Nang Malaman Kong Paaalisin ang Nanay Ko

Ni Nan Xin, Tsina

Noong Agosto 2021, isinasagawa ng iglesia ang gawain ng pag-aalis, at hiniling sa akin ng lider na magsulat ng ebalwasyon tungkol sa nanay ko. Hindi ko maiwasang mag-alala nang kaunti. Kamakailan lang kasi ay na-isolate sa bahay ang nanay ko, at bagama’t hindi ko alam kung kumusta ang pagganap niya sa tungkulin, alam kong pagkatapos niyang na-isolate, palagi na niyang iniisip na magtrabaho para kumita ng pera at mamuhay nang marangya, at ang mga perspektiba sa likod ng kanyang paghahangad ay tulad ng sa mga walang pananampalataya, na nagpapakita ng ilang pag-uugali ng isang hindi mananampalataya. Nang maisip kong iniimbestigahan ang nanay ko at posibleng mapaalis sa iglesia, naghalo-halo ang nararamdaman ko. “Tatlumpung taon nang nananampalataya sa Diyos ang nanay ko, tinitiis niya palagi ang pangungutya at paninirang-puri ng mga kamag-anak, at madalas din siyang usigin ng tatay ko, binubugbog at pinagagalitan, pero hindi niya iniwan ang Diyos. Pinalaki pa nga niya ako sa pananalig, at sinuportahan niya ako sa paggawa ko ng tungkulin nang full-time. Patuloy rin siyang gumagawa ng tungkulin niya sa iglesia, araw-araw siyang nagdarasal at nagbabasa ng mga salita ng Diyos. Siguro hindi lang maganda ang kalagayan niya nitong huli, at naging negatibo siya at tiwali, pero dapat ibilang pa rin siyang isang taong taos-pusong nananampalataya sa Diyos, kaya hindi naman siya dapat paalisin, ‘di ba?” Pag-uwi ko sa bahay, gusto ko sanang ituro ang mga problema niya para makapagnilay-nilay siya, magkaroon ng pagkaunawa, at agad na magsisi at magbago. Tinangong ko ang nanay ko kung bakit siya na-isolate. Sabi niya, noong Oktubre ng nakaraang taon, nagsimula siyang gumawa ng tungkulin ng pagpapatuloy, pero nang lumipat siya sa isang bagong bahay, walang mga gamit sa bahay, kaya sumulat siya ng talong liham para hilingin sa pangkat ng mga pangkalahatang gawain na dalhin ang mga iyon, pero hindi nila dinala ang mga ito. Kaya umuwi ang nanay ko at nanatili roon nang mahigit sampung araw. Kalaunan, malupit siyang pinungusan ng lider, sinabing iniwan niya ang kanyang tungkulin at naging iresponsable siya. Sa isa pang pagkakataon, tumutulong ang nanay ko sa ilang kapatid na maglipat at hiniram niya ang scooter ng isang sister na naaresto. Kinabukasan, pinungusan ng lider ang nanay ko, sinabing maaari itong magdulot ng mga panganib, at sinabihan niya ang nanay ko na magtago kaagad. Matindi ang pagtutol ng nanay ko noon at dumiretso siya sa pag-uwi. Pagkatapos niyon, hindi na siya inatasan ng lider ng anumang tungkulin. Sinabi rin ng nanay ko na noong 2020, umalis siya ng bahay para gawin ang kanyang tungkulin nang full-time, pero makalipas lang ang dalawang araw, sinabihan siya ng lider na bumalik, sinabing kung isusuplong siya ng tatay ko sa pulis, mailalagay sa panganib ang mga kapatid. Pagkauwi niya, hindi na siya agad inatasan muli ng lider ng anumang tungkulin. Sobra akong nagalit nang marinig ko iyon, at naisip ko, “Nagkusa na ngang lumabas ang nanay ko para gawin ang tungkulin niya—bakit siya pinigilan ng lider? Pagkakait iyon sa karapatan niyang gawin ang tungkulin niya at pagdurog sa kanyang motibasyon. Kung hindi naaarok ng mga lider at manggagawa ang mga prinsipyo at basta na lang nilang paaalisin ang nanay ko, hindi ba’t ginagawan nila ng mali ang isang mabuting tao? Sobrang hindi patas! Hindi, kailangan kong alamin ang puno’t dulo nito—hindi ko puwedeng hayaang magdusa ang nanay ko sa mga di-makatarungang paratang.”

Makalipas ang ilang araw, nagkataong nakasalubong ko ang lider ng iglesia, kaya tinanong ko siya, “Hindi naging madali para sa nanay ko na lumabas at gawin ang tungkulin niya—bakit ninyo siya pinabalik? Naging negatibo tuloy ang kalagayan niya nang matagal dahil dito.” Sinabi ng lider na pangunahing dahilan nito ay ang pagkakaroon ng buktot na pagkatao ng tatay ko, at kung wala raw sa bahay ang nanay ko, baka tumawag siya sa pulis, na posibleng makadamay sa ibang mga kapatid. Sinabi rin niya na palaging kumikilos ang nanay ko ayon sa lagay ng kalooban niya at napakatigas ng ulo. Kapag positibo ang pakiramdam niya, handa siyang gawin ang lahat, pero kapag negatibo siya, ayaw niyang makinig kahit sino pa ang makipagbahaginan o tumulong sa kanya, at madali niyang iwanan ang kanyang tungkulin. Ginagawa niya ang tungkulin niya kung paano niya gusto at kumikilos siya nang may katigasan ng ulo, at karamihan sa mga kapatid ay hindi naglakas-loob na magtiwala sa kanya. Dahil mas malaki ang pinsalang idudulot kaysa sa kabutihan ng pag-alis niya sa bahay para gawin ang tungkulin, isinaayos na lang na pauwiin siya. Sinabi pa ng lider, “Noong ginagawa niya ang tungkulin ng pagpapatuloy at lumipat siya sa bagong bahay, nakita niyang kulang sa gamit ang bahay, pero ayaw niyang gumastos ng sarili niyang pera, kaya sumulat siya sa pangkat ng mga pangkalahatang gawain at ipinilit na ipadala ang mga gamit sa loob ng isang araw. Pero kulang sa oras, at nang matanggap ng pangkat ng mga pangkalahatang gawain ang sulat, lampas na sa itinakda niyang deadline. Nagreklamo siya noon sa mga kapatid, at inabandona pa ang tungkulin niya, umuwi siya sa loob ng kalahating buwan. Kalaunan, pinungusan siya dahil sa pagiging iresponsable sa kanyang tungkulin, at bagama’t inamin niya sa salita ang kanyang pagkakamali, pagkatapos noon, ganoon pa rin siya. Sa isa pang pagkakataon, kahit na may sarili siyang electric scooter, ipinilit niyang gamitin ang motor ng isang sister na naaresto, na lumikha ng isang mapanganib na sitwasyon. Nang pungusan siya ng mga kapatid pagkatapos noon, uminit ang ulo niya at sinabing, ‘Kapag maayos ang gawa ko, hindi n’yo pinapahalagahan, pero sa sandaling magkamali ako, pinupungusan ninyo ako. Hindi ko na kaya! Hindi ko na gagawin ang tungkuling ito. Uuwi na ako! Kahit mapunta pa ako sa impiyerno, tapos na ako!’ Kami ng superbisor ay parehong nakipagbahaginan sa kanya, pero hindi niya talaga tinanggap at kinuha na lang niya ang mga gamit niya at umalis.” Nagulat ako nang marinig ang lahat ng ito mula sa lider. Hindi pala tulad ng sinabi ng nanay ko ang mga nangyari. Hindi ko inasahan na ganoon pala katigas ang ulo niya at nakapagdudulot ng napakaraming pagkagambala at panggugulo sa gawain ng iglesia. Kaya pala gustong maunawaan ng lider ang palagian niyang pag-uugali. Masyadong halata ang pag-uugali ng nanay ko bilang isang hindi mananampalataya, at natakot akong malamang na mapaalis nga siya sa pagkakataong ito. Kung talagang mapaaalis siya, matatapos na ang paglalakbay niya sa pananalig, at sa huli, mapaparusahan siya sa mga kalamidad. Kawawa naman! Sumama ang pakiramdam nang maisip ko ito. Talaga bang umabot na sa puntong kailangan nang paalisin ang nanay ko? Pakiramdam ko, baka kung makikipagbahaginan ulit ako sa kanya, at magpakita siya ng mga senyales ng pagsisisi, baka makapagtrabaho pa rin siya sa iglesia. Kaya tinanong ko ang lider, “Dahil sa pag-uugali ng nanay ko, naipaliwanag ba ninyo nang malinaw sa ang kalikasan at mga kahihinatnan ng mga isyung ito sa pakikipagbahaginan sa kanya? Hinimay at inilantad ba ninyo siya gamit ang mga salita ng Diyos? Kung mahina ang kanyang kakayahang umarok, mababa ang kakayahan, o lubhang tiwali ang kanyang disposisyon, mas lalo siyang nangangailangan ng pagbabahaginan at pagpupungos.” Pagkarinig nito, sinabi ng lider, “Nakipagbahaginan kami sa kanya, pero hindi niya tinanggap. Puwede mong subukang makipagbahaginan sa kanya at tingnan kung magpapakita siya ng anumang senyales ng pagsisisi at pagbabago.”

Pag-uwi ko sa bahay, nagmadali akong makipagbahaginan sa nanay ko, tinalakay ang lahat ng ginawa niya sa iglesia, nakipagbahaginan at hinimay ang bawat isa. Pero wala talaga siyang ipinakitang anumang senyales ng pagsisisi o pag-amin sa kasalanan, at sa halip, patuloy siyang nakatuon sa iba at sa mga partikular na bagay. Sabi niya, “Bakit ako lang ang sinasabihang magnilay-nilay? Walang bang pagkakamali ang mga lider? Huwag kang basta makikinig sa sinasabi nila—baka hindi rin sila tama. Minsan, ang mga pagsasaayos ng mga lider ay labag din sa mga prinsipyo. Kung hindi, bakit magpapahayag ang Diyos ngayon ng napakaraming salita tungkol sa pagkilatis sa mga huwad na lider? Kasi, napakaraming huwad na lider sa paligid ngayon….” Nang makita kong nakikipagtalo pa rin ang nanay ko tungkol sa tama at mali, sobrang nabalisa ako at nadismaya. Kaya binalaan ko siya, “Kung hindi ka magninilay-nilay at magsisisi, paaalisin ka!” Pagkarinig niyon, sinabi ng nanay ko sa salita na handa siyang magbago at magsisi, pero hindi nagtagal, sinabi niya sa akin, “Sa tingin ko, mas mabuting maghanap ka na ng trabaho—huwag mong masyadong seryosohin ang pananalig mo. Napakaraming tao na nagtatrabaho at ginagawa ang tungkulin nila nang sabay, at nananampalataya pa rin sila sa Diyos, hindi ba? At sa lahat ng taong gumagawa ng tungkulin nang full-time, hindi naman mahalaga kung mabawasan ng isa. Dapat magtira ka ng daan palabas para sa sarili mo at isipin mo ang kinabukasan mo. Nanay mo ako—sinasabi ko ang lahat ng ito para sa kapakanan mo. Kung hindi ka makikinig sa akin, pagsisisihan mo ito!” Nang marinig kong sabihin niya ang mga bagay na ito, nagalit ako at nabalisa. Sa sumunod na buwan o higit pa, kahit paano ako makipagbahaginan sa kanya, ayaw niya talagang magnilay-nilay o kilalanin ang sarili niya. Sa halip, patuloy siyang nakikipagtalo at binibigyang-katwiran ang sarili niya, binabaluktot ang mga katunayan at hinahanapan ng butas ang mga lider at manggagawa. Tinangka niya akong akitin na hangarin ang mga makamundong bagay, at paulit-ulit niya akong hinadlangan sa pagpunta sa mga pagtitipon at paggawa ng tungkulin ko. Lubusan kong nakita ang kanyang diwa—isa siyang hindi mananampalataya.

Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kung kaswal lang at walang pagpipigil ang pananalita at asal ng mga mananampalataya na tulad ng mga walang pananampalataya, mas buktot pa sila kaysa mga walang pananampalataya; sila ay tipikal na masasamang demonyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). “Hindi ba’t ubod ng sama na may mga taong gustong magbusisi at gumamit ng mga pamamaraan na hindi epektibo kapag may nangyayari sa kanila? Isa itong malaking problema. Ang mga taong malinaw ang pag-iisip ay hindi gagawa ng pagkakamaling ito, ngunit ganito ang mga taong wala sa katwiran. Palagi nilang iniisip na ginagawang mahirap ng iba ang mga bagay-bagay para sa kanila, na sadyang pinahihirapan sila ng iba, kaya palagi nilang inaaway ang ibang tao. Hindi ba’t paglihis ito? Hindi sila nagsisikap pagdating sa katotohanan, mas gusto nilang busisihin ang mga hindi mahalagang usapin kapag may nangyayari sa kanila, humihingi sila ng mga paliwanag, nagsisikap na huwag mapahiya, at palagi silang gumagamit ng mga solusyon ng tao para harapin ang mga bagay na ito. Ito ang pinakamalaking hadlang sa buhay pagpasok. Kung nananalig ka sa Diyos sa ganitong paraan, o nagsasagawa sa ganitong paraan, hinding-hindi mo makakamit ang katotohanan dahil hindi ka kailanman lumalapit sa harap ng Diyos. Hindi ka kailanman lumalapit sa harap ng Diyos para tanggapin ang lahat ng inihanda ng Diyos para sa iyo, ni hindi mo ginagamit ang katotohanan para harapin ang lahat ng ito, sa halip ay gumagamit ka ng mga solusyon ng tao para harapin ang mga bagay-bagay. Samakatuwid, sa mga mata ng Diyos, masyado ka nang nalihis mula sa Kanya. Hindi lamang nalayo ang puso mo sa Kanya, ang buo mong pagkatao ay hindi namumuhay sa Kanyang presensiya. Ganito ang tingin ng Diyos sa mga taong palaging sinusuri nang husto ang mga bagay-bagay at nagbubusisi. … Sinasabi ko sa inyo na anuman ang tungkuling ginagampanan ng isang mananampalataya sa Diyos—pinangangasiwaan man niya ang mga panlabas na bagay, o ang isang tungkulin na may kaugnayan sa iba’t ibang gawain o larangan ng kadalubhasaan sa sambahayan ng Diyos—kung hindi siya madalas na humaharap sa Diyos, at namumuhay sa Kanyang presensiya, at hindi siya naglalakas-loob na tanggapin ang Kanyang pagsisiyasat, at hindi niya hinahanap ang katotohanan mula sa Diyos, kung gayon, isa siyang hindi mananampalataya, at siya ay hindi naiiba sa isang taong walang pananampalataya(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). Sinasabi ng Diyos na kung, matapos mahanap ang Diyos, ang pananalita at asal ng isang tao ay tulad pa rin ng sa mga walang pananampalataya, at anuman ang mangyari, hindi sila kailanman tumatanggap ng mga bagay mula sa Diyos, palagi silang nakatuon sa mga tao at isyu, at hindi nila kailanman tinatanggap ang katotohanan, kung gayon ang taong iyon ay isang hindi mananampalataya. Naisip ko kung paanong maraming taon nang nananampalataya sa Diyos ang nanay ko, pero hindi siya kailanman tumanggap ng mga bagay mula sa Diyos. Sinasabi niyang handa siyang dumalo sa mga pagtitipon at gawin ang kanyang tungkulin, pero hindi iyon kailanman naging taos-puso. Sa tuwing nasasangkot ang mga interes ng kanyang laman, isinasantabi niya ang kanyang tungkulin, at gaano man karaming beses siyang pinagbahaginan ng mga kapatid, hindi niya kailanman tinanggap ni isa man dito. Kahit na pagkatapos ma-isolate, hindi pa rin siya nagnilay-nilay sa kanyang mga isyu, at sa halip, binaluktot niya ang mga katunayan, dumaing sa sama ng loob, at nagreklamo. Tumanggi siyang aminin ang katunayan na nagdulot siya ng mga pagkagambala at panggugulo; nakatuon siya sa mga tao at bagay-bagay, walang-tigil na kinulit ang mga tao, at pinanghawakan ang mga pagkakamali ng mga lider at manggagawa. Nang makita niyang wala na siyang pag-asang makatanggap ng mga pagpapala, sinimulan niyang hangarin ang isang buhay na mayaman, at tumuon sa pagkain, pananamit, at kasiyahan. Nagpakalat pa nga siya ng mga kuru-kuro, nagbulalas ng pagkanegatibo, at ginulo at hinadlangan ako sa pagdalo sa mga pagtitipon at paggawa ng aking tungkulin. Tinangka niya akong akitin na magtrabaho para sa pera tulad niya, at tahakin ang isang makamundong landas. Nakita ko na maraming taon nang nananapalataya sa Diyos ang nanay ko pero hindi niya talaga tinanggap ang katotohanan, at ang kanyang mga salita, pag-uugali, at mga pananaw ay ganap na katulad ng sa mga walang pananampalataya; isa siyang ganap na hindi mananampalataya. Dahil isinasagawa ng iglesia ang gawain ng pag-aalis, dapat kong isulat ang lahat ng kanyang pag-uugali at iulat ito sa mga lider. Pero kung gagawin ko iyon, tiyak na paaalisin siya. Naisip ko kung paanong mas pabor sa mga lalaki kaysa sa mga babae ang pamilya ko noong bata pa ako. Naging malalamig sa akin ang lola, tiya, at tiyo ko, at hindi rin ako kailanman inalagaan ng tatay ko. Ang tanging ginagawa niya araw-araw ay manigarilyo at uminom, at kapag masama ang mood niya, nagmumura siya, nananakit ng tao, at nagbabasag ng mga gamit. Sa bahay, kaming dalawa lang ng nanay ko ang umaasa sa isa’t isa. Dinala rin ako ng nanay ko sa harap ng Diyos at sinuportahan ako sa paggawa ng aking tungkulin nang full-time. Napakalaking sakripisyo ang ibinigay niya para sa akin. Kung malaman niyang iniulat ko ang kanyang pag-uugali, hindi ba madudurog ang puso niya? Hindi ba siya lubos na madidismaya sa akin? Pakiramdam ko, ang paggawa nito ay mangangahulugang talagang wala akong konsensiya at talagang bibiguin ko siya. Sa isiping ito, hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha, at nakaramdam ako ng matinding pagkabagabag at pasakit. Matapos itong pag-isipan nang paulit-ulit, hindi ko na iniulat ang pag-uugali ng nanay ko bilang isang hindi mananampalataya, at isinantabi ko na lang ang usapin.

Makalipas ang mahigit isang buwan, muling hiniling sa akin ng lider na isulat ang tungkol sa pag-uugali ng nanay ko. Medyo masama pa rin ang loob ko, kaya nanalangin ako at dumulog sa Diyos, “O Diyos ko, nag-iipon po ang iglesia ng impormasyon tungkol sa nanay ko bilang isang hindi mananampalataya. Kailangan po nilang iulat ko ang pag-uugali niya, pero nag-aatubili pa rin po ako, iniisip na ang pag-uulat sa pag-uugali niya ay mangangahulugang wala akong konsensiya. Hindi ko po alam kung paano ito haharapin—pakiusap, tulungan po Ninyo akong malutas ang kalagayang ito.” Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kapag nagsisimulang gumawa ang Diyos sa isang tao, kapag napili Niya ang isang tao, hindi Niya ito ibinabalita kaninuman, ni hindi Niya ito ipinahahayag kay Satanas, lalo nang hindi Siya gumagawa ng anumang maringal na paggalaw. Napakatahimik at napakasimple lamang Niyang ginagawa ang kinakailangan. Una, pumipili Siya ng isang pamilya para sa iyo; ang pinagmulan ng iyong pamilya, ang iyong mga magulang, ang iyong mga ninuno—lahat ng ito ay maagang pinagpapasiyahan ng Diyos. Sa madaling salita, hindi ginagawa ng Diyos ang mga pagpapasiyang ito nang padalus-dalos, sa halip, matagal na Niyang sinimulan ang gawaing ito. Kapag nakapili na ang Diyos ng isang pamilya para sa iyo, pinipili naman Niya ang petsa kung kailan ka isisilang. Pagkatapos, nanonood ang Diyos habang isinisilang kang umiiyak sa mundo. Pinapanood Niya ang iyong pagsilang, nanonood Siya habang binibigkas mo ang iyong unang mga salita, nanonood habang nadadapa ka at humahakbang ng mga una mong hakbang habang nag-aaral kang maglakad. Una’y humahakbang ka ng isa at pagkatapos ay isa pa—at ngayon ay nakakatakbo ka na, nakakatalon, nakakapagsalita, at nakakapagpahayag ng iyong mga damdamin…. Habang lumalaki ang mga tao, nakapako ang titig ni Satanas sa bawat isa sa kanila, kagaya ng isang tigreng nakamasid sa bibiktimahin nito. Ngunit sa paggawa ng Kanyang gawain, hindi kailanman napailalim ang Diyos sa anumang mga limitasyong nagmumula sa mga tao, pangyayari o bagay-bagay, ng espasyo o panahon; ginagawa Niya kung ano ang dapat at kailangan Niyang gawin. Sa proseso ng paglaki, maaari kang makasagupa ng maraming bagay na hindi mo gusto, pati na ng karamdaman at kabiguan. Ngunit habang lumalakad ka sa landas na ito, ang iyong buhay at ang iyong kinabukasan ay nasa mahigpit na pangangalaga ng Diyos. Binibigyan ka ng Diyos ng tunay na garantiya na tatagal sa buong buhay mo, sapagkat Siya ay nasa tabi mo, binabantayan ka at inaalagaan(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pamilyang ating sinilangan, ang ating pagpapalaki, at ang ating mga kalagayan sa buhay ay pauna nang itinakda at isinaayos lahat ng Diyos. Ang katunaynang buhay ako ngayon, nakakapanampalataya sa Diyos at nakakagawa ng tungkulin sa iglesia ay ganap na dahil sa gabay at proteksyon ng Diyos. Nang isilang ako ng nanay ko, nahirapan siya sa panganganak at kritikal ang sitwasyon. Tinanong ng doktor ang tatay ko kung sino ang ililigtas, ang nanay ko o ako. Sobrang natakot ang tatay ko na nanginginig ang mga kamay niya at hindi niya alam ang gagawin. Nanalangin noon ang nanay ko sa Panginoong Jesus, at dahil sa proteksyon ng Diyos, pareho kaming nakaligtas ng nanay ko. Isa pa, noong bata ako, naglalaro ako at naitusok ko sa mata ko ang isang patpat na may buhangin. Agad na nabulag ang kanang mata ko. Nataranta ako at inakalang mabubulag na ako. Kinusot ko nang kinusot ang mata ko, pero hindi ko mailabas ang buhangin. Sa sobrang pagkabalisa ko, ang tanging nagawa ko ay tumawag sa Panginoong Jesus sa puso ko. Pagkatapos, patuloy na lumuha ang mata ko, at naanod palabas ang buhangin. Sa huli, bahagya lang lumubog ang kanang eyeball ko kumpara sa kaliwa, pero normal pa rin ang paningin ko. Dati, akala ko masuwerte lang ako, pero matapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa wakas ay napagtanto kong ang Diyos pala ang nagbabantay at nagpoprotekta sa akin sa likod ng lahat. Sa paningin ng tao, mukhang sobrang naghirap ang nanay ko para palakihin ako, at inilapit pa nga niya ako sa Diyos, pero ayon sa mga salita ng Diyos, kung kailan ako ipinanganak, ang uri ng kapaligirang kinalakihan ko, ang mga taong makikilala ko, ang mga bagay na mararanasan ko, at kung kailan ako darating sa sambahayan ng Diyos para gumawa ng tungkulin ay nasa ilalim lahat ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Inakay ako ng Diyos sa bawat hakbang ko. Nang maisip ko ito, labis akong naantig, at naisip ko, “Talagang napakadakila ng Diyos. Ang pag-ibig Niya ay totoong-totoo!” Pero patuloy kong nararamdaman na dahil tiniis ng nanay ko ang hirap at pagod para palakihin ako, may utang na loob ako sa kanya. Kaya para mapanatili siya sa iglesia, sinadya kong pagtakpan ang marami niyang pagpapamalas bilang isang hindi mananampalataya, pinrotektahan ko siya, at hindi ko pinangalagaan ang gawain ng iglesia. Ito ang talagang nagpakita ng kawalan ng konsensiya!

Nabasa ko rin na sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Natutukoy ang kinalabasan ng lahat ayon sa diwa ng kanilang mga gawa, at palagi itong angkop na natutukoy. Walang sinumang makapapasan sa mga kasalanan ng iba; higit pa, walang sinumang makatatanggap ng kaparusahan na nauukol sa iba. Ito ay lubos. … Sa huli, ang mga gumagawa ng pagiging matuwid ay mga gumagawa ng pagiging matuwid, at ang mga taong gumagawa ng masama ay mga taong gumagawa ng masama. Tutulutang makaligtas sa kalaunan ang mga gumagawa ng katuwiran, samantalang wawasakin ang mga taong gumagawa ng masama. Ang mga banal ay mga banal; hindi sila madumi. Ang madudumi ay madudumi, at walang isa mang bahagi nila ang banal. Ang mga taong wawasakin ay ang lahat ng masasama, at ang mga makaliligtas ay ang lahat ng mga matuwid—kahit pa gumaganap ng mga matuwid na gawa ang mga anak ng masasama, at kahit pa gumagawa ng masasamang gawa ang mga magulang ng mga matuwid. Walang ugnayan sa pagitan ng isang nananampalatayang esposo at ng isang di-nananampalatayang esposa, at walang ugnayan sa pagitan ng mga nananampalatayang anak at mga di-nananampalatayang magulang; ganap na hindi magkaayon ang dalawang uring ito ng mga tao. Bago pumasok sa pamamahinga, ang mga tao ay may pagmamahal sa laman, sa pamilya, ngunit sa sandaling pumasok sila sa pamamahinga, wala nang magiging anumang mga pagmamahal sa laman, sa pamilya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). “Raragasa ang mga tubig, guguho ang mga bundok, maglalaho ang malalaking ilog, magbabago palagi ang tao, lalamlam ang araw, magdidilim ang buwan, wala nang mga panahon na mamumuhay sa kapayapaan ang tao, mawawalan na ng katahimikan sa lupa, hindi na muling mananatiling panatag at tahimik ang kalangitan, at hindi na magtitiis. Mapapanibago ang lahat ng bagay at mababawi ang kanilang orihinal na anyo. Magkakawatak-watak ang lahat ng sambahayan sa lupa, at mahahati-hati ang lahat ng bansa sa mundo; mawawala na ang mga panahon na magbabalikan ang mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. Dudurugin Ko ang lahat ng dating nasa lupa. Hindi Ko binibigyan ng pagkakataon ang mga tao na magpahayag ng kanilang mga damdamin, sapagkat wala Akong mga damdamin ng laman, at natutuhan Kong kamuhian nang sukdulan ang mga damdamin ng mga tao. Dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako naitaboy sa isang tabi, at sa gayon ay naging ‘iba’ Ako sa kanilang paningin; dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako nakalimutan; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya sinasamantala ang pagkakataong kunin ang kanyang ‘konsensya’; dahil sa mga damdamin ng tao kaya siya laging tumututol sa Aking pagkastigo; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya Ako tinatawag na hindi patas at hindi makatarungan, at sinasabing hindi Ko iniintindi ang mga damdamin ng tao sa Aking pamamahala sa mga bagay-bagay. May kamag-anak din ba Ako sa ibabaw ng lupa? Sino, katulad Ko, ang nakapagtrabaho na araw at gabi, na hindi iniisip ang pagkain o pagtulog, para sa kapakanan ng buong plano ng Aking pamamahala? Paanong maikukumpara ang tao sa Diyos? Paanong magiging kaayon ng Diyos ang tao? Paano maaaring maging kauri ng tao, na nilikha, ang Diyos, na lumilikha? Paano Ako maaaring manahan at kumilos na kasama ng tao sa lupa? Sino ang nagmamalasakit sa Aking puso? Ang mga dalangin ba ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 28). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang takbo ng gawain ng Diyos. Ito ay para ihiwalay ang lahat ng lumalaban sa Diyos mula sa mga tunay na nananampalataya sa Kanya. Ang mga tunay na nananampalataya sa Diyos ay tatanggap ng Kanyang proteksyon at biyaya, habang ang mga lumalaban sa Kanya ay isusumpa at paparusahan. Tinutukoy ng Diyos ang kalalabasan ng bawat tao batay sa kanilang asal at mga gawa, pati na rin sa kanilang kalikasang diwa, at walang puwang ang paboritismo o palakasan. Sa sambahayan ng Diyos, ang katotohanan ang may kapangyarihan, at walang pagkiling o paboritismo. Ngayong malapit nang magwakas ang gawain ng Diyos, isa-isang nabubunyag ang lahat ng uri ng tao. Ito ang panahon para ihiwalay ang mga panirang-damo sa trigo. Ito ang panahon ng pagtatahip ng Diyos. Bagama’t napakalapit ng kaugnayan namin ng nanay ko sa dugo, ang kanyang huling kahihinatnan ay isang bagay na hindi ko kayang pagdesisyunan. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Kung magkagayoy sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa ay kukunin, at ang isa ay iiwan. Dalawang babaeng nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa ay kukunin, at ang isa ay iiwan(Mateo 24:40–41). Kung anong uri ng pagdurusa ang pagdadaanan ng nanay ko sa buhay na ito, at kung ano ang kanyang magiging huling kalalabasan at hantungan ay nakasalalay sa kanyang sariling mga pagpili, at tinutukoy ng landas na kanyang tinatahak. Gaano man ako karaming beses na nakipagbahaginan sa kanya o sinubukang panatilihin siya sa iglesia, ang kanyang kalikasang diwa ay sa isang hindi mananampalataya, at ang pananatili niya sa iglesia ay makakagulo lamang sa buhay iglesia, makakaapekto sa kalagayan ng mga kapatid, at hindi magtatagal, mabubunyag siya at matitiwalag. Ang pagtanggi kong iulat ang pag-uugali ng nanay ko ay pagkilos nang dahil sa damdamin. Sa kanyang tungkulin, palaging pabaya at lumalaktaw sa mga proseso ang nanay ko, at madalas niyang basta na lang inaabandona ang kanyang tungkulin. Kapag nakikipagbahaginan sa kanya ang mga kapatid, sumasang-ayon siya sa salita, pero pagkatapos ay kumikilos pa rin siya nang may katigasan ng ulo, nang walang anumang pagsasaalang-alang sa mga interes ng iglesia. Nang ilantad at pungusan siya ng lider, nakipagtalo siya gamit ang baluktot na pangangatwiran at nagalit. Matapos siyang matanggal, walang-tigil niyang kinulit ang mga tao, binaluktot ang mga katunayan, at dumaing na ginawan siya ng mali. Wala siyang ginampanang anumang positibong papel sa iglesia, at palagi siyang nagdudulot ng mga pagkagambala at panggugulo at naaapektuhan ang pagganap ng mga kapatid sa kanilang mga tungkulin. Napakaraming pagkagambala at panggugulo ang idinulot ng nanay ko sa iglesia, at hindi niya kailanman tinanggap ang katotohanan kahit katiting. Masyado nang halata ang kanyang pag-uugali bilang isang hindi mananampalataya, at alam na alam kong dapat na siyang paalisin. Pero pinrotektahan ko pa rin siya at ayaw kong iulat ang kanyang pag-uugali. Hindi ba’t pinoprotektahan ko lang si Satanas at pinagtatakpan ang isang hindi mananampalataya? Ang pamumuhay sa damdamin ay naging dahilan para hindi ko makilala ang tama sa mali at maging ganap na di-makatwiran. Hindi ba’t naninindigan ako sa pagsalungat sa Diyos? Sa puntong ito ko lang sa wakas naranasan kung bakit labis na kinasusuklaman ng Diyos ang mga damdamin ng tao. Sabi ng Diyos: “Dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako naitaboy sa isang tabi, at sa gayon ay naging ‘iba’ Ako sa kanilang paningin; dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako nakalimutan; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya sinasamantala ang pagkakataong kunin ang kanyang ‘konsensya’; dahil sa mga damdamin ng tao kaya siya laging tumututol sa Aking pagkastigo; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya Ako tinatawag na hindi patas at hindi makatarungan.” Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng tunay na pagkakautang sa Diyos, at sa puso ko, nagkaroon ako ng matinding pagnanais na magsagawa ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Alam kong hindi na ako puwedeng mag-atubili pa sa bagay na ito, kaya iniulat ko ang lahat ng pag-uugali ng nanay ko.

Makalipas ang isang buwan, bumalik ako sa bahay, at sinabi sa akin ng nanay ko nang walang ekspresyon na pinaalis na siya sa iglesia. Pagkatapos, sinisi niya ako, “Bakit mo sinabi sa kanila ang lahat ng sinabi ko sa iyo? Talagang wala kang utang na loob, at wala kang konsensya. Hindi ako makapaniwalang ipagkakanulo mo pati ang sarili mong ina.” Nang marinig kong sabihin niya ito, labis akong nasaktan at nabagabag. Para bang may nagawa akong masama sa kanya, at nahiya akong harapin siya. Pero maya-maya, napag-isip-isip ko, “Bakit ako sobrang takot sa mga paratang at reklamo ng nanay ko? Kumilos naman ako ayon sa mga prinsipyo!” Napagtanto kong muli na naman akong napipigilan ng damdamin, kaya tahimik akong nanalangin sa Diyos sa puso ko, “O Diyos ko, sa sitwasyong ito, ano po ang tamang paraan para ako ay magsagawa?” Sa sandaling iyon, naisip ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos: Ito ang prinsipyong dapat sundin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw Maaaring Tunay na Magbago ang Isang Tao). Talagang binigyang-liwanag ako ng mga salita ng Diyos sa loob ko. Pinaalis ang nanay ko dahil nagdulot siya ng napakaraming pagkagambala at panggugulo, hindi niya talaga tinanggap ang katotohanan, at wala siyang positibong epekto sa iglesia. Wala akong ginagawang masama sa kanya sa pag-uulat ng kanyang pag-uugali. Sa halip, isinasagawa ko ang katotohanan at kumikilos ako ayon sa prinsipyo, at hindi ko kailangang makonsensiya. Ang pagpapaalis sa nanay ko ay batay sa mga prinsipyo ng iglesia. Ngayon, hindi lang siya tumatangging magsisi, kundi nagsasabi pa ng mga ganoong bagay. Lalong akong nakatiyak na ang kanyang kalikasang diwa ay sa isang hindi mananampalataya. Kung mananatili ang ganoong tao sa iglesia, tiyak na guguluhin niya ang buhay iglesia ng mga kapatid, at wala siyang maidudulot na anumang pakinabang sa iba. Dapat siyang paalisin! Sinasabi ng Diyos na mahalin ang Kanyang minamahal at kamuhian ang Kanyang kinamumuhian. Wala akong ginawang masama sa pagkilos ayon sa mga prinsipyo. Nang maisip ko ito, gumaan ang pakiramdam ko, at wala na akong naramdamang anumang pagkakautang o pagkakonsensiya sa nanay ko.

Matapos pagdaanan ang karanasan ng pagpapaalis sa nanay ko, nagkaroon ako ng kaunting pagkilatis sa pag-uugali ng mga hindi mananampalataya, at nakita ko na kapag tinatrato mo ang mga tao batay sa damdamin, nawawalan ka ng mga prinsipyo sa iyong mga kilos. Alam kong hindi na ako puwedeng kumilos batay sa damdamin. Salamat sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong ito para matutuhan ang aral na ito!

Sinundan: 21. Ang Paghahangad ba Para Lang Magtamasa ng mga Biyaya ay Tunay na Pananampalataya sa Diyos?

Sumunod: 30. Matapos Gumuho ang mga Inaasahan Ko Para sa Aking Anak

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito