405 Ito Ba ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos?

1 Itinuturing lamang ng mga tao ang pagtatamo ng biyaya at pagtatamasa ng kapayapaan na mga sagisag ng pananampalataya, at itinuturing na batayan ng kanilang pananalig sa Diyos ang paghahangad ng mga biyaya. Iilang tao lamang ang naghahangad na makilala ang Diyos o baguhin ang kanilang disposisyon. Sa kanilang pananampalataya, hinahangad ng mga tao na hikayatin ang Diyos na bigyan sila ng angkop na hantungan at lahat ng biyayang kailangan nila, na gawing alipin nila ang Diyos, na gawin Siyang magpanatili ng isang mapayapa at magandang relasyon sa kanila nang sa gayon, anumang oras, ay hindi magkaroon ng anumang sigalot sa pagitan nila. Ibig sabihin, sa kanilang pananalig sa Diyos, kailangan Siyang mangako na tugunan ang lahat ng kanilang kahilingan at ipagkaloob Niya sa kanila ang anumang kanilang ipinagdarasal. Inaasahan nila na hindi hahatulan o pakikitunguhan ng Diyos ang sinuman, sapagkat noon pa man ay Siya na ang maawaing Tagapagligtas na nagpapanatili ng mabuting kaugnayan sa mga tao sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar.

2 Hindi nahihiyang humiling sa Diyos ang mga tao, naniniwala na mapanghimagsik man sila o masunurin, ipagkakaloob na lang Niya ang lahat sa kanila nang pikit-mata. Patuloy lamang silang “naniningil ng mga utang” mula sa Diyos, naniniwala na kailangan Niya silang “bayaran” nang walang anumang pagtutol at, bukod pa riyan, magbayad nang doble; iniisip nila, kung may nakuha man ang Diyos sa kanila o wala, maaari lamang nila Siyang manipulahin, hindi Niya maaaring basta-basta isaayos ang mga tao, lalong hindi Niya ihahayag sa mga tao ang Kanyang karunungan at matuwid na disposisyon, na maraming taon nang nakatago, tuwing gusto Niya at nang walang pahintulot nila. Ikinukumpisal lamang nila sa Diyos ang kanilang mga kasalanan, naniniwala na pawawalang-sala na lamang sila ng Diyos, na hindi Siya magsasawang gawin ito, at na magpapatuloy ito magpakailanman. Inuutus-utusan lamang nila ang Diyos, naniniwala na susunod na lamang Siya sa kanila. Hindi ba ganito ang paniniwala ninyo noon pa man?

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao

Sinundan: 404 Ang Pinakamahalagang Bagay na Dapat Tamuhin ng mga Nananampalataya sa Diyos

Sumunod: 406 Paano Ba Talaga ang Inyong Pananampalataya?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito