406 Paano Ba Talaga ang Inyong Pananampalataya?

I

Pag-aasam at salapi lamang

ang nasa inyong mga puso.

Materyal na pagnanasa lamang

ang nasa inyong mga isipan.

Araw-araw n’yong tinatantya

kung pa’no makakakuha sa Diyos.

Araw-araw n’yong binibilang

ang yama’t bagay na natamo na.


Araw-araw, naghihintay kayo

ng mas higit na biyaya,

upang kayo’y magkaroon at mas masiyahan.

Nais n’yo ng mas mataas

na pamantayan sa kinasisiyahan.

Araw-araw, kayo’y naghihintay

na magtamo ng higit na biyaya.


Puno ng panlilinlang at dumi ang inyong bibig,

pagkakanulo at kayabangan.

Inyong mga salita sa Diyos

ay ‘di tapat, hindi banal;

walang mga salita ng pagpapasakop

nang maranasan Kanyang mga salita.

Kaya, ano’ng uri ang inyong pananampalataya.


II

Hindi ang Diyos ang laging nasa inyong isipan,

hindi ang Diyos

o ang katotohanan na mula sa Kanya,

ngunit sa halip ang inyong mga asawa,

at ang inyong mga anak,

mga bagay na inyong kinakain at isinusuot.


Iniisip n’yong magtamo ng higit na kasiyahan.

Kahit ang inyong tiyan ay busog,

‘di ba’t tila kayo’y bangkay?

Kahit sa magandang panlabas na kasuotan,

‘di ba’t kayo’y naglalakad na bangkay,

walang buhay?


Puno ng panlilinlang at dumi ang inyong bibig,

pagkakanulo at kayabangan.

Inyong mga salita sa Diyos

ay ‘di tapat, hindi banal;

walang mga salita ng pagpapasakop

nang maranasan Kanyang mga salita.

Kaya, ano’ng uri ang inyong pananampalataya.


III

Kayo’y nagpapagod para sa inyong tiyan,

hanggang ang inyong buhok ay magkulay-abo,

ngunit walang nag-aalay ni isang hibla

para sa Kanyang gawain.

Kayo’y laging nagmamadali,

pinapagod ang utak para sa inyong laman,

at para sa inyong mga anak,

ngunit wala sa inyong

nagmamalasakit sa kalooban ng Diyos.

Ano pa’ng inaasahan n’yong matamo sa Diyos?


Puno ng panlilinlang at dumi ang inyong bibig,

pagkakanulo at kayabangan.

Inyong mga salita sa Diyos

ay ‘di tapat, hindi banal;

walang mga salita ng pagpapasakop

nang maranasan Kanyang mga salita.

Kaya, ano’ng uri ang inyong pananampalataya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang

Sinundan: 405 Ito Ba ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos?

Sumunod: 407 May Natamo Ka na Ba mula sa Maraming Taon ng Iyong Paniniwala?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito