404 Ang Pinakamahalagang Bagay na Dapat Tamuhin ng mga Nananampalataya sa Diyos
1 Malayang naipagkaloob ng Diyos ang Kanyang buhay sa mga tao, sa gayo’y nagiging buhay nila ito. Kung gayo’y ano ang natamo ng mga tao mula sa Diyos? Ito’y ang buhay ng Diyos! Sa gayon, ang natatamo ng mga tao mula sa Diyos ay walang kasinghalaga, at, habang ipinagkakaloob ng Diyos ang pinakamahalagang bagay na ito sa tao, walang napapala ang Diyos; ang pinakamalaking nakikinabang ay ang sangkatauhan. Ang mga tao ang umaani ng pinakamalaking pakinabang; sila ang may pinakamalaking pakinabang.
2 Kung ihahambing ang gayon kalaking pakinabang na nakuha ng mga tao sa mga pangakong naguguni-guni nilang ibibigay sa kanila ng Diyos, o sa mabuting kapalarang ninanais nila, alin ba ang pinakakailangan ng sangkatauhan? Alin ba ang mas mahalaga: Ang pagnanais mo ng mga pagpapala, o ang tunay na isabuhay ang buhay na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos? Ano ang nakakapagtulot sa iyong humarap sa Diyos at tunay na sambahin Siya, upang hindi ka Niya kamuhian, iwanan, o parusahan? Ano ang nakakapagtulot sa iyong mabuhay nang walang-hanggan?
3 Sa pamamagitan lang ng pagtanggap ng buhay na nagmumula sa Diyos mo naililigtas ang sarili mong buhay. Kung natatamo mo ang buhay na ito, magiging walang-hangganan ang buhay mo; ito ang walang-hanggang buhay. Kung hindi pa natatamo ng isang tao ang buhay na mula sa Diyos, tiyak na mamamatay sila, at magkakaroon ng katapusan ang buhay nila. Natatawag bang walang-hanggang buhay ang isang buhay na may katapusan? Natatamo mo ang buhay na walang-hanggan mula sa Diyos. Maaari bang kahit paano’y maging kapalit ang pagnanais mo ng mga pagpapala? Naililigtas ba ang mga tao mula sa kamatayan ng pagnanais nila sa mga pagpapala?
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tao ang Pinakamalaki ang Pakinabang sa Plano ng Pamamahala ng Diyos