283 Magagawa Ko Nang Mahalin sa Wakas ang Diyos
I
Pag-ibig Mo’y taos, puso’y tapat at mabait,
naging-tao Ka para iligtas ang tao.
Pagpapakumbaba’t pagiging tago
Mo’y kaibig-ibig;
‘di Ka nasusukat.
Sinusundan Ka nang malapit,
nanginginig sa takot;
ginhawa’ng dulot sa’kin ng Iyong salita.
Kasama Mo ‘ko sa hirap,
nililinis at nililigtas ako
ng salita Mo ng paghatol.
Sa wakas nagagawa Ka nang mahalin;
araw-gabi, kasama Ka,
nauunawaan ‘Yong kalooban.
Mas nakikita kung gaano Ka kaibig-ibig,
nakilala Kita, Makapangyarihang Diyos.
Kasama Ka’t napakarami kong nakamit;
madalas akong nasosorpresa.
Ibinigay Mo sa’kin lahat ng pag-ibig Mo;
napakahalaga ng sandaling kasama Ka.
II
Pag-ibig Mo’y pumukaw at gumising sa’kin;
nais kong ibigin Ka’t maging tapat sa’Yo.
Salita Mo’ng humahatol at dumadalisay sa’kin,
inililigtas ako sa impluwensya ni Satanas.
Natamasa’ng pag-ibig Mo;
nabatid ko’ng katotohanan,
labis Kang mahal at ginagalang.
Pasakit at pagpipino’y naglalapit sa’kin sa Iyo,
patotoo’ng alay upang luwalhatiin Ka.
Sumunod sa’Yo hanggang ngayon,
natatamo’ng katotohana’t buhay,
lalong lumiliwanag ang daan.
Nang makita’ng matuwid
at banal Mong disposisyon,
nakilala Kita, Makapangyarihang Diyos.
Sa biyaya Mo ako’y nadalisay at naligtas.
Pa’no Kita pasasalamatan?
Sa pagsasagawa ng salita Mo,
nabubuhay ako sa liwanag,
at dapat lalong magsikap na mahalin Ka.
Sumunod sa’Yo hanggang ngayon,
natatamo’ng katotohana’t buhay,
lalong lumiliwanag ang daan.
Nang makita’ng matuwid
at banal Mong disposisyon,
nakilala Kita, Makapangyarihang Diyos.
Sa biyaya Mo ako’y nadalisay at naligtas.
Pa’no Kita pasasalamatan?
Sa pagsasagawa ng salita Mo,
nabubuhay ako sa liwanag,
at dapat lalong magsikap na mahalin Ka.